Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 61 - Ang Hamon ni Zhao Linlong.

Chapter 61 - Ang Hamon ni Zhao Linlong.

Hindi na masama.

Mula pa lamang sa kaniyang kaliwang mata, binigyan na ng ganitong pagsusuri ni Master Ye si Zhao Feng.

Bakit!?

Nilamon ng galit ang puso ni Zhao Linlong. Ang kaniyang cultivation ang pinakamataas at ang kaniyang pagpapakitang gilas ay nakakuha lamang ng 'puwede na'. Wala man lamang ginawa ni Zhao Feng at siya ay nakakuha ng 'hindi masama.'

"Zhao Feng! Ito si Master Ye mula sa Guanjun Province at siya ang nagre-representa ng Guanjun Palace upang pumunta dito upang mamili ng isang henyong galing sa sect ng Zhao. Kailangan mong magpakitang gilas, ito ang pagkakataon mo upang bawiin ang iyong mga kasalanan," si Zhao Tiancang, ang pinuno ng sect ay naglabas ng pilit na ngiti, ngunit ang kaniyang boses ay tila walang dating.

Pagsisihan ang aking mga kasalanan? Malamig na tumawa lamang si Zhao Feng sa kaniyang loob-loob, ngunit hindi siya nagbigay oras upang magpaliwanag.

"Nakikita ng isang ito si Master Ye," magalang na yumukod si Zhao Feng.

"En." Tumango si Master Ye at sinenyasan siya upang magsimula nang magpakitang gilas.

Sa ilalim ng mga mata ng lahat, huminga ng malalim si Zhao Feng upang pakalmahin ang kaniyang sarili. Nalampasan niya ang iba sa kaniyang tuwid na itsura, kahit si Zhao Linlong o si Zhao Yufei ay hindi maikukumpara sakaniya. Kahit si Zhao Feng ay hindi napagtanto na isang kakaibang aura ang nanggaling si kaniyang kaliwang mata papunta sa kaniyang katawan at sa kritikal na pagkakataon na iyon, siya ay mananatiling kalmado. Mayroong surpresa sa mga mata ni Master Ye nang mapagtanto niya na ang batang ito ay hindi simple.

Flaming Metal Fist!

Ang unang suntok ni Zhao Feng ay ang kaniyang pinaka pamilyar na skill. Isang Core ranked martial art? Ang mga henyo at ang mga elders na naroroon ay nagulat. Ang core ranked fist skill ni Zhao Feng ay nakalampas na sa perpeksyon at nalagpasan din ang orihinal na skill.

"Hindi na masama." Muli ulit tumango si Master Ye.

Nagpatuloy sa pagsuntok si Zhao Feng at walang kamalay-malay, sinanib niya ang aura ng One with the Heavens dito.

Hu~

Ang simpleng suntok ni Zhao Feng ay tila mayroong naglalagab-lagab na dragon. Sa oras na lumabas ang kamao, tila nilagay niya ang lahat ng kaniyang kapangyarihan sa isang punto sa perpektong paraan.

"Core ranked martial art. Hindi isang simpleng bagay na sanayin ito sa ganitong level."

Tumango ang mga elders, subalit hindi nila ito nilagay sa kanilang mga puso. Kahit gaano man ka-espesyal ito, ito pa rin ay isang core ranked martial art at hindi ito maikukumpara sa peak ranked martial arts. Puno ng pagkamuhi si Zhao Linlong.

"Magaling!" Isang boses na puno ng kaligayahan ang bumanda sa kuwarto.

Gulat at kagalakan ang lumiwanag sa mga mata ni Master Ye. Ang boses ay nanggaling sa kaniya.

Magaling?

Sina Zhao Tiancang at Zhao Linlong ay halos mamatay nasa pagkalunod sa kanilang sariling paghinga. Tila nakakita sila ng isang multo. Ang mga pagsusuri kanina ay nagdulot upang maintindihan nila kung gaano kahirap para sa kaniya ang magbigay ng isang magandang pagsusuri.

Core ranked martial art pu*a paano ito naging posible!? Halos sumabog na si Zhao Linlong.

Sa kanilang level, hindi nila makita kung ano ang espesyal tungkol sa core ranked fist skill ni Zhao Feng.

"Hahahaha...Mukhang ikaw ang henyong kailangan ko." Naglabas si Master Ye ng isang mahabang tawa, ang kaniyang pag-uugali ay sobrang nag-iba mula sa kanina.

"Salamat para sa inyong pagsusuri," tulala si Zhao Feng.

Noong una, nais niyang magsimula sa kaniyang core ranked martial art, at nilipon niya ang kaniyang Angry Dragon Fist at sunod ang Star Finger. Ngunit nang ginawa niya ang core ranked martial art, nagawa niyang pagsanibin ang dalawa.

"Sa aking mga mata ikaw ang tunay na henyo." Lumakad pababa si Master Ye mula sa kaniyang kinauupuan.

Ikaw ang tunay na henyo!

Habang sinasabi niya ito, lubhang naging masama ang mukha ni Zhao Linlong.

Bakit!?

Sumisigaw ng pag-aalinlangan ang kaniyang puso. Nakakuha ng mas magandang pagsusuri si Zhao Feng mula sa isang core ranked martial art, paano siya magkakaroon ng luwag sa kalooban?

"Ang pangalan ko ay Ye Linyun, siguro ay maaari tayong maging magkaibigan sa susunod." Tila ba naging lubos na magalang si Master Ye kay Zhao Feng.

Ang eksenang ito ay nagdulot upang sila Zhao Tiancang at ang mga elders ay mapanganga.

Bakit ang isang ninth rank Martial Master susubukan maging kaibigan ang isang ganitong bata?

Si Zhao Feng mismo ay nagulat. Ang tanging dahilang kaya niyang maisip ay ang aura ng One with the Heavens. Natiyak nito na kung hindi nawala si Xin Wuheng, makukuha rin siya ni Master Ye.

"Master Ye, masiyado kang mabait…" Hindi alam ni Zhao Feng kung paano niya ipapaliwanag ang kaniyang sarili.

Hindi siya naglakas-loob upang tratuhin si Master Ye bilang kaniyang kaibigan. Tila ba ito ay katulad ng isang langgam at isang elepante bilang magkaibigan.

"Hehe, masiyado kang mapagkumbaba Zhao Feng. Isang araw mapapagtanto mo na mayroon kang karapatan upang gawin ito." Umiling lamang si Ye Lingyun habang nakangiti.

Sa pagkakataong ito, hindi siya naging strikto. Ang eksenang ito ay nagdulot upang malito ang iba. Lalo na si Zhao Linlong, siya ay lubhang galit na galit.

"Zhao Feng nais mo bang sumali sa Guanjun Corps?" Direktang tinanong ni Ye Linyun.

Nais man o hindi, hindi ba't walang kuwentang mga salita lamang ito? Dagdag pa rito, ang pag-uugali ni Ye Linyun ay masiyadong mabait.

Seryosong nagsalita si Zhao Feng, "Ang aking layunin ay umalis sa Sun Feather City ay maranasan ang labas na mundo, kaya't nais kong sumali."

Sa pagpasok sa Guanjun Palace ay hindi naging pabigat sa kaniyang mga layunin. Ang lawak ng Guanjun City ay lubhang nalagpasan ang Sun Feather City, at ito ay mas malawak na entablado para sa kaniya.

"Magaling, kung magsisikap ka, baka makatanggap ka pa ng personal na lessons mula kay Lord Guanjun," ngumiti si Ye Linyun.

Lord Guanjun?

Dali-daling nagpasalamat si Zhao Feng sa kaniya. Bagama't nakatira siya sa loob ng Sun Feather City, narinig pa rin niya ang mga alamat ni Lord Guanjun dahil siya ang pinakamataas na diktador sa loob ng sampung libong milya at naabo niya ang lubhang mataas na level sa martial arts. Kahit ang Sun Feather City at ang sect ng Zhao ay nasa ilalim ng kaniyang kontrol. Ang sect ng Zhao ay walang kahit anong estado o karapatan upang subukan at puriin ang kaniyang mga tao.

Sa oras na ito, malinaw na naramdaman ni Zhao Feng ang mga nagseselos na mata nina Zhao Linlong at ni Zhao Han. Siya ay maaaring pumasok sa Guanjun Palace at mayroong pagkakataon upang makatanggap ng personal na lessons mula kay Lord Guanjun. Paanong hindi sila magseselos?

Sina Zhao Han at Zhao Chi ay maisasantabi dahil alam nila ang pagkakaiba sa pagitan nila ay kay Zhao Feng. Nakita na nilang lahat ang pagpapakitang gilas ni Zhao Feng sa araw ng summit, kaya naman alam nila na wala siyang karapatan upang pagsabihan niya.

Subalit mayroon pa ring isang taong hindi kayang tanggapin ito, at ito ay si Zhao Linlong! Puno ng selos, pag-aalinlangan, at kainggitan ang naglagablab sa kaniyang puso.

Bakit!? Bakit!?

Kung cultivation ang pag-uusapan, siya ang pinakamataas sa lahat ng nakababatang henerasyon. Kung martial arts ang pag-uusapan, nahawakan niya na ang mga hangganan ng partial Holy martial arts. At kahit pa mayroong pagkakaiba sa pagitan nila, hindi niya kayang panoorin ang kaniyang sariling matalo ng mga simpleng suntok na core ranked ni Zhao Feng.

"Hindi ako pumapayag!" Ang galit sa loob ng puso ni Zhao Linlong ay tuluyan nang sumabog.

Napuno ng katahimikan ang kuwarto.

"Linlong! Huwag!" Sila Zhao Tiancang at ang ibang tao ay sinubukang pigilan siya. Bagama't sila ay nalilito kung bakit pinili ni Ye Linyu si Zhao Feng, hindi sila sinubukang kuwestyunin siya.

"Bakit hindi ka pumapayag?" Isang mapanuksong ngiti ang lumitaw sa mukha ni Ye Linyu.

"Bigyan mo ako ng pagkakataon! Gagamitin ko ang sarili kong lakas upang patunayan na ako ay mas malakas sa kaniya. Hindi ba't ito ang patakaran ng mundong ito na ang malalakas lamang ang tanging maaaring mamili?" Tinitigan ni Zhao Linlong si Zhao Feng at nagpakita ng ng aura ng isang sixth rank.

Kung ito ay normal na fourth o fifth ranker, sila ay tiyak na matatakot, subalit hindi man lamang apektado si Zhao Feng kahit na ang kaniyang cultivation ay pinipigilan niya.

"Ang malalakas lamang ang maaaring gumawa ng patakaran! Kung bibigyan kita ng isang pagkakataon, kung kaya mong talunin si Zhao Feng, maaari ka ring pumasok sa Guanjun Palace."

Tumawa si Ye Lingyun nang siya ay humarap kay Zhao Feng. "Nakita ko lamang ang iyong core ranked martial arts at ngayon ipakita mo sa akin ang iyong abilidad sa pakikipaglaban."

"Opo sir." Tumango si Zhao Feng.

Nagharapan ang dalawa sa kuwarto.

Dahil si Zhao Feng ay pumasok sa pangunahing sangay, ang dalawa ay hindi pa naglalaban. Ito ang unang pagkakataon upang sila ay maglaban.

"Zhao Feng! Gagamitin ko ang aking lakas upang patunayan na mas mayroon akong karapatan kaysa sa'yo upang pumasok sa Guanjun Palace."

Sa pagsubaybay sa eksena, ang ibang mga kabataan ay umaasa. Isa sa kanila ay ang pinakahenyo sa pamilya ng Zhao, samantalang ang iba naman ay noon nang naging pinakahenyo ng pamilya ng Zhao.

Ang isa ay ang pinaka talentado sa Sun Feather City. Ang isa naman ay ang mayroong pinakamataas na cultivation sa lahat ng nakababatang henerasyon sa loob ng Sun Feather City.

Ito ang unang beses na ang dalawa ay nagtapat sa laban.

"Spatial Cloud Finger!" Sumigaw si Zhao Linlong habang tinuturo niya ang kaniyang daliri na mayroong lilang liwanag sa paligid nito.

Sa iisang oras, ginamit niya ang Shadows Step at isang after-image ang naiwan lugar ng kaniyang tinayuan kanina.

Star Finger!

Isang asul na liwanag ang nagmula sa daliri ni Zhao Feng at nakipagsagupaan sa Spatial Cloud Finger ni Zhao Linlong.

Boom!

Ang dalawang peak ranked martial arts ay nagtapatan sa isa't isa, nagdulot upang ang kanilang mga baro ay lumipad sa hangin.

Teng! Teng! Teng…

Ang dalawa ay sunod-sunod na gumalaw. Umatras ng limang hakbang si Zhao Linlong at naramdaman niya ang kaniyang dugo na umangat sa kaniyang lalamunan. Hindi rin masiyadong maganda ang simula ni Zhao Feng, naramdaman niya na ang kaniyang daliri na tumama kay Zhao Linlong ay namanhind.

"Star Finger!"

"Ang pangatlong level ng Star Finger! Paanong naabot niya ito sa ganito kabatang edad!?" Naintindihan na ng mga elders kung gaano kasindak-sindak ang Star Finger.

Ang Star Finger ang pinakamakapangyarihang skill sa Martial Arts Library. Maraming tao ang nagsanay niyo, ngunit binitawan na nila ito dahil ito ay masiyadong mahirap aralin at mayroon silang mataas na tsansa upang masaktan ang kanilang mga sarili.

* * *