Ang kaniyang tunay na nakamamatay na galaw?
Ang mga salita ni Zhao Linlong ay ikinagulat ng iba. Napatunayan ni Zhao Feng ang pahayag na iyon sa third level ng Martial Arts Library. Noong araw na iyon, nakita niya si Zhao Linlong na tumuntong sa third level. Subalit sa summit, ginamit lamang ni Zhao Linlong ang kaniyang Spatial Cloud Finger. Kung may tunay nga siyang nakamamatay na galaw, bakit hindi niya ito ginamit?
Isang ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Zhao Feng. Ang natatanging eksplanasyon na mayroon na ang mga nakuha ni Zhao Linlong mmula sa third level ng martial arts library ay hindi pa gaanong na natutunaw.
********************************
_Sa ilalim ng isang puno..._
Ang anyo ng dalawang nakapilak na damit ay nasaksihan ang pangyayari.
"Tandaan, ang pamilya ng Xin at ng Zhao ay mayroong isang pinakahenyo bawat isa. Ngayon umalis ka na at iulat ito sa Ating Panginoon…" sinabi ng isang anyong nakapilak.
_Shua!_
Sumanib ang dalawang pilak na anino sa kagabihan.
"Sinong nariyan!"
Kalalayo lang ng dalawa ng isang daang metro bago nagkaroon ng napakalakas na sigaw.
_Teng!_
Isang elder na may barong kulay abo ang lumapag sa sahig habang ang kaniyang mga mata ay tumitig sa dalawang misteryosong tao.
"Hehe, hindi ako makapaniwalang nakita ako ng isang Martial Master ng seventh rank! Ika-labingpito, maaari ka ng umalis at sanayin ang iyong skills," isa sa mga anyo na napilak ang bahagyang tumawa at umalis.
"Hmph! Sinong naglakas loob na manghimasok sa mahalagang lugar ng pamilya ng Qiu!?' Matalim ang mga mata ng elder na naka-abong baro nang siya ay maglabas ng isang palad.
_Beng!_
Isang berdeng kinang ang humiwa sa hangin, at ang tunog nito ay tila kidlat. Sa ilalim ng puwersa, ang mga puno at mga bato sa paligid nito ay nawasak.
Transformation Strength, pangmalayuang mga atake sa hangin!
Ito ang simbolo ng isang Martial Marster. Ang kapangyarihan ng palad na iyon ay kayang-kayang wasakin ang cultivator na nasa fourth o fifth rank kahit sa kalayuan.
"Walang kuwentang mga pamamaraan!" Ang anyong nakapilak ay nanatili sa likod ng isang nakataas na kamay dahan-dahan at tumuro ng isang daliri sa liwanag.
_Shua—-_
Isang madilim na asul ang lumabas, at parang sibat, tumusok ito sa atake ng matandang lalaki.
Sa sunod na segundo, ang dalawang anyo ay nagpalitan na kasing bilis ng kidlat, ang mga cultivators ng sixth rank ay hindi man lamang makakapagbigay ng reaksyon.
_Peng—–_
Isang malaking butas ang lumitaw kung saan sila naglaban, bumalot ng alikabok sa lugar. Ang kapangyarihan na nagmumula sa dalawang taong ito ay maaaring ikumpara sa mga high tier na nakamamatay na mga halimaw.
_Wah!_
Dumura ng maraming dugo ang matandang lalaki, at ang kaniyang mukha ay maputla. "Sino ka!? Hindi ka ba natatakot na habulin ng pamilya ng Qiu?"
Ang pamilya ng Qiu kung tutuusin ay isa sa tatlong pinakamagaling na mga pamilya ng Sun Feather City. Mayroon itong malaking kapangyarihan sa lahat ng mga grupo sa loob ng isang libong kilometro ng Sun Feather City.
"Pamilya ng Qiu? Isang plano pa lang galing sa aking amo ay maaari ng sumira sa clan ng pamilyang gaya ng iyo," humagikhik ang anyo na nakapilak habang siya ay sumanib na rin sa kadiliman.
"Saan kaya nanggaling ang dalawang iyon? Mukhang may suot silang...hindi maganda ito! Galing ba sila sa usap-usapan na Guanjun Corps…?" sambit ng elder sa malamig na paghinga.
Guanjun Corps!
Ang mga salitang ito ay nagdulot ng paglukso ng kaniyang puso. Maliit na syudad lamang ang Sun Feather City sa Cloud Country. At ang pamilya ng Qiu ay isa lamang sa mga puwersa sa Sun Feather City.
Ang Sun Feather City ay isa sa 12 maliliit na syudad na nasa ilalim ng bantay ng probinsya ng Guanlu. Ang Guanjun Corps ay ang mga piling hukbo ng probinsya ng Guanlu. Sa pinakasimula ng panahon, ang Guanjun Corps ay alamat lamang, dahil hindi naman napatunayan na sila ay totoo.
Naging usap-usapan na ang Guanjun Corps ay mayroong labingwalong guwardya at bawat guwardya ay nakaabot na sa rank ng Martial Master.
"Mukhang nagpunta ang Guanjun Corps upang makita ang henyong summit, subalit ano ang kanilang dahilan? Ito ba ay dahil sila ay nasa ilalim ng utos ng 'taong' iyon?"
Hindi nakatitiyak ang elder na nakabarong abo dahil naintindihan niya kung para saan ang Guanjun Corps. Upang sumira ng clan ng pamilya na gaya ng Qiu, magiging madali lang ito kagaya ng pagpisat sa isang langgam.
******************
Natapos na ang summit.
Umalis na ang mga kabataan sa grupo ng tatlo hanggang lima. Ang pito na galing sa pamilya ng Zhao ay tahimik na naglakad. Sa daan, ang mukha ni Zhao Linlong ay lubhang masama at walang naglakas-loob na galitin pa siya lalo.
Subalit, hindi ito pinansin ni Zhao Feng dahil ang kaniyang isip ay nakatuon sa isa pang lugar. Ang kaniyang kaliwang mata ay nakasaksi ng isang nakamamanghang laban ilang milya mula sakanila. Ito ay tapatan sa pagitan ng Guanjun Corps at ng elder mula sa pamilya ng Qiu.
Ang elder na galing sa pamilya ng Qiu ay nakarating na sa seventh rank, lahat ng kaniyang mga galaw ay kayang umatake hanggang sa hangin. Ang kapangyarihan ng mga galaw na iyon ay kayang pumatay ng daan-daang mga nasa ibaba ng seventh rank.
"Iyon ba ang lakas ng mga Martial Masters? Kung ganoon sila kalakas sa seventh rank, nagtataka ako kung gaano kakapangyarihan ang mga cultivators ng eighth at ninth rank…"
Bago pa sila makababa sa bundok, ilan sa mga disciples ng pamilya ng Qiu ay pinigilan sila. Ang isa sa harap ay isang babaeng kaedaran lang niya.
"Young master Zhao Feng, manatili ka," sabi ng babae.
Hm?
Nagbigay ng kakaibang tingin si Zhao Feng sa mga disciples ng pamilya ng Qiu.
"Nais kang makita ng aking mistress."
Ang iyong mistress? Bahagyang nalito si Zhao Feng.
"Ang aking mistress ay ang nag-organisa ng Summit - Qiu Mengyu," sambit ng babae, nakangiti.
Qiu Mengyu? Ang pinakamagandang babae ng Sun Feather City?
Nagulat ang ibang mga kabataan, ang kanilang mga ekspresyon ay naging mukha ng pagseselos. Ilan sa mga talentadong kabataan ay gumamit ng libu-libong paraan upang makita lamang siya, subalit wala sa kanila ang nakatanggap ng personal na anyaya galing sa kaniya gaya ng mayroon si Zhao Feng, anong klaseng estado ito?
Si Qiu Mengyu ay hindi lamang isang henyo mula sa pamilya ng Qiu o ang pinakamagandang babae ng Sun Feather City, siya in ang susunod na pinuno ng pamilya ng Qiu!
"Sige." Nag-isip muna si Zhao Feng, at saka tumango.
Kung tutuusin, si Qiu Mengyu ang nag-organisa ng Summit at mayroon siyang reputasyong iniingatan.
"Maaaring sumunod na lamang kayo sa akin." Yumukod ang alalay at nanguna sa daan.
"Hmph!" kumibot ang bibig si Zhao Yufei habang pinagmasdang umalis si Zhao Feng.
"Maaari kayang gusto ni Qiu Mengyu si Zhao Feng?" Bahagyang nagulat si Zhao Chi
Mayroong dahilan ito. Ngayong pagkakataon ginulat ni Zhao Feng ang lahat ng tao nang kuhanin niya ang unang karangalan kasama si Xin Wuheng. Ang pinakamahalaga pa rito ay mas bata si Zhao Feng, kaya't mas mataas ang kaniyang potensyal.
Siguro ay nakita ni Qiu Mengyu ang potensyal na ito ay sinubukang imbitahin siya sa kanilang panig.
"Subukan niya!" malamig na tumawa si Zhao Linlong.
Alam ng lahat ng ang pamilya ng Qiu at ang pamilya ng Zhao ay magkaaway. Kung lumipat si Zhao Feng sa pamilya ng Qiu, hindi ito magiging kasing simple ng pagtatraydor.
******************
Habang sumusunod sa alalay, muling nagbalik sa summit si Zhao Feng.
"Tuloy po kayo." Dinala ng babaeng ito si Zhao Feng sa isang maganda, ngunit simpleng bahay na gawa sa kawayan.
Sa oras na makita ni Zhao Feng ang magandang anyo. Ang kaniyang anyo pa lamang ay nagpapabilis na ng tibok ng kalalakihan. Si Qiu Mengyu ay tila isang pahinog na prutas kung saan si Zhao Yufei ay isang pausbong.
Kaharap ang pinakamagandang babae ng Sun Feather City nahihilong tumitig si Zhao Feng ng isang segundo bago kumalma ng parang tubig muli ang kaniyang puso. Bilang isang batang may edad na labing apat na taon, ito ay hindi pangkaraniwan, dahil karamihan sa mga nakatatanda ay mahihirapan iwasan si Qiu Mengyu.
Bumuntong hininga si Qiu Mengyo sa loob-loob niya. Masiyado siyang bata at hindi lang siya makapangyarihan, ang pagpipigil din niya ay nakamamangha rin.
"Maupo po kayo."
Naglakad si Qiu Mengyu sa kaniyang harapan. Sa pagkakataong ito, ang dalawa ay ilang pulgadang layo lang sa isa't isa.
Malinaw na nararamdaman ni Zhao Feng ang bango, paghinga, at init ng katawan ni Qiu Mengyu. Ang mga normal na lalaki ay siguro mahihirapan pigilan ang kanilang sarili. Dagdag pa rito, si Qiu Mengyu mismo ang personal nagsalin ng tsaa para sa kaniya, ang bawat galaw na ginawa ay may bakas ng pagiging elegante.
Marahang kinuha ni Zhao Feng ang tasa at gaya ng inaasahan, nahawakan niya ang daliri ni Qiu Mengyu. Ito ay isang panaginip para sa ibang kabataan na makatayo katabi ng babaeng ito, subalit nanatiling walang ekspresyon sa mukha ni Zhao Feng.
Sa totoo lang, kung balak niyang titigan si Qiu Mengyu, hindi abala ang distansya dahil kaya niya siyang pagmasdan gamit ang kaniyang kaliwang mata mula sa ilang milya.
Kung nanaisin ni Zhao Feng, maaaring tumagos ang kaniyang paningin sa ilang mga bagay. Malamang, hindi ito alam ni Qiu Mengyu o susubukan niyang iwasan si Zhao Feng, imbes na imbitahin siya rito.
"Ang kasikatan ni Young master Zhao Feng ay hindi katagalang kakalay sa Sun Feather City…" Ang boses ni Qiu Mengyu ay singlambot ng ulan.
Magalang siyang nagtanong kay Zhao Feng, subalit naisip niya sa kaniyang puso: Bakit nais siyang makita ni Qiu Mengyu?
Bata pa siya, kaya't wala siyang masiyadong alam sa pagkakaiba sa pagitan ng mga lalaki at babae. Kaya naman, hindi siya nahulog sa ngiti ni Qiu Mengyu.
Siya ay kalmado rin dahil sa kaniyang kaliwang mata at kaya niyang pigilan ang kaniyang sarili sa pagnanais. Ang kanilang usapan ay naging tungkol lamang sa pagtatanong ni Qiu Mengyu at sa pagsasagot ni Zhao Feng.
Nagpanggap na mangmang si Zhao Feng. Hindi maiwasang maisip ni Qiu Mengyu kung siya ba ay hindi masiyadong kaakit-akit, o kung ang kaniyang edad ay masiyadong bata. Ang pagganap ni Zhao Feng ay ang naging dulot upang pumalpak ang kaniyang plinanong beauty trick.
"Young master Zhao, mayroon kabang intesyon na pumasok s pamilya ng Qiu? Ang pamilya ng Qiu ay kayang masapatan ang lahat ng iyong pagnanais kasama na ang martial arts, pilak, mga babae…" Habang sinasabi niya ito ang mala-diyosang katawan ni Qiu Mengyu ay halos nakadikit na kay Zhao Feng.
Biglang naging alerto si Zhao Feng at naglagay ng distansya sa pagitan nila. Pagtapos mag-isip ng saglit, sa wakas ay napagtanto niya na na ang mga intensyon ni Qiu Mengyu. Namula ang mukha ni Qiu Mengyu. Wala siyang magawa laban sa isang batang wala masiyadong alam tungkol sa sex.
"Salamat sa iyong magandang intensyon, ngunit ang aking landas ay hindi lamang limitado sa Sun Feather City," malalim na sinabi ni Zhao Feng habang siya ay marahang tumayo.
Ang kaniyang landas ay hindi lang limitado sa Sun Feather City! Hindi mapigilang manginig ng puso ng Qiu Mengyu habang pinagmamasdang umalis ang bata. Sa kaniyang paningin, biglaang lalong naging kaakit-akit ang batang lalaki...