Itinigil ni Petrov ang kanyang mga reklamo at ine-enjoy ang handaan.
Sa ilalim ng harmonious atmosphere habang hapunan, hindi nagsalita si Prinsepe Roland tungkol sa ore, kaya inakala ni Petrov na hindi convenient na magsalita pa.
Nang sabihin ng prinsepe sa katulong na ihain na ang dessert, agad sinabi ni Petrov, "Kamahalan, alinsunod sa mga nakagawian na, ngayong araw dapat ipapadala ang mga ore. Ngunit wala akong nakita kahit isa sa imbakan."
Binaba ni Roland ang mga stick na nasa kanyang kamay at tumango. "Sa kasamaang palad, naguho ang Northern Slope Mine ilang araw na ang nakakalipas. Sinusubukan ng mga tao ko na ipagpatuloy ang produksyon ngayong buwan. Ngunit hindi pa naiaalis ang graba ng paguho. Kung susunod tayo sa schedule, hindi kami makakapagsimula magmina hanggang sa simula ng susunod na taon."
"Naguho ang mina?" Nabigla si Petrov ng saglit. "Isa ba itong pagdadahilan?" Ngunit agad niyang napagtanto na hindi kailangan ni Roland na linlangin siya. Kung hindi man, magiging malinaw sa kanya ang lahat kapag pumunta siya sa Northern Slope, at makikita sa mukha niya kung maliwanag na nagsabi ng kasinungalingan ang Prinsepe.
"Ano nangyari sa mga ore ng nakaraang dalawang buwan?"
"Konti nalang ang natitira. Ayon sa normal practice, hindi ito sapat para suportahan ang kabuhayan ng aking mga tagasunod." Binigyan diin ni Roland ang mga katagang "ayon sa normal practice". Nagpatuloy siya, "Mr. Ambassador, naaalala mo pa ang Months of Demons dalawang taon na ang nakakaraan, diba?"
Malamang naaala ni Petrov ang pangyayari na iyon. Ang lamig ay tumagal ng apat na buwan at halos one-fifth ng mga tao sa Border Town ay namatay dahil sa kagutuman dahil sa kasakiman ng Municipal Administrative Governor Reynolds. Nagkaroon din ng oposisyon sa mga nobles. Mayron pang ilan na nagdemanda na paruhasan si Reynolds. Ngunit walang naging resulta sa pangyayari na ito at wala siyang natanggap na parusa, dahil lamang sa kadahilanang siya ang asawa ng pangalang anak ng duke.
Ngayon na pinaguusapan ang isyu na ito ng prinsepe, nagkaroon ng di magandang pakiramdam si Petrov.
"Mas malala pa," sabi ni Roland habang nagbuntong-hininga. "Kinakatakot ko na mayron lang kami na sasapat sa loob ng dalawang buwan kung makikipag-trade kami ng wheat katulad ng dati nating ginagawa. Hindi makakaligtas ang aking mga tao sa taglamig sa napakakonting pagkain. Kailangan ng buwagin ang mga dating nakagawiang paraan."
Binuksan ni Petrov ang kanyang bibig. Ngunit hindi niya alam kung paano sasagutin ang mga salita ng prinsepe. Hindi siya isang propesyunal na diplomat, at dahil nakarinig siya ng maayos na dahilan, wala siyang nagawa kundi mapatigil. "Kamahalan, patawarin niyo ako tungkol dito. Hindi na ulit mangyayari ang trahedya na iyon. Kakausapin ko ang anim na big families upang pahiramin ka ng pagkain para sa isang buwan. Maari itong ibalik ng iyong mga tauhan sa susunod na taon kapag nagpatuloy na ang produksyon."
"Kung ibebenta ko ang ore sa Willow Town, hindi ko kakailanganin bayaran ng matagal ang pagkain."
"Pero…"
"Walang 'pero'." Giit ni Roland. "Handa silang bilhin ang ore gamit ang gold royals at ibenta ang kanilang wheat, keso, tinapay, at honey ng market prices… Maari nilang ibenta ang lahat ng maaring bilhin gamit ang gold royals. Not to mention, Mr. Ambassador, kahit na handa kayo na pautangin kami ng pagkain na tatagal ng isang buwan, papayag din ba ang iba pang limang pamilya sa iyong desisyon? Sa nalalaman ko, hindi madaling kumbinsihin si Duke Ryan."
Nanahimik si Petrov. Tama si Prinsepe Roland. Hindi siya kampante na kumbinsihin ang kanyang ama, pinaka sa lahat ng limang big families. Upang mapanatili ang kanilang monopolya, kailangan nilang baguhin ang trading scheme. Ngunit wala siyang karapatan na magdesisyon para dito. Siya ang ambassador, ngunit sa katotohanan ay tagapagsalita lamang siya. Marahil ay ayaw ng duke na mayrong makipagkalakal sa Border Town ng palihim. Napanatili ang kasalukuyang kasunduan, maging ito man ay sa dating lord o kay Prinsepe Roland. Ito ang dahilan kung bakit laging iba ang naitatalagang kandito bawat season at kahit kailan ay hindi sila naging tao na namamahala sa kanilang mga pamilya.
Anuman ang kalabasan, kailangan niyang subukan ito. Sa gayong resolusyon, pinakita ni Petro ang kanyang huli ng kanyang mga kard. "Tatlongpung porsyento." Inunat niya ang tatlo niyang daliri. "Bibilhin ng Stronghold ang mga ore at gemstones na tatlumpung porsyentong mas mababa kesa sa market price. Sa tingin ko mas mataas ang aming alok kaysa sa Willow Town, Kamahalan."
Inangat ni Roland ang kanyang mga kamay at sinabing, "Nananatili parin ang lumang tanong. Maari mo ba gawin ang desisyon na yan para sa six families?"
"Babalik ako ng Longsong Stronghold kinabukasan. Gagawa ako ng bagong kontrata pagkatapos magkaroon ng kasunduan."
"Hindi makapaghihintay ng ganon katagal ang mga tao ko. Alam mo dapaw na karaniwang tumatagal ng forever ang mga nobles bago maabot ang isang kasunduan."
"Kamahalan, ang pakikipagtulungan sa Longsong Stronghold ay ang mas nakakabuting opsyon para sayo at sa inyong mga mamamayan. Masyadong malayo ang Willow Town, at kahit na maaaring makapunta kayo doon sa panahon ng Months of Demons," Sabi ni Petrov at naramdaman niyang nanuyor ang kanyang lalamunan, "ang paglalakbay… ay mapanganib."
"Diyos ko po! Anong ginagawa ko?" Malakas ang tibok ng kanyang puso. "Nagbabanta ba ako sa isang prinsepe?"
"Hahaha." Nakakapagtakang hindi nagalit si Roland, kundi tumawa pa ito. "Mr. Ambassador, tila nagkakamali ka. Hindi ko naisip na pumuntang Willow Town."
"Ibig mo sabihin…"
"Wala din akong intensyon na pumuntang Longsong Stronghold." Tumingin si Roland sa ambassador na may interes. "Hindi ako pupunta kahit saan."
Sa isang sandali, inakala ni Petrov na nagkamali siya ng dinig sa prinsepe.
Sa kabutihang palad, pinutol ng prinsepe ang katahimikan at pinaliwanag ang kanyang sarili. "Mananatili ako sa Border Town ngayong taglamig. Ang Border Town ang magiging bagong hangganan ng Kaharian ng Graycastle. Wag ka magulat, kaibigan, hindi ako nagsasabi ng bagay na walang saysay. Dadalhin kita sa bagong pader sa paanan ng North Slope Mountain para isa isang pagbisita."
"City… wall?"
"Oo, ang city wall ay isang stone wall na may taas na apat na metro at dalawang metro ang lapad, na kinokonekta ang Northern Slope at ang Redwater River. Dahil sa pader, maari naming labanan ang mga demonic beasts sa Border Town."
Naramdaman ni Petrov na tumigil ang kanyang utak. Hindi nabanggit ng nakaraang ambassador ang kahit anong city wall. Noong panahong iyon, ang lord ng Border Town ay galing sa Longsong Stronghold. Paano niya ipadadala ang limitadong tauhan niya para magtayo ng pader? Sa madaling sabi, tinayo ni Prinsepe Roland ang mga pader agad-agad pagkarating niya? Gayunpaman, tatlong buwan pa lang ang nakakaraan. Paano sila nakapagtayo ng ganung bagay sa maikling panahon?
"Teka muna… anong sabi ng Kamahalan? May taas itong apat na metro at lapad na dalawang metro, at kinokonekta nito ang Northern Slope at ang Redwater River?" Nagkalkula si Petrov sa kanyang isip. "Kakailanganin ng ilang taon upang magtayo ng ganung klase ng pader! Unang-una, wala siyang ganun karaming mason para magputol at mag-grind ng mga bato! Hindi tulad ng Graycastle ang Border Town, at karamihan sa mga taong nakatira dito ay mahihirap na manggagawa."
Hindi niya pa lubos na natatanggap ang balita ng gulatin muli siya ng mga susunod na salita ni Roland.
"Para sa sales ng mga ore, maari kong babaan ang presyo nito ng kalahati sa susunod na tao, my good sir. Ngunit hindi ko lahat ibebenta sa Longsong Stronghold, dahil hindi niyo naman kailangan ng sobrang daming ore. Sa tingin ko, kumpara sa mababang kita ng ores na ginagawa niyo, mas gugustuhin niyo ang mga produktong metal katulad ng mga spades, shovels, at mga bagay na katulad noon." Tumigil siya ng sandali, tila hinihintay si Petrov na i-absorb ang mga sinabi niya. "Para sa mga raw gemstrones, ibebento ang mga ito sa pinakamalaking bidder sa pamamagitan ng isang auction. Gusto ko ibenta ang mga ito sa magadang presyo pagkatapos putulin ang mga gem, ngunit sa kasamaang palad ay walang sinuman sa Border Town nang may ganong kakayanan."
"Unang-una, mayroon ba kayong kakayahan na magtayo ng isang city wall sa loob ng ilang buwan?!" Sigaw ni Petrov mula sa ilalim ng kanyang puso. "At anong ibig niyang sabihin sa hindi kailangan ng Stronghold ng maraming ores? Bukod dito, inabot pa sila ng isang taon para lang makalikom ng isanglibong gold royals. Kahit na magkaroon ng pagdami ng produksyon, madodoble lang yun! Sinasabi niya ba na hindi kakayanin ng Stronghold ang mga ores na nagkakahalagang dalawang libong gold royals? Masyado siyang hambog!"
Pilit niyang pinigilan ang kanyang frustration at pinanatili ang kanyang etiquette. "Kamahalan, naalala ko ang lahat ng inyong sinabi. Agad akong babalik at makikipag-usap sa six families. Ngunit may huling bagay akong hihilingin. Ang city wall na sinasabi mo… gusto ko puntahan at makita."
"Of course." Ngumiti si Roland. "Hindi mo kailangang magmadali. Bakit hindi mo muna i-enjoy ang mga pastry ng King's City. Hindi pa naman masyadong late para umalis pagkatapos, hindi ba? Mr. Ambassador?"