"Halita at subukan mo ipagdikit ang dalawang piraso."
Inunat ni Anna ang kanyang mga daliri at idiniin ito sa mga seams ng mga iron plate. Lumabas ang apoy mula sa kanyang mga daliri, at natunaw ang interface sa bilis na nakikita ng mata.
"Bawasan ang lakas ng apoy, at simulan muli sa likod."
Tumango siya at ginawa ang sinabi sa kanya. Pinagdikat ang dalawang iron plates sa 90 degrees at matatag na nakahinang.
Sinuri ni Roland ang interface at ang epekto ay katulad ng kanyang naisip—isang perpektong paghinang nang walang anumang depekto. Kung ang mga bakas ng grinding ay maaring alisin kapag ang bakay ay tinutunay, ang dalawang iron plates ay hindi magmumukhang nagmula sa isang katawan.
"Napakabuti Miss Anna, napakagaling noon." Hindi mapigilan ni Roland na purihin siya. "Susunod, ididikit din nating ang dalawa pang piraso ng iron."
"Ano ito? Isang bakal… na timba?"
"Hindi, isa iyang cylinder." Pagtatama ni Roland.
"Cylinder?" Inulit ni Anna sa pagtataka.
"Oo, maari itong gamitin upang punan ang hangin." Tinuro ni Roland ang isa pang parisukat na iron plate. "Nakikita mo ang butas sa itaas? Dumadaloy ang hangin mula sa butas na ito papunta sa cylinder, na nagpapagana sa piston. Hum, ang piston ay isang iron plate na mas maliit kaysa sa dyametro ng cylinder, at malaya itong nakakagalaw sa cylinder."
Kahit na si Anna, nagsimulang mahilo dahil sa dami ng banyagang salita. "Ang mga ito… itong cylinder at piston, anong ginagawa ng mga ito?"
"Ginagamit ang mga iyan upang makagawa ng isang makina na awtomatikong gumagalaw."
Ang Steam Engine, ang pangunahinh dahilan sa likod ng unang industrial revolution ng sangkatauhan, ganap na liberated mula sa lakas ng tao ay mga hayop.
Ang schematic diagram nito ay pamilyar sa lahat ng mechanical engineer. Sa madaling sabi, isa itong pinalaking bersyon ng takure. Ang pinakuluang steam ay pumapasok sa cylinder, at tinutulak nito ang piston at kinokekta ang mga rods, na nagko-convert ng init papuntang mechanical energy.
Napakasimple ng prinsipyo nito, ngunit hindi ito nangangahulugan na madali itong gawin. Ang kahirapan nito ay nakasalalay sa airtightness sa pagitan ng cylinder at ng piston, pati na sa paggawa ng gas pipe. Kung hindi sapat ang pagproseso ng metal, napakaimposibleng umasa sa manu-manong pagproseso upang makagawa ng isang kwalipikadong cylinder.
Ngunit naiibsan ng abilidad ni Anna ang kakulangan sa teknolohiya.
Kailangan lang agad ni Roland na magdisenyo ng apat na magkakaparehas ng laki na iron plates, hayaan ang blacksmith na i-polish ang cast, at gamitin ang right-angled plate upang ayusin ang hugis nito. Pagsunod ng paghihinang ni Anna, maaring makakuha si Roland ng isang napakatigas na parisukat na cylinder. Sa tulong ng witch, hindi niya kailangan sundan ang tradisyunal na proseso ng produksyon, na kailangan muna gumawa ng gun barrel machine, pagktapos ay magproseso ng isang pabilog na cylinder. Ganito din para sa iba pang mga malalaking pyesa. Maari kang gumawa ng maliit na piraso pagkatapos ay pagdikitin ang mga ito. Sa ganitong paraan, maaring magtulungan ang mga blacksmith shops upang makagawa ng isang steam engine na merong lahat ng kailangang mga bahagi nito.
Sa katunayan, bago pa maimbento ang paghinang, ang mga tao ay maari lamang umasa sa mga bolts o rivets upang ipagdikit ang mga maliliit na piraso. Kinakailangan makinis ang loob ng cylinder, at malinaw na hindi ito magagawa ng conventional na pagkokonekta.
Ang tanging problema ay ang gas pipe. Ang paraan ng produksyon nito ay hindi espesyal. Hinihinang ang isang mahabang iron plate hanggang mamula ito sa init, at nilalagay ito sa groove-type mold, at pagkatapos ay hinuhugis gamit ang isang martilyo. Ito rin ang paraan ng paggawa ng flintlock barrels. Ngunit kailangan din ideretso ng barrel pagkatapos, kabilang ang pababarena at rifling, kaya ito ay medyo masalimuot.
Ang tangin problema ay hindi maaring papuntahin ni Roland ang blacksmith sa backyard ng kayang kastilyo, dahil hindi pa maaring ipakita ang witch. Bukod dito, hindi siya magaling sa pag-forge ng iron. Sa desperasyon, pinagawa niya ito sa kanyang chief knight.
Kaya pagkatapos ng nakakapagod na tatlong araw, sa wakas ay natapos na ni Roland ang unang steam engine sa kanyang backyard.
"Ito ang iyong mahusay na imbensyon? Sumimangot si Carter sa kakaibang makina. Ang makina ay tila mas nagmukhang isang selyadong kalan, na ang bawat iron lumps ay manu-mano niyang inilagay. Magiging kataka-taka kung magkakaroon ng interes dito ang demonyo.
Ngunit paano gagalaw ang pinagdikit-dikit na iron lumps? Mukhang napakalampa nito, at wala naman itong mga paa. Paano ito makakalipad?
Ngunit sa mata ni Roland, ang tila simpeng makinang ito ay nagpapakita ng kagandahan ng industrial charm. Gamit ang siyentipikong kaalaman na nakuha niya sa kanyang lumang buhay, natural na hindi niya gagawin ang Newcomen steam engine, ang Watt steam engine, o ang steam engine. Ang kanyang unang trial product ay isang high-pressure steam engine na may dalawang connecting rods at sliding valves. Ang proseso ng pagmamanipaktura nito ay hindi gaanong mas mahirap kaya sa pinaka primitibong steam engine, ngunit ang susi neto ay nasa ilang makabagong ideya.
"Malalaman mo sa lalong madaling panahon!"
Naglagay si Roland ng isang timba ng tubig sa steam compartment, at hinaayan si Anna na sindihan ang ilang firewood.
Pagkatapos makalipas ng sampung minuto, kumulo ang tubig, at nanatili itong kumukulo ng malakas. Di nagtagal, isang tunog ng pagkalusko ang nagmula sa cylinder, at alam ni Roland na ito ang tunog ng thermal expansion sa cylinder. Manipis ang iron plate ng piston, ang paglawak ay mas malaki kaysa sa cylinder block, at sa huli ay matatag na didikit sa cylinder wall.
"Hindi ba't kumukulong tubig ito? Hindi ko inaasahan na isa itong kalan," bulong ni Carter.
Nang mapuno ng steam ang cylinder, ang sumunod na nangyari ay nagpasabik kay Roland. Nagsimulang itulak palabas ng piston ang connecting rods. Nang matulak ang rod papunta sa tuktok, hinila ng isa pang connecting rod ang sliding valve, na naging sanhi ng pagtulak papasok ng steam sa piston. Ang dalawang connecting rods ay alternate na gumagalaw upang mapaikot ang gulong, at dahil sa mas malakas na lakas ng apoy, agad nitong naabot ang peak nito.
Gumawa ng malakas na dagundong ang makina, at naglabas ng puting gas ang tambutso na may isang uri ng hindi mapigilang momentun.
"Ito ba ang ibig mo sabihin sa… ang nakatagong kapangyarihan ng kalikasan?" Tanong ni Anna.
Hindi makapaniwala ang chief knight. Mahirap niyang nilagay ang malaking iron wheel. Ngunit ngayon tila para itong isang umiikot na balahibo, at nararamdaman niya ang hangin na nagmula sa pagikot ng mga gulong—ibig sabihin nito na ang machine na iron lumps na ito ay nagtataglay ng matinding lakas.
Ang kanyang puso ay unti-untong hindi mapakali.
Sinabi ng Prinsepe na maairi nitong palitang ang manpower at animal power. Kung hindi ito isang kasinungalingan, kapag pinalitan nito ang mga kabayo at mga karwahe, kahit sampung knights ay hindi magagawang pigilan ang malakas na pwersa nito.
Kailangan ng labinlimang tao upang magsanay ng isang sapat na knight, ngunit upang gumawa ng isang iron furnace, kinailangan kang nito ng tatlong araw. Kahit na isama ang oras ng pagbuo ng mga pyesa ng mga blacksmith, isang linggo lang ang magiging kabuuan nito.
Hindi ito nangangailangan ng pagkain, hindi natatakot sa lamig at gutom, at hindi din natatakot sa mga palaso, mga esapada, at mga baril. Hangga't naka-mount ang embolon, maari itong magwala sa battlefield.
Sa ganitong paraan…ano pa ang punto para magkaroon ng tradisyunal na knight?
*******************************************
Sa gabi, nang bumalik si Roland sa kanyang kwarto, muli niyang nakita si Nightingale.
Hindi siya nagsuot ng hood ngayon, nakaupo sa lamesa at nakangiti, may hawak na ilang piraso ng parchment sa kanyang mga kamay. "Tila hindi tunay ang mga sabi-sabi. Sinasabi na si Prinsepe Roland ay ignorante at walang abilidad, na masama ang karakter, ngunit mas mahusay ka pa kumpara sa court master. Ito ba ang disenyo ng iron furnace sa piraso ng papel na ito? Tinatawag mo iyong… steam engine, tama ba?"
"Oh damn, hindi ba ako makakakuha ng praybasi? Pupunta ka at umaalis sa kagustuhan mo, sa tingin mo ba pamamahay mo ito!" Pinigilan ang kanyang pagkayamot, sinabi niya ng walang emosyon, "Isa yang disenya, ngunit kung walang tulong ni Anna, isa lang yang piraso ng papel."
"Para saan iyan?"
"Madami. Transportasyon, drainage, smelting, forging. Ito ay kapaki-pakinabang sa mga bagay na nangangailangan ng matinding lakas.
"Sa kasong yan, itatabi ko ito." Inirolyo ni Nightingale ang parchment at inilagay ito sa kanyang robes. "Mayrong din sa Witch Cooperation Association na nakakakontrol ng apoy."
"Sandali lang…"
Winagayway ni Nightingale ang kanyang kamay para itigil ang pagprotesta ni Roland. "Siyempre, hindi ko nalang basta kukunin ang mga gamit mo. Tignan mo muna ito." Inilagay niya ang isang maliit na bukol ng puting bagay sa lamesa.
Pinuntahan ito ni Roland, kinuha ito gamit ang kanyang mga daliri at napagtanto na isa itong rolyo ng papel.
Maingat niyang inilapat at mabilis na tinignan ito. "Ito ay…"
"Ang liham na ipinadala ng kalapati," sabi ni Nightingale ng pabiro. "Ang tatanggap ay ang iyong head maid na si Tyre, at tila hindi ligtas ang iyong harem."
"Hindi ko siya hinawakan kahit kailan," Sabi ni Roland habang sumimangot.
Si Tyre, tila mahabang panahon na siyang sinusundan nito sa kanyang memorya. Sa simula, ang prinsepe ay lubos na interesado sa kanya, ngunit nabigo siya sa ilang mga paliligalig niya. Matapos na makarating sila Border Town, direkta niyang itinaguyod ito bilang head maid, upang maari siyang pagsilbihan nito. Hindi niya napagtano na isa pala siyang spy na ipinadala ng kanyang mga kapatid.
Bagama't walang pirma ang liham, sa panghuhusga sa nilalaman nito, malamang na sulat-kamay ito ng kanyang mga kapatid. Nakasaad sa liham na lubos na hindi nasisiyahan sa pagkabigo sa huling pagtatangka. Inutusan siya na umatake habang nagkakagulo sa Longsong Stronghold sa susunod na pagkakataon at hindi na maaring mabigo muli. "Sa katunayan, nagtagumpay siya," isip ni Roland, "kung hindi, hindi sana ako naging si Roland Wimbledon."
Ang liham na ito ay malabong gawa ni Nightingale, dahil tanging ang mga kasabwat lang sa conspiracy na ito ang makakaalam ng unang assasination. At hindi kailangan ni Nightingale na mag-abala pa para lang patayin siya.
"Ninakaw mo ba ito sa kanya?"
"Hindi masyadong tanga ang iyong head maid. Susunugin niya na ito, sa kabutihang-palad ay sumaktong nasa likod niya ako." Si Nightingale ay gumawa ng switching na aksyon. "So anong balak mong gawin? Kailangan mo ba ang tulong ko para "i-handle" ito?"
Alam ni Roland kung anong ang ibig niyang sabihin sa "pag-handle". Nag-atubili siya ng ilang sandali, at pagkatapos ay tumango din. "Sa kasong ito, salamat sa iyong tulong." Wala siyang kumpiyansa na gawin ang ganitong bagay. "Kung kaya mo, tulungan mo akong malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito."
"Sa iyong kagustuhan, Kamahalan," sinabi ni Nightingale habang nakangiti. "Ang disenyo ang magiging kabayaran."