Chereads / Release That Witch (Tagalog) / Chapter 12 - Pag-firing ng semento

Chapter 12 - Pag-firing ng semento

Nakatayo sa tabi ng kiln si Roland habang hinihintay ang unang batch ng semento.

Ang brick structure ay idinesenyo para sa produksyon ng semento, ito ay may habang labinglimang metro at may lapad na apat na metro. Meron itong pintuan sa harap at likod. Ang pintuan sa harap ay nakadisenyo na malapad upang makadaan ang mga tao at materyales papasok at palabas ng silid. Habang isang tao lang ang kasya sa pintuan sa likod at nagsilbi itong sikretong daanan ni Anna.

Sa dakong ito siya nagtayo ng pader na nakapalibot sa kalahati ng kiln at nagtalaga ng mga guwardiya sa pasukan at labasan. Lahat ng ito ay tauhan ni Carter at wala siyang duda sa katapatan ng mga ito.

Madaling ipaliwanag ang proseso ng produksyon ng semento. Una, dinudurog ang limestone hanggang sa ito'y maging pulbo, at pagkatapos ay ihinahalo ang clay o iron powder. Magreresulta ito sa isang paste kahit na gamitin nila ang wet o dry method. Pagkatapos ito ihalo sa gypsum, maaari ng gamitin ang semento. Madaling likumin ang mga materyales para dito, ngunit wala itong iron powder dahil sa hirap ng paggawa nito. Ang sikreto nito ay nasa temperatura ng calcination.

Hindi matandaan ni Roland ang eksaktong temperatura na kailangan upang matunaw ang semento. At dahil wala siyang sapat na kagamitan tulad ng infrared thermometer o infrared coupling temperature gun na kailangan upang masukat ang temperatura, naging napakahirap ng proseso na ito. Ang tanging alam niya lang ay ang melting point nito ay katulad ng sa iron, at na ang proseso ng calcination ay isang tricky factor sa paggawa ng semento.

Sa mga panahong underdeveloped pa ang teknolohiya, napakahirap panatilihin ang temperatura ng isang blast furnace. Ang ordinaryong open furnace ay nagreresulta sa isang malaking heat loss at mahirap itong panatilihing mas mataas sa 1,200°C. Ang reverberation furnace naman ay nangangailangan ng panloob na kayang mapanatili ng mataas na temperatura, ngunit hindi niya alam pano gumawa ng refractory bricks. Mas malala naman ang tradisyunal na blast furnace na ginagamit para sa iron. Maaring maging sapat ang temperatura na may makitid na furnace cavity para sa pag-calcite ng semento, ngunit hindi sila makakagawa ng sapat na dami ng semento bago matapos ang Months of Demons.

At dahil sa mga kadahilanang ito, nagdisenyo si Roland ng isang kiln na hindi kinakailangan painitan kundi ito'y umaasa kay Anna.

Inihalo ang mga dinurog na piraso ng limestone at clay sa tubig para makabuo ng isang paste, na ikinalat ng pantay sa firing room. Pagkatapos ay isinarado ng mga knights ang pintuan at pinaalis ang lahat ng manggagawa. Pagkatapos ay pumasok si Anna sa pintuan sa likod at saka pinainit ang sahig sa ilalim ng paste hanggang sa matunaw pati ang iron bar na nasa loob ng silid.

Nagsisimula ng hindi mapakali si Roland. Eto ang kanyang unang hakbang upang protektahan ang Border Town. Kung hindi siya makakagawa ng semento, ang kanyang plano na magtayo ng city wall ay magiging di hamak na salita lamang. At dahil walang pader na proprotekta sa bayan, nagaalala siya walang sinuman ang may balak na manatili sa lugar na ito. Sa kasaysayan man o sa fictional literature, kailangan ng isang matatag na base para sa agrikultura.

"Kamahalan, sinasabi niyo ba na ang materyal na 'to ay kaya ipagdikit ang mga bato?" Tanong ni Carter Lannis, na nakatayo malapit kay Prinsepe Roland. Kahit na sinabi na ng prinsepe na ito ang resulta ng pinakabagong research ng alchemical workshop sa Kaharian ng Graycastle, meron parin siyang pag-aalinlangan. Ito ay dahil kilala ang mga grupo ng tao na iyon bilang hindi kapaki-pakinabang.

"Malay ko? 'Yun ang sabi nila," sagot ni Roland.

Sa mundong ito, kilala ang alchemy at astrology bilang sage arts, at napaka-popular sa mainland. Kadalasan ay may sariling alchemists at astrologers ang royal family upang mahulaan at mapabuti ang kanilang kapalaran. Ngunit para sa ordinaryong mamamayan, ang ganitong kaalaman ay higit sa abot ng kanilang pang-unawa at sa gayon ay may kaunting kagustuhan para dito. Dahil sa kadahilang ito, natural lang para kay Roland na sabihin na ang semento ay isang produkto ng alchemical workshop. Wala siyang pakialam kung maniniwalao hindi ang chief knight.

Di nagtagal, namatay din ang apoy sa bintana. Tila tapos na ang pag-fi-fire ng semento.

Tumayo agad si Roland. Habang pinapunta sa Carter sa bakuran, at naghintay mag-isa sa harapan ng brick house.

Maingay na bumukas ang iron door at lumabas si Anna, ng nakahubad. Naglagay ng balabal si Roland sa kanya at inabutan siya ng isang baso ng tubig. "Kamusta naman 'yun?"

Ang mukha ng witch ay puno ng alikabok na kulay-abo. Kahit na ang wet cement ay hindi nakakagawa ng alikabok, magkakaroon parin ito kapag nasusugog na ang semento. Dahil hindi siya makapagsuot ng maskara, hindi siya maaring magtagal sa loob ng higit pa sa sampung minuto. Umubo siya ng dalawang beses at sinabing, "Naging kulay-abo na ang putik.

Hindi na makapaghintay si Roland na bumaba ang temperatura sa loob ng kiln. Kumuha siya ng towel at binasa ito at binalot sa kanyang ulo, at kumuha ng pala. Pagkatapos ay pumasok siya sa likod na pintuan.

Agad niyang naramdaman ang mainit na hangin at nahirapan siyang huminga. Nasunog ang balat sa kanyang kamay. Sa kabutihang palad, sandali lang magpala ng abo. Kung hindi, maari talaga siyang makaranas ng thermal shock kung magtatagal pa siya sa loob.

"Ito ba ang gusto mo?" Tanong ni Anna habang nakatitig sa materyal. Suot niya na ang witch's robe.

"Mukhang ito nga." Pinatag ni Roland ang pulbo at sinubukan ang temperatura gamit ang kanyang mga daliri. "Hindi ko tiyak na malalaman kung hindi natin gagamitin."

"Saan ginagamit 'tong bagay na 'to?"

"Para sa pagtatayo ng mga bahay, mga tulay, at pag-aayos ng mga kalsada. Maraming paggagamitan ang bagay na 'to. Kung naging matagumpay tayo, hindi na kakailanganin mag-alala ng mga tao sa lamig, sa ulan, o sa niyebe na sumisira ng kanilang mga bahay." Gamit ang kanyang kabilang kamay, tinapik niya ang ulo ni Anna. "At lahat ng ito ay dahil sayo."

Napayuko si Anna dahil dito. Hindi sigurado si Roland kung ilusyon lang, o talagang bumilis ang paghinga ni Anna.

Sa teorya, ang sinunog na materyal ay dudurugin kasama ng gypsum upang i-adjust ang hardening time nito. Ngunit walang silbi ang pagiisip ng kung anu-ano sa ngayon. Pagkatapos ng isang maikling break, pumulot si Roland ng dalawang pala at tinawag si Carter, na nakatayo sa labas ng courtyard. Sinabi sa kanya ni Roland na ihalo ang abo sa buhangin na may ratio na 3 to 1 para sa cement mortar.

Para sa chief knight hindi naging abala ang ganitong uri ng gawain. Sa kanyang opinyon, mas mabuti ang ganitong gawain kaysa sa pakikipaglaban o paghabol sa mga noble ladies para kay Roland sa Kaharian ng Graycastle.

Dahil walang iron powder sa raw mixture, nagkulay off-white ang nagresultang paste. Itinambak ni Roland ang paste sa isang brick at naglagay ng isa pang brick sa ibabaw nito. Sa kadalasan ay kakailanganin ng apat na oras upang matuyo at tumigas ang semento. Dahil isa lang itong trial run, nagpasya siya na mas makakabuti na maghihintay siya hanggang kinabukasan para subukan ang mixture.

Kinabukasan ng umaga, nagmadali pumunta si Roland pumunta sa kiln room, dala-dala si Carter at Anna. Pagbukas niya ng pintuan, napansin niyang mukhang tuyo at matigas na ang semento at nagdikit na ang mga bricks. Ang ibabaw nito ay baku-bako at nababalot ang ilang parte nito sa white frost.

Umupo ng naka-squat si Roland. Natural sa alkalization process na magresulta sa ilang mga white frost. Diniin niya ang paghawak sa natuyong semento at napatalon ang kanyang puso. Naging matigas na parang bato ang semento, ibang-iba sa texture ng solid clay. Kahit na idiniin niya ang pagtulak sa semento, hindi ito nagmarka sa ibabaw.

Matapos senyasan ng Prinsepe Roland, sinubukan ni Carter na i-angat ang mga bricks. Pagkatapos ay tinagka niyang sipain ang mga bricks hanggang sa bumigay ito. Natanggal ang semento sa lupa, ngunit nanatiling magkadikit ang mga bricks. Matapos ay ginamit niya ang hilt ng kanyang espada para paghiwalayin ito, ngunit nagawa niya lang alisin ang maliit na parte ng mga bricks.

"So, eto pala ang epekto ng semento." Biglang naisip ni Carter ang kahalagahan ng semento. "Incredible! Dumadaloy lang 'to na parang natutunaw na wax sa kandila kahapon, ngunit pagkatapos lang ng isang gabi naging kasing tigas na ito na parang bato. Sa pamamagitan nito, makakapagtayo tayo ng pader ng mabilis. Hangga't meron tayong sapat na bricks, maari tayong makapagtayo ng pader palibot ng Border Town sa loob ng limang taon!"

"Anong silbi nun?" Tanong ni Roland, "Hindi mapipigilan ng isang mataas na pader ang mga kalaban mula sa loob. Mas gugustuhin ko na ang mga lumang bahay na kahoy sa Border Town ay gawing solidong semento, para hindi na kailangan mag-alala ng mga tagasunod ko na masira ang kanilang mga tahanan ng dahil sa mga natural na sakuna."

"..." Natahimik ang chief knight. Hindi niya inasahan na manggagaling ito kay Prinsepe Roland, na kilala dahil sa kanyang mga luho at bisyo.

"Maiintindihan mo ito pagdating ng panahon." Tiniyak muli ni Roland ang daan na kanyang tinatahak. Dahil para sa mga taong naglakbay pabalik ng panahon, teknolohiya ang naging mitsa para maging produktibo. Ngunit dito, ang mga witch ang daan nila papunta sa hinaharap.