Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 58 - Utos ng Pagkakabilanggo

Chapter 58 - Utos ng Pagkakabilanggo

Spatial Star Finger!

Bumulusok ang tuwa sa puso ni Zhao Feng. Sa pagkakataong iyon, kung mayroong siyang ibang kasama, kahit sila ay magugulat rin. Hindi kaya ang batang ito ay nakaabot na ng ikapitong antas sa napakamurang edad?

Alam ng lahat na tanging Martial Masters lamang ang kayang maglabas ng kanilang Inner Strength sa pamamagitan ng hangin. Isa itong antas na pinapangarap marating ng halos lahat ng cultivators.

Ngunit, hindi isang Martial Master si Zhao Feng, ang kanyang cultivation ay kakaabot lamang ng ikaanim na antas kamakailan lang. Ito ay dahil sa kanyang Star Finger na nakaabot ng ikaapat na lebel.

Sa ikaapat na lebel ng Star Finger, maaari na niyang maitipon ang kanyang chi at ipadaan ito sa hangin. Halata namang ang skill na ito ay napakahirap sanayin, kahit si Elder Zhao na nagbabantay ng martial arts library ay nakarating lang ng ikatlong lebel noong kabataan niya pa.

Pinagpapalagay ni Elder Zhao na ang skill na ito ay kalahati na ng isang Holy martial art. Kahit ang mga henyo ay kailangang nasa ikapitong antas para mahasa ang skill na ito sa ikaapat na lebel. Kung kaya, wala namang maririnig na may mga cultivators sa ikaanim na antas ang umaatake sa pamamagitan ng hangin.

Break!

Isang berdeng liwanag ang kumislap sa hangin at tumama sa bintanang dalawang metro ang layo.

Psh!

May maririnig na tunog ng pagkabasag ng salamin at nasirang bintana. Nang marating ng Star Finger ang ikaapat na lebel, hindi naman tumaas ang pinsang dulot nito, wala pa nga halos sa kalahati ang tunay na lakas nito. Pero ganoon pa man, ang Star Finger sa ganyang lebel ay kayang makapatay ng mga normal na Martial Artists.

Sumunod na dalawang araw, lalo niyang pinagtibay ang lakas ng Star Finger. Sa kanyang isipan, sinusubukan niya pa ring kumuha ng ideya ukol sa pakiramdam ng One with the Heavens.

Pu! Pu! Poo…

Kahit papaano, kaya na ni Zhao Feng maglabas nang sunod-sunod na Star Finger. Ang pinsalang dulot nito ay animnapu hanggang pitumpong porsyento ng kanyang lakas sa mga malapitan niyang atake, pero kapag lumagpas na ng dalawang metro, ang kapangyarihan ng Star Finger ay lubhang humihina.

Kung papatay si Zhao Feng, kaya niya nang puksain ang lahat ng cultivator na nasa mas mababa sa ikapitong antas gamit lamang ang isang daliri. May kumpiyansa si Zhao Feng na hindi na siya muling maaapi ng matanda mula Qiu family kailanman.

Hu~

Lumabas si Zhao Feng ng kanyang kwarto at nilanghap ang simo ng hangin.

"Ang tagal mong nawala Kuya Feng ah, malamang nagmeditate at siguro may bago kang lakas na nakuha, hindi ba?" Ngumiti si Zhao Yufei habang naglalakad papunta sa kanya.

"Nagkaroon lang ako ng ilang mga ideya at pakiramdam pagkatapos ng summit," sagot ni Zhao Feng.

Ang pinakadahilan talaga kung bakit hindi siya lumalabas ng kanyang kwarto ay dahil nagpapagaling siya, sapagkat malubha ang kanyang mga tinamong pinsala sa araw na iyon. Nang marinig ang sinabi ni Zhao Feng, naging maligalig si Zhao Yufei. Bilang magkapitbahay, madalas silang nagkikita kung kaya madalas silang magkaroon ng kunwariang laban.

Hanggang ngayon, tinatago pa rin ni Zhao Feng ang kanyang totoong cultivation level sa fifth rank, pero madalas niya ring ilabas ang aura ng One with the Heavens habang kalaban si Zhao Yufei. Lumalakas rin naman nang lumalakas si Zhao Yufei at natuto na rin siya ng isang peak ranked martial art.

Spiritual Wind Slice!

Isang lilang liwanag ang lumabas mula sa mga mayuming daliri ni Zhao Yufei na siyang tumipon ng kanyang Inner Strength sa kanyang palad. Bawat slice na ginagawa niya ay humahati sa mga bato.

"Spiritual Wind Slice? Kailan pa nagkaroon si Zhao Yufei ng skill na 'yan?" Bulalas ni Zhao Feng.

Ang kasidhian ng Spiritual Wind Splice ay halos katapat ng Star Finger. Ang kinaaangat ng Spiritual Wind Slice ay dahil mabilis ito at matalim, samantalang ang Star Finger ay purong kapangyarihan.

"Haha, isa na ako sa mga apat na pinakamagagaling na henyo, kung kaya isa ito sa mga natanggap kong pabuya sa mga nakatataas," masayang sabi ni Zhao Yufei.

Ano?

Mukhang maraming mahalagang bagay ang naganap habang nagpapagaling siya.

"Hindi ka ba nakatanggap ng kahit ano man lang?" Sa pagkakataong iyon, si Zhao Yufei namang ang nagtaka.

"Wala!" Napailing si Zhao Feng.

Kung tutuusin, mas mataas pa sana ang dapat niyang makuhang pabuya kay Zhao Yufei sapagkat mas mataas ang kanyang antas.

"Puntahan mo kaya ang mga elders," sambit ni Zhao Yufei.

Habang kinakalaban si Zhao Yufei, isa pang nakagugulat na balita ang nalaman niya. Ang nakapantay niya sa summit na si Xin Wuheng ay naglahong parang bula.

"Sampung araw na ang nagdaan simula nang matapos ang summit. Bakit ngayon pa siya naglaho nang wala man lang kahit anong bakas?"

Hindi kaya pinatay si Xin Wuheng…? Umiling si Zhao Feng. Hindi naman siya malapit o kaibigan man lang ni Xin Wuheng para mag-alala.

Pagkatapos ng kunwariang laban, naghiwalay na ng landas ang dalawa.

"Dahil nakakuha si Zhao Yufei ng pabuya, siguro mayroon rin ako…" Kampanteng sabi ni Zhao Feng.

Sabagay, nakaabot naman siya ng unang pwesto. Pero dahil wala si Xin Wuheng, siya na lamang ngayon ang nangunguna. Mamaya-maya, nakarating na rin siya ng Martial Arts Library kung saan nakita niya si Elder Zhao.

"Elder Zhao!" Binati ni Zhao Feng ang matanda habang nakatingin sa library.

"Pumunta ka rito para kumuha ng pabuya, 'di ba?" Pagod ang masisilayan sa mukha ng matanda.

"Oo, tama nga iyan." Hindi na itinago pa ni Zhao Feng ang kanyang mga intensyon.

Tinignan siya ng elder nang may paghanga at pag-aaruga, "Mas kagilagilalas ka sa summit kaysa sa aking inaasahan…"

"Pinapasaya niyo naman ho ako! Kung walang tulong ni Elder Zhao, hindi ko makakamtam ang mga bagay na ito," mapagkumbabang sbai ni Zhao Feng.

"Hindi ka nga arogante, ikaw yung tipo ng henyo na maaaring baguhin… Noong nakaraan lamang, nakiusap ako sa head ng family na payagan ka nang pumunta sa ikatlong palapag ng Martial Arts Library."

Ang ikatlong palapag ng Martial Arts Library! Bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Feng.

Sa Zhao sect, isang alamat lamang ang ikatlong palapag. Hindi ito nakabukas para publiko. Sa ikalawang palapag pa lamang ay andoon na agad ang mga peak ranked martial arts ng sect. Ano pa kaya ang maaaring makita sa ikatlong palapag?

Kung kaya pala arogante si Zhao Linlong ay dahil rin dito. Walo o kaya siyam mula sa sampu ay may koneksyon ito sa ikatlong palapag.

"Kahit wala naman talagang mga Holy martial arts sa ikatlong palapag, may mga partial Holy martial arts pa rin naman para makuhanan ng ideya. Ang mga taong hindi pa ganoon kataas ang cultivation ay wala rin namang makukuha sa pagpasok doon, kung kaya sarado ang ikatlong palapag. Tanging si Zhao Linlong lamang ang pinapayagang pumasok, kahit ang kanyang cultivation level at mas mababa sa ikapitong antas," pagpapaliwanag ni Elder Zhao.

Pang-unawa ang makikita sa mukha ni Zhao Feng. Si Zhao Linlong ang nangunguna sa family sparring contest, at bilang ampon ng head of the sect, kaya siya nakakapasok sa ikatlong palapag.

"Salamat, elder, sa pagbibigay ng pagkakataong ito sa akin," puno ng pasasalamat ang mukha ni Zhao Feng.

"Sa kasamaang palad, ang head ng sect ay tinanggihan ito," bumuntong hininga si Elder Zhao habang umiiling.

Tinanggihan?

Isang malamig na pakiramdam dahil sa hindi pagiging patas ang nadama ni Zhao Feng sa kanyang puso. Nangunguna lang naman si Zhao Linlong sa Zhao sect, pero siya ang nangunguna sa buong Sun Feather City! Dahil ba ito sa branch disciple lamang siya, samantalang si Zhao Linlong ay ang ampon ng head of the sect?

"Bakit hindi pumayag ang head of the sect?" Huminga nang malalim si Zhao Feng, gusto niyang malaman ang dahilan ng pinuno.

"Nagkita ba kayo ni Qiu Mengyu pagkatapos ng summit?" Pagtatanong ni Elder Zhao.

"Totoo iyan," sagot ni Zhao Feng, sabay naunawaan. Ang Qiu family at ang Zhao family ay matagal nang may hidwaan at ang katotohanang tinanggap niya ang imbitasyon ni Qiu Mengyu ay nagsimula ng paghihinala.

"Dalawang bangkay ang natagpuan, at matapos ang pagsusuri, nalaman naming namatay sila mula sa skill na kaparehas ng Star Finger," pagtitig ni Elder Zhao sa kanya.

Star Finger?

Nagpanggap si Zhao Feng na nagulat, "Iniisip ba ng sect na ako ang pumatay sa kanila?"

"Hindi ako naniniwala, paano mo naman mapapatay ang dalawang iyon samantalang nasa ikalimang antas ka pa lamang?" Pag-iling ng ulo ng elder.

Sabagay, ang dalawang pumanaw ay nasa peak na ng ikaanim na antas at parehas pa silang nakatatanda, kung kaya may paraan sila para makakuha ng high tier martial arts.

Kung ang isang tao ay lohikal at hindi sintu-sinto, malalaman nilang hindi si Zhao Feng ang pumatay.

Base lamang ito sa lohika… Hindi kailanman maiisip ni Elder Zhao na ang pumatay ay nasa harap niya na.

"May isang taong nag-ulat na pumunta ka sa tahanan ni Qiu Mengyu at si Zhao Tianjian at ang kanyang tagapagbantay ay namatay malapit sa teritoryo ng Qiu sect. Marami sa nakatataas ang naghihinala na kayong dalawa ni Qiu Mengyu ay nagsabwatan para patayin ang dalawa," naging taimtim ang boses ni Elder Zhao.

Una, totoong nakipagkita si Zhao Feng kay Qiu Mengyu. Ikalawa, may poot si Zhao Tianjian kay Zhao Feng kung kaya sinusundan siya nito at napatay niya naman ito nang gabing pauwi na siya.

Sapat na itong dahilan para maghinala sila. Pagkatapos ng lahat, isa lang naman siyang branch disciple. Hindi naman mahalaga kung may ebidensya o wala, ang pinuno ng sect ay gagamitin ang rasong ito para hindi siya makapasok sa ikatlong palapag.

"Sino ang nag-ulat?" Kumislot ang mata ni Zhao Feng nang isipin niya.

Noong gabing iyon ang kasama niya lamang ay si Zhao Linlong, Zhao Yufei, Zhao Han atbp. Ang pinakamalapit sa head of the sect ay wala ng iba kundi si Zhao Linlong.

"Inutos na ng mga nakatataas na bago pa malaman ang katotohanan, hindi ka pwedeng umalis sa teritoryo ng Zhao sect," bumuntong hininga ang matanda na para bang wala na siyang magagawa.

Ano!?

Naging matalim ang tingin ni Zhao Feng, "Isa ba itong utos ng pagkabilanggo?"