Chereads / Release That Witch (Tagalog) / Chapter 7 - Pagsasanay (Ikalawang Parte)

Chapter 7 - Pagsasanay (Ikalawang Parte)

Nagmula ang apoy sa kanyang mga paa ngunit agad din itong nawala.

Iyon ay ang kanyang ika-dalawampu't tatlong pagtatangka.

At nabigo nanaman siyang muli.

Patuloy na pinagpapawisan ang noo ni Anna, at ginamit niya ang likod ng kanyang kamay upang punasan ito, at agad din naglaho ang apoy.

Nang hindi tumitigil upang magpahinga, pagkatapos mag-ensayo ay sinundan agad ng panibagong pag-eensayo. Nakatupi ng maayos sa kanyang tabi ang uniporme ng mga mangkukulam. Kung hindi ito ginawa ni Anna, malamang ay nasunong ang uniporme at naging abo.

Sa kabutihang palad, dahil sa katayuan ni Roland bilang ika-Apat na Prinsepe, ang pagkakaroon ng ilang pirasong damit para sa kanyang pagsasanay ay hindi mahirap. Pinaghatid ni ang kanyang taga-pagsilbi na si Tyre na magdala na isang baldeng mga damit, na tinipon ng mga katulong para magamit ni Anna.

Naging matagumpay din ang kanyang ika-dalawampu't apat na pagtatangka. Hindi na nagmula ang apoy sa kanyang mga paa. Sa halip, nagmula na ito sa kanyang mga kamay. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang mga braso upang subukan igalaw ang apoy papunta sa kanyang mga daliri, ngunit biglang umuglat ang apoy ng dalawang beses at biglang kumalat sa kanyang buong braso kung saan nagsimulang masunog ang kanyang manggas, kumalat mula manggas hanggang nilamon na ang buong balabal.

Pinawala ni Anna ang apoy, ngunit tuluyan ng nasunong ang kanyang balabal at hindi na maaring magamit pa, kaya pumunta siya sa balde upang kumuha ng panibagong damit.

Hindi ito ang unang beses na nangyari ito, ngunit sa tuwing ito ay nangyayari, tumitingin si Roland palayo. At tititig sa kawalan, kahit na hindi ito pinapansin ni Anna.

Sa katunayan, kung hindi dahil sa matinding pagtutol ni Roland, sa malamang ay hinubad na niya ang kanyang mga damit at mageensayo ng hubad, sa liwanag ng araw! Ngunit kahit na tignan siya ni Roland, hindi siya makakapagtrabaho ng maayos na may kasamang isang hubo't hubad na babae, lalo na kapag ang babaing iyong ay nagliliyab sa apoy at ang kanyang katawan ay nagbibigay ng ibang uri ng enerhiya.

Iniling ni Roland ang kanyang ulo, at tinanggal ang mga maruming saloobin mula sa kanyang isipan. Sa sandaling ito, tila napakahirap ang paghuhusay sa paggamit ng mahika. Inutusan ni Roland si Anna na subukan kontrolin ang apoy sa amtas na kaya niya iyong palabasin sa kanyang palad o sa kanyang mga daliri ng hindi nasisira ang kanyang mga damit. Gayunpaman, gusto rin niya na ang apoy ay may sapat na init na kaya nitong tunawin ang mga pig iron ingots na nasa bakuran.

Matapos mabigo ang ika-tatlumpong pagsubok ni Anna, pinigilan siya ni Roland bago niya masimulan ang susunod na pagsubok at sinabihan siya na magpahinga muna.

Nagulat si Anna, ngunit wala siyang binigay na sagot.

Kinailangan ni Roland na puntahan si Anna at hilahin siya sa kamay, at dinala siya sa isang upuan at pinilit siyang umupo.

"Pagod ka na, kapag pagod ka na, kailangan mo magpahinga. Huwag ka masyadong mainip, marami pa tayong oras." Tinulungan niyang punasan ang pawis sa noo ni Anna at sinabing, "Halina't magtsaa tayo."

Alam ni Roland na ang mga maharlika ng Kaharian ng Graycastle ay walang ugali na mag-tsaa sa hapon. Dahil ang ekonomiya ng mundong ito ay hindi pa gaanong kaunlad, ang karamihan sa mga tao ay hindi magkakaroon ng oportunidad na makatikim ng masarap na pagkain. Ang mga tao sa mundong ito ay hindi pamilyar sa ideya ng pagkain ng tatlong beses sa isang araw, ano pa sa apat na beses? Para sa mga anak ng maharlika, madalasan sila'y nagtitipon ng hapon sa mga sugalan at inuman.

Kung gugustuhin ni Roland na ipakilala ang kaugalian, kailangan siya mismo ang maghahanda ng mga pagkain at inumin, dahil hindi pamilyar dito ang mga katulong at mga kusinero. Dahil may nakahanda ng mga inumin at wala silang anumang uri ng tsaa, napilitan siyang gumamit ng ale bilang pamalit, ngunit ito ay magiging importante upang magkarron ng tsaa sa hinaharap.

Kaya sa isang wooden cottage sa likod-bahay ng kastilyo, ginanap ang unang afternoon tea party ng Graycastle.

Tinignan ni Anna ang iba't-ibang pinggan ng kakaibang meryenda, hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Paanong nagging napakaganda ng isang pagkain?

Kahit na hindi niya alam ang pangalan ng cake na kanyang kinain, ito'y napakaputi, at ang pulang koleksyon ng mga prutas ay kayang makapag-laway ng bibig ng kahit sinuman. Ang gilig ng mga pastry ay pinalamutian ng magagandang pattern. Inalantad siya ng karanasang ito sa mga bagay na hindi pa niya nakita kailanman, na ulit pilit binago ang kanyang pananaw sa mundo.

Nagmamalaking inobserbahan ni Roland ang expresyon ni Anna; mukhang nabigla si Annna, ngunit bahaya din natakot. Bagaman ang strawberries on the cream cake ay gawa sa asukal at hindi naglasang sariwa, kinain ni Anna ang lahat ng ito.

Natuklasan ni Roland na ang panunuod sa mukha ng mangkukulam habang siya'y kumakain ay mas kasiya-siya kaysa sa mismong siya ang kumain. Tinignan ni Roland si Anna, na dahan-dahang inilagay ang cake sa kanyang bibig, na may kinang ang kanyang mga mata at malumanay na sumasabay sa hangin ang kanyang buhok. Matapos Makita ang lahat ng ito, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at inisip niya sa kanyang sarili, bakit hindi kakain ang sinuman ng pagkain na hindi lang masarap, kundi maganda din!

Importante din ang ganitong uri ng malakas na damdamin.

Habang pinapanuod si Anna habang siya'y nag-eensayo at kasama siyang uminom ng tsaa ay naging pang araw-araw na Gawain ni Roland. Hindi siya nagpakita ng interes sa government affairs. Tinutulungan siya ni Barov sa mga isyu upang ang lahat ay nasa ayos.

Matapos ang tatlong araw, dinala ni Barov ang imporsyan ng industriya ng Border Town na kinakailangan ni Roland sa kanyang opisina. Ito'y isang hindi kapani-paniwalang pangyayari; ang dating ika-Apat ng Prinsepe ay hindi kailanman nagkaroo ng pasensya na tignan ang isang nakapalaking tumpok ng kumplikadong mga ulat.

Sa katunayan, kahit na ngayon wala parin siyang pasensya na tignan ito. Kinailangan lang ni Roland na magbasa ng dalawang limya bago isa simulang mahilo, at sinabi kay Barov, "Basahin mo ito sakin."

Gumugol siya ng isang oras upang pakinggan basahin ni Barov ang mga ulat bago siya nakakita ng pagkakamali. "Bakit walang kita sa kalakalan o taunang buwi sa taglamig ang Border Town?"

Dahil sobrang laming tuwing panahon ng taglamig, ang kakulangan sa kita ng agrikultura ay katanggap-tanggap, ngunit paano ito walang kahit anumang kita? Nag-hibernate baa ng mga lokal na tao?

Umubo si Barov, "Kamahalan, nakalimutan niyo na ba? Habang panahon ng taglamig, nagaganap ang 'Buwan ng mga Demonyo'. Dahil hindi kayang bantayan ng lungsod ang borders nito, ang lahat ng mga resident ay lumilikas papuntang Longsong Stronghold. Pero huwag kayo mabahala, ang kaligtasan niyo an aming priyoridad."

"Buwan ng mga Demonyo?" Tila naalala ni Roland ang mga salitang iyan dati. Siya mismo ay hindi naniniwala sa mga kunweto ng mga mulot at alamat ng mga sakim na mangkukulam, at personal niyang kinukunsidera na parte ito ng walang kabuluhan at mga pahiin ng mundong ito. Ngunit ngayon ay tila ang mga halimaw ay hindi pawang alamat lamang, dahil totoong mayroong mga mangkukulam. Kung gayon, paano naman ang ibang mga bantog na alamat, katulad ng mga multo?"

Habang siya ay nag-aaral, sinabi sa kanya ng kanyang guro ang kwento ng "Buwan ng mga Demonyo." Tuwing taglamig, pagkatapos ng unang bagsak ng snow at kapag naglaho na ang araw sa likod ng kabundukan, isang matinding kadiliman ang babalot sa mundo. Sa panahong iyon, magbubukas ang pintuan ng impyerno at makakalaya ang mga demonyo sa mundo.

Iimpluwensyahan ng mga masasaman ispiritu ang mga nabubuhay at gagawing silang alipin ng diyablo. Ang ilan sa mga hayop ay magbabago at magiging isang malakas na halimaw na sasalakay sa mga tao. Karamihan ng mga mangkukulam ay ipinapanganak ng panahong ito at magiging mas makapangyarahin dahil dito.

"Nakita mo na baa ng Gates of Hell?" Tanong ni Roland.

"Kamahalan, paano makikita ito ng makikita ng ordinaryong tao tulad natin?" Paulit-ulit n ailing ni Barov. "Huwag ka magsabi ng mga ganitong bagay. Hindi maaring masakop ang kabundukan na kanilang pinanggagalingan. Ang pagiging malapit sa kabundukan ay mangangahulugan na maaapektuhan ka ng masamang miasma. Sa una ay sasakit ang iyong ulo, at pagkatapos ay mawawala ang iyong pag-iisip sa pinakamalubhang kaso. Maliban nalang kung…."

"Maliban nalang kung?"

"Maliban nalang kung ang taong pupunta sa Gates of Hell ay isang mangkukulam. Tanging isang mangkukulam lang ang makakapaglakbay papunta sa Gates of Hell dahil nahulog na sila sa kasamaan at naging kampon na ng diyablo. Dahil doon, wala silang kailangan katakutan na masamang pwersa," Sabi ni Barov, habang tumingin sa direksyon ng likod-bahay.

"Nakakita ka na ba ng mala-demonyong halimaw?" Sabi ni Roland, habang kumatok sa lamesa upang makuhi muli ang atensyon ng Assitant Minister.

"Sa katotohanan, hindi pa ako nakakakita ng isa. Katulad mo, ito ang unang beses na nakarating ako sa hangganan ng kaharian. Sa kabisera, iilang tao palang ang nakakaengkwentro ng mga tunay na demonyo."

Kung kinakailangan niyang lumikas isang beses kada taon, paano mapapaunlad ni Roland ang Border Town? Una niyang naisip na ang Border Town ay isang baog na lupain, ngunit maaring itong maayos at mapaunlad; ngunit ito'y tila naging isang pangarap na lamang.

"Dahil maari nating mapigilan ang mga mala-demonyong halimaw sa Longsong Stronghold, at dahil hindi naman sila invincible at maari silang patayin, bakit hindi natin ipagtanggol ang Border Town?"

"Mayroong isang napakataas na pader ang Longsong Stronghold. At nakatalaga doon ang pinakamainam na hukbo ni Duke Ryan. Hindi tulad dito sa Border Town. Hindi maiihalintulad ang maliit na lungod na ito sa lugar na iyon." Paliwanag ni Barov. "Unang-una, itinatag ang Border Town upang magbigay ng babala sa Stronghold. Samakatuwid, ang bayang ito ay itinayo sa gitna ng North Slope Mountain at ng Redwater River."

Tila nandito lang ang Border Town upang magsilbi para pabagalin ang mga demonyo. Dahil ito lamang ang tanging landas namamari nilang lakbayin upang maabot ang Longsong Stronghold. Napatawa nalang si Roland sa kanyang Kamalasan.