Nakaraang taon, apat na magagaling na henyo ay nai-rank, kasama si Xin Wuheng na madaling naipuwesto sa unahan. Ang pangalawa ay si Qiu Mengyu, pangatlo ay si Zhao Linlong, at ang pang-apat ay si Qiu Changyi.
Ang una ay nanggaling sa pamilya ng Xin, samantalang ang pangalawa at ang pang-apat ay parehas na pambato ng pamilyang Qiu. Ang pamilya ng Zhao ang madaling naipuwesto sa huli. Ngunit ngayong taon, lahat ito ay nagbago!
Hindi lang nakarating ng sixth rank si Zhao Linlong, sina Zhao Feng at Zhao Yufei ay parehas nakarating sa fifth rank sa batang edad.
Ang mga pamilya ay nagkumpara kung gaano karami sa nakababatang henerasyon ang nakarating sa fifth rank o mas mataas pa.
Sa pamilya ng Zhao ay mayroong lima: Zhao Linlong, Zhao Chi, Zhao Feng, Zhao Han, at Zhao Yufei.
Ang pamilya ng Xin ay mayroon lamang tatlo, kabilang na si Xin Tong na siyang kararating lamang sa fifth rank.
Ang pamilya ng Qiu ay mayroong apat, kasama sina Qiu Mengyu at Qiu Changyi, dalawa sa apat na magagaling na henyo.
"Ang summit ngayon taon ay magiging matindi..." Ang pangingibabaw ng Zhao Family ay naging dahilan para kabahan ang dalawang pamilya.
Nang dumating na ang lahat, ang summit ay opisyal nang nagsimula. Ang summit ay nakatuon lamang para sa sparring at pakikipag-usap. Batay sa patakaran, kahit sino ay maaaring magpakita ng kanilang skills o manghamon ng kahit sino.
Pagtapos nila sa sparring, ang dalawa ay magpapalitan ng payo.
*************************
_Sa malaking bukas na espasyo sa gitna ng summit..._
"Naensayo ko ang isang skill na tinatawag na Swiping Cloud Leg at ito ay nakaabot na sa peak level."
May isang batang sumipa gamit ang parehas na binti. Hindi nagtagal, nagsimula pa siyang sumipa ng mas mabilis. Sa wakas, ang afterimage na lamang ang natira. Ito ay tila magulong bagyo ng mga binti.
"Hindi masama. Upang makayanang sanayin ang isang middle ranked skill patungo sa peak level," pagpupuri ng mga manonood. Ang batang ito ay hindi galing sa tatlong pinakamalaking mga pamilya. Sa halip, siya ay pinakahenyong galing sa maliit na pamilya.
Kapag tapos magpakitang-gilas, ang kaniyang naglalagablab na mga mata ay tumitig kay Qiu Mengyu, "Nais kong makipag-spar kasama ang pinakamagandang babae ng Sun Feather City."
Sa oras na matapos siya, nagdulot siya ng kaguluhan galing sa mga manonood.
"Ikaw lang? Gusto mong makipag-spar kasama si Qiu Mengyu? Managinip ka!"
"Kailangan mo muna akong talunin kung gusto mong hamunin si Qiu Mengyu!" Galing sa pamilya ng Qiu, isang batang na fourth rank ang lumitaw.
Hindi nagtagal nagbungguan ang dalawa. Ang taong galing sa pamilya ng Qiu ay nakapagcultivate ng high ranked martial art. Malinaw na, ang disciple ng pamilyang Qiu ay nanalo pagtapos ng lagpas limampung galaw.
"Hmph! Mayroon ka pang mukhang maipapakita sa pagpunta sa summit gamit ang walang kabuluhang lakas mo?" Pagtuya ng disciple ng pamilya ng Qiu.
Ang mga talentadong kabataan galing sa tatlong malalaking pamilya ay mayroong mas magandang cultivation techniques at skills. Kaya naman, ang kanilang lakas ay mas matindi kaysa sa ibang nasa parehas na level.
Ang batang Qiu na ito ay hindi kalaunan hinamon ng isang taong galing sa pamilya ng Xin.
May patakaran ang summit. Ang sparring sa umpisa ay para lamang sa mga taong nasa fourth rank. Ang mga tao sa fifth rank o mas mataas pa ay hindi maaaring sumali.
Hindi nagtagal, sina Zhao Qin at Zhao Ling na mula sa sect ng Zhao ay nagpakita, parehas nanalo at natalo ng iilan.
Sa paglipas ng oras, ang lakas ng mga nasa entablado ay umangat.
"Ako, si Zhao Han, ay nais makita kung gaano ka kalakas." Nakatayo si Zhao Han sa gitna ng bukas na espasyo.
Sinuri ng kaniyang mga mata ang cultivators ng fifth rank mula sa pamilya ng Xin at ng Qiu. Bagama't mayroon lamang tatlo ang pamilya ng Xin, ang kanilang mga lakas ay lahat matindi.
"Gagawin ko!" dahan-dahang tumayo si Xin Tong at itinapon ang damong sumbrero na nasa kaniyang ulo. Nakapag-spar na siya noon kasama si Zhao Han. Ngunit dahil ang kaniyang cultivation level ay mas mahina, siya ay natalo.
"Talunang basura!" malamig na tumawa si Zhao Han at unang umatake.
"Steel Wall Arm!"
Naging tanso ang kamat ni Xin Tong at ang mga muscles sa kaniyang kamay ay humigpit. Sa ilalim ng pagdaloy ng kaniyang Inner Strength, ito ay nagtungo papunta kay Zhao Han.
Ice Cold Palm!
Isang kakaibang kasing lamig ng yelo na Inner Strength ang nabanaag muna kay Zhao Han at lumitaw sa kaniyang palad.
_Pah—-_
Ang dalawang enerhiya ay labis na nagbangguan. Napatalsik ng kaunting hakbang si Zhao Han samantalang naramdaman naman ni Xin Tong ang pagmanhid ng kaniyang braso sa lamig.
Ang dalawa ay may kani-kaniyang lamang: Ang lamang ni Zhao Han ay ang Inner Strength niya ay nasa peak fifth rank, samantala ang lamang naman ni Xin Tong ay ang kaniyang body strength at ang depensa ay mas mataas.
Dahil nakaabot na si Xin Tong ng fifth rank, ang kaniyang Inner Strength ay nakaabot na rin sa ganitong level, at dagdag ang kaniyang Steel Wall Arm, mas lalo pa itong naging makapangyarihan.
Nagpalitan ng sampuang suntok ang dalawa nang hindi nakakakita ng katapusan.
Ngunit sa paglipas ng oras, nakaramdam na rin ng pagod si Zhao Han. Sa tuwing sila ay magbabanggan, ang kamay niya ay mamamanhid dahil sa pagbangon.
At dahil ang depensa ni Xin Tong ay lubhang malakas, hindi siya napinsala nang ganoon kadali.
Sa wakas, pagtapos ng isang daang galaw o higit pa, nagsimula nang manghina si Zhao Han samantalang si Xin Tong ay nagsimula nang umatake ng mas matindi.
"Dito nagtatapos ang spar," bahagyang ngumiti si Qiu Mengyu at tinigil ang dalawa.
Sunod, inalisa niya ang lakas ng dalawa at ang mga kahinaan, "Zhao Han, bagama't napakalakas ng iyong Inner Strength, ang pundasyon nito ay hindi ganoon ka-solid. Inirerekomenda ko na mag-ensayo ka ng isang body strengthening technique. Para naman kay Xin Tong, kahit ang depensa mo ay ang iyong espesyalidad at ang iyong opensa ay malakas din, masiyado kang umaasa sa purong kapangyarihan. Ang marial arts skills mo ay nagkukulang pa…"
Magaling ang pag-aanalisa ni Qiu Mengyu. Mayroon ding ibang taong nakisali sa usapan. Napagdesisyunan djn nilang si Xin Tong ang nanalo sa laban na ito.
"Hehe, sino ang manggaling sa pamilya ng Zhao? Zhao Linlong? O si Zhao Feng?" Nakahalukipkip ang kamay ni Xin Tong at siya ay ngumunguya sa isang piraso ng damo habang nakatingin sa pamilya ng Zhao.
Masiyadong maraming talentadong tao sa pamilya ng Zhao mula sa ngayong henerasyon, kaya ang ibang nga pamilya ay nagkampihan para hamunin ang mga henyo na galing sa Zhao family.
Sa wakas, ang mga mata ni Xin Tong ay nanatili kay Zhao Feng dahil siya ay walang tiwala sa kaniyang sarili na matatalo niya si Zhao Linlong. Ang cultivation ni Zhao Linlong ay nakaabot na sa sixth rank at wala bukod sa apat na pinakahenyo ang may lakas ng loob na hamunin siya.
"Katatapos mo lang lumaban, kung manalo man ako hindi ito magiging patas." bahagyang ngumiti si Zhao Feng at tumayo.
Totoo ang kaniyang sinabi, naging mahigpit ang laban nina Xin Tong at Zhao Han at ang kaniyang enerhiya ay bawas na.
Subalit ang kaniyang mga salita ay ang naging dahilan upang makaramdam ng pandidiri ang disciples galing sa pamilya ng Xin.
"Bata! Huwag kang masiyadong mayabang!"
"Hmph! Huwag ka nang magdahilan!"
Ang pinaka rason ay dahil si Zhao Feng ay hindi gaanong kasikat sa Sun Feather City at hindi karamihan ang mga taong nakakakilala sa kaniya at ang tingin lang sa kaniya bilang isang bahagyang talentadong bata ng nakababatang henerasyon.
Sikat lamang si Zhao Feng sa loob ng pamilya ng Zhao dahil halos hindi siya lumalabas sa lugar ng kaniyang pamilya.
Si Xin Fei lamang ng pamilya ng Xin ang natatanging mayroong taimtim na mukha.
Nagbigay ng mungkahi si Qiu Mengyu, "Bakit hindi hayaang magpahinga muna si Xin Tong habang nakikipagspar si Zhao Feng sa iba?"
Ang kaniyang malakristal sa linaw na mga mata ay nagbigay ng interesadong tingin kay Zhao Feng, at siya ay tumingin kay Zhao Yufei sa 'di kalayuan. Bahagyang nahiya si Zhao Yufei at inilabas ang kaniyang dila.
Kakaiba ang naramdaman ni Zhao Feng, tila ba kilala siya ni Qiu Mengyu.
"Mayroon bang gustong makipagspar kasama ako?" tanong niya ng may ngiti.
"Hayaan mo ako!" Isang batang may peklat sa mukha ang lumabas galing sa pagoda ng pamilyang Xin.
Siya ay si Xin Fei. Makaraan ang dalawang buwan, ang cultivation ni Xin Fei ay nakaabot na ng peak ng fourth rank.
"Hindi ikaw ang kalaban ko." kalmadong tumingin si Zhao Feng kay Xin Fei.
"Alam ko." Huminga ng malalim si Xin Fei habang tumatalas ang kaniyang mga mata.
_Shua—-_
Ang blade sa kaniyang kamay ay humiwa sa hangin sa bawat kumpas.
"Insane Wind Dance!"
Ang blade skill ni Xin Fei ay nahunhon hanggang sa pinakadulo, at ang lugar sa loob ng isang metro ay lubhang nasira ng kaniyang Song of the Blade Dancing.
Sa pagharap sa ganoong atake, hindi mapigilan ni Zhao Feng kundi matulala. Ang lakas ni Xin Fei ay maaaring humamon ng mga nasa fifth rank. Kung opensa ang pag-uusapan, nalampasan na ni Xin Fei si Xin Tong.
Lightly Micro Step!
Biglang naging pabagu-bago ang anyo ni Zhao Feng at mayroong matitirang after-images niya kahit saan man siya mapunta.
_Shua! Shua! Shua…_
Ang bawat atake ni Xin Fei ay tumatama lamang sa mga after-images na naiwn ni Zhao Feng, na biglang naglalaho. Madaling naiwasan ni Zhao Feng ang mga atake ni Xin Fei at hindi man lamang siyang magawang hawakan ni Xin Fei ang kaniyang mga damit.
"Ang speed skill ni Zhao Feng ay katulad ng Shadow Step ni Zhao Linlong." pasikretong nagulat si Zhao Chi.
Angry Dragon Fist!
Dali-daling nagpakawala ng atake si Zhao Feng at ang kaniyang kamao ay parang umaatungal na dragon na bumangga patungo kay Xin Fei.
_Peng! Dang!_
Ang kamao at ang long blade ay nagbanggaan ng maraming beses, ngunit napapaatras si Xin Fei sa bawat atake. Ito ang naging resulta kahit na pinigilan ni Zhao Feng ang kaniyang cultivation sa peak ng fourth rank.
_Dang~_
Makalipas ang sampung galaw, ang blade ni Xin Fei ay napatalsik gamit ang daliri ni Zhao Feng. Ang isang daliri na iyo ay parang normal lamang, subalit naglalaman ito ng lubhang malakas na enerhiya. Ang blade ni Xing Fei ay napatalsik ng sampung metrong layo at kumalampag sa sahig.
"Ikaw lang ang kaisa-isang kinahahangaan ko bukod kay Xin Wuheng." Mukhang hindi lubhang nalungkot si Xin Fei nang siya ay tumalikod upang pulutin ang kaniyang blade. Pagtapos lamang ng motibasyon at kaba biglang aangat ang kaniyang lakas.
"Balang araw magiging top blade master ka rin." Hindi mapigilan ni Zhao Feng na purihin siya, nakita niya ang potensyal at tibay ng loob kay Xin Fei na hindi niya nakita sa iba.
Bagama't ang kaniyang kalaban ay nasa fourth rank lamang, nakikita ng mga tao na hindi ito ang hangganan ng lakas ni Feng. Lalo na ang kaniyang huling galaw, isang tapik ng kaniyang daliri ay napatalsik na niya ang blade ni Xin Fei.
"Zhao Feng, mukhang malaki ang ginaling mo!" Dahan-dahang tumayo si Xin Tong.
Patapos magpahinga ng sandalian, siya ay nakabawi dahil hindi siya napinsala ni Zhao Han dahil sa laban nakaraan.
"Ngayon oras kukuhanin ko ang natalo ko sa'yo nakaraang oras," sabi ni Zhao Feng.
"Huwag kang maging mapagkumbaba, nong hulit oras hini mo man lang naabot ang fourth rank at hindi ko kinayang marating ang bilis na mayroon ka. Subalit, umaasa akong hindi mong iwasan mo ang pagkakaton na 'to at lumban ka ng pragntumao."
"Kung ganoon hayaan niyo na kaming magsimula." Huminga ng malalim si Zhao Feng at nagbato ng isang simpleng kamao.
"Magaling!" malakas na tumawa si Xin Tong, hindi siya natatakot kahit laban siya ng kahit sino ng harap-harapan.
_Peng!_
Ang dalawang kamo na tila gawa sa bakal ay mabigat na nagbanggaan at nagdulot ng malaking pagsabog.
_Hu~_
Ang malaking pwersa ay kumalat patungo sa paligid. Maraming mga henyo ang nakaramdam ng pagnginig ng kanilang mga tainga.
"Nakasisindak na lakas!"
Maraming manonood ang nakaramdam ng pagtalon ng kanilang puso, sa tunog pa lang nagulat na sila. Ang dalawang anyong ay nakatayo na tila batong estatwa sa gitna ng entablado. Ang buong entablado ay nanahimik.
Pagtapos ng maikling sandali, isang anyo ang nanginig at dumura ng dugo.