"Dito na ito matatapos!"
Lahat ay nakatingin nang mayroong paghihintay, nagtataka kung anong nakamamatay na galaw ang mayroon si Xin Wuheng.
Puno ng paghihintay si Zhao Feng nang pinaikot niya na ang kaniyang Inner Strength.
Pagdating sa opensa, mayroon siyang Star Finger at ang kaniyang pinakamalakas na tindig, ang One line Star Finger na hindi pa nagagamit. Pagdating naman sa depensa, ang kaniyang Metal Wall Technique ay nakaabot na sa fifth level, ang lahat ng atake ng seventh rank ay hindi magiging kritikal para sa kaniya. Dagdag pa rito, ang totoong cultivation ni Zhao Feng ay nasa sixth rank.
Ang mukha ni Xin Wuheng ay parang tubig, ngunit dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang Inner Strength at tumigil.
Hmm?
Bahagyang nasurpresa si Zhao Feng.
"Tinatanggap ko ang aking pagkatalo," walang ekspresyon na sinabi ni Zin Wuheng.
Tinatanggap ang pagkatalo?
Bakit?
Nagsimulang magkagulo ang mga tagapanood, karamihan sa kanila ay nalilito.
Tinanggap ni Xin Wuheng ang pagkatalo?
Kahit na ang ilan sa mga nakatatandang henerasyon ay nagulat.. Walang sinuman ang nag-akalang tatanggapin ni Xin Wuheng ang pagkatalo sa pang ika-siyamnapu't siyam na galaw.
Pagkatapos ng lahat ng kasalukuyang sitwasyon, parehong may pantay na tsansa ng pagkapanalo sina Zhao Feng at Xin Wuheng.
"Tina.. tinalo niya si Xin Wuheng?" walang magawa si Zhao Ling kundi ang maupo sa lupa habang nakatulala sa hangin.
Napagtanto niya na kung anong klaseng halimaw ang kaniyang ginalit. Hindi lamang nilagpasan ni Zhao Feng ang pinakahenyo ng sect, si Zhao Linlong, nagawa rin niyang paaminin ng pagkatalo ang pinakahenyo ng Sun Feather City.
"Hindi, hindi ka natalo," pormal na sinabi ni Zhao Feng nang malalim niyang tingnan si Xin Wuheng.
Ang kaniyang kaliwang mata ay nararamdaman ang Inner Strength at daloy ng dugo ni Xin Wuheng, nakikita ni Zhao Feng na ang Inner Strength ni Wuheng ay mas malakas pa kaysa kay Zhao Linlong.
Samakatuwid, ang cultivation ni Xin Wuheng ay hindi nasa tugatog ng fifth rank. Ang totoo niyang cultivation ay nasa tugatog ng sixth rank! Tugatog ng sixth rank!
Nadurog niya na lahat ng mga henyo ng Sun Feather City sa ilalim ng kaniyang mga paa. Mula sa unang beses na nakita niya si Xin Wuheng, naisip ni Zhao Feng, hindi simple ang taong ito.
Malinaw na hindi matatakot si Zhao Feng kay Xin Wuheng dahil sa kaniyang totoong cultivation. Hindi lamang siya mayroong malakas na cultivation, mayroon siyang tulong mula sa kaniyang kaliwang mata na nagbibigay sa kaniya ng tiwala na hindi siya matatalo.
"Wala ng rason para ipagpatuloy pa ang laban natin," umiling si Xin Wuheng.
Hindi siya natalo, ang dahilan kung bakit niya nasabi ito ay dahil makikita ng iba ang kaniyang totoong cultivation at nakamamatay na mga galaw.
Mayroon pang dalawang dahilan. Ang una, mas matanda siya kay Zhao Feng ng dalawang taon at ayaw niyang gamitin ang bentahang ito upang talunin siya. Pangalawa, ang aura at techniques ni Xin Wuheng ay nakuha ni Zhao Feng. Mula sa pananaw ni Xin Wuheng, isang halimaw si Zhao Feng, ang magpakita ng iba pang galaw ay magiging benepisyo lamang para kay Zhao Feng.
"Paano kung tawagin na lang natin itong tabla?" tinanong ni Qiu Mengyu ang host.
Tabla?
Tumingin si Zhao Feng kay Xin Wuheng at tumango ang dalawa nang magkasabay.
"Oo ba," pagsang-ayon ni Zhao Feng, at hindi na pinilit na ipagpatuloy ang kanilang labanan.
Pagkatapos ng lahat, ayon sa batas, ang labanan ay hindi maaaring magtagal pagkatapos ng isang daang galaw.
"Hihintayin ko ang ating susunod na laban," sinabi ni Xin Wuheng nang nakangiti.
Matapos niyang matapos ang kaniyang mga salita, kaagad siyang umalis sa summit. Ang buong eksena ay nagpalito sa maraming tao.
Aalis na kaagad sa kalagitnaan ng laban si Xin Wuheng?
Walang nakaaalam na matapos umalis ni Xin Wuheng, hindi na siya muling magpapakita sa Sun Feather City.
Ang kaniyang pag-iral ay unti-unting nawala. Matagal bago siya muling nakita ni Zhao Feng.
*****************************
Nagpatuloy ang summit, ngunit nang matapos ang labanan nila Xin Wuheng at Zhao Feng, lahat ng sumunod na paglalaban ay nawala ang gana.
Ngayon, ang apat na magagaling na henyo ay mayroon ng rankings.
Unang karangalan: Zhao Feng at Xin Wuheng.
Ikatlong karangalan: Zhao Linlong
Ikaapat: Qiu Mengyu
Sa puntong ito, wala na dapat hindi pagkakaunawaan, ngunit ang summit na ito ay hindi lamang iisa ang itim na kabayo.
"Itong si Zhao Yufei ay gustong makita ang inyong skills."Si Zhao Yufei ay parang isang malinaw na lotus, malinaw at sagrado. Kaagad niyang nakuha ang atensyon ng maraming kabataan.
Nagsimula ang diskusyon.
Sa murang edad ay naaabot na ni Zhao Yufei ang fifith rank. Ang kaniyang potensiyal ay mas mababa lamang kay Zhao Feng, ngunit naiintindihan ni Zhao Feng na lahat ng kapurihan ay para sa kaniyang kaliwang mata. Kung hindi niya natanggap ang kaniyang mata, si Zhao Yufei ay siguradong ang pinakatalentado sa Zhao family. Kahit si Zhao Linlong ay hindi naabot ang kaniyang level sa ganoong edad.
Dagdag pa rito, nagmula si Zhao Fei sa isang branch sect at pagdating sa kayamanan, mas mababa siya kay Zhao Linlong.
"Ako!" mula sa Xin family ang isang batang nasa fifth rank.
Ang taong ito ay si Xin Chen, ikalang rank sa Xin family, nasa likuran ni in Wuheng at nasa harap ni Xin Tong. Natalo lamang siya nila Zhao Linlong at Qiu Mengyu dati. Pagdating sa lakas, kapantay ni Xin Chen si Zhao Chi, isang hakbang lamang mula sa apat na magagaling na henyo.
"Butterfly Leaf Palm!"
Kasing gaan ng hangin si Zhao yufei at ang kaniyang palad ay napakalambot at maselan. Nang umatake siya, kaaagad niyang ginamit ang kaniyang high ranked martial art Butter Leaf Palm na halos nakaabot na sa peak level.
_Pah! Pah! Pah…_
Nagkrus ang dalawang anyo. Malumanay at maselan si Zhao Yufei. Matapos magpalitan ng sampung galaw, nangunguna na si Zhao Yufei. Pagdating sa pinsala, kapantay lamang siya ni Zhao Chi, ngunit ang kaniyang Inner Strength skill ay Air Crossing Breathing Technique na mas mataas kaysa kay Xin Chen.
Mas pinabilis siya ng Air Crossing Breathing Technique at kapag piangsabay gamitin kasama ang offense skills, madali niyang matatalo ang nasa parehong rank.
Pagkatapos ng tatlumpung galaw, muling tumaas ang lakas ni Zhao Yufei. Ang kaniyang mga palad ay malambot nguniy matigas at mula sa labanan, tila nakakuha siya ng mga kaaalaman.
"Nagsanay din siya ng isang high ranked body strengthening technique katulad ni Qiu Mengyu." nagulat si Xin Tong.
Ang body strengthning technique ni Zhao Yufei ay hindi mas mahina sa Metal Wall Technique,ngunit mas nababagay ito sa mga kababaihan.
"Mayroon siyang malaking potensiyal at siguradong itinago niya ang kaniyang totoong lakas." muling naaalala ni Zhao Feng ang misteryosong matandang lalaking naka-isang baluti. Kahanga-hanga ang matandang lalaking iyon na kayang maglabas ng isang high ranked skill katulad ng Metal Wall Technique.
Matapos ang tatlumpung galaw, umatake nang sunod-sunod si Zhao Yufei, at natalo niya si Xin Chen.
Nanalo si Zhao Yufei! Mayroon na namang isang itim na kabayo sa oras na ito.
Nagpahinga sandali si Zhao Yufei at pagkatapos ay nagpatuloy upang hamunin si Qiu Changyi. Isa sa apat na magagaling na henyo si Qiu Changyi, at kahit na hindi siya magiging una ngayong taon, malakas pa rin siya.
Flowing Feather Flying Cloud!
Flowing Feather Flying Cloud!
Ginamit ni Qiu Changyi ang kaniyang dalawang speed skills na parehong nakaabot na sa peak level. Tanging si Zhao Feng lamang ang kanyang humabol sa kaniya pagdating sa bilis.
"Cloud Leaf Ferry!" nagbago bigla ang skill ni Zhao Yufei nang gamitin niya ang isang skill na hindi pa niya nagagamit noon. Kaaagad na naging kasing gaan ng dahon ang kaniyang katawan nang lumutang siya sa hangin.
"Cloud Leaf Ferry? Anong skill ito? Hindi ito mas malala kaysa sa aking Lightly Floating Ferry!" nagulat si Zhao Feng.
Napagtanto niya na masiyado siyang nagmadaling magpalit ng Air Crossing Breathing Technique para sa Metal Wall Technique. Siguro ay maganda ito, ngunit ang Air Crossing Breathing Technique ay perpekto para kay Zhao Yufei. Ang bagong skill na ito ay mas malalim kaysa sa Air Crossing Breathing Technique.
Nang bumuntong hininga si Zhao feng, nagbago na ang sitwasyon. Natatalo na si Qiu Changyi!
Pagdating sa bilis, walang bentahe si Qiu Changyi dahil mayroong Cloud Leaf Step si Zhao Yufei.
Pagkatapos ng limampung galaw, natalo si Qiu Changyi. Matapos talunin si Qiu Changyi, kailangan na lang tumalo ni Zhao Yufei ng isang one step higher upang maging isa sa mga apat na magagaling na henyo.
Sa wakas ay malapit nang matapos ang summit.
Sa oras na ito, hinamon ni Zhao Yufei si Mengyu. Ang labanan sa pagitan ng dalawang magagandang babae ay muling umabot sa kasukdulan. Patuloy na ginagamit ni Zhao Yufei ang Cloud Ferry upang labanan si Qiu Mengyu.
Pagkatapos ng isang daang galaw, nagdesisyon ang dalawa na maging tabla, muling nagdulot ng kaguluhan.
Ang apat na magagaling na henyo ay nabago at naging limang magagaling na hento: Sina Xin Wuheng, Zhao Feng, Zhao Linlong, Qiu Mengyu, and Zhao Yufei.
Ang Zhao family ay mayroong tatlo sa limang posisyon ng limang magagaling na henyo na nagbigay sa Qiu at Xin family ng kagipitan. Tumingin sa isa't-isa sina Qiu Mengyu at Qiu Changyi at nakita nila ang pag-aalala sa kanilang mga mata.
Ang mga henyo ng Zhao family ay sadyang nakatatakot. Bukod kay Zhao Linlong, mayroon ding Zhao Feng at Zhao Yufei.
Ang pag-angat ni Zhao Feng ay isang milagro, siya ang unang pumantay kay Xin Wuheng. Ngunit mas matanda si Xin Wuheng kay Zhao Feng, kaya't pagdating sa talento at lakas, nangunguna si Zhao Feng.
"Mengyu!" Sa likurang ng entablado, isang matandang lalaki na naka-abong kasuotan ang tumawag sa kaniyang atensiyon.
"Elder," magalang na sabi ni Qiu Mengyu.
"Mayrooon akong nais ipagawa sa iyo, napakaimportante nito…" mahinang sinabi ng matandang lalaking naka-abong kasuotan.
******************
Sa wakas ay natapos na ang summit.
Lumabas sa kanilang pabilyon ang mga henyo ng Zhao sect at nagsimula ng bumaba. Maraming nakatingin nang natatakot kay Zhao Feng at ang iba naman ay may paghanga, ngunit mayroon ding inggit at galit.
"Zhao Feng, huwag mong isipin na ikaw ang pinakamagaling dahil lamang sa ikaw ang nanguna. Hindi ko pa ginamit ang aking totoong nakakamatay na galaw," Malamig na sinabi ni Zhao Linlong nang arogante at malakas ang loob na titigan niya si Zhao Feng.