Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 45 - Ang Imbitasyon ng Summit (2)

Chapter 45 - Ang Imbitasyon ng Summit (2)

Sa loob ng hardin.

Kaagad na nanumbalik si Zhao feng matapos niyang panoorin ang dalawa na biglang umalis. Gusto niyang maabot ang tugatog ng martial arts at galugarin ang mundo sa labas. Ang isang maliit na lungsod tulad ng Sun Feather City at hindi makakayang ikadena siya.

Itinuon na lamang ni Zhao Feng ang kaniyang sarili sa pagcucultivate mula noon, sinasanay ang finger skills at movement skills, pagkatapos ay inner strength skills papunta sa body strengthening techniques. Hini niya alam na ang mga nakababatang henerasyon ng mga henyo ay nakatanggap ng imbistasyon upang dumalo sa genius summit.

****************************

Nang gabing iyon.

Sina Zhao Chi, Zhao Han, Zhao Qin, at Zhao Ling ay natanggap na ang kanilang mga imbistasyon. Hindi lahat ay makatatanggap ng imbistasyon. Tila ang mga mapipili ay dapat kahit papaano ay nasa fourth rank.

Walang alam si Zhao Feng sa mga ito. Naglalakad-lakad si Zhao Yufei paikot sa kaniyang bahay, nagtataka kung dapat ba niyang sabihin sa kaniya ang balita.

******************************

Ikatlong araw matapos ipadala ang mga imbistasyon.

Nakakrus ang mga paa ni Zhao Feng nang umupo siya sa lupa at ipinikit ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang katawan ay biglang naglabas ng hindi mapigil na aura.

_Hu~_

Ang pwersa ay tumatama sa lahat ng nasa paligid, kinakalampag ang mga bintana at hinahangin ang mga upuan. Biglang nagbukas ang mga mata ng bata at dalawang arko ng kidlat ang nakita sa mga ito.

"Ang aking Inner Strength ay umabot na sa sixth rank." Pananabik at kasiyahan ang nakita sa kaniyang mga mata, ngunit kaaagad na pinaikot niya ang Withering Wood Technique at pinigil ito sa fifth rank.

Ang dahilan kung bakit ang kaniyang Innr Strength ay umabot sa sixth rank nang napakabilis ay dahil sa kweba. Kahit na ang Metal Wall Technique ay half a step na lamang ang layo sa fifth level ngayon.

Sa oras na umabot na sa fifth rank ang Metal Wall Technique, ang cultivator ay hindi lamang magkakaroon ng tila bakal na katawan, makakaya rin nilang wumasak ng mga sandata gamit lamang ang kanilang katawan. Nangangahulugan din itong na ang mas mahihina kay Zhao Feng ay mapipinsala ang kanilang sarili sa biglang pagbalik ng lakas.

"Ang aking cultivation level at Metal Wall Technique ay makalalagpas pa sa susunod na dalawang araw." puno ng pag-asa si Zhao Feng.

Ang sixth rank ng Martial Path at fifth level ng Metal Wall Technique. Nagtitiwala si Zhao Feng na magagawa niyang talunin ang sinumang disipulo sa Zhao sect kung lalabanan niya ang sinuman sa kanila.

*******************************

_Sa parehong araw na iyon, sa loob ng isang luma ngunit kahali-halinang hardin sa loob ng Zhao sect._

"Sixth rank ng Martial Path… mabilis kaysa sa inaaasahan ko." Nakasuot ng kaniyang karaniwan niyang kulay-gintong damit si Zhao Linlong , tumayo siya at isang malakas na aura ang bumalot sa kaniya.

_Hu!_

Naglaba siya ng isang nangingibabaw na aura at lahat ng ilang metro ang layo sa kaniya ay nagkagutay-gutay.

"Hindi masama, labing-walong taong gulang ka pa lamang at nakatuntong ka na sa sixth rank. Nasira nito ang kasaysayn ng Su Feather City!" Ang pinuno ng sect, si Zhao Tiancang, ay nakatingin nang may pagsang-ayon sa kaniya.

"Kung wala akong isang libong taon na blood plant at walang amain na nagsasagawa ng Inner Strength Vein Opener Technique, hindi ko siguro magagawang maabot ang sixth rank nang napakabilis," mapagkumbabang nagpasalamat si Zhao Linlong.

Bagamab nakaabot na siya sa sixth rank, mallit pa rin siya kumpara sa kaniyang amain. Ang pagkakaiba ng sixth at seventh rank ay napakalaki, katulad din ng third at fourth ranks. Tanging isa lamang sa sampung cultivators ang tumutuloy sa fourth rank. At sa sixth ranked cultivators, sa isang daan ay isa lamang sa kanila ang nagppaatuloy sa seventh rank.

"Ang susunod ay kailangan mong pagtuunan ng pansin ang martial arts. Ang Genius Sumit ay nalalapit na, huwag mong ipahihiya ang Zhao sect," Sabi ni Zhao Taincang na nakangiti.

"Huwag ka mag-alala, ama. Walang sinuman ang makapipigil sa akin bukod kay Xin Wuheng. At ayon sa sabi-sabi, nasa tigatog ng fifth rank lamang si Xin Wuheng. Mayroon akong kahit papaano ay animnapung porsyento na oportunidad upang matalo siya," malakas ang loob na sinabi ni Zhao Linlong.

**************

Mabilis na lumipas ang oras.

Ang mga araw bago ang pagdating ng Genius Summit ay papalapit nang papalapit. Mas nagiging abala ang Sun Feather City habang papalapit ang summit.

Ang iba ay nagpunta para lamang makita ang babaeng may pinakamagandang anyo.

Sa oras na ito, ang impormasyon na si Zhao Linlong ay nakaabot na sa sixth rank ay kumalat na parang sunog sa buong Sun Feather City. Ito ay malinaw nagpagulat sa hindi mabilang na kabataan at nagdulot ng alon sa tatlong pangunahing lakas.

Sixth rank ng Martial Path!

Para sa mga kabataang iyon, ito ay kahanga-hanga. Walang sinuman ang maikukumpara kay Zhao Linlong sa Sun Feather City. Gayunpaman, walang may alam na hindi lamang si Zhao Linlong ang nakatuntong sa sixth rank.

******************

_Sa hardin ng Zhao sect_

Isang bata ang nagsimulang maglakad sa hangin, ang kaniyang after-images ay bumalot sa buong lugar.

_Teng!_

Parang dahon na bumagsak nang marahan ang katawan ni Zhao Feng. Kung titingnan nang malapitan, mapapansin na mas diresto na ang katawan ni Zhao Feng ngayon. Ang kaniyang katawan ay mas malaki kaysa sa karaniwang matanda, kahit na labing-apat na taon lamang siya.

Ang kaniyang cultivation at Metal Wall Technique ay parehong nakalagpas na pitong araw na ang nakalilipas. Sa oras na iyon, lubos siyang nagtitiwala na walang makalalaban sa kaniya sa Sun Feather City.

Sinusubukan na niyang makakuha ng kaalaman mula sa Star Finger at Lightly Micro Step nitong mga nakaraang araw. Ang Lightly Micro Step ay tumuntong na sa peak level.

Ngayon, nakatuon ang pansin ni Zhao Feng sa Star Finger. Ang kaniyang Star Finger ay naensayo na sa third grade.

_Hu Qi—–_

Nag-iwan ng after-image nag ikalawang daliri ni Zhao Feng sa hangin.

"He!"

Inipon ni Zhao Feng ang kaniyang chi sa isang turo at ang hangin sa paligid nito ay tili yumanig.

_Shua~_

Sa madilim na gabi, ang bituin mula sa kaniyang Inner Strength ay hindi kaagad nawala. Bagkus, nag-iwan ito ng marka sa langit, nag-iwan ng isang magadang arko.

Ang galaw na ito ay ang killing move ng Star Finger, ang One Point Star Finger.

Ang lakas ng One Point Star Finger ay naabot ang extreme level. Kapag ginamit nang tama, makakakaya niyang matalo ang kahit sinong kapareho niya ng rank, at ang skill na ito ay pinipigilan din ang body strengthening techniques. Naniniwala si Zhao Feng na kaunti lamang na mga tao na mas mababa sa seventh rank ang makapipigil sa galaw na ito.

Ngunit mayroon ding hindi magandang dulot ang One Point Star Finger.

Ang una ay ang bilis ng pagtapos. Mayroon lamang dalawampu hanggang tatlumpung porsyentong oportunidad na magamit nang matagumpay ang One Point Star Finger dahil nasa third grade pa lamang ito.

Ang ikalawa ay ang panganib. Kapag nabigo siya, ang kaniyang maliliit na ugat ay puputok. Ang Star Finger ni Elder Zhao noon third grade lamang ang naabot dahil sa panganib na ito.

"Kung gagamitin ko ang aking kaliwang mata. Magkaroroon ako ng apatnapu hanggang limampung porsyentong oportunidad ng matagumpay itong gamitin at ang tsansa na mabigo at mapinsala ang aking daliri ay sampung porsyento lamang," pag-analisa ni Zhao Feng.

Malinaw, habang papataas ang kaniyang grade, ang success rate ay tataas din.

Karamihan sa mga tao ay magkaroroon ng apatnapu hanggang limampung porsyentong tsansa kapag umabot sila s atugatog mg third grade. Mayroong pitumpu hanggang walampung tsansa sa fourth grade. At sa fifth grade, mayroong isang daang porsyentong success rate. Para naman sa sixth grade o mas mataas pa, ang pinsala ay hindi limitado sa One Point Star Finger. Kung wala silang Holy martial art, tapos sila...

Ngunit masiyado pa rin itong malayo para kay Zhao Feng. Talagang hinihintay niya ang fourth grade.

"Young master Zhao Feng, mayroon kang natanggap na imbitasyon," magalang na sinabi ng isang tagapagsilbi na mula sa labas.

Nakaramdam ng kakaiba si Zhao Feng nang makita niya ang mga salitang nasa kulay asul na papel:_Genius Summit_.

Genius Sumiit? Walang anumang alam si Zhao feng tungkol sa Summit na ito.

Sa ilalim ng sulat ay mayroong ilang maliliit na salita.

Organizer: Qiu Mengyu.

Pamilyar para kay Zhao Feng ang pangalan na ito.

"Sino ang Qiu Mengyu na ito?" tanong ni Zhao Feng.

"Young master Zhao Feng, si Qiu Mengyu ang pinakamagandang babae sa Sun Feather City at isa rin siya sa apat na magagaling na henyo." sinubukan ng tagapagsilbi na mapanatili ang kawalan ng ekspresyon.

Mayroong hindi nakakakilala sa kaniya? Si Qiu Mengyu, ang pinakamagandang babae sa Sun Feather City.

_Sou!_

Nang umalis ang tagapagsilbi, isang kulay lilang anyo ang lumitaw sa hardin.

"Brother Feng, nakuha mo na ba ang imbitasyon mula sa summit?" ang biloy sa pisngi ni Zhao Yufei ay kaakit-akit.

"Ano itong Genius Summit?" hindi pa rin alam ni Zhao Feng kung ano ito.

"Hindi mo alam kung ano ang Genius Summit? Nag…" nakanganga si Zhao Yufei at gulat siyang nakatayo roon.

Medyo nagalit rin siya. Pumunta pa siya sa Qiu family at humiling ng isa pang imbitasyon para sa kaniya!

"Sister Yufei, ano ang Genius Summit?" hindi mapigilan ni Zhao Feng ang sarili na magtanong.

Hindi niya alam kung paano inaayos ang mga imbitasyon. Orihinal na mayroong limang rekomendasyon si Zhao Linlong, ngunit hindi niya binigyan si Zhao Feng. Hindi sinabi ni Zhao Yufei kay Zhao Feng ang tungkol dito. Bagkus, direkta siyang nagtungo sa Qiu family at humiling ng bagong imbitasyon.

"Hmph, kung hindi mo alam, huwag mo ng alalahanin," sinabi ni Zhao Yufei, at lumisan sa hardin ni Zhao Feng.

_Hm?_

Kakaiba ang pakiramdam ni Zhao Feng dahil mukhang galit si Zhao Yufei. Ito ang unang pagkakataon na makita niya itong galit.

"Genius Summit? Pupunta ako at titingnan ito. Iniisip ko kung ang pinakamagandang babae ay mas maganda kaysa kay Zhao Yufei?" sa wakas ay nagkainteres si Zhao Feng.

Binuksan niya ang sulat at nakalagay doon ang lugar at oras.

"Ano!? Hindi maganda ito!"

Nagbago ang ekpresyon ni Zhao Feng, dahil ang pagsisimula ay ngayong gabi!

At ngayon, kabababa pa lamang ng araw. Mayroon na lamang kahalating oras na natitira!

"Sandali! Yufei, hintayin mo ako…!" sigaw ni Zhao Feng nang simulan niyang habulin ito.