Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 48 - Ang Kapangyarihan ng Star Finger

Chapter 48 - Ang Kapangyarihan ng Star Finger

Walang halong panlilinlang o kahit anong skill, purong kapangyarihan lamang. Napagdesisyunan ang buong laban sa loob lamang ng isang atake.

Marami ang hindi makapaniwala.

Ang sugatan sa sagupaan ay si Xin Tong!

Kilala si Xin Tong bilang pinakamagaling sa Sun Feather City sa aspeto ng lakas. Nasa itaas siya na bahagi ng hagdan, sa ilalim lamang ng apat na pinakamagagaling na henyo sa nakaraang ginanap na summit.

Sa opinyon ng karamihan, ang body strengthening technique ni Xin Tong ay sadyang napakalakas. Walang sino man ang nag-akala na matatalo siya sa aspeto ng purong kapangyarihan.

"Talo ako…Kung hindi ako nagkakamali, dalubhasa ka na sa paggamit ng Metal Wall Technique at nakaabot ka na sa fourth level nito," pinunasan ni Xin Tong ang dugong namumuo sa kanyang labi.

Alam niya kung anong skill ang natutunan ni Zhao Feng. Mas malalim ang kailangang pang-unawa sa Metal Wall Technique kaysa sa Bronze Body Technique, ngunit mas mahirap rin itong sanayin.

"Tama ka," hindi nagkunwari si Zhao Feng na may iba siyang ginamit o natutunan. Pero ang Metal Wall Technique niya ay wala nasa fourth level kundi naabot na nito ang fifth level ilang araw pa lang ang nakalilipas.

"Kailan pa nagkaroon ng ganyang tao sa Sun Feather City?"

"Ang kanyang lakas ay higit pa kay Xin Tong. Sa aspeto ng purong depensa, walang makakatalo sa kanya sa Sun Feather City."

Matapos matalo si Xin Tong, parang apoy na kumalat ang pangalan ni Zhao Feng sa mga kabataan.

Pagkatapos ng laban, bumalik na si Zhao Feng sa pabilyon ng Zhao family. Tinitignan siyang mabuti ni Zhao Han at Zhao Chi.

Gulat na gulat si Zhao Han, ni hindi nga niya kayang talunin si Xin Tong kahit isang daang atake pa, pero natalo lamang ni Zhao Feng sa pamamagitan ng isang atake si Xin Tong. Mukhang layong nagkakalayo sila ni Zhao Feng sa aspeto ng kakayahan…

Sapagkat naglalaban si Zhao Feng at Xin Tong sa aspeto ng purong kapangyarihan, natural lamang ang pagkapanalo sa isang atake. Ikinagulat man ito ni Zhao Linlong, agad niya pa ring nabawi ito at inayos ang sarili.

Isang henyo matapos ang isa ay nagpapakita na naman ng kanilang kakayahan.

****************************

Kalahating oras bago maupos ang insenso…

"Hehehe, sa wakas ako na…"

Mula sa Zhao family, isang tamad na lalaki na nasa fifth rank ang lumabas! Ang lumabas sa pagkakataong ito ay Zhao Chi.

Sa ranking tournament, mas mataas ang rank ni Zhao Chi kay Zhao Feng. Hindi lang dahil sa mas mataas ang cultivation level niya, kundi dahil nasa high tier na ang lahat ng skills na natutunan niya.

Sa isang bigla, natalo niya ang mga henyo ng fifth rank mula sa Qiu and Xin family. Lalo na sa huli, napakalakas ng peak ranked martial art ni Zhao Chi. Ngayon, daig niya pa ang kasikatan ni Zhao Feng. Sa susunod, ang tanging pwede niyang hamunin ay ang apat na pinakamagagaling na henyo.

Xin Wuhen, Qiu Mengyu, Qiu Changyi.

"Qiu Changyi, hindi ako matatalo gaya noong nakaraang taon," kampanteng sabi ni Zhao Chi.

"Haha! Kahit ano pang gawin mong pagpapabuti, hindi pa rin madali sa iyo na matalo ako," nakadamit si Qiu Changyi na parang isang gwapong iskolar.

Hindi nagtagal, nagharap na ang dalawa. Habang kinakalaban si Zhao Chi, kahit ang isa sa mga apat na henyo ay kailangang maglabas ng buong pwersa. Ito ay sa kadahilanang ang opensa, depensa at bilis ni Zhao Chi ay walang mintis. Higit pa roon, natuto na rin siya ng isang peak ranked martial art kung kaya't lalo siyang lumakas.

Ang espeyalidad ni Qiu Changyi ay ang kanyang bilis.

Sou Sou Sou!

Sa gabi, isang nakapunting anyo ang makikitang lumilipad sa ere gaya ng hangin.

Flowing Feather Step! Flowing Feather Flying Cloud!

Ang mga footstep skills ni Qiu Changyi ay nababagay sa isa't isa kung kaya ang kanyang kapangyarihan ay lalo ring bumubuti.

Ang kanyang Flowing Feather Flying Cloud ay nakaabot na ng peak level. Iisang tao lamang sa Zhao family ang nakapagsanay ng high ranked na speed skill sa peak level.

Sabi ni Zhao Qin, "Si Qiu Changyi ang pinakamabilis sa mga kabataan, lahat ng nakakilala sa kanya noong nakaraang taon ay sumasakit ang ulo."

Mabilis na nagpalitan ng mga suntok at atake ang dalawang anyo. Pantay sila sa lahat ng aspeto pwera lamang sa bilis, pero kaya niya pa ring tapatan ni Zhao Chi ang kalaban.

Ayon sa mga patakaran, kapag pantay ang labanan, ang mga manonood ang pipili ng mananalo. Matapos ang matagal na diskusyon, napagdesisyunan nilang si Qiu Changyi ang nanalo, ang dahilan ay sapagkat siya ang mas nakatataas at ang tagapaghusga ay galing sa Qiu family. Kahit hindi ito patas, walang kahit sino man ang nagsalita.

Matapos manalo ni Qiu Changyi, hindi muna siya pumunta sa kanyang pamilya. Tumingin muna siya kay Zhao Yufei.

"Lady Yufei."

Ngumiti nang bahagya si Qiu Changyi at hindi niya na itinago ang kanyang nararamdaman. Nang makasama si Qiu Mengyu, alam niyang kaya niyang magpigil ng nararamdaman sa mga magagandang babae, pero kumislap ang kanyang mga mata sa pagkakataong makita si Zhao Yufei.

Kung papakawalan niya ang babaeng ito, siguradong pagsisisihan niya ito.

"Qiu Changyi, gusto mo bang makipaglaban sa akin?" ngumiti si Zhao Yufei. Walang kahit anong bakas ng takot sa kanyang mukha.

"Hindi! Ang gusto kong hamunin ay isa!" Nalipat ang mga mata ni Qiu Changyi sa taong katabi ni Zhao Yufei.

Ang biglaang pangyayaring ito ay nakapagpagulat sa nakararami.

"Bakit ako?" Kahit hindi takot si Zhao Feng sa kanya, hindi niya maiwasang magtaka.

"Gusto kong malaman kung anong espesyal kay Brother Zhao, sobrang espesyal na nagpunta pa si Zhao Yufei para sa kumuha pa ng isang imbitasyon," napatitig si Qiu Changyi kay Zhao Feng.

Alam niyang malaki ang posibilidad na may gusto si Zhao Yufei kay Zhao Feng. Para mapalitan ito sa kanyang puso, kailangan niyang matalo si Zhao Feng.

"Ano!? Nagmakaawa si Yufei para sa isang imbitasyon dahil sa kanya?" pagseselos ang namuo sa puso ni Zhao Linlong. Hindi niya mapigilang magdilim lalo ang paningin niya kay Zhao Feng.

"Salamat sa iyo, Yufei," ngumiti nang nagpapasalamat si Zhao Feng kay Zhao Yufei.

Alam niya na ngayon kung paano siya nakakuha ng imbitasyon. Dahil wala naman talagang pakialam sa kanya si Zhao Linlong, hindi talaga siya makakatanggap ng imbitasyon.

"Mabuting magkaibigan tayo, kapitbahay! Kung gusto mo akong pasalamatan, talunin mo siya," ngumiti si Zhao Yufei na tila isang namumulaklak na lotus.

Sa pagkakataong iyon, ang kanyang ganda ay humigit pa sa pinakamarikit na babae sa Sun Feather City, si Qiu Mengyu.

"Oo naman," nakaramdam ng pagliliyab sa puso si Zhao Feng.

Hindi siya nakikipaglaban para makakuha ng kahit ano, para lamang sa pagpunta ni Zhao Yufei upang kunan siya ng imbitasyon ay sapat na rason para hindi siya matalo.

"Sana huwag mong biguin si Lady Yufei," mukhang normal lamang ang itsura ni Qiu Changyi, pero nagseselos at naiinggit na talaga siya.

Ngunit, ang higit na nasasaktan ay si Zhao Linlong.

"Bakit…. Paano nakuha ng isang branch sect disciple ang babae ko!?" malagim ang mukha ni Zhao Linlong.

Nagkasagupaan na rin ang dalawa sa pagkakataong iyon. Sa puting damit na suot ni Qiu Changyi lalo pa siyang gumwapo, at agad namang naging sentro siya ng atensyon para sa mga kababaihan. Ngunit, ang bilis ng kanyang kalaban ay hindi rin naman mabagal.

Lightly Micro Step! Lightly Floating Ferry!

Nagpakitang gilas is Zhao Feng. Ang dalawang skill na ito ay iisa lamang ang pinagmulan. Hanggang ngayon, ang Lightly Floating Ferry ni Zhao Feng ay nasa mababaang lebel pa lang, pero isang yapak na lang ang layo nito mula sa high level.

Ngunit ang rank ng skill na ito ay hindi talaga nasusukat, mayroon itong potenyal na lagpasan ang peak ranked martial arts. Sa aspeto ng bilis, gumagamit lamang ng pitumpu hanggang walumpung porsyento si Zhao Feng para labanan si Qiu Changyi.

"Paano-paanong ang bilis ng lalaking ito ay halos kapantay ng akin?" nagsimula nang pagpapawisan sa likod si Qiu Changyi.

Siya ang pinakamabilis na cultivator mula sa kabataan ng Sun Feather City. Pero ngayon, may kapantay na siya. Dagdag pa, ang body strengthening technique ni Zhao Feng at offensive skills ay higit sa kanya.

"Star Finger!" Sumigaw si Zhao Feng at itinuro ang kanyang daliri.

Shua~

Tinipon ng kanyang daliri ang lahat ng kanyang Inner Strength at inilabas ito ng gabing iyon.

Pu!

Hindi na nakaiwas pa si Qiu Changyi, kung kaya't hinarap niya na lamang ito. Ang resulta, namanhid ang kanyang buong braso Bukod pa roon, may isang mailap na ch ang dumaloy sa kanyang buong katawan.

Teng! Teng! Teng…

Napaatras siya ng ilang apak bago napahinto.

"Peak ranked martial arts? Paano mo ako matatalo…?" nagngitngit ang ngipin ni Qiu Changyi at inilabas niya ang kanyang nakakamatay na atake.

Pah!

Isang kamay na tila tanso ang tumapik sa kanyang balikat.

"Ano!?"

Naramdaman ni Qiu Changyi na nanlamig siya. Habang gulat siyang nakatayo, nahanap na ni Zhao Feng ang kanyang mga kahinaan at gumamit ng hindi mapantayang bilis para masundan siya.

"Talo ako?" tila nawala ang kaluluwa ni Qiu Changyi habang nakatayo siya't hindi makapaniwala.

Pero masakit ang katotohanan. Hindi sila magkapantay ng bilis ni Zhao Feng, daig pa pala siya nito, at natutunan niya pa ang Star Finger, isa sa mga pinakasikat na peak ranked martial arts.

"Star Finger?" bumilis ang tibok ng puso ni Zhao Linlong. Kaparehas ng Spatial Cloud Finger ang Star Finger, parehas itong napakalakas na peak ranked martial arts.

Ang pinuno ng sect na si Zhao Tiancang ay minsang sinabi, "Ang skill na ituturo ko sa'yo ngayon ay Spatial Cloud Finger, isa ito sa mga pinakamakapangyarihan na peak ranked martial arts sa Zhao family. Walang makakatalo sa iyo hangga't wala pang nakakagawa ng Star Finger. Kung mangyari iyon, matatalo ka."

"Bakit hindi mo ituro sa akin ang Star Finger?" tanong ni Zhao Linlong.

"Masyadong mahirap ang Star Finger sanayin, isang maliit na pagkakamali at masisira na ang kinabukasan mo. At kahit ako pa ang pinuno ng sect, hindi ko hahayaang pumili ka pa ng maraming peak ranked martial arts."

Muling bumalik sa alaala ni Zhao Linlong ang pangyayaring ito.

"Phew, mukhang nasa ikalawang lebel pa lang ang Star Finger ni Zhao Feng. Kung nasa ikatlong antas na ito, sobran hirap na nito talunin…" maingat ang paghinga ni Zhao Linlong.

Mula sa mga nakikita niya, mukhang wala pa sa ikatlong antas ang Star Finger ni Zhao Feng.