Paggising sa umaga, hindi pinagsilbihan ni Tyre si Roland, kundi ng isang matandang katulong.
Papalabas sa kanyang kwarto, naghihintay sa labas para sa kanya si Chief Knight Carter.
"Kamahalan, may sasabihin ako sa inyong masamang balita," sabi niya, "Nakitang patay ang iyong head maid kagabi."
"Ano?" Tumalon ang mga talukap ng mata ni Roland, bagaman inaasahan na niya ang resultang ito, hindi parin mapalagay ang kanyang puso. Matapos ang lahat, namatay ito dahil sa kanya.
"Nalaglag siya mula sa balkonahe ng silid, at walang bakas ng labanan. Walang nakita ang mga guwardiya na may pumasok na tagalabas. Kaya... siguro ay aksidente siyang nalaglag. Isa itong aksidente."
Iniulat ng knight ang resulta ng imbestigasyon, habang tinigtignan ng kakaiba si Roland. Alam ni Roland kung ano ang kanyang iniisip siyempre. Sa Kaharian ng Graycastle, alam ng lahat na gusto makuha ni Prinsepe Roland si Tyre. Sa panahong iyon, normal na magkaroon ng relasyon ang mga prinsepe at kanyang mga katulong. Halos walang libangan, ano pa ang nightlife, kaya literal na walang gagawin maliban sa pagtatalik. Bukod dito, ang prinsepe at ang mga noble ay nagpapalitan ng mga kababaihan sa isa't-isa, at nagkakaroon pa ng organisadong mga orgy. Kaya ang pagsabi na napakaguloa ng pamumuhay ng mga noble ay isang biro lang.
Si Prinsepe Roland ay itinuturing na tame sa aspetong ito, at pagkatapos magising si Cheng Yan bilang si Roland, wala siyang hinawakan na sinumang babae. Maliban kay Tyre, ang iba pang mga katulong ay itinuturing na hindi maganda. At pagkatapos ng time travel, kailangan niyang harapin ang Months of Demons, kaya ang kanyang utak ay puno ng proyektong pagsasaka. Wala siyang panahon para magpakasasa sa pamumuhay ng isang noble."
"Ito ay nakakalungot," sabi ni Roland, na may mapanlinlang na itsurang pagsisisi. "Tungkol sa libing ni Tyre, tanungin niyo sa matandang katulong na nagsilbi sakin nitong umaga para ayusin ito. At siya na ngayon ang bagong head maid."
Tumango si Carter, yumuko at umalis.
Pagpasok ni Roland sa kanyang opisina, nakita niya si Nightingale na nakaupo sa mahogay na lamesa.
"May nalaman ka na ba?"
"Wala, pinatay niya ang kanyang sarili nang makita niya ako," sabi ni Nightingale, na may halong pagkabigo. "Masyadong iyong mabalis, hindi man siya nagalinlangan na gawin iyon."
"Hindi mo sinubukang pigilan siya?" Pumunta si Roland sa kabilang bahagi ng lamesa, at umupo muli sa upuan."
"Itinali ko siya," sabi ni Nightingale, at lumapit, "ngunit hindi ko alam na may lason siya sa kanyang ngipin. Kaya kinailangan ko na pagmukhain ito na isang aksidenteng pagkalalaglag."
"Akala ko ba ekperyansado ka, at inaasahan mo na gagantimpalaan kita para dito?"
"Teka, teka, wag mo sabihin na ganyan. Kahit na wala akong nakuhang impormasyon mula sa kanya, hindi iyon nangangahulugan na wala akong iuulat." Tumawa si Nightingale at naglagay ng isang nakatiklop na papel sa harapan ni Roland. "Natagpuan ko sa kanyang silid."
Inilapat ni Roland ang papael. Isa itong liham, na nagmula sa isang tao na elder sister ang tawag kay Tyre, at ang nilalaman nito ay ordinaryong pag-uusap lamang. Ngunit napansin niya na binanggit ng nagsulat ang karagatan ng ilang beses, tulad ng kung gaano kaganda ang tanawin ng baybayin, at kung gaano niya gusto na manatili sa baybayin upang panuorin ang paglubog ng araw. Sa wakas ay tinanong ng manunulat si Tyre kung kailan siya babalik, dahil lubos niyang nami-miss ito. Inalala ang domain ng kanyang mga kapatid, tinanong ni Roland ng hindi walang kasiguraduhan, "Garcia ng Port of Clearwater?"
"Marahil na yang ang kaso dahil ang karagatan ay hindi makikita sa mga domain ng iyong dalawang kapatid na lalaki. Sa tingin ko kinuha ni Prinsesa Garcia Wimbledon ang kapatid na babae ni Tyre bilang isang hostage, at ginamit si Tyre bilang isang nakatagong pawn. Sa estilo ng pagdesisyon ni Tyre na magpakamatay, malamang ay hindi ito isang pagkakataon. Ibig sabihin, inalagay talaga siya sa iyong tabi, at nakatanggap siya ng hindi bababa sa dalawa hanggang tatlong taong propesyunal na pagsasanay."
Nagbuntong-hininga si Roland ng mahina, at paulit-ulit sinabi na ang Royal Decree on the Selection of Crown Prince ay hindi matatapos ng ganun kadali lang. Kahit na hindi siya makipaglaban para sa trono, hindi ito nangangahulugan na hindi siya masasama dito. Para makamit ang trono, walang pag-aalinlangan ang kanyang mga kapatid, kaya malamang na mangyayari ulit ang ganitong pangyayari.
"Ah, may tao na sa labas. Kailangan ko ng umalis, aking Kamahalan."
Nagbigay ng mapang-akit na halik sa hangin si Nightingale patungo kay Roland, at naglaho sa isang kislap ng mata.
Kahit na hindi ito ang unang beses na nakita niya iyo, nakakagulat padin makita ito sa liwanag ng araw. Nag-alinlangan siya, at inunat ang kanyang mga daliri patungo sa ngayo'y blangkong espasyo sa gilig ng lames, ngunit ay pinigilan pagdating sa gitna ng isang malambot na kamay. "Kamahalan, magiging malungkot si Anna sa ganitong paraan."
[Tila ang kanyang abilidad ay invisibility at hindi disappearance,] isip ni Roland. [Masyado iyong nakakatakot.]
May kumatok sa pintuan. "Kamahalan, si Barov ito."
Agad binalik ni Roland ang kanyang mga daliri at naging walang emosyon. "Pumasok ka."
Na may malaking bundle ng mga files sa kanyang mga kamay, nagsimula ang Assistang Minister na iulat ang halos isang linggong government affairs pagkatapos niyang pumasok. Agad din isinantabi ni Roland ang kanyang mga iniisip, at itinuon ang kanyang atensyon sa kanyang ulat. Pagkalipas ng isang buwang pakikipag-ugnayan, naging pamilyar siya sa estilo ng pagtratrabahi ni Barov, kaysa sa lubos na pagkalito tulad nung simula.
Sa madaling sabi, ang pananalapi ng Border Town ay nagkaroon ng kaunting antas ng pag-unlad. Ito ay dahil sa mga ore at gemstones na naibebenta sa Willow Town kapalit ng halos na dalawang daang gold royals. Matapos gamitin upang bumili ng pagkain at bayaran ang mga ashod, mayron pang natitiran siyamnapung gold royals.
Si Barov ay nasa magandang kalagayan din, at ngayon na may sobrang pera pa, ang mag-survive nitong taglamig ay hindi magiging masyadong mahirap.
Ngunit desedido si Roland na hindi siya hayaan na walang ginagawa. "Gusto kong pumili ng isang grupo ng mga tao mula sa mga mamamayan upang labanan ang demonic beasts. At simula ngayon ay dapat na tipunin sila para makatanggap ng pageensayo. And magtuturo ay ang aking chief knight, at ibibigay ko sa kanya ang mga specifics mamaya. Kailangan mo gumawa ng plano sa pagbili, dahil kailangan merong solidong leather armor at baril ang mga taong ito, pati na ang dalawang pares ng damit na pang taglamig.
"Kamahalan, ito...ayon sa kombensyon, hindi ba ito'y isang pansamantalang recruitment ng mga mamamayan para sa digmaan?"
"Ang pakikipaglaban sa battlefield nang walang wastong pagsasanay ay ginagawa lang silang isang grupo ng mobs. Matatakot ba natin ang mga demonic beasts sa pamamagitan ng dami ng tao? Mas magiging problema kung magkakagulo sila."
"Huwag mo sabihin na gusto mo talagang manatili sa Border Town?" tanong ni Barov na may pag-aalinlangan.
"Kung talagang hindi natin kayang protektahan ito, siyempre, aalis ako. Ngunit sa palagay ko hindi natin kayang talunin kahit ang ilang mga mutated beasts man lang.
"Kung susundin nating ang iyong plano, kakailangan mo ng pa maraming pera."
Natawa si Roland dahil sa itsura ng pagdadamot ni Barov. "Mga kailangang gastusin ang mga ito, ayusin mo ang mga ito."
Mayron pang higit sa tatlong daang gold royals sa kanyang sariling vault, na pangunahing ginagamit sa pagbayad ng gastusin ng pagtayo ng city wall. Binabayaran niya din ang blacksmith shop para sa mga materyales at mga bahagi ng steam engine. Ang unang makina ay nagkakahalaga ng halos dalawampung gold royals, at kailangan niya ng tatlo pa.
Ang steam engine ang naging dahilan ng unang Industrial Revolution, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang steam engine ay katumbas ng Industrial Revolution. Sa oras na iyon, ang United Kingdom ay nangailangan ng bagong kapangyarihan upang mapalitan ang tao at mga hayop upang makamit ang ang produksyon ng pagmimina. Matapos mapabuti ni Watt ang steam engine, napakaraming orders ang agad niyang natanggap mula sa ibang mga bansa, at ang bagong kapangyarihan ay agad na kumalat sa iba't-ibang mga industriya.
Sa oras na ito, ang Border Town ay walang pundasyon para sa Industrial Revolution, at wala din ang industrialization. Kaya hindi inaasahan ni Roland na makapagbenta ng steam engine upang magpayaman. Gusto lang niya na i-invest ang makita sa Northern Slope Mine Area para sa pagmimina at graba. Kapag tumaas ang produksyon ng pagmimina, saka niya papalawakin ang paggamitan ng steam engine. Ito ay ang katumbas ng pagtataguyod ng industrial development simula itaas hanggang sa ibaba.