"Eto ang mga taong iyong nahikayat?" Tanong ni Roland. Habang tinitignan ang grupo ng tao na madudungis, kinailangan niyang pigilan ang kanyang kagustuhan na umikot at umalis agad palayo.
"Kamahalan, itong mga lalaking ito ay pinili alinsunod sa iyong mga kailangan," sagot pabalik ni Carter, habang binibilang ang kanyang daliri. "Lalaki, walang kriminal na rekord, higit sa labinwanlong taong-gulang, hindi hihigit sa apatnapong taong-gulang at walang kapansanan...Maingat kong sinuri ang lahat."
Alam ni Roland na hindi siya masyadong makakaasa. Matapos ang lahatm napakababa ng produktibong pwersa ng mundong ito na magiging mahirap na punuin ang tiyan ng mga tao, pano pa na manamit sila ng disente. Ang kanyang katayuan bilang isang prinsepe ay humahadlang sa kanya na makita ang mga refugee na walang mga damit at namamalimos para mabuhay ay isang pangkaraniwang pangyayari sa labas ng kastilyo. Sa katunayan, kahit na sa kabisera ng Graycastle, mayroong propesyon ng pagkokolekta ng mga bangkay. Inaalis ng mga taong ito ang mga bangkay ng mga nagugutom at bigla nalang namamatay sa lansangan at sinusunog ang mga ito.
[Ano ang itsura ng digmaan sa mundong ito?] Ipinikit ni Roland ang kanyang mga mata at nagisip. Tila...ito ay mas elegante lang ng konti kaysa sa gang fights. Kapag ang lord ay nagpasya na makipagdigmaan, o sa halip ay, makipag-away, dahil sa tingin ni Roland ay ang kanilang ginagawa ay walang kapareha sa pakikipagdimaan, titipunin niya ang lahat ng pamilya ng mga noble sa kanyang domain, na silang titipon sa mga lower noble na pamilya sa kani-kanilang mga domain. Halimbawa, titipunin ng duke ang kanyang mga earls, at ang mga earl ay titipunin ang kanyang mga viscount, at ang mga viscount naman ay titipunin ang mga baron, at iba pa...
Ang mga noble families na ito ay kadalasang mayroong mga grupo ng knights at mga mersenaryo bilang kanilang sariling mga pwersa. Ang mga lalaking ito ang pangunahing pwersa sa pakikipaglaban, at sila ay armado. Kasabay nito, nanghihikayat sila ng ordinaryong mga lalaki at magsasaka sa kanilang teritoryo upang sumama sa labanan. Sa katunayan, ang kanilang layunin ay dahil ang mga probisyon para sa mga tropa at upang lumaban sa frontline. Ang mga lubos na nagdurusa sa laban ay ang mga grupo ng "cannon fodder". Ang mga mandirigma mula sa noble families ay tinatatrato ng mabuti, hangga't hindi sila namatay sa battlefield, upang ipagpalit sila para sa ransom.
Hindi umaasa si Roland sa iilang noble family sa Border Town na makipaglaban para sa kanya. Sa katunayan, wala silang kinalaman sa Border Town. Sa halip, ang kanilang titulo bilang mga Baron ay kadalasang ipinagkaloob ng Lord ng Longsong Stronghold, at ang kanilang mga teritoryo ay kabilang din sa domain ng Longsong Stronghold.
Sa panahong ito, ang isang platun na ganap na binubuo ng ordinaryong tao ay nangangailangan ng imahinasyon upang maintindihan. Sila ay masyadong ignorante para magbasa ng mga dokumento o makaintin ng mga utos. Lalo na at hindi pa sila nakatanggap ng kahit anong propesyunal na pagsasanay. Paano sila maikukumpara sa mga knights na nagsimula magensayo ng labanang espada simula sa edad na sampung taon.
Lumapit si Carter kay Roland at mahinang sinabi, "Kamahalan, hindi kailanman naging katanggap-tanggap ang pamamaraang ito. Tignan mo sila. Sino sa kanila ang makakahawak ng espada? Kinakatok ko na makakagulo sila agad kapag nakita nila ang demonic beasts. Sa halip ay makakaabala lang ito sa linya ng depensa at magkakaroon lang ng nagatibong epekto. Iminumungkahi ko na manghikayat tayo ng propesyunal na mga mersenaryo mula sa Willow Town o sa iba pang lugar upang depensahan ang city wall. Ang mga lalaking ito ay maari nalang gamitin para sa iba't-ibang tungkulin."
"Hindi, sila ang gagamitin ko," Sabi ni Roland, tinaggihan ang mungkahi ni Carter. Hindi niya gusto ang mga mersenarong lumalaban para lang sa pera. Bukod dito, hindi niya binubuo ang hukbo na ito para lang labanan ang mga demonic beasts. Natutunan niya sa kasaysayan na ang isang malakas ay dinamikong hukbo ay kailangang binuo mula sa mga mamamayan, at mayrong napakaraming pyudal, moderno, at kontemporaryong hukbo na nagpapatunay dito.
"Sige, gagawin namin ang gusto mo," sabi ng knight na may pagkibit-balikat. "Dapat ko ba silang iensayo sa swordplay? Kahit na sa malamang ay hindi ito mapapakinabangan…"
"Swordplay? Hindi. Dapat mo silang turuan na tumao sa pormasyon at tumakbo." Pinigilan ni Roland ang kanyang mga sasabihin pagkatapos nito, dahil bigla niyang naisip na sa malamang ay kahit na ang chief knight ay hindi pa nagkaroon ng ganitong karanasan. Kaya sa halip ay sinabi niyang, "Tawagin mo ang mangangaso na nilapitan mo noon. Dapat niyong bigyan pansin ang mga gagawin ko."
*********************************************************
Ang mga hindi maipaliwanag na bagay na naranasan ni Van'er ngayong araw ay higit pa kaysa sa naranasan niya sa loob ng nakaraang dalawampung taon.
Nakita niya si Prinsepe Roland gamit ang kanyang sariling mga mata! Nilagpasan siya ng prinsepe habang naglalakad at ngumiti pa sa kanya. Diyos ko, lasing ba ang prinsepe?
Tatlong araw na ang nakakaraan, nang magbigay ng panayam si Prinsepe Roland sa square, alam na niyang magiging iba ang taglamig ngayon kaysa sa dati. Hindi sila pupuntang Longsong Stronghold, kundi ay mananatili at magpapalipas ng taglamig sa Border Town. Karamihan sa sinabi ng Prinsepe ay hindi niya nauunawaan, ngunit buong-puso parin siyang sumang-ayon sa desisyong ito. Ang kapatid ni Van'er ay namatay dalawang taon na ang nakakalipas sa iskwater ng Longsong Stronghold. Isang buong buwan nawalan ng supply ng kahit anong uri ng pagkain. Hinati niya ang itim na tinapay na nabili niya ng ilang copper na kinita niya sa pagdiskarga ng kargamento sa pier kasama ang kanyang kapatid. Ngunit masyadong malamig ang taglamig na iyon. Pumapasok ang hangin sa lahat ng crack ng barungbarong na kanilang tinitirhan, at halos hindi sila mapainit ng kanilang kinakain. Nawalan ng malay ang kanyang kapatid ng may sakit at hindi kainlanmang gumising pa.
Sa Border Town, kahit papaano ay mayron siyang bahay na itinayo gamit ang lupa, kung saan hindi niya kailangan matakot sa matagal na pagbagsak ng matinding nyebe. Nakita din niya ang trigo na dinadala mula sa ibang lugar na nakatipon sa pier at pagkatapos ay dinadala sa kastilyo ng tumpok-tumpok. Kaya agad na pumunta si Van'er ng marinig niya na nanghihikayat si Prinsipe Roland para sa milisya.
Siyempre ang umakit sa kanya para iwan ang kanyang trabaho sa quarry para magparehistro ay ang sahod, na kasing laki ng sampung silver royals kada buwan. Maikukumpara ito sa sahod ng isang ekspiryensadong mason! Hindi na siya bata at plano niyang pakasalan si Sheryl ang tavern waitress, sa susunod na tagsibol, kaya mabuti na magsimula nang magipon ng pera.
Hindi niya binigyan pansin ang sinasabi ng notice tungkol sa trabaho ng milisya. Iyon ay maaring pagbuhat ng mga bagay para sa kanilang mga panginoon, o mangasiwa sa patrol. Dahil hindi nga naman posible na utusan silang labanan ang mabangis na demonic beasts sa city wall.
Mahigpit ang pagpili sa kanila. Ninerbyos si Van'er dahil sa tingin ng knight na may makintab na baluti. Sa kabutihang palad, pumasa siya sa seleksyon kahit na siya ay may katabaan, kahit na tinanggal ng knight ang maraming payat sa pagpipili niya. Sa huli, halos isang daang tao lang ang natira.
Ngunit hindi kailanman sumagi sa isip ni Van'er na ang Prinsepe mismo ang mageensayo sa kanila.
Ang mga nakapasa sa seleksyon ay dinadala sa damuhan sa kanluran ng Border Town. Nasa likod nila ang tinatayong city wall, at sa harapan naman nila ay ang walang hangganang Misty Forest.
Inutusan ng prinsipe ang lahat na tumayo sa pormasyon at pagkatapos ay nagpahinga sa isang tabi. Umulan ilang araw na ang nakakalipas at malambot padin ang lupa. Tumagos ang tubig sa kanyang sapatos mula sa basang sahig, ang sanhi kung bakit di siya mapakali. Lalo na't kakaiba ang posturang pinapagawa sa kanila ng prinsipe. Kinailangan nilang tumayo na ang kanilang kamay ay nakababa sa kanilang binti at kailangan panatilihing deretso ang kanilang likod.
Kinailangan lang ng labinlimang minuto para hingalin si Van'er. Mas nakakapagod ito kaysa sa pagmartilyo ng bato sa quarry. Ngunit nagtitiis siya habang nagngangalit ang kanyang ngipin, dahil sinabi ng Prinsepe na kung sinuman ang gumalaw habang nageensayo ay hindi makakatanggap ng itlog sa tanghalian. Diyos lang ang nakakaalam kung gaano katagal siyang huling nakatikim ng itlog. Halata na ito din ang iniisip ng iba, dahil tinitiis din nila sa abot ng kanilang makakaya.
Napansin lang ni Van'er ng nagdeklara ang prinsipe na maari ng magpahinga ang lahat na basang-basa na siya ng pawis, kahit na kalahating oras pa lamang siyang nakatayo. Sa kabilang dako, nagsisi ang mga hindi tumagal hanggang sa huli dahil sa pagkawala ng kanilang itlog.
Ngunit hindi maisip ni Van'er kung para saan ang pageensayong ito. Maari ba silang makapagbuhat ng mas maraming pack ng solidong pagkain kung tatayo sila ng ganito?
Kung hindi dahil ineensayo sila mismo ng Prinsipe, matagal na siyang nagpahayag ng pagaalinlangan.
Ngunit pagkatapos ng pahinga, mas kakaiba ang pangalawang utos ng Prinsipe. Inutusan niya ang lahat na manatiling nakatayo sa pormasyon. Kung walang gagalaw sa pagkakataon na ito, ang bawat isa ay magkakaroon ng isa pang itlog pagdating ng tanghalian. Ngunit
Nakarinig si Van'er na may lumunok.
Diyos ko po, ito ba ang bagong biro ng mga noble? Gamit ang carrot and stick, napasunod ng prinsepe ang lahat! Ngunit hindi kailanman kinunsidera ni Van'er na isa siyang tangang unggoy.
Ngunit paano kung magagawa yun ng lahat? Edi mamaya magkakaroon siya ng dalawang itlog para sa tanghalian.
Matindi ang pangaakit nito. Habang naglalaway para sa mga itlog, nagpasya si Van'er na gawin ang lahat ng kanyang makakaya.