Sa likod-bahay sa kastilyo ay nakatayo ang isang cottage, na gawa sa kahoy na sahig at may dalawang bintana. Mayroong isang lawa sa harap ng cottage na may lawak na halos siyam at kalahating yarda, at puno ito ng tubig-ilog, na ginawa itong fire-resistant at maaring baguhin. Nakatambak sa ibabaw ng lupa ay maraming ingots ng bakal, na nagmula sa isang panday at inilagay doon ni Carter.
Pinili ni Roland ang lokasyong ito para sa cottage dahil sa kalapitan nito sa isang balong, ngunit napakaliit parin nito upang maging laboratoryo. Umiling siya, habang napagtanto na ang paggawa ng isang perpektong lab sa isang gabi at imposible. Kakailanganin niya si Barov na mangolekta ng materyales bago siga makapagtayo ng isang opisyal na workshop.
"Kamusta ka? Nakatulog ka ba ng maayos?"
Tumalikod si Roland at tinanong si Anna, na mukhang nalilito.
Ang mangkukulam sa harap niya at ang mangkukulam na nakita niya kahapon ay magkaibang-magkaibang tao. Pagkatapos ng isang masinsinang ligo, ang kanyang mahabang madilaw na buhok ay nakapatong sa kanyang balikaw na parang isang balabal at may malambot na ningning. Ang kanyang balat ay makintab at masigla at ang mga freckles sa kanyang ilong ay nagdagdag ng kabataang sigla sa kanyang mukha. Ang kanyang katawan ay napakapayat na ang malakas na simoy ng hangin ay maaring magpatumba sa kanya, ngunit ang kanyang may pisngi ay mapula at ang mga pasa at marka sa kanyang leeg ay naglaho na. Suspetsa ni Roland na ang mahikal na kapangyarihang ay hindi lang nagbibigay ng kakaibang lakas, kundi pinagbubuti din ang kanilang kalusugan. Ang pag-galing ni Anna ay mas mabilis kaysa sa karaniwang tao.
"Dahil nakaranas ka ng matinding paghihirap, dapat kang pahintulutan magpahinga ng ilang araw, ngunit limitado ang oras natin, kaya babawi nalang ako sayo sa susunod." Paikot na naglakad si Roland sa babae. "Maayos ba na kasya ang iyong damit?"
Ang suot na damit ni Anna ay maingat pinili ni Roland kumporme sa kanyang maslawang panlasa. Ang damit pangproteksyon ng mga manggagawa ng bakal ay masyadong makapal at hindi bagay para sa kanya, habang ang elegante at magarang damit na madalas suot ng karamihang mga salamangkero ay naglilimita ng pagkilos at mabilis na masusunog at magiging abo. At para sa damit ng mga tagapag-silbi, mayroon bang mas magandang damit kaysa dito?
Kahit na ang mundong ito ay walang modern maid outfits, hindi ito naging isyu dahil ang kasalukuyang damit ng mga tagapag-silbi ay pareho sa mga susunod na henerasyon. Sa gayon, kumuha si Roland ng isang hanay ng damit kay Tyre at ginupit ito sa laki ni Anna, pinaiklian ang palda, pinaikli ang manggas, tinupi ang kwelyo, at nagdagdag ng isang kurbata, at nakalikha ng bagong uniporme ng mga mangkukulam.
Ito ay sinamahan ng isang customized witch hat, itim na bota, pati na isang kapa na hanggang tuhod ang haba, at nakita ni Roland ang kanyang sarili na nakatingin sa isang karakter na sa isang pelikula niya palang nakikita.
"Iyong Kamahalan... Anong magagawa ko para sa inyo?" Ang tanong ni Anna.
Hindi talaga makasunod si Anna sa mga ideya ng lalaking ito, at pakiramdam niya nawawalan siya ng katinuan. Habang siya ay hinatak palabas ng piit na may bag sa ibabaw ng kanyang ulo, inisip niya na siya ay malapit ng makalaya sa kanyang sinumpang buhay.
Ngunit, matapos alisin ang bag, nakita ni Anna ang kanyang sarili hindi sa bitayan o sa pamugot, kundi sa isang magandang silid. Pagkatapos, isang grupo ng mga tao ang pumasok at sinimulan siyang hubaran at paliguan simula kili-kili hanggang sa kanyang mga daliri sa paa, na walang iniiwang madumi.
Ang susunod ay ang kanyang dami, hindi inasahan ni Anna na may taong tutulong sa kanya na magbihis. Hindi rin niya alam na ang daming ay maaring maging sobrang komportable na ito'y dumikit sa kanyang katawan.
Isang balbas-saradong matanda ang pumasok sa silid, at matapos niyang utusan ang lahat lumabas, naglagay siya ng kontrata sa harap ni Anna. Sa sandaling ito napagtanto ni Anna na ang lalaking nagsabing gusto siyang kunin para magtrabaho ay ang Prinsepe Roland at na hindi siya nagbibiro. Malinaw na nakasaad sa kontrata na kapag nagtrabaho siya para sa prinsepe, siya ay mababayaran ng gold royals kada buwan.
Alam ni Anna ang halaga ng isang gold royals. Ang bayad ng kanyang ama bilang isa minero ay nakadipende sa dami ng mineral na kanyang namina, ngunit kahit na ang pinakamagang mina nito ay nagkakahalaga lamang ng isang silver royal. Isang daang silver royals ang katumbas ng isang gold royal, at ito parin ay nakadipende sa kadalisayan o purity ng mga silver royals. Ang trabaho niya ba ang ang makipagtalik sa prinsepe? Narinig ni Anna ang mga tagapag-silbi habang siya ay naliligo, ngunit sa tingin niya ay hindi siya sapat sa halagang iyon. Ang kanyang dugo ay may bahid ng diyablo, at lahat ng sinuman na nakakaalam nito ay iniiwasan siya. Kahit na ang pag-usisa ng prinsepe ay napakatindi na hindi siya natatakot sa diyablo, hindi niya kailangan bayaran siya.
Gayunpaman, walang dumating sa kanyang silid ng gabing iyon, at payapa siyang nakatulog ng mahimbing. Iyon ang pinakamalambot na kama na natulugan ni Anna, kaya't agad siyang nakatulog pagkahiga niya. Pagkagising niya kinabukasan, tanghali na at ang tanghalian ay hinahain na sa kanyang silid, na binubuo ng tinapay, keso, at steak. Siya ay handa ng mamatay, ngunit matapos matikman ang maluhong pagkain, hindi mapigilan ni Anna at simulang umiyak.
Sumabog ang mga saro at panimpla sa kanyang bibig na may matinding anghang na may halong katamisan, na sumasalakay sa kanyang panlasa... Nang bigla niyang naramdaman na parang lumiwanag ng kaunti ang mundo.
Naramdaman ni Anna na kapag kumain siya ng ganitong klaseng pagkain araw-araw, magkakaron siya ng lakas ng loob upang labanan ang mga demonyong umaatake sa kanyang katawan.
Nakatayo sa hardin na walang kapareho sa kanyang selda, palihim na nagdesisyon si Anna sa kanyang isip. Dahil kailangan siya ng prinsepe, kung magsuot ng kakaibang damit, o sa paggamit ng kapangyarian ng diyablo, handa siyang subukan ito. Kaya inulit niya ang tanong niya, ngunit sa pagkakataong ito ay wala ng pag-aalinlangan.
"Kamahalan, anong magagawa ko para sa inyo?"
"Sa ngayon, gusto ko matutunan mo kontrolin ang iyong lakas. Paulit-ulit kang mag-ehesisyo hanggang sa kaya mong palabasin at pawalain ang iyong mga apoy."
"Ibig mong sabihin ang kapangyarihan ng diya...."
"Hindi, hindi, Miss Anna." Singit ni Roland. "Kapangyarihan mo ito." Kumislap ang maganda asul na mata ng mangkukulam.
"Karamihan ng tao sa mundo ay nagmaling-akala na ang kapangyarihan ng mga mangkukulam ay nanggagaling sa diyablo at ay napakasama, pero sila ay nagkakamali." Yumuko si Roland at tumingin sa mga mata niya. "Pero naisip mo na yun, hindi ba?"
Naalala ni Roland ang tawa ni Anna sa piit. Kaya ba ng tao na napakasama ang tumawa sa sarili ng may pag-uyam?
"Hindi ko ginamit ang kapangyarihan ko para makasakit ng iba," bulong ng Anna, "maliban sa looter na iyon."
"Hindi kasalanan ang pagdepensa sa sarili, at ginawa mo lang ang nararapat. Kinakatakutan ka ng tao dahil hindi ka nila naiintindihan, at ang alam lang nila ay ang pageehersisyo ay magbibigay lakas, ngunit hindi nila alam paano maging isang mangkukulam. Talagang nakakatakot ang hindi nalalamang kapanyarihan."
"Hindi ka natatakot." Sabi ni Anna.
"Dahil alam kong ang ikaw ang nagmamay-ari sa kapangyarihang iyon." Tawa ni Roland. "Ngunit kung ang looter na iyon ay may matinding lakas, hindi ko magagawang kampanteng tumayo sa harapan niya."
"Halika't tayo nang magsimula," sabi niya.