Hindi naging maganda ang panahon buong linggo at nandilim ang langit . Ang mood ni Karl Van Bates ay katulad din ng panahon; labis na kalungkutan ang ipinapakita nito.
Kadalasan ang mga tao ay ikinakamusta at binabati si Karl sa tuwing naglalakad sya sa wet stone street- Dahil nagpapalakad ng isang paaralan si Karl sa lungsod. Hindi katulad sa Kingdom ng Graycastle na ang mga anak lamang ng marangal ang pwedeng mag-aral, mga ordinaryong bata ang kanyang ipinapaaral dito kaya naman mataas ang reputasyon niya sa Border Town. "Uy! Mr. Van Bate. Magandang Umaga po."
"Sir, ang anak ko ba'y mabuti sa school?"
"Kailan libre ang schedule mo Karl? Mag-fishing naman tayo minsan"
Madalas sumasagot naman si Karl habang nakangiti sa kanilang mga sinasabe, ngunit ngayong linggo sya'y umiiling na lang at di nagsasalita.
Nasaksihan ni Karl ang pagkabigti ni Anna at kaya sa kanyang malungkot na mga mata nagkaroon ng lamat ang noo'y akala nyang- perfect world- nagsimula ang lamat na ito noong lumisan sya sa lungsod ng Graycastle ngunit patuloy nyang ibinulag ang kanyang pag-iisip ukol rito. Iginamit nya ang kabusy-han nya sa kanyang trabaho upang maging manhid ang dinaramdam nya. Dumating sa puntong ang mga innocent smile ng mga estudynate nya lamang ang ginagamit nyang panghilom ng lamat nya sa sarili.
"Kahit nung namatay si Anna, di pa rin nagbabago ang mundo." Mabigat na iniisip ni karl ito at nalalamang lumalala ang lamat nya sa kanyang pagkatao.
Ang kanyang naaalala tungkol kay Anna noong nakaraang kalahating taon lamang ay isa syang normal na bata, hindi masyadong nag stand-out sa klase na may 30 students. Kadalasan normal lamang sya magdamit at kakaunti magsalita ang batang si Anna, ngunit malalim ang pagkahanga ni Karl sakanya.
Siguro ito yung passion nya na matuto. Na kung ano man ang ituro ni Karl sa klase, tungkol man ito sa character ng tao o history, parati nya itong natatandaan ng mabilisan. Nakita rin ni Karl ang batang ito na tumutulong sa kanilang kapit-bahay na i-tend ang sheep nito habang nakaupo sa arawan. Maayos at dahandahang isinusuklay nya ang buhok ng mga sheep tulad ng pag aalaga sa isang sanggol. Naaalala pa rin niya ang kanyang matamis na ngiti ni Anna, at ganoon man, hindi niya maisip na siya ay isang malas at masasamang tao.
Noon pa lamang ikinamatay na ng nanay nya ang pagtumpok ng nakamamatay na apoy sa kanilang street at di na muling nagpatuloy sa pag-aaral si Anna sa school. Nakita na lamnag syang ibinigti dahil sya nahatulan bilang isang witch.
"Inakit ng Kademonyohan? Maruming mga tao? Ang Kasamaan? Lahat ito'y kasinungalingan! Kasinungalingan sinasabe ko sainyo!" sa pag-iisip ni Karl ng mga gantong bagay, nagduda na sya sa mga teachings sa Holy Church at lahat ng ibinibigay nilang knowledge sa buhay nya ngayon.
Hindi alam ni Karl kung witch ba si Anna o hindi. Ngunit isa ang alam nya, na ang batang ito ay hindi nababalot ng kasamaan! Kung ang isang teenage girl na hindi makamundo at puno ng curiosity ang pagkilos at pagiisip na kasamaan pala ang dulot nito sa pangkalahatan; Gayunpaman ang administrative officials of the Kingdom of Graycastle ang galing pala sa Hell at nababalot rin ng kasamaan tulad ni Anna! na para lamang maka-impok ng several hundred gold royals ay iniiba iba ang stone material na ginamit nung gumawa ng theatre, ikinamatay ng higit pa sa tatlumpung stonemasons.
Ibinigti baa ng mga opisyal na ito? Ni isa nga ay hindi nahatulan ng death by hanging. Sa pag rule-out ng hukom na hindi suitable ang leader na ang mga kaakibat na stonemasons na magtrabaho. Ang leader nila ay sentenced into exile habang ang Mason Guild ay sapilitang ibinuwag. Kaya gayun, Si Karl na nakaa-alam ang katotohanan ay umalis sa Graycastle at tumungo pa-kanluran at dumating sa paroroonan nyang Border Town.
Doon sya nagsimulang magpagawa at i-manage ang kanyang school na nagkaroon ng mga studyante, nakilala ang kanyang bagong mga neighbors at nagkaroon ng mga bagong kaibigan. Nguni tang Krimen ng mga Graycastle officers ay isang bangungot na tumatatak sa kanyang isipan. Ngayon natatandaan nya ulit ang mga ala-alang ito sa pagkamatay ni Anna, naramdaman nyang inaasar sya ng mundo – Ang Gods ba sa langit nakakakita ng tunay na kasamaan?
Heto na ang huling paninindigan sa paniniwala ni Karl sa kabutihan at kasamaan dahil kay Anna.
Si Nana ay magkaibang-magkaiba kay Anna na kahit sino man ay makakasabing di sila magkaparehas. Si Nana ay nakikitang nakikipaglaro sa mga ibon o nag ro-roll sa damuhan na parang isang makulit na bata. Sa tuwing tinatanong sya kung anong ginagawa nya, tatawa lamang sya at matapos dun nya lang sasagutin na tumitingin at naaaliw sya sa laban sa pagitan ng isang tipaklong at isang langgam.
Laging nakangiti si Nana; likas na sa kanya ang pagiging palangiti. Tila lubos na wala silang alam sa kalungkutan ng mundo, at least sa loog ng school, maari siyang mapagtuloy ngumiti ng walang pakialam sa mundo. Naisip pa ni Karl kung umiyak na ba siya mula ng siya'y ipinanganak.
Makalipas ang dalawang araw, biglang pumunta sa kanya si Nana ng may luha sa kanyang mata at itinanong, "Guro, ibibigti din ba ako katulad ni Anna?"
Ito ang nagsabi na ang kanyang studyante, si Nana Pine, ay naging isang witch.
"Ah, hindi ba iyon si Mr. Van Bate? Halika rito at tulungan mo kaming basahin kung anong sinasabi nito."
Naramdaman ni Karl na may humila sa kanyang manggas at nakita na nakarating na siya sa town square. Maraming tao ang nakapalibot sa bulletin board, at ng marinig nila ang pangalan ni Van Bate, lahat sila ay gumawa ng daan para sa kanya.
"Sakto ang dating niyo sa oras, sir. Pakibasa naman po sa amin."
"Oo, si Meg dapat ang magbabasa nito para sa atin, kaso sumakit ang tiyan niya at kinailangan pumunta ng banyo, ngunit hindi pa siya nakakabalik."
Kadalasan, tatango siya ng nakangiti at ipapaliwanag ng maayos ang nilalaman ng bulletin board sa lahat ng nakikinig. Gayunpaman, natagpuan ni Karl na imposibleng gawin ito—tunay ang sigasig ng mga tao, ngunit lalo lang itong nagpahirap kaysa sa kung nagpapanggap lamang sila.
Doon din nakalagay ang balita tungkol sa pagbitay kay Anna, at masayang pinaguusapan ito ng lahat. "Kung titignan, parang kayo nadin ang pumatay sa kanya," isip niya, "at ang inyong kamangmangan at takot ang pumatay sa kanya."
Pinigilan ni karl ang kanyang emosyon, huminga siya ng malalim at naglakad papunta sa harap ng announcement list.
"Ang prinsepe ay nagtatawag ng mga tao upang makatulong sa pagtatayo ng bagong mga gusali para sa Border Town, at magkakaroon ng samu't-saring trabaho," sabi niya.
"Ngunit isa din ako sa mga pumatayo sa kanya, kaya bakit nararapat na sisihin ko sila? Hindi ba't ako ang nagturo sa kanila na masasama ang mga witches?" Mabigat na sabi ni Karl. "Tignan niyo ang mga tinuro ko sa mga batang ito. Sinundan ko ang bawat salita ng dokrtrina ng Simbahan, at akala ko tinuturuan ko sila ng mabuti!"
"Stone grinder, lalaki, edad dalawampu hanggang apatnapu, malusog at malakas, ang suweldo ay dalawampu't-limang bronze royals kada araw."
"Mud craftsmen, walang limitasyon sa kasarian, higit sa labing-walong taon gulang, dapat mayroon karanasan sa pagmamason, ang suweldo ay apatnapu't limang bronze royals bawat araw."
"Handyman, lalaki, higit sa labing-walong taong gulang, suweldo ay labing-dalawang bronze royals bawat araw."
"..."
Hindi, kailangan may magawa siya. Kung hindi na maibabalik ang kamatayan ni Anna, at least hindi niya hahayaan mamatay si Nana. Narinig ni Karl na sumigaw ang kanyang inner voice, "Nang nagiba ang Mason Guild, wala kang ginawa, nung binitay si Anna, wala ka paring ginawa. Wala ka nanaman bang gagawin at at papanuorin nalang na dinadala patungo sa bitayan?"
Pero anong magagawa niya? Makakatas ba siya sa labas ng Border Town kasama ni annie. Mayroon siyang sariling pamilya, isang pamilya na sumama sa kanya maglakbay galing sa Graycastle. Hahayaan niya bang umalis sila agad kung kelan umaayos na ang kanila pamumuhay? Kung si Nana, na ipinanganak sa mayaman na pamilya, magagawang iwan ang kanyang komportableng buhay?
"Stonemason, walang limitsayon, walang age limitasyon, pang-matagalang posisyon para sa taong nagpartisipa sa pagbuo ng gobyerno, ang sahod at 2 gold royals per month.
"Additional Term: Taong may saganang karanasan at mahusay na pagganap ay maaring bigyan ng opisyal na posisyon."
"Matapos marinig ang balit, lalong naging maingay ang mga tao, "Isang gold royal kada buwan ay mas malaki kesa sa kahing anong trabaho sa stronghold cavalry!"
"Ngunit kaya mo bang gawin 'ito? Kung hindi mo kayang bumuo ng mud pile, paano ka makakabuo ng isang fortress?"
"Huwag mo lang titigan iyan. Kahit ang ilang unang mga posisyon ay hindi masama. Kung mababayaran mo araw-araw kikita ka ng halaga katulad ng isang mangangaso.
Sa katunayan, ang pangangaso ay isang mapanganib at namamatay sa trabaho at ang misty piece ay talagang isang mapanganib na lugaw.
Hindi na binigyan-pansin ni Karl van Bate ang mga usapang ito at nakakonsentra sa seal at ang signature para sa paa ay imposible. Iyo ang isang pirma ng Wimledon, ang ika-apat na prinsepe.
Alam ba ng prinsepe na paparating na ang Buwan ng mga Demonyo? Kung ano man ang kanyang ipapatayo, hindi magandang ideya ang magsimula ngayon. Tila walang alam ang Kamahalan tungkol sa mga constructions, kung siya at magiging isang stonemaso at kunin ang kanyang attensyon… Biglang siyang nagkaroon ng ideya, marahil sa pamamagitan ng recruitment na ito, Tila magandang araw para maging isang stonemason ypang makuha ni ang kanyang posisyon.
Napalunok si Karl sa takot. Makukumbinsi niya ba ang prinsepe na hindi masama ang mga witches? May mga sabi-sabi tungkol sa mga unique na ideya ng kanyang Kamahalan, kaya siya ay naiiba sa mga ordinaryong tao, at matindi ang galit niya sa Simbahan. "Siguro kaya ko!" naisip niya. "Bagaman si Roland ang nagutos ng pagbitay kay Anna, kita naman ng lahat na hindi niya gusto gawin iyon."
Dahil mismo ang prinsepe ay nasa maagang edad na bente-anyos pa lang, mas magiging madali ipaintindi na ang mga batang babae na ito ay hindi kayang gumawa ng kasamaan.
Siyempre, nandoon din ang posibilidad na mapaparatangan si Karl bilang isa Witch Helper at bibitayin kasama ng mga witches. Nakasaad sa batas ng Simbahan na ang sinuman na nagproprotekta o nagmamakaawa para sa mga witches ay ituturing bilang minion ng diyablo.
Maaari na lamang siya umasa na ang galit at poot ng prinsepe para simbahan ay sumasaklaw pati na din sa mga batas nito.
Buong pusong nanalangin si Karl.
Kahit na hindi niya alam kung kaninong Diyos siya mananalangin, ipinikit niya ang kanyang mga mata at nanalangin na pagpalain.
Para sa kapakanan ng yumaong si Anna, para sa kapakanan ni Nana, na buhay pa, at alang-alang sa kanyang sariling puso na matigil na ang pagkadurog, napagpasya siya na isugal ito.