Chereads / Release That Witch (Tagalog) / Chapter 27 - Ang Nakaraan

Chapter 27 - Ang Nakaraan

Lalong lumalamig ang panahon sa paglipas ng mga araw, at lalong tinatanghali ang paggising ni Roland.

Bilang isang ruling class, may karapatan siyang magpuyat. Dahil sa kanyang malaking kama at tatlong layer ng mga velvet na kumot, napapalibutan siya ng napakalambot na mga unan tuwing humihiga siya. Lalo itong nagpahirap sa kanya na bumangon ng maaga.

Matapos maligo, pumunta si Roland sa kanyang opisina at natagpuan na matagal ng naghihintay si Nightingale.

"Heto ang agahan mo. Kinain ko yung kalahati nung mainit pa, kaso malamig na ito ngayon," sabi ni Nightingale, habang nakausli ang kanyang mga labi. Tinango niya ang kanyang ulo sa direksyon ng natitirang tinapay sa lamesa, na para bang siya ang lord ng domain.

"Wala bang nagturo sa iyo na maging mapagpakumbaba sa harap ng prinsipe?" Tinanong ni Roland, habang itinutulak niya ang mga plato at umupo sa mesa. "Naaalala ko napakagalang mo nung una."

Nagbuntong hininga si Roland. Hindi niya napagtanto na agad nagkaroon ng kaibigan si Nightingale, at palaging sinasamahan siya o kaya ay si Anna. Nanatili siyang nagtatago nung umpisa, ngunit ngayon hangga't walang tagalabas na naroroon, naglalakad siya palibot ng opisina ng hindi nakasuot ang hood.

"Parang ganito?" Umalis siya sa mesa at yumuko katulad ng istilo ng isang noble. "Lalong tinatanghali ang gising mo nitong kamakailan. Dahil walang gumagalaw sa agahan, naisip kong tulungan ka sa pagkain nito, Kamahalan." Naglakad siya papunta kay Roland at sinabi, "Okay lang naman sayo, diba? Nakikita ko na hindi mo gusto yung mabusising etiketa."

"Mayron ba siyang third eye?" tahimik na pagtataka ni Roland. "Nagawa niya pang makita 'yon."

Nagbuntong hininga si Roland. "Bahala ka, pero kailangan mo ubusin ang pagkain sa susunod na simulan mo 'yon. Kukuha pa ako ng kung gusto mo pang kumain."

"Sige Kamahalan!" Ngumiti siya at kinuha ang plato, mabilis na kumilos papunta sa isang tabi.

Naglatag si Roland ng isang blangko na pergamino. Handa na siyang tapusin ang drawing ng disenyo na hindi natapos kahapon.

Kung gusto niyang depensahan ang Border Town, hindi dapat siya maghangad na manalo ng halos may kaparehas na bilang ng kawalan sa unang labanan ng taglamig. Dahil ang isang batalyon na hindi pa nakakaranas ng gera ay hindi masasabing isang kwalipikadong batalyon, kinakatakot ni Roland na kung magkakaron ng malaking kawalan, mawawalan ng lakas ng loob ang kanyang mga sundalo na naensayo lang ng sandaling panahon na tumayo sa city wall.

Kailangan niya ng mga armas na magtataguyod ng panahon upang magkaraoon ng lubos na kalamangan sa mga demonic beasts.

Walang duda na kinakailangan niya ang flintlock.

Nakamit ng panahon ngayon ang lahat ng kondisyon para sa paglitaw ng flintlock. Ang mga alchemists ay kadalasan nakakagawa ng isang bagay na tinatawag na snow powder na ginagamit sa mga selebrasyon sa palasyo. Para itong gunpowder ngunit mali ang formula at mabagal ito nasusunog. Kapag nilagay sa isang copper tube, kaunting ingay lang ang nagagawa nito.

Sa loob ng isang siglo, lalabas ang prototype ng flintlock, ang harquebus. Kumplikado ang operasyon ng armas, na kinakailangan ang kooperasyon ng dalawang tao sa paglo-load at pagbaril. Maaari lang ito magamit bilang isang single-shot na armas. At hindi din makukumpara ang bilis at lakas nito sa isang magaling na archer.

Hindi interesado si Roland na ulitin ang kasaysayan. Mas mabuti kung gagamitin niya ang abilidad ng mga witch upang gumawa ng isang flintlock na may praktikal na halaga, katulad ng pagkagawa niya ng steam engine.

"Tinignan ko na ang mga pagkain na nasa mesa bago ka dumating," habang nilunok ni Nightingale ang huling piraso ng tinapay at tinanong, "Anong gagawin mo sa napakaraming yelo? Taglamig ngayon, kung gusto mo uminom ng malamig na ale, bakit hindi mo nalang iwan sa labas ng isang gabi?"

Mahilig gumamit ang mga noble ng yelo tuwing tag-init, samakatuwid ang yelo na gawa sa saltpeter. At maari nilang palamigin ang kanilang gatas, wine o kaya juice sa kanilang kagustuhan. Dahil sa taglamig, napakababa ng kasalukuyang presyo ng saltpeter.

"Hindi pa ganon kababa ang temperatura para makagawa ng iced cheese. Hindi ito maayos na gagana kung hindi nagyeyelo," hindi siguradong sagot ni Roland.

Kahit na hindi kalaban ang babae na nasa harapan niya, hindi niya ito lubos na kilala katulad ng kay Anna. Di tulad ng steam engine, wala masyadong technical barriers pagdating sa flintlock. Sa sandaling maging popular ito, tiyak na makakasama ito sa kanyang proyektong pagsasaka. Hangga't hindi niya pa lubos na nakikilala si Nightingale, mas makakabuti kung magtatago siya ng ilang bagay mula sa kanya. Habang iniisip ito, pansamantala niyang tinanong, "Tumutulong ba na magsanay ng mga killers ang Witch Cooperation Association maliban sa paghahanap sa Holy Mountain?"

"Hindi, isa lang silang grupo ng mahihirap na nagsasama-sama para sa isang pangarap." sagot ni Nightingale at sinabi, "dalawang taon palang ang nakakalipas ng sumama ako sa Witch Cooperation Association."

"Sa madaling sabi, nagtratrabaho ka para sa ibang tao?" Hindi siya magkakaroon ng perpektong abilidad ng pagbato ng kutsilyo ng walang gabay ng isang tao o ilang taon ng pagsasanay. Sigurado dito si Roland. "Maliban sakin, mayroon pa bang tao na handang tumanggap ng isang witch?"

"Tumanggap?" Naging kakaiba ang itsura ni Nightingale. "Paano mangyayari 'yon. Kung nalaman niya na magiging isang witch ako, sa malamang ay hindi niya ako papapasukin sa kanyang pinto. Sa kalaunan, kung hindi ko pinatunayan pakinabang ko sa kanya, sa malamang ay palihim na akong pinatay."

"Oh? Pwede mo bang ipaliwanag?"

Tinango ni Nightingale ang kanyang ulo habang nakangiti, kitang-kita ang hindi maipaliwanag na mood sa pagkakataong ito. "Kamahalan, ipapaalam ko sayo sa tamang oras. Alam ko ang kinakatakot mo. Huwag ka mag-alala dahil naging malaya na ako limang taon na ang nakakaraan, at hindi na nagtratrabaho para sa iba."

Nabigo ang negosasyon, mukhang hindi siya kaakit-akit…Gayunpaman, hindi direktang nakumpirma sa sagot ni Nightingale ang kanyang mga ispekulasyon. Higit sa limang taon ang nakakalipas, may palihim siyang ginawang bagay para sa isang tao. Sa kabutihang palad, nagamit lang ng tao si Nightingale dahil sa pagkakataon, sa halip na maghikayat ng maraming witches tulad ng pinaplano niya.

Hindi na nagtanong pa si Roland. Yumuko siya at nagpatuloy na gumuhit ng larawan.

Sa gulat niya, Si Nightingale na palaging nasa paligid niya, ay naging tahimik, at ang tunog lang ng nagliliyab na furnace ang naririnig. Nang tumingala si Roland para i-unat ang nangangalay niyang leeg, wala na si Nightingale sa opisina.

"Hindi man lang siya nagpaalam," bulong niya habang tinutupi ang pergamito at nilagay ito sa panloob na bulsa ng kanyang damit panloob.

Nagtrabaho siya ng ilang araw. Natapos niya ang lahat ng trabaho, pati na ang mga drawing, at mga disenyo ng mga armas, pati na mga kopya nito.

Siya ay nagbabalak na gawing sikat na flintlock, na kung saan ay oras na nasubok at katulad ng harquebus sa mga tuntunin ng antas ng pamamaraan, na may pagsingil ng singil na naka-load sa likod, at ang bola ng lead ay na-load sa harap. Ang rate nito ay maaaring halos tatlong mga pag-shot kada minuto. Kaya higit pa sa sapat, maaari itong magamit upang makayanan ang di-marunong na mutant beast.

Hindi kayang akyatin ng karamihan sa mga hayop ang pader, kaya ang layo ng pagaril ay halos katumbas ng distanya mula sa tuktok ng city wall hanggang sa lupa, humigit-kumulang mga apat na metro. Sa distansyang ito, imposibleng hindi tamaan ang target at hindi bababa ang initial speed ng bala. Hangga't hindi nag-evolve ang mga demonic beast at nagkaroon ng balat na mas matigas kaysa sa bakal, maari silang patayin sa isang tira lang.

Ang disadvantage ng flintlock ay ang napakatagal na paggawa nito. Sa simula, katulad ng harquebus[1], gawa ito sa tuloy-tuloy na pagmamartilyo ng isang panday. Simula sa barrel hanggang sa trigger, halos aabutin ng tatlong buwan para gawin ang buong baril. Sa lahat ng mga parte nito, ang barrel ang pinakamatagal gawin. Kinakailangan ng panday na martilyuhin ang iron sheet ng napakanipis na cylindrical ang hugis, silyahan ito sa pamamagitan ng iron powder, at pagkatapos i-ukit ang rifling. Kahit na hindi nito kinailangan ng mga precise na instrumento, kailangang dalubhasa ang craftsman para makagawa ng isang pasadong barrel.

Ito ang dahilan kung bakit unang ginawa ng Roland ang steam engine.

Dahil sa steam engine, maari siyang direktang makapag-drill ng isang barrel sa isang solid iron bar sa pamamagitan ng steel drill. Kaya di hamak na bumilis ang production speed dahil hindi na kinailangan pa umasa sa mga craftsmen. Kinailangan niya nalang ng isang lamesa kung saan niya maaring ayusin ang iron bar.