Chereads / Release That Witch (Tagalog) / Chapter 8 - Buwan ng mga Demonyo (Unang Parte)

Chapter 8 - Buwan ng mga Demonyo (Unang Parte)

Kung gugustuhin ni Roland na umunlad ang Border Town, kailangan niyang gumawa dito ng kanyang pundasyon. Kahit na ang lugar ay isang kaparangan, madaling itong maiaayos at mapapabuti. Kung masyadong maliit ang laki ng teritoryo, maari naman lumabas at mag-expand palayo ang mga tao. Gayunpaman, lahat ng usapang ito ay walang silbi kung walang tao ang gugustuhing manatili dito.

Kung sila ay maaring mapilitan na abandunahin ang kanilang lupain anumang oras, sino ang gugustong bilhin ito? Sino ang gugusto na mapabuti ito?

Matapos umalis ng Assistang Minister, tinawag ni Roland ang Chief Knight at iniutos, "Tipunin moa ng iyong mga tao at maghanap ng ilang mga lokal na guwardiya, mga mangangaso at mga magsasaka na nanirahan na dito ng higit sa limang taon. Tanungin mo sila kung narasanan na nila ang Buwan ng mga Demonyo. Mas maganda kung makakakita ka ng tao na nakipaglaban na sa isang demonyo."

Matapos sumalod at umalis ng kabalyero, kinamot ni Roland ang kanyang noo at patuloy na tinignan ang mga ulat na tinipon ng Assistant Minister.

Pangunahing export ng Border Town ang mga produktong nagmula sa pangangaso at pagmimina, at madalas ay nag-iimport ng pagkain. Ang lahat ay kadalasang direktang dumadaan sa Redwater River patungo sa Longsong Stronghold o sa Willow Town.

Kasama sa mga export ng pagmimina ang iba't-ibang uri ng mineral katulad ng bakal, tanso, asupre o sulphur, kristal, rubi, at iba pa. Ito'y ganap na salungat sa konsepto ng magkakaugnay na mineral. Naisip niya ang nasabi ni Anna sa kanya: kilala ang North Slope Mine bilang isang hindi teritoryo ng hindi kilalang nilalang sa ilalim ng lupa, at hanggang ngayon hindi pa natutuklasan ang hangganan ng mina. Hindi rin nalalaman kung gaano kalawak ang mina.

Ang mga mineral na ine-export ng bayan ay hindi binabayaran gamit ng gold royals ng kaharian, kundi ay ipinapalit sa mga pagkain na dumadating. Tila rasonableng ang mga hiyas o gem ay isang mamahaling luho, sa loob ng nakaraang limang taon nakaipon na dapat ang Border Town ng higit sa sapat na pagkain, ngunit walang natira.

Sa madaling salita, ang tanunang produksyon ng pagmimina ay sapat lang upang mapakain ang dalawang libong tao. Bago dumating ang prinsepe, ang Border Town ay pinamamahalaan ng Duke na siya ding namamahala sa Longsong Stronghold; siya din ang nagtaguyod ng ganitong kaayusan. Sa kanyang opinyon, makatipid ito ng pagkain at lilikha din ng sistema ng babala para sa mga halimaw.

Ang kalakalan ng balahibo ang paraan ng mga tao upang kumita. Sila ay naglalakbay sa Misty Forest sa gawing kanluran at nangangaso ng mga ibon at ibang mga hayop. Pagkatapos ay ibinibenta nila ang mga hayop sa mga acquirers ng Longsong Stronghold o sa mga residente ng Willow Town. Walang transaksyon ang nagaganap sa Border Town at dahil dito kaya walang buwis ang nakokolekta.

Naisip ni Roland na dahil dumating na siya, hindi na dapat ipagpatuloy ang ganitong kasanayan; hindi ipagpapalit ang mga mineral para sa pagkain. Dumadaloy ang Redwater River sa buong kaharian, at maari itong gamitin ng kahit sinuman. Ito'y parang isang highway; kahit na hindi na sila bumili ng pagkain sa Longsong Stronghold, may iba pang lugar na maaring pagbilhan.

Gayunpaman, lahat ng ito ay nakasalalay sa ideya na mananatili siya sa Border Town at mapigilan ang mga halimaw.

Mabilis na nagtrabaho si Carter at kinabukasan ay nakatagpo na siya ng dalawang lokal na guwardiya at isang mangangaso. Iniulat niya na, "Ang dalawang ito ay bahagi ng lokal na guwardiya at reposable sila kada tao na sindihan ang parola. Sinabi ng mgangangaso na nakaharap na siya ng mga demonyo. Bumalik siya na may dalang ulo ng demonyong halimaw, na sinabi niyang pinutol niya gamit ang sarili niyang kamay."

Sabay-sabay yumoko ang tatlo.

Tumanog si Roland, sumenyas para sila ay tumayo; at humarap ang isa upang magsalita.

"Kagalang-galang na prinsipe… Iyong Kamahalan." Nerbyosong sinabi ng unang guwardiya na hindi siya makapagsalita ng malinaw, "Si Brian at ako ay… ay ang mga taong, ah… kapag nagsimula bumagsak ang niyebe, kami ay… pumupunta kami sa lugar ng North Slope Mine… upang sindihan ang parola. Doon maaring… iyon ang unang lugar na makikita niyo ang mga demonyo, at kapag marami ang tumatawid sa kanila… itinatago naming an gaming sarili sa loob ng Misty Forest… and sisindihan ang parola sa tore… kami ay bumabalik sa daan at sasakay ng Bangka, na nauna naming inihanda… pagkatapos kami ay aalis na."

"Dahil dalawa kayong magkasama, hayaan mong sumagot ang iyong partner." Tinakpan ni Roland ang kanyang mukha upang itago ang kanyang di pagsang-ayon. "Anong itsura ng mga demonyong halimaw? Maari ba silang patayin?"

Ninenyerbiyos din ang isa pang guwardiya, ngunit hindi siya nauutal. "Iyong Kamahalan, naniniwala akong maari silang patayin. Ito'y dating mga ordinaryong hayop lang sa kagubatan, ngunit dahil sa masamang miasma sila ay nagiging mabagsik; ngunit maari parin silang patayin. Bawat nakakaraang Buwan ng mga Demonyo, nagpapadala ng kabalyera ang Longsong Stronghold upang linisin ang natitirang mga demonyong halimaw sa habaan ng lupain mula Longsong Stronghold papuntang Border Town."

"Gaano katagal ang Buwan ng mga Demonyo?" Tanong ni Roland.

"Sa kadalasan ay dalawa hanggang tatlong buwan… dipende ito sa araw." Sabi ni Brian.

"Sa araw?" Walang katiyakan na tanong ni Roland.

"Opo," paliwanag ng guwardiya. "Kamakailan lang dumating dito ang Iyong Kamahalan, kaya hindi niyo po nalalaman. Dito sa Border Town, hindi tumitigil ang pagbagsak ng niyebe hanggang sa muling pagsikat ng araw at pagkatapos ay nawawala na ang mga niyebe."

"Kaya ang niyebe ang nagiindika ng pagtatapos ng Buwan ng mga Demonyo?" Naalala ni Roland na hindi ito parehas sa Graycastle. Na sa susunod na araw ay titigil na ang pagbagsak ng niyebe, at para bang walang nangyari o nagbago sa araw.

"Ganito nga dito. Ang pinakamatagal na Buwan ng Demonyo na naranasan ko ay dalawang taon na ang nakaraan, na tumagal ng halos apat na buwan at maraming tao ang nagutuman."

"Bakit, hindi ba't ang reserbe ng mga butil sa Longsong Stronghold at malaki at sapat na suportahan ang bayan ng higit sa isang buwan?" Tanong ni Roland.

Halata sa mukha ni Brian ang pagkagalit. "Sapat ang reserbe. Ngunit sinabi ni Reynolds, ang Municipal Administrative Governor na responsible sa pamamahala ng mga ganitong bagay, na ang bilang ng mga ore at mga mineral na namina ay nagkakahalaga lang at sapat na makabili ng pagkain para sa loob ng tatlong buwan at kakailanganing magdala ng panibagong kargamento ng mineral para sa ika-apat na buwan. Ngunit hindi pa natatapos ang Buwan ng mga Demonyo, at hindi kami makaalis sa fortress."

"Ganoon pala ang nangyari… Naiintindihin ko na."

Sila ay mga mangmang upang i-alienate ang mga tao. Kung tinuturing ng Longsong Stronghold ang mga taong naninirahan sa ganitong uri ng kalamigan, katulad ng hanging tagsibol, marahil ay mananatili ang mga frontiersman at hindi sila aalis. Tila sa panahong ito na ang mga grupo ng tao na kumokontrol sa Longsong Stronghold ay hindi mabuting-loob. Sinenyasan ni Roland ang huling tao upang sumagot, habang tinandaan ang pangalan ng Municipal Administrative Governor sa kanyang isip.

Mukhang matapang at malakas ang ikatlong lalaki, may taas na anim na talampakan, sa kabutihang palad lumapit siya at lumuhod.

"Sabi mo pinatay mo ang halimaw?"

"Opo, kamahalan." Malaki at mababa ang tono ng kanyang boses. "Isang demonyong lobo at isang demonyong baboy-damo."

"Uri ng hayop?" Inulit ni Roland, "Anong ibig mong sabihin?"

"Ito ang pangalan ng demonyong halimaw, Kamahalan. Kapag dati ng mabangis ang hayop, lalong mas itong magiging mabangis pagkatapos. Binigbigyan-diin ng pagbabagong anyo ang mga ungos ng hayop. Nagiging mas matigas ang balahibo sa likod ng demonyong baboy-ramo, kahit na sa limapung metro ay mahirap itong saktang sa pamamagitan ng pana. Nagiging mas tuso at mas mabilis tumakbo ang demonyong lobo. Upang mapatay ito. kakailanganin maghanda ng patibong."

"Nagiging mas malakas ang malakas ng mga hayop at nagiging mas mabilis ang mabilis na." Tango ni Roland habang naririnig ang mga ito. "Ngunit sila'y hayop parin."

"Oo, hayop padin sila, ngunit hindi sila ang pinakamalalang kalaban," sagot ng mangangaso. Nilunok niya ang kanyang laway bago patuloy na nagsalita, "Ang pinaka-malala ay ang mga demonic hybrids."

"Ang mga ito ay ang diyablo na nagkatawang-tao; tanging impyero lamang ang maaring makagawa ng ganitong kakila-kilabot na halimaw. Nakakita na ako ng demonic hybrid. Hindi lang malakas ang mga paa niyo, kundi mayroong malaking pares ng pakpak sa likod nito, at nakakalipad ng maikling distansya. At palaging alam nito kung nasaan ako. Kahit anong pilit kong magtago, lagi ako nagtatagpuan nito. Hindi nito hinuhuli ang kanyang prey, pinaglalaruan niya lang ito, Iyong Kamahalan." Itinaas ng mangangaso ang kanyang damit, na mayroon isang malaking galos mula sa kanyang tyan hanggang sa kanyang dibdib. Sinabi niyang, "Bago ako mawalan ng malay, nahulog ako sa Redwater River. At swerteng nabuhay.

"Talaga palang mayroong ganong klase ng halimaw." Naramdaman ni Roland na nagiging mas kamangha-mangha ang mundo. Ang isang matibay na pader ay maarong pigilan ang ordinaryong uri ng demonyong halimaw, ngunit kung kaya nilang lumipad, anong dapat niyang gawin?

"Bihirang-bihira ang mga Demonic Hyhrids diba?"