Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 57 - Ikaapat na Lebel ng Star Finger

Chapter 57 - Ikaapat na Lebel ng Star Finger

Metal Wall Rebound!

Ang biglang pagbabago ay nakapagpagulat sa matandaang nakasuot ng kulay abo. Ang metal wall technique ay hindi ganoon kasikat kumpara sa ibang body strengthening techniques, sapagkat halos lahat ng cultivators ay kaya lamang itong sanayin hanggang sa ikaapat na lebel.

Ngunit, nahasa ito ni Zhao Feng hanggang sa ikalimang lebel. Ang ikalimang lebel ng Metal Wall Technique ay hindi lamang nagpapataas ng kanyang depensa, kundi may tinatawag itong rebound effect. Kung nasa isang kaguluhan siya, magagamit agad ni Zhao Feng ang atake na ito para mabilisang maibalik ang atake ng mga cultivators na nasa ikaapat at ikalimang antas upang masaktan sila.

Hindi kailanman inisip ng lalaki na hindi pa katandaan na may ganito palang atake si Zhao Feng. Ang malakas na pangangatawan ni Zhao Feng ay napigilan ang kanyang atake at naibalik sa kanya pero mabuti na lang at kaunti lang ang idinulot nitong pinsala sa kanya.

Star Finger!

Ginamit ni Zhao Feng ang pinakamalakas niyang atake habang nakatulala ang kalaban.

Shua—

Isang mapusyaw na berdeng liwanag ang nagpakita at humati sa katawan ng lalaki.

Plop!

Isa na namang cultivator na nasa ikaanim na antas ang nalagutan ng buhay. Hindi makapaniwalang ekspresyon at pagkagulat ang makikita sa mukha ng matandang nakasuot ng kulay damit na abo habang tinitignan niya ang nagaganap mula sa malayo.

Lightly Floating Ferry!

Hindi man lang nag-alangan is Zhao Feng na gamitin ang kanyang speed skill upang mabilis na makarating sa pinakaharap na tarangkahan ng Zhao family. Sa pagkakataon iyon, tatlong kilometro na lamang ang layo niya mula dito at gamit ang bilis niya, mararating niya agad ito sa ilang sandali na lamang.

"Sutil! Saan ka pupunta…!" bulalas ng matandang nakasuot ng kulay abong damit habang nagiging malabo ang kanyang anino sa paghabol kay Zhao Feng sa mas mabilis pa na paraan.

Kahit napakataas na sobra ng speed skill ni Zhao Feng, ang taong humahabol sa kanya ay isang Martial Master. Ang Martial Path ay nahahati sa siyam na antas, bawat isa ay may tatlo ring antas na higit ang kaibahan sa iba. Martial Artists ang tawag sa mga cultivators na nasa ikaapat hanggang ikaanim na antas samantalang Martial Masters naman ang tawag sa mga nasa ikapito hanggang ikawalo.

Ang kaibahan ng dalawa ay halos gaya ng isang bangin.

Pinadaloy ni Zhao Feng ang Lightly Floating Ferry nang buong pwersa, pero ramdam niya pa rin na ang hangin na nasa likod niya ay papalapit nang papalapit.

Napakabilis!

Natantsa ni Zhao Feng na ang bilis ng kalaban ay doble pa ng kanya. Pagkatapos ng labinlimang hininga, ang matandang nakasuot ng kulay abong damit ay sampung metro na lamang ang layo sa kanya. Huminga siya nang malalim at saka sinubukan namang ipwersa sa limit ang Air Crossing Breathing Technique. Sa sitwasyon iyon, ang bilis ni Zhao Feng ay higit pa ng sampung porsyento kaysa sa kanyang normal. Kaunti na lamang at maaabot na rin ng Lightly Floating Ferry ang pagiging perpekto.

"Dapat siyang patayin!" Nakaramdam ng takot ang matanda nang makita ang potensyal ni Zhao Feng.

Kung isang henyo na gaya niya ang mabubuhay, malamang siya ang magiging pinakamalakas na tao sa loob lamang ng sampung taon sa Sun Feather City.

Malapit! Papalapit na ito nang papalapit..

Dalawang kilometro na lamang ang layo ni Zhao Feng mula sa tarangkahan. Pero kasabay noon, palapit nang palapit ang nakakulay abong damit na matanda.

"Mamatay ka na!"

Naglabas ang matandang nakasuot ng abong damit ng isang atake mula sa kanyang palad na lumiwanag gaya ng ginto. Nang gawin niya ito, isang alon ng hangin ang umatake kay Zhao Feng. Bilang isang Martial Master, hindi na niya kailangan pang lumapit para makipaglaban kundi umaatake siya gamit ang hangin.

Puuu!

Tinamaan ng alon ng hangin si Zhao Feng.

"Lightly Floating Spatial Ferry!" Biglang tumalon si Zhao Feng.

Teng!

Muli siyang tumalon at ginamit ang hangin bilang pampapwersa.

"Ano?!" Ang lalaking nakaabo ay nadismaya nang malaman ito.

Takbo!

Nagsimulang sumigaw si Zhao Feng, umaasa siyang maaakit niya ang intensyon ng lahat.

"Mamatay ka na! Double-jumping…kayang-kaya ko rin 'yan!" nagdouble-jump rin ang matandang nakasuot ng kulay abong damit patungo sa kanya. Bilang isa sa mga elders ng Qiu family, natural para sa kanya ang magkaroon ng oportunidad na mapag-aralan ang mga peak rank skills, at paniguradong nahasa niya na ito sa mataas na lebel.

Teng! Teng!

Pero hindi rin naman si Zhao Feng ang tipo ng taong hihintayin na lamang ang kanyang kamatayan sa napakahalagang okasyon, kung kaya't nagtriple jump siya. Sa paraang ito, mas lalong napalapit sila sa isa't isa. Ang dalawang anyo ay nakarating sa lupa sa halos parehas na oras.

"Cloud Slash Palm!"

Muling umatake ang matanda, ang enerhiyang lumabas sa kanya na nasa porma ng shockwave ay kayang pumatay agad ng mga cultivators na nasa ikalimang antas.

Poof!

Ginamit agad ni Zhao Feng ang Metal Wall Technique upang salagin ito, pero kahit pa, napinsala pa rin siya nito. Kung ibang tao ito na nasa ikaanim na antas, paniguradong napulbos na ang taong iyon. Ang mga atake ng Martial Masters nasa nasa ikapitong antas ay humihina sa tuwing naglalabas sila ng kapangyarihan. Pero kung maaabot na niya ang ikawalong antas, ang kanyang malalayong atake ay magiging kasinglakas ng kanyang malapitang mga pinsala. Ayon pa sa mga alamat, kung maaabot ng isang tao ang ikasiyam na antas, mas magiging malakas ang kanyang mga mula sa distansiyang atake kaysa sa mga malapitan.

Maswerte pa rin siya sapagkat ang matanda ay nasa ikapitong antas lamang at hindi pangwalo. Matapos tumanggap ni Zhao Feng ng isa pang atake ulit, ginamit niya ang aftershock na ito para mapalapit pa sa kinaroroonan ng matanda.

"Cloud Opening the Mountains!"

Sa pagkakataong iyon, naglabas ng isang napakalakas at nakakapinsalang palm attack ang matanda patungo kay Zhao Feng. Hindi maaaring iwasan ang atakeng ito. Kung ibang tao ito na nasa ikaanim na antas sa loob ng Sun Feather City, kalahati na ng kanilang buhay ang nawala, kung hindi natuluyan. Dahil sa nararamdamang panggigipit, ang mga mata ni Zhao Feng ay lumakas hanggang sa limit. Sa kanyang mga mata, ang galawa ng matanda ay pabagal nang pabagal, kahit ang mga pagbabago sa kanyang katawan ay nakikita ni Zhao Feng.

Kahit ang mga maliliit niyang kahinaan ay nakikita rin niya.

Mysterious Wind Palm!

Sa kritikal na pagkakataong iyon, gumamit si Zhao Feng ng isang kakaibang atake.

Hu~

Biglaan na lamang nagbigay ng aura si Zhao Feng ng One with the Heavens. Noong rin ay muling nakita niya ang senaryo ng isang babae na ginagamit ang atakeng ito sa madilim na bahagi ng kanyang kaliwang mata. Ang katotohanang nagaya niya ang One with the Heavens aura ni Xin Wuheng ay nagbigay sa kanya ng mga ideya kung paano gawin ang palm attack na ito.

Anong atake ito? Naramdaman ng matanda na natural lang naman ang palm attack na ito pero bakit ganoon, may hindi siya maunawaan.

Mysterious Wind Palm!

Tumalon si Zhao Feng sa hangin at isang asul na liwanag ang nabuo sa kanyang palad nang umatake siya. Mukhang nagmula talaga sa kapaligiran ang atakeng ito.

Cloud Opening the Mountains!

Ang dalawang atake ay nagtama nang buong pwersa.

Peng!

Isang malaking butas ang naiwan sa kung saan nagtama ang dalawang atake. Nakaramdam si Zhao Feng ng hindi inaaasahang daloy ng hindi makontrol at napakalakas na chi sa kanyang katawan, kahit ang ikalimang lebel ng Metal Wall Technique ay hindi ito napigilan. Ang kanilang pagkakaiba ay nasa kanilang cultivation level.

Wah!

Nagsuka ng dugo si Zhao Feng, pero ginamit niya pa rin ang natitirang lakas para pilitin ang sarili.

"Paano…?" Namutla ang matanda nang tumulo rin ang dugo mula sa kanyang bibig. Kung may manonood, talaga magugulantang ito, dahil ang isang Martial Master na nasa ikapitong antas ay nasaktan ng isang kabataan na nasa ikaanim pa lamang na antas.

Sa aspeto ng kapangyarihan, ang palm attack ni Zhao Feng ay hindi pa nalalagpasan ang Star Finger, pero ang lalim ng skill na ito ay nakakahigit pa sa limit ng mga peak ranked martial arts.

Ang Mysterious Wind Palm ni Zhao Feng ay nahigitan na ang atake ng matanda sa aspeto ng kasidhian nito. Isa ito sa kanyang mga kinaangat. Bukod pa roon, ang Metal Wall Technique ni Zhao Feng ay nasa ikalimang lebel na, kung kaya't higit na mas mataas ang kanyang depensa. Pinakahuli, malaki na ang pinsala sa matanda nang labanan nito ang pilak na anyo, at mula roon nakita niya na ang kinalalagyan ng mga sugat at doon inatake ang kalaban.

Sa madaling salita, sugatan na talaga ang matanda at kapag hindi siya nagpahinga o nagpagaling, malaki ang kanyang tsansa na mamatay.

"Hahaha.. Magkikita tayo mamaya!" Tumawa si Zhao Feng habang nagmamadaling pumunta sa tarangkahan. Mula sa maputlang mukha, nagngitngit lamang ang ngipin ng matanda habang tinititigan si Zhao Feng tumakbo palayo. Habang papalapit nang papalapit si Zhao Feng sa tarangkahan, nakita niyang naglaho na lang bigla ang matandang nakasuot ng kulay abong damit.

Hu~

Nagpakawala ng hininga si Zhao Feng, at saka uminom ng medicine pills para pagalingin ang sarili.

*********************

Sa kanyang kwarto…

Umupo si Zhao Feng nang magkasalubong ang paa habang nagpapahilom ng mga sugat.

"Kailangan ko pa ng sampu hanggang labinlimang araw bago tuluyang gumaling. Pero ang matandang iyon ng Qiu family ay mas higit na nasugatan…" bulong ni Zhao Feng sa kanyang sarili nang may pagkagiliw.

May karapatan naman siyang ipagmalaki ito, nakatakas siya sa isang Martial Master at lubhang nasaktan niya pa ito, pero alam ni Zhao Feng na kaya lamang iyon nangyari sapagkat sugatan na talaga ang matanda at natamaan ng Mysterious Wind Palm ang mga kritikal o napinsalaaang parte ng katawan ng matanda.

Sa mga sumunod na araw, nanatili lamang si Zhao Feng sa kanyang tahanan at nagpagaling. Habang ginagawa niya ito, hindi niya nahahasa ang kanyang mga skills na Metal Wall Technique at Star Finger, kung kaya't ginamit niya ang kanyang oras para kumuha ng mga ideya sa dalawang magkaibang senaryo.

Ang dalawang senaryo na ito ay ang babae sa kanyon, at ang isa pa ay si Xin Wuheng. Mas madaling intindihin ang atakeng ginagawa ni Xin Wuheng kung kaya sa loob lamang ng dalawang araw ay natutunan niya na agad ito. Pagkatapos, biglang nakakuha ng mga ideya si Zhao Feng tungkol sa Mysterious Wind Palm at Star Finger. Kahit isang galaw lang naman ang Mysterious Wind Palm, napakahirap nitong sanayin. Kaya napakabagal ng progreso niya rito.

Kailangan munang magpokus ni Zhao Feng na kumuha ng mga kaalaman sa Start Finger sapagkat mas madali ito kaysa sa Mysterious Wind Palm. Ang katotohanang natutunan niya na ang kilos ni Xin Wuheng ay lalong mas madali niyang maintindihan. Mabagal pero sigurado, ang enlightenment ng Star Finger ni Zhao Feng ay nakaabot na ng ikaapat na lebel.

Sa mga unang araw, hindi siya makapagsanay dahil sa mga tinamong pinsala, pero nang gumaling na siya nang halos pitumpong porsyento, kaya na niyang magcultivate muli.

Shua! Shua…

Nahahati ang lahat ng bagay na tinatamaan ng atake mula sa dulo ng kanyang daliri, at ang kanyang Inner Strength ay lalong natasa. Simula nang matutunan niya ang galaw ni Xin Wuheng, ang Star Finger ni Zhao Feng ay lumakas nang eksponensyal.

Shooo—

Isang bigla, isang mapusyaw na kulay asul na liwanag ang lumabas mula sa dulo ng daliri ni Zhao Feng.

Pew!

Isang maliit na butas ang makikita sa pader.

Sa wakas, napagtagumpayan niya rin ang Spatial Star Finger!