Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 63 - Matagumpay na Pagbalik

Chapter 63 - Matagumpay na Pagbalik

Isang larawan ang lumabas sa dimensyon ng kaliwa niyang mata. Kinopya niya ang larawan sa kanyang isip at kahit hindi ito isang ganap na Holy martial art, nalagpasan pa rin nito ang mga martial art na may mataas na antas.

Flowing Wind Stance!

Nakita ni Zhao Feng ang pangalan sa ilalim ng larawan. Ito ang eksaktong ginamit ni Zhao Linlong dati, pero nahawakan lamang niya ang gilid nito. Ang itsura ng ikalawang larawan ay mas magulo kaysa sa una.

Ang ikalawang stance, Tornado!

Nagtagumpay si Zhao Feng na kopyahin ang larawan sa isip niya, ngunit naramdaman ang buhos ng matinding pagod. Sa mas magulong larawan na kanyan kopyahin, mas maraming mental na enerhiya ang katumbas nito.

Ang ikatlong stance, Partial Wind Stance!

Nagngalit ang ngipin ni Zhao Feng at pinilit na kopyahin ang larawan sa isip niya. Mas magulo ang isang ito kaysa sa una at ngayon, mas nakaramdam siya ng pagod.

Pinagpawisan nang malamig ang noo ni Zhao Feng, sa natitira niyang enerhiya, halatang hindi na niya kayang kopyahin ang ika-apat na larawan.

_Hu!_

Huminga siya nang malalim at ipinikit ang kanyang mga mata. Matapos ay pinaikot niya ang Air Crossing Breathing Technique para manumbalik ang kanyang lakas. Sa labas ng silid, tatlumpung hininga lamang ang kayang ng ibigay ng tatlong elder, at nauubos ang oras sa bawat sandali.

Sampung hininga... labinlimang hininga... dalawampung hininga...

Ang oras na mayroon siya ay malapit nang maubos.

Dalawampu't limang hininga... dalawampu't anim na hininga... dalawampu't pitong hininga...

Mas bumilis na ang paghinga ni Zhao Feng. Ngayon, unti-unti nang nawawala ang kanyang pagod.

Sa huling dalawang hininga...

Burning Wind Slice!

Biglang bumukas ang kaliwang mata ni Zhao Feng at may lumabas na mahinang berdeng liwanag dito habang pinipilit na kopyahin ang ikaapat na larawan.

_Hong..._

Sa sumunod na sandali, naramdaman niyang napuno ng pader ng apoy ang kanyang kamalayan. Mukhang sisirain ng magulo't nag-aapoy na hangin ang kahit ano at lahat ng madaanan nito.

"Hanggang sa limitasyon lang ba ng cultivators ang kapangyarihang ito?"

Naramdaman ni Zhao Feng na natuyo ang kanyang bibig, at parang natuyo ang lahat ng tubig sa kanyang katawan.

_Shua!_

Ang ikaapat na larawan ay napunta sa kanyang kaliwang mata.

_Tapos na!_

Pagod na napaupo si Zhao Feng. Sa halos kasabay na sandali, nakuha ng tatlong elder sa labas ang kanilang Inner Strength.

_Weng!_

Tumigil sa paggalaw ang mga larawan sa pader. Tila mga ordinaryong mga larawan lamang ang mga ito. "Gaano karaming kaisipan ang nakuha mo?" tanong ng tatlong elder sa labas.

_Kaisipan?_

Napaurong si Zhao Feng; hindi talaga siya nakakuha ng kahit anong kaisipan galing sa ikatlong palapag.

"Ayos lang. Malabo naman ang mga larawang ito at karamihan sa mga magaling na nanggaling sa loob ay halos wala namang nakuha," pag-alo ni Elder Zhao sa kanya.

Wala silang naramdamang kakaiba nang walang nakuhang kahit anong kaisipan si Zhao Feng.

"Oo, at kung nagawa mo man, ang konting nakuha mo ay hindi pa rin ma lalampasan ang martial art na may mataas na antas," isa sa mga elder ang tumango bilang pagsang-ayon.

Hindi nagbukas ang ikatlong palapag para sa dalawang dahilan: Una, kailangan nito ang kapangayarihan ng tatlong elder nang sabay at kaya lamang nila magbigay ng tatlumpung hininga. Ikalawa, ang Holy martial art ay masyadong malabo at kaunti lamang ang nakuhang kaisipan.

Masyadong konti para sa kahit na sino ang tatlumpung hininga para buong makuha ng kahit ano.

"Salamat, mga elder, para sa inyong ginawa," walang mababakas na pagkadismaya kay Zhao Feng.

Oo, totoong wala siyang nakuha sa loob ng tatlumpung hininga, pero nakopya naman niya ang apat na larawan sa kanyang isip.

*******************

_Pagbalik sa tahanan..._

Pumikit si Zhao Feng at pinagtuunan ang pagbalik ng kanyang mental na enerhiya. Nang nasa pinakamataas na antas na ang kanyang mental na enerhiya, nag-umpisa na siyang suriin ang apat na bahagyang Holy martial art skills.

Hindi ganap na Holy martial arts ang apat, dahil may mag nawawala itong parte at malabo rin. Pero, naramdaman ni Zhao Feng na hindi gaanong mahirap ang mga skills na ito.

Ang una at ikalawang mga stance ay mas madali kaysa sa kanyang Mysterious Wind Palm at ang ikatlong stance ay kapantay nito.

Ang ika-apat na stance ay may kagustuhang sirain ang lahat. Kahit na hindi ito ganap, nalampasan pa rin nito ang hangganan ng katawan ng tao...

**********

Kinalaunan...

Huminga nang matagal si Zhao Feng at umiling. Ang unang galaw lang ang ganap niyang naintindihan, ang Flowing Wind Stance, pero ang ganap na pag-intindi sa skill na ito ay wala namang masyadong epekto sa kabuuan ng kanyang lakas; ni hindi nga ito katumbas ng pagkatuto ng martial art na may mataas na antas.

Ito ay dahil ang unang galaw, Flowing Wind Stance, ay skill na pangsuporta, at hindi pang-atake o pangprotektang skill.

Dahil dito, hindi ito masyadong inintindi ni Zhao Feng. Kahit iniisip niyang baka wala pang silbi itong apat na skills sa kanya ngayon, magagamit niya ito sa hinaharap.

*********************

Kinaumagahan ng ikalawang araw, kasama ang kanyang magulang, bumalik si Zhao Feng sa Green Leaf Village.

"Sa isang kisapmata, nasa pangunahing sangay ako nang halos isang taon."

Hindi maiwasan ni Zhai Feng na maalala na unang antas na cultivator lamang siya nang siya'y makapasok. Sa loob ng isang taon, malaki ang kanyang nalampasan at narating ang ika-anim na antas.

"Sa iyong paglilinang at edad, wala sa Green Leaf Village ang makakatalo sa'yo," sabi ni Zhao Tianyang, kanyang ama.

Ipinagmamalaki siya ng kanyang magulang. Ang pinuno ng sangay na sekta ay si Zhao Kayuan, isang matandang lalaking naakaabot sa ika-apat na antas. Kaiba sa kanya, ang pinakamalalakas na residente ay mga ikatlong antas.

Nang mabalitaan nila ang pagbabalik ni Zhao Feng, ang pinuno ng pamilya ay personal na pumunta para batiin siya. Dati, isa sa pinakamagaling si Zhao Feng sa Green Leaf Village. Ngayon, bumalik siyang tila tagapagligtas.

Kinalaunan, naglakad sila papunta sa pavilion ng sangay na sekta. Malayo ang gusaling ito sa naging pangunahing sekta. May mga butas ito kung saan-saan dahil sa kalumaan.

"Feng'er, hindi ko inaasahan ang mga nagawa mo ngayon," hindi maiwasang pagsigaw ni Zhao Kayuan.

Sa loob ng maikling isang taon, naabot ni Zhao Feng ang ikalimang antas at naging pinakamalakas sa sangay na sekta. Hindi ito inaasahan ng lahat. Kadalasan, pinababalik ang mga youth na pinadadala ng sanagay na sekta. Sa totoo lang, hindi masyadong umasa sa kanila ang mga elder ng sangay na sekta.

Nagulat nang kaunti si Zhao Feng nang malaman ang totoo. Kahit ang mga elder ng Green Leaf Village ay hindi inasahang mapapabilang siya sa mga pinakamagaling sa pangunahing sekta; naghanda pa nga sila

Habang nag-uusap ang mga tao, may mga sigaw na nanggaling sa labas ng pangunahing gate.

"Anong nangyari?" kumulubot ang kilay ni Zhao Feng at tumigil ang pag-uusap sa silid.

"Pinuno ng sekta, nanggugulo na naman ang kalalakihan mula sa pamilya ng Liu!" Ilang mga youth na may mga pasa sa mukha ang nagmamadaling pumasok.

"Nakakatawa!" Tumayo ang pinuno ng pamilya na si Zhao Kayuan.

"Pamilya ng Liu?" Nagliwanag ang mata ni Zhao Feng.

Ipinanganak siya sa Green Leaf Village, kaya pamilyar siya sa pamilya ng Liu. Nitong mga huling henerasyon, mabilis na bumangon at lumago ang lakas ng pamilyang Liu, at naging pinakamalaking pangkatin sa Green Leaf Village.

Kahit hindi maikukumpara ang Green Leaf Village sa Sun Feather City, ang mga Liu ay hindi maaaring balewalain. N aalala ni Zhao Feng ang mga tsismis tungkol sa dalawa hanggang tatlong cultivators ng ikalimang antas sa pamilya ng Liu.

"Sa nagdaang taon na kinuha ng pamilya ng Liu ang pag-aari ng maraming pamilya, at ngayon gusto pa nilang bilhin ang mina natin sa halagang tatlong libong piraso ng pilak," galit na sinabi ni Zhao Feng.

"Hehe, may ibubuga ang pamilya ng Liu!" tumawa nang pilit si Zhao Feng pagkatapos ay lumabas.

"Feng'er, huwag ka magmadali. May cultivator ng ng ika-anim na antas ang pamilya ng Liu..." Sinubukan siyang pigilan ng pinuno ng sekta. Malakas si Zhao Feng, isa lang siyang tao. Paano niya malalabanan ang pamilya ng Liu?

Ang pamilya ng Liu lamang ang may mga Martial Artists. Dalawa ang nakaaabot sa ikalimang antas at ngayon isa ang sa ika-anim!

Angry Dragon Fist!

Sa labas ng gate sinuntok ni Zhao Feng ang isang cultivators galing sa pamilya ng Liu.

"Ikalimang antas ang lalaking ito. Sabay sabay umatake!" sigaw ng pinuno. Sumugod agad ang grupo papunta kay Zhao Feng.

"Dali! Tulungan si Feng'er!" sigaw nila Zhao Tianyang at Zhao Kayuan.

Nauwi sa gulo ang pangyayari.

"Hayaan niyo akong lumaban nang mag-isa," sigaw ni Zhao Feng mula sa lupon ng mga tao.

_Boom boom boom..._

Pinalipad niya ang mga cultivators ng pamilya ng Liu gamit ang binti. Hinarap ni Zhao Feng nang mag-isa ang lupon ng mga tao. Kahit sinong lumapit sa kanya ay nababali ang buto.

Mabilis na nawala si Zhao Feng at pinabagsak ang pinuno.

"Ahhh..."

"Young master! Patawarin mo kami!"

Ang grupo ay natalo ng isang tao lamang. Sa kabila ng mga sigaw at alikabok, ang anyong iyon ay mukhang gwapo at matangkad.

"Hahaha..."

Natawa ang mga tao sa sangay na sekta ng Zhao. Umiling si Zhao Feng, mahina lang talaga sila.

"Siguradong babalik ang pamilya ng Liu para gumanti. Hindi ba tayo magpapalakas muna?" Zhao Kayuan na mukhang nag-aalala.

"Nais ng pamilya ng Liu ang lahat ng pinakamalakas ng pangkatin sa Green Leaf Village, at sampung beses itong mas malakas kaysa sa sangay ng pamilya ng Zhao.

_Ipaglaban?_

Walang bahalang sinabi ni Zhao Feng, "Bakit kailangan pa nating makipaglaban? Bakit hindi na lang tayo pumunta sa kanila?"