Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 46 - Ang Pinakamagandang Babae sa Sun Feather City

Chapter 46 - Ang Pinakamagandang Babae sa Sun Feather City

Ilang sandali lang ay nahabol kaagad ni Zhao Feng si Yufei.

Ngunit tila galit pa rin si Yufei dahil hindi ito sumasagot sa lahat ng kaniyang tanong. Naglalakad lamang ito patungo sa kanilang destinasyon, ngunit ang kaniyang mata na tulad ng kristal ay pasikretong sumusulyap sa batang nasa tabi niya.

Naramdaman ni Zhao Feng na sa wakas ay kumalma ito, kaya't nagsimula siyang magtanong tungkol ulit sa Genius Summit.

"Ang Genius Summit ay taunang paligsahan at lahat ng talentadong bata ay nakatatanggap ng imbitasyon…." ipinaliwanag ni Zhao Yufei ang sitwasyon.

Ito ay isang paligsahan kung saan ang mga kabataan ay naglalaban-laban at pinipili ang apat na magagaling na henyo ng Sun Feather City.

Mamaya-maya ay nakarating na sa pangunahing tarangkahan ng Zhao sect ang dalawa. Sa tarangkahan ay may ialang ataong nakatayo, kasama na sina Zhao Linlong, Zhao Chi, at Zhao Han.

"Sister Yufei, hinihintay ka namin…" ngumiti si Zhao Linlong at naglabas ng kaniyang aura.

Ang aura ng isang sixth rank ay nagpanginig sa ibang disipulo na nasa malapit. Lumapit sina Zhao Feng at Zhao Yu Fei.

Bukod sa top five inner disciples, si Zhao Qin at Zhao Ling ay naroroon din.

"Bakit ka narito?" Nang makita si Zhao Feng, nagsalubong ang mga kilay ni Zhao Linlong.

"Bakit? Hindi ba ako malugod na sasalubungin ni Brother Linlong?" bahagyang nagtataka si Zhao Feng.

Bakit hindi siya pupunta? Normal lang sa kaniya na dumalo s Genius Summit dahil siya ang pangatlong pinakamalakas.

"Hehe."

Itinago ni Zhao Linlong ang pangungutya sa kaniyang mga mata at hindi na binigyang pansin pa si Zhao Feng. Muling nakaramdam si Zhao Feng ng ipinagsasawalang-bahala.

Ang ilang disipulo na narooon katulad nina Zhao Chi at Zhao Qin ay alam ang dahilan. Mayroon lamang bilang na pwesto para sa Genius Summit, at hindi binigyan ni Zhao Linlong si Zhao Feng.

Ayon sa batas, kung walang imbitasyon si Zhao Feng, hindi siya maaaring pumasok.

'Gusto siyang makitang mapahiya ni Zhao Linlong…' Makikita ang awa sa mga mata nila Zhao Chi at Zhao Han.

Naramdama ni Zhao Feng na bahagyang kakaiba ang hangin at kakaiba ang pagtingin nila sa kaniya.

"Sige, tara na!" utos ni Zhao Linlong.

"Ang destinasyon ay ang Yanbo Lake malapit sa lugar ng Qiu family." umikot-ikot si Zhao Yufei at binalaan si Zhao Feng na para banag mawawala ito.

**********************

Mamaya-maya ay isang maliit na lawa ang lumitaw.

Sa isang gilid ng lawa, mayroong isang bundok na isang libong mtero ang taas. Pinalilibutan din ng lawa ang kalahati ng bundok. Ang kitaan ay sa tuktok ng bundok.

Ang maliit na grupo sa kanila ay ginamit ang kanilang movement skills at nagsimulang tumakbo sa bundok.

Sa itaas ng bundok, naroon ang ilang disipulo ng Qiu family. Dahil ang organizer ay si Qiu Mengyu, ang lugar na ito ay malinaw na kanilang teritoryo.

"Maaari niyo bang ipakita ang inyong mga imbitasyon?" pito hanggang sa walong disipulo ng Qiu family ang luminya.

Ang mga binatang ito ay hindi mga normal na tao, lahat sila ay mga talentadong disipulo ng Qiu family. Lahat sila ay nakaabot na sa fifth rank o mas mataas pa, at nasa dalawampu hanggang tatlumpu ang kanilang mga edad.

Inilabas ng mga kabataan ang kanilang mga imbitasyon at ibinigay ito. Pinangunahan ni Zhao Linlong ang mga disipulo ng Zhao sect sa checkpoint.

Ang una ay si Zhao Linlong. Pagkatapos ay sina Zhao Chi at Zhao Han.

Sa huli ay sina Zhao Feng at Zhao Yufei na lamang ang natira. Sa sandaling ito, kumurba at naging ngiti ang mga labi ni Zhao Linlong nang tingnan niya si Zhao Feng.

"Ito ang aking imbitasyon." Inilabas ni Zhao Feng ang sulat.

"Oo, tama." Tumango ang cultivator at pinapasok si Zhao Feng

Ang eksenang ito ay naging dahilan upang matigil ang ngiti ni Zhao Linlong. Pareho namang nasurpresa sina Zhao Chi at Zhao Han.

'Ano iyon? Paanong nakakuha ng imbitasyon si Zhao Feng?'

Zhao Feng saw their reactions. He instinctively turned his eyes to look at Zhao Yufei, who dodged his eyes and hurriedly gave up her invitation.

Nakita ni Zhao Feng ang kanilang mga reaksyon. Ibinaling niya ang kaniyang tingin kay Zhao Yufei na iniwasan ang kaniyang mga mata at ibinigay ang kaniyang imbitayson.

Ang grupo na may pitong miyembro ay matagumpay na nakapasok sa lugar. Nagtataka si Zhao Feng nang maramdaman niyang iba ang kaniyang imbitasyon.

Ngumiti si Zhao Yufei, "Kung gusto mong malaman ang sagot, kailangan mo munang pumunta sa Genius Summit…"

Umiling si Zhao Feng at hindi na ito inisip. Ang eksenang ito ay naging dahilan upang malamig na tingnan ni Zhao Linglong si Zhao Feng, para bang binibigyan niya ito ng babala. Naramdaman ni Zhao Feng ang babala at kaguluhan, ngunit hindi niya ito pinansin. Sa kaniyang kasalukuyang lakas, hindi siya natatakot kay Zhao Linlong.

Ang mga disipulo ng Zhao sect ay pumasok sa isang pavilion kung saan ang mga tagapagsilbi ay binibigyan sila ng tsaa. Ang pavilion kung nasaan sila ay malapit sa gitna ng isang malawak na lugar.

Mayroong tatlong pavilion na pare-parehong malapit sa gitna- ang Qiu, Xin, at Zhao families, kumakatawan sa pinakamakapangyarihan sa Sun Feather City.

Tumingin si Zhao Feng sa pavilion sa kaniyang kaliwa at nalaman niyang naroon sin sina Xin Tong at Xin Fei. Naabot na ni Xin Fei ang tugatog ng fourth rank at si Xia Tong naman ay naabot na ang fifth rank.

Malinaw na ang bilis ng kanilang cultivation ay mas mabagal kay Zhao Feng at Zhao Yufei. Ang cultivation level nina Zhao Feng at Zhao Yufei ay parehong umabot na si fifth rank. Kahit papaano, kung titingnan ay ganoon nga, at silang dalawa ang pinakabatang manlalaban na naroroon.

"Ang pinakahenyo ng Xin family ay tinatawag na Xin Wuheng, at siya ang pinuno ng apat na magagaling na henyo. Sa summit noong nakaraang taon, ang tatlong ibang henyo ay hindi nagawang iwasan ang sampung galaw niya," tahimik na sinabi ni Zhao Qin.

Sinundan niya ang tingin nito, napako ang mga mata ni Zhao Feng sa isang batang nakakulay-asul na damit at nakapikit. Ang batang ito ay nasa edad labing-anim hanggang labingpito, at mayroong normal na mukha.

Siya ay si Xin Wuheng, at kaniyang cultivation level ay para bang nasa tugatog na ng fifth rank. Nang tingnan si Xin Wuheng, kahit na ang aroganteng si Zhao Linlong ay naging seryoso ang ekspresyon.

Nang ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay napako kay Xin Wuheng, hindi niya mapigilan ang bumuntong-hininga. Hindi simpleng tao ito…

Nang tingnan niya si Zhao Linlong, hindi man lamang siya kinakabahan. Ngunit ang tingnan ang taong ito, nararamdaman niya ang kaba na lumalabas sa kaniya.Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nakakakita ng hindi nakikita ng iba.

Nang may naramdaman siya, biglang nagbukas ang mga mata ni Xin Wuheng. Nang sandaling buksan niya ang mga ito, nakita ni Zhao Feng ang malilinaw nitong mata, kaagad na naging gwapo ang kaninang normal na mukha.

"Xin Wuheng!" sigaw ni Zhao Linlong nang tumingin siya kay Xin Wuheng.

Gayunpaman, hindi tumingin si Xin Wuheng sa tinatawag nilang numero unong disipulo ng Zhao sect. Bagkus, ang kaniyang mga mata ay bumagsak kay Zhao Feng.

"Hindi na masama. Mayroon na ring pumukaw sa aking interes," tumango si Xin Wuheng. Nang matapos siya, muli niyang ipinikit ang mga mata, hindi na tiningnan pa si Zhao Linlong,

'Ano?'

Pinigilan ni Zhao Linlong ang kaniyang galit. Walang sinuman mula sa nakababatang henerasyon ang may tapang na maliitin siya. Ngunit sadyang hindi siya maaaring magalit kay Xin Wuheng. Pagkatapos ng lahat, tinalo siya ni Xin Wuheng sa sampung galaw noong nakaraang taon.

"Sino ang lalaking ito? Para maging importante siya kay Xin Wuheng?" maraming tumingin kay Zhao Feng, kasama na sina Xin Fei at Xin Tong.

Ang kagustuhang lumaban ni Zin Fei ay nag-aalab at si Xin Tong ay tila umaasa rin. "Maalamat ang bilis ng cultivation ng batang iyon, umabot na rin siya sa fifth rank."

Pakiramdam ni Zhao Linlong ay nadaya siya sa kung papaanong tingnan na parang importante si Zhao Feng. Hindi man lang siya tinignan ni Xin Wuheng!

"Xin Wuheng.. malapit mo ng makita kung sino ang totoo mong kalaban," malamig na tumawa si Zhao Linlong.

Sa pagsapit nang gabi, mas marami pang tao ang dumating. Sa loob ng mga pavilion ay ang mga talentadong bata at mga panauhing may mataas na estado. Mayroong apatnapu hanggang limampung bata ang imbitado at ang mga manonood ay umabot sa isang daan.

Biglang naputol ang mga daldalan at pag-uusap-

"Nandito si Qiu Mengyu!"

"Ang pinakamagandang babae ng Sun Feather City!" sigaw ng mga tao at pagkatapos ay naging tahimik.

Sa red carpet, mayroong babaeng nakasuot ng kulay-asul. Ang kaniyang buhok ay tila sumasabay sa hangin at ang kaniyang marilag na mukha, tila gawa siya sa isang mamahaling bato.

Nasa labimpito hanggang labingwalong taong gulang si Qiu Mengyu, at ang bawat kilos niya ay napaka elegante. Ang bawat ngiting ibinibigay niya ay puno ng kasiguraduhan, hindi katulad nina Zhao Yufei at Zhao Qin na parehong mahiyain.

"Walang duda kung bakit siya ang itinuring na pinakamagandang babae sa Sun Feather City."

"Huwag mong kalimutan na si Qiu Mengyu ay isa rin sa apat na magagaling na henyo."

Karamihan sa mga talentadong kabataan ang tulala.

Sa mga naroroon, tanging si Zhao Yufei lamang ang maikukumpara sa kaniya. Ngunit mas bata si Zhao Yufei, nasa labing-apat hanggang labinlima lamang, at ang kaniyang kasimplehan ay napakanatural. Samakatuwid, hindi siya ganoong kaakit-akit katulad ni Qiu Mengyu.

Sa atensyon ng mga tao, pumasok si Qiu Mengyu sa loob ng pavilion ng Qiu family.

"Ngayong araw, mayroon akong karangalan upang maghost ng summit ngayong taon kung saan lahat ng talentadong kabataan na nasa loob ng isang libong radius ay imbitado.." Ang tinig ni Qiu Mengyu at tila isang banayad na pagdaloy ng isang sapa, kaya't nakakuha pa ng mas maraming atensyon.

Tunay na napakaganda niya!

Walang magawa si Zhao Feng kundi ang tingnansi Qiu Mengyu ng ilang beses pa at suminghal si Zhao Yufei na nasa kaniyang tabi.

Mayroon din isang batang nakaputi ang nasa loob ng pavilion ng Qiu family ang nakaabot na sa tugatog ng fifth rank.

"Ang taong iyan ay si Qiu Changyi at isa rin siya sa apat na magagaling na henyo," ipinakilala ni Zhao Qin.

"Ibig sabihin nito na ang dalawa sa apat na magagaling na henyo ay mula sa Qiu family? Bahagyang nagulat si Zhao Feng.

"Oo, ang kapangyarihan ng Qiu family sa Sun Feather City ay napakalakas, at kalaban sila ng ating Zhao family, kaya't madalas na nagkakaroon ng ilang away," dagdag ni Zao Chi.

Sa sandaling ito, ang apat na magagaling na henyo ng Sun Feather City ay tumayo: Si Zhao Linlong, Xin Wuheng, Qiu Mengyu, at Qiu Changyi.