"Kamahalan, anong ibig sabihin nito?" Inisip ni Carter na random magdesisyon ang Prinsipe dati, ngunit ngayon inisip niya na wala na sa realidad ang prinsipe.
Sa pamamaraan kung paano sanayin ang isang sundalo, inisip ng chief knight na walang sinuman ang mas propesyunal pa kaysa sa kanya. Mayrong kumpletong pamamaraan ng pagsasanay ang kanyang pamilya, kung saan ang isang sampung taong-edad na batang lalaki ay maaring sanayin upang maging isang sundalo, at magsasanay sa lahat ng uri ng armas sa loob ng limang taon. Kung ang sundalo ay ieensayo pa ng limang taon, siya ay magiging isang top soldier, isang kabalyero na alam ang lahat ng ritwal ng upper class—siyempre, hindi maaring magmula ang mga trainee sa pamilyang sibilyan.
[Tignan mo yung mga mokong na ito! Pagkain lang ng itlog ang kanilang iniisip!] Isip ni Carter, [Ang mahal-mahal kaya ng itlog!]
Sumagot si Roland, "Tignan mo lang sila, at tandaan mo na ganitong paraan dapat sila sanayin sa susunod na ilang araw. Siyempre, gagawa ako ng mga pagbabago, at ililista ko ang mga detalyo sa isang papel.
Noong panahon ng cold war, imposibleng magsanay ng isang grupo ng kwalipikadong mga sundalo sa loob ng dalawa o tatlong buwan. Hindi kailanman iyon naisip ni Roland, dahil hindi naman niya kailangan ng ganung klase ng Spartan na mandirigma na may lakas na kayang punitin sa dalawa ang isang hayop gamit ang kamay. HIndi kailangang maging malakas ng isang indibidwal na sundalo, ngunit kailangan na sila ay disiplinado at kayang gawin ang utos ng di pumapalya.
Ang lakas ng isang yunit ay kadalasang mas malakas kaysa sa individual na kapangyarihan. Dahil ito ang kinikilala at tanggap ng pamantayan ng lipunan. Kaya kinakailangan niya bumuuin sila agad bilangng isang yunit. Ang modernong pagsasanay ng militar, na may konting pagbabago ayon sa kasalukuyang sitwasyon, ay isang napakahusay na desisyon. Sa kanyang personal na ekspiryens ng pagsasanay na militar, kinailangan lang ng kalahating buwan upang gawing isang kosibong yunit ang mga studyante mula sa buong bansa. Kitang-kita ang epekto anuman ang proseso.
Saka lang maipapatupad ni Roland ang susunod na hakbang ng kanyang plano kapag naintindihan na ng grupo ng mga taong ito ang kahalagahan ng disiplina.
Sa huli, nabigo parin si Van'er na makuha ang ikalawang itlog.
Kinailangan nilang tumayo ng dalawang beses na mas matagal kaysa sa unang pagkakataon, at hindi ito natapos hangga't walang nanghina at nanginig na binti.
Sa sandaling iyon, inihayag ni Prinsepe Roland na maari silang magpahinga at inutusan niya ang mga tagapaglingkod na ihain ang tanghalian. Ang galit ng tao sa mga mahihina ay naibaling sa pagkasabik sa pagkain. Siyempre, suspetsa ni Van'er na wala talagang intensyon ang Prinsepe na hayaan sila magkaroon ng pangalawang itlog.
Ang tanghalian ay nakalagay sa apat na malaking kaldero na dala-dala ng karwahe patungo sa labas ng bayan. Maliban sa pagkain, may dala din silang maraming mangkok at mga kutsara.
Dinilaan ni Van'er ang kanyang mga labi, handa ng sumugod sa karwahe kasama ng iba, ngunit ay pinigilan ng pinunong kabalyero.
Inutusan ng Prinsepe ang lahat ng tao na pumila sa apat na hanay at lumapit ng isa-isa para sa mangkok at kutsara. Ang sinuman na mag-aabala sa ayos ay magiging huling tao na makakuha ng pagkain.
Nagkumpulan ang mga tao at nagsiksikan, at luminya ng apat na hanay. Sinwerte si Van'er na mapunta sa harapan ng pila sa pinakadulong hanay. Siyempre hindi natuwa ang ilang tao sa kanilang posisyon. May maririnig na ingay ng sagutan at away sa mga pila. Di nagtagal dumating na ang mga kabalyero at ilang mga guwardiya patungo sa mga tao at pinaalis sila sa pila.
[Loko-loko,] isip ni Van'er ng tignan niya ang lalaki na nagsimula ng gulo. Si Insane Fist ang taong iyon, ang pinaka-agresibong manlalaban sa kalye ng bayan. Lagi siyang gumagawa ng gulo kahit san siya magpunta gamit ang kanyang tanging lakas, ngunit ngayon kinailangan niyang mag-squat sa isang sulok ng may nakatutok na espada sa kanya. Sobrang nakakaawa siya ngayon.
Pakiramdam niya alam na niya kung ano ang gusto ng Prinsepe.
Gusto niya ng kaayusan.
Kailangan ilang tumayo ng tuwid sa isang linya, pumila upang makakuha ng pagkain, at palaging sumunod sa mga utos… Narinig ni Van'er mula sa mga matalinong negosyante na ang ilan sa mga noble ay mayroong kakainang ugali: hindi nila masikmura na magulo ang mga bagay at sa sandaling may bagay ang wala sa ayos, hindi nila maiwasan na ayusin ito.
Sa isip ni Van'er, wala lang magawa at wala ng mas mabuting gagawin ang ganitong uri ng tao.
Hindi niya inasahan na ganitong uri pala ng tao ang Prinsepe.
Nang binuksan ang mga takip ng mga kawali, naamoy ni Van'er ang matapang na amoy ng mga pagkain.
At nang kumalat ang amoy sa hangin, halos mabaliw na siya dahil dito. Hindi na din mapakali ang mga tao, ngunit agad din sumigaw ang knight para panatilihin silang tahimik. [Malamang kailangan nanaman namin pumila,] Isip ni Van'er.
Katulad ng kanyang inaasahan, pinapila muli sila ni Prinsepe Roland para sa kanilang hati sa pagkain katulad ng dati.
Nagsimula silang maglaway at nag-iingay na ang kanilang mga tiyan. Ngunit matapos maisip kung ano ang nangyari kay Insane Fist, kinailangan nila pumila at matiyagang maghintay.
Puno ng mainit na oatmeal ang mga kawali! Sa gulat ni Van'er, mayroon pang pinatuyong karne sa lugaw! Kahit na nakakuha lang siya ng maliit na piraso, karne padin yun! Maliban dito, nakakuha din siya ng pangalawang itlog katulad ng kanyang inaasahan.
Mabilis na kinain ni Van'er ang lugaw, at dinilaan pa ang mangkok ng isang beses pagkatapos. Nilunok niya ang itlog ng hindi nginunguya. At dahil sobrang bilis niya kumain at hindi nag-ingat, agad nagmaltos ang kanyang dila.
Matapos ilapag ang mangkok, tinapik ni Van'er ang kanyang tiyan at dumighay. Matagal na siyang hindi nakatikim ng masarap na pagkain na katulad nito. At mas hindi kapani-paniwala na nabusog siya dito. Kumapara sa tinapay, lasang langit ang lugaw na may karne. Naisip niya pa na kung makakakain siya ng ganitong pagkain araw-araw, hindi na malaking bagay kahit na makipaglaban siya sa mga demonic beasts.
Pagkatapos mananghalian, nagkaroon sila ng mahabang pahinga. Dinala muli sila sa loob ng city wall, naglakad patungo sa kampo ng batalyon. Isang malaking dayuhan ang lumabas at nagsimulang turuan sila kung paano magtayo ng mga tent.
Kilala siya ni Van'er—kilala ng halos na lahat ng tao sa bayan si Iron Axe. Sa kanyang angking galing sa archery, di hamak na mas magaling siya kaysa sa mga ekspiryensadong matatandang mangangaso sa bayan. [Sandali lang, pinaglilingkuran na ni Iron Axe ang Prinsepe ngayon? Parang nakita ko siya sa tabi ng mga knights nitong nakaraan.] Sumimangot si Van'er at napaisip, [Anong pinaplano ng Prinsepe? Si Iron Axe ay nagmula sa Sand Nation.]
"Talaga bang plano mong gawing kapitan ang isang lalaking nagmula sa Sand Nation?" Ganito din ang tanong ni Carter. "Hindi siya kabilang sa Kaharian ng Graycastle. Isa pa, hindi siya nagmula sa kontinente natin."
"Hindi din naman kabilang sa Kaharian ng Graycastle ang mga witches," sagot ni Roland, "ngunit lahat sila ay nabibilang sa Border Town. At saka, hindi ba't tinitignan mo naman sila para sakin?"
"Ngunit Kamahalan…"
"Wag kang mag-alala." Tinapik ni Roland ang balikat ng kabalyero. "Walang halaga kung saan nanggaling ang tao dito sa Border Town. Hangga't hindi nila nilalabag ang batas ng kaharian, taga-sunod ko parin sila. Kung talagang nag-aalala ka, maaari kang pumili ng dalawa pang magaling na kapitan. At saka, patuloy na lalago ang ating koponan sa hinaharap, at maari kang magsimulang magsanay ng magagaling na tao ngayon. Sinulat ko ang mga patakaran sa pag-eensayo. Kumpara sa mga mamamayan ng Sand Nation, sa tingin ko dapat na mas mag-alala ka tungkol dito."
Kinuha ni Carter ang rolyo ng parchment sa mga kamay ni Roland. Habang mabilis na tinignan ang mga laman nito, laking gulat niya sa kanyang nakita. Halos walang nakakaalam o nakakarinig ng mga nilalaman ng pag-eensayo. Isang halimbawa, kinailangan nilang tumakbo paikot ng Border Town simula alas dos ng hapon hanggang sa lumubog ang araw. Binigyan diin ng mga regulasyon na kailangan ito tapusin ng lahat, at maari nilang tulungan ang isa't-isa upang matapos ito. Kung makakatiis silang lahat at walang susuko, magkakaroon sila ng isa pang itlog para sa hapunan. Isa pang halimawa, kapag hinipan na ang mga pito sa gabi, kinailangan na magbihis ang lahat at pumila agad. Sa ganitong uri ng pag-eensayo, kinakatakot ni Carter na bibigay at aalis ang karamihan sa loob ng ilang araw lamang.
Napakahirap ng intindihin ng mga unang patakaran, at litong-lito siya sa huling patakaran.
"Araw-araw pagkatapos ng hapunan, kinakailangan pumunta sila sa Kolehiyo ni Karl para sa cultural training."
"Kamahalan… Anong ibig mong sabihin sa cultural training? Plano mo silang turuan magbasa at magsulat?"
"Yun ang inaasahan ko mangyari, ngunit kulang na kulang ang oras. Magagawa lang ni Karl na maturuan sila ng ilang simpleng salita at mga numero upang maari silang makabasa at makapagsulat ng mga kautusan. Ako mismo ang magpapaliwanag nito kay Karl. Kailangan mo lang silang papuntahin sa kanya."
"Pero, bakit kailangan niyong gawin 'to? Wala naman 'tong matutulong sa pakikipaglaban sa mga demonic beasts."
"Saan mo narinig yan?" Hikab ni Roland. "Ang isang yunit na mahusay sa pakikipaglaban ay kailangan din na may pinag-aralan. Isa yang karanasan na natutunan sa kasaysayan."