Mula sa unang galaw, halata na si Zhao Feng ang mas lamang. Ito ay tunay na nakasisindak para sa isang taong may mas mababang cultivation upang maging mas lamang sa laban.
"May kalamangan si Zhao Feng dahil ang Star Finger at ang kaniyang body strengthening technique…" Bumuntong hininga si Zhao Tiancang at hindi siya nag-abalang itago ang gulat sa kaniyang mukha. Ang kaniyang boses ay masiyadong malakas upang marinig ni Zhao Linlong.
Ang Metal Wall Technique ni Zhao Feng ay umabot na sa fifth level at siya ay mayroong hindi masukat-sukat na kapangyarihan. Pinipigilan niya pa rin ang kaniyang cultivation, kaya naman ang kaniyang Metal Wall Technique ay tila nasa peak pa lamang ng fourth level.
Ang kapangyarihan ng kaniyang Star Finger ay tunay na mas malakas kaysa sa Spatial Cloud Finger ni Zhao Linlong.
"Hindi ako naniniwala!" Humiyaw si Zhao Linlong at muling nilipon ang kaniyang Inner Strength.
Sa maikling oras na iyon, naabot niya na ang kaniyang peak state. Kung ito ay ibang henyo tiyak na sila ay mamamatay.
"Third Stance Star Finger!" Tumalim ang mga mata ni Zhao Feng habang ang isang asul na liwanag ay humawi sa hangin.
Pew--
Humiwa ang kaniyang daliri sa tangin at naging isang asul na liwanag.
Poof! Poof! Pew--
Ang opensa ni Zhao Feng ang paulit-ulit na kumontra kay Zhao Linlong.
Wah!
Sa ikawalong galaw, ang mukha ni Zhao Linlong ay naging puti at siya ay dumura ng maraming dugo. Mula sa sitwasyon, nagmukhang hindi na kaya ni Zhao Linlong na makipagpalitan ng sampung suntok kay Zhao Feng.
"Ito ay ang pangalawang Xin Wuheng." Sina Zhao Han at Zhao Chi ay nagtinginan at tumango.
Ngunit kung pag-iisipan ito, sina Zhao Feng at Xin Wuheng ay parehas na unang pumasok at si Xin Wuheng ang tumanggap ng pagkatalo. Mula rito, makikita nila na ang lakas ni Zhao Feng ay mas mataas kay Xin Wuheng, hindi mas mababa.
"Flowing Wind Stance!" Sa ikasiyam na galaw, ang aura ni Zhao Linlong ay nagbago.
Hu~
Isang makapal na lilang liwanag ang humampas patungo kay Zhao Feng.
Anong klaseng galaw ito?
Naramdaman nila Zhao Chi, Zhao Han at Zhao Yufei ang pagyanig ng kanilang mga puso. Kahit si Zhao Feng, na siyang nakalalamang., ay nakaramdam ng kaba.
"Maaari bang ito ay isang partial Holy martial art?' Hindi kalaunang nabawi ni Zhao Feng ang kaniyang pagkahinahon at naglipon pa ng mas maraming enerhiya sa kaniyang Star Finger.
One Line Star Finger!
Isang asul na liwanag ang nagpakita at dumating ng parang bulalakaw.
"Ano….? Natutunan niya ang One Line Star Finger!?"
"One Line Star Finger! Ang nakamamatay na galaw ng Star Finger. Kung natutunan niya na ito kung ganoon hindi siya masiyadong malayo mula sa fourth level." Ang mga elders ay lubhang nagulat.
Ang Star Finger ay ang kanilang pinakamalakas na skill, subalit ito ay napakahirap ding matutunan sa iisang oras. Mula sa nakaraang isang daang taon, maraming henyo ang sinubukang matutunan ang Star Finger, ngunit ang kanilang resulta ay iisa; Maaaring ang kanilang mga daliri ay nabali o ang bili ng kanilang pagkatuto ay mabagal, kaya't sila ay sumuko na. Ang skill na ito ay hindi lang mahirap, masiyado pang maraming panganib na kabilang dito.
Isang elder mula sa nakababatang henerasyon ang nagsabi na ang Star Finger ay nasa kalahati lamang ng Holy martial art level, subalit ito ay masiyadong mapanganib. Ngunit sa henerasyon na ito, ang isang sangay na disipulo ay nagawang matutunan ang Star Finger.
Pew...
Ang One Line Star Finger ay humiwa sa hangin at wumarak sa Flowing Wind Stance ni Zhao Linlong. Ang anyo ni Zhao Linlong ay nangatog habang kaniyang manggas ay napunit.
"Natalo ka!" Tumigil ang daliri ni Zhao Feng sa arm nerve ni Linlong.
Ang Star Finger ay mayroong maraming skills sa loob nito, kabilang na ang pagtira sa mga nerve points.
Natalo ako?
Nagulat si Zhao Linlong. Hindi dahil hindi niya na isip na siya ay matatalo, ngunit ito ay dahil ang diperensya sa pagitan nilang dalawa ay masiyadong malaki. Naisip niya kung gaano kaisip bata na hindi niya bigyang pansin si Zhao Feng.
"Hindi masama, kaya mo ng kontrolin ang iyong Inner Strength sa perpektong paraan" pagpupuri ni Ye Linyun.
Natagpuan niyang mas lalo niyang nagustuhan si Zhao Feng pagtapos ng laban na ito. Ang paghamon sa mas matataas na ranks ay mas madalang sa Province City. Dagdag pa rito, tila ba hindi pa masiyadong nagsusumikap si Zhao Feng. Sila Zhao Tiancang at ang kaniyang tauhan ay nagtinginan sa isa't isa at huminga ng malalim.
Madali nilang nahahalata ang One Line Star Finger ni Zhao Feng ay kayang sirain ng braso ni Zhao Linlong, ngunit hindi niya ito ginawa. Ang laban sa pagitan ng dalawang henyong top tier ng Sun Feather City ay natapos na dito. Tumingin si Ye Linyun kay Zhao Feng, sunod kay Zhao Yufei, at siya ay mukhang natutuwa.
Bagama't nalampasan niya ang henyo ng pamilya ng Xin, nakakuha siya ng dalawa galing sa pamilya ng Zhao. Ang pagpapakitang gilas ni Zhao Feng ay lumagpas sa kaniyang mga inaasahan.
"Umalis na kayong dalawa at ihanda ang inyong mga gamit, Sa loob ng tatlong araw, aalis na tayo patungo sa Province City," sinabi ni Ye Linyun sa dalawa.
Shua!
Naging anino si Ye Linyun. Sa sumunod na segundo, siya ay nawala.
Napaka bilis!
Kung hindi niya gagamitin ang kaniyang kaliwang mata, hindi man lamang makikita ni Zhao Feng ang kaniyang anino. Kung aatake si Ye Linyun, wala man lamang makakahindi sa lider ng sect at sa mga elders.
Ito ba ang kapangyarihan ng ninth rank? Kung ganoon, gaano kalakas ang Lord Guanjun? Hindi mapigilan ni Zhao Feng huminga ng malalim.
"Lider ng sect, mayroon pang tatlong araw na natitira. Kailangan kong bumalik sa Green Leaf Village." Ang mga mata ni Zhao Feng ay tumutok kay Zhao Tiancang.
Sila ay nasa ilalim pa rin ng confinement orders mula sa pamilya.
"Umalis ka na."
Bagama't si Zhao Tiancang ang pinuno ng sect, pakiramdam niya wala siyang kuwenta. Tila ba hinigop ng salita ang lahat ng kaniyang enerhiya. Ngayon si Zhao Feng ay isa na sa mga tauhan ng Guanjun Palace, wala siyang lakas ng loob upang pakialaman siya.
"Ngunit sana ay mabigyan mo ng sagot ang pagkamatay ni Zhao Tiancang. Mula sa Star Finger na iyong ginamit, mayroon kang abilidad na patayin sila." Kumislap ang mga mata ni Zhao Tiancang.
Sa pagkakataong ito, nais lamang niya ng sagot. Kahit ang sagot ni Zhao Feng ay tungkol sa pagsali niya sa pamilya ng Qiu, wala silang magagawa sakaniya.
"Totoo ngang pinatay ko si Zhao Tianjian, ngunit hindi ako nagtraydor sa pamilya ng Zhao," tumawa si Zhao Feng.
"Ikaw pala iyon…"
Nakataan, sila ay naghihinala lang at hindi talaga sila naniniwalang may abilidad si Zhao Feng upang patayin ang dalawa.
"Isa pang punto. Ang tunay na kumampi sa pamilya ng Qiu ay hindi ako... Kung nais mong malaman ang sagot, umalis ka at maghanap ng impormasyon mula sa lugat ni Zhao Tianjian…" Iniwan ni Zhao Feng ang pangungusap na ito at umalis sa kuwarto.
Maaari bang... ?
Nakita ang pagkakaintindi sa kanilang mga mukha.
***********************
Sa parehas na araw na iyon...
Ang mataas na level ng sect ay mabilis na nagpadala ng mga tao upang palbutan ang pamilya ni Zhao Tianjian, kabilang si Zhao Yijian.
Hindi alam ni Zhao Yijian kung ano ang nangyari, ngunit mayroon silang nahanap na mga patunay sa loob ng pamilya na sila ay konektado sa pamilya ng Qiu. Sa wakas ang katotohanan ay natagpuan. Ang matataas na levels ng sect ay napagtanto na ang kanilang hindi patas na pagtrato kay Zhao Feng. Kadalasan, hindi nila ito bibigyang pansin, ngunit ngayon iba na. Si Zhao Feng ay napili ng Guanjun Palace at siya ay mayroong walang hanggang kinabukasan, ang kaniyang kinabukasan ang sumisiguro sa kinabukasan ng pamilya ng Zhao.
Kaya naman, inutos ng lider ng sect upang pumunta si Elder Zhao at pagaanin ang loob ni Zhao Feng.
"Hahahaha...Ang sarap sa pakiramdam makita ang mga ekpresyon sa kanilang mga mukha." Hindi nakaramdam ng awa si Elder Zhao sa kanila, at sa halip siya ay masaya.
"Oo nga pala, ang mga nasa mataas na levels ay napagdesisyunang buksan ang ikatlong palapag ng Martial Arts Library para sa'yo." Naglabas muli siya ng panibagong balita.
Ikatlong palapag ng Martial Arts Library? Isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Zhao Feng. Ito ang resulta na kaniyang inaasahan.
Sa pangalawang araw, tatlong elders kabilang si Elder Zhao ay nagpunta sa ikatlong palapag. Ang ikatlong palapag ay isang napaka misteryosong lugar. Hindi makakayang buksan ito ng isang elder. Mayroong patakaran sa isang sect, na dapat ang tatlong elders ay sabay-sabay na papayag buksan ito. Isang madilim na berdeng batong pinto ang daanan patungo sa ikatlong palapag.
Weng~
Ang batong pinto ay humimig na tila ba mayroong tiyak na mekanismong bumukas, at ang pinto ay ngumanga. Mabilis na pumasok sa loob si Zhao Feng at natagpuan ang kaniyang sarili sa isang batong kuwarto. Sa pader, mayroong mga kakaibang litratong nakaukit. Ang ilan ay gumagalaw, samatalang ang ilang lugar naman ay malabo. Sa ilalim ng pinagsama-samang kapangyarihan ng tatlong Martial Masters, ang mga litrato ay tila nabuhay.
Flowing Wind Stance! Tornado Stance! Partial Wind Stance! Burning Wind Stance…
Ang bawat litrato ay may ibang katayuan, ngunit dahil sa kanilang edad, ang mga litrato ay hindi ganoon kalinaw. Naramdaman ni Zhao Feng na kahit na mayroong kapangyarihan ng tatlong Martial Masters, hindi pa rin ito sapat upang tuluyang ma-activate ang mga litrato.
"Ang serye ng mga litrato ay pinagsasama-sama upang makakumpleto ng isang Holy martial art, ngunit ang pader ay parang malabo at walang masiyadong kapangyarihan upang tuluyang i-activate ito." Mabilis na pinagmasdan ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang mga litrato.
"Zhao Feng, maaari lamang natin ipagpatuloy ito hanggang tatlumpu pang paghinga. Kung mayroon kang makukuha mula rito, nakasasalay na lahat iyon sa'yo." Rinig ang boses ni Elder Zhao mula sa labas.
Tatlumpung paghinga! Nanikip ang dibdib ni Zhao Feng.
Shua!
Dali-dali, tinulak niya ang kaniyang kaliwang mata hanggang sa limitasyon nito at napunta sa enhanced-vision mode. Sa ilalim ng kapangyarihan nito, ang mga litrato sa batong pader ay mas naging malinaw.
"Copy!" Nagbuga ng salita si Zhao Feng at isa sa mga litrato ay nahigop papunta sa dimensyon ng loob ng kaniyang kaliwang mata.