"Huwag ka matakot Kamahalan. Hindi ko intensyong saktan ka. Gusto ko lang makipagusap sayo."
"Damn, anong klaseng paguusap ito?" Napalunok si Roland at dahan-dahang umikot. Sa ilalim ng panganib ng isang kutsilyo, ang tanging magagawa niya lamang ay ang maghintay na magsalita ang kalaban.
Sa anino ng liwanag ng kandila, nakita ni Roland ang isang tao. Nakaupo siya sa higaan niya, ang kanyang katawan ay nakatago sa ilalim ng isang balabal at tinatago ang kanyang mukha ng isang hood, kaya hindi niya makita ng malinaw ang tao. Dahil sa liwanag ng kandila, kita sa dingding ang kanyang anino sa malaking bahagi ng pader.
"Wala akong pangalan; tinatawag akong Nightingale ng aking mga kapatid." Tumayo siya, hinila ang kanyang balabal at nag-curtsy ng maayos tulad ng anumang babae. "Una sa lahat, gusto kong ipahayag ang aking pasasalamat sa iyo, Kamahalang Roland Wimbledon."
"Pasasalamat?" Napansin ni Roland ang pattern sa kanyang balabal na kumikislap dahil sa liwanag ng kandila. Tatlong parallel triangles na may hugis na isang mata. Saan niya na nga ba nakita ito?
"Ang pattern sa barya… ay ang sagisag ng Sacred Mountain and the Magic Eye. Ito ang sagisag ng Witches' Cooperation."
Sumagi sa kanyang isip ang sinabi sa kanya ni Barov. "Isa… isa kang witch!?"
"Haha." Napatawa siya ng ilang beses. "Tila maraming nalalaman ang iyong Kamahalan."
Matapos mapagtanto ang pagkatao ng tao, tahimik na naibsan ang loob ni Roland. Tila hindi siya isang assasin na pinadala ng kanyang mga kapatid. "Nagpunta ka sa malayong bayan na ito para sa kapakanan ng witch sa North Slope Mine are? Bagaman wala akong ideya kung paano mo nakuha ang impormasyong ito, masyado ka nang late dumating. Kung ginusto ko bitayin siya, matagal na siyang patay."
"Alam ko iyon. Kapag ginawa mo yon, hindi ko gugustuhin makipagusap sayo." Umupo muli si Nightingale sa higaan. "Mas pinipili ng Association of Witch Cooperation na huwag makialam sa mga sekular na gawain, lalo na sa royalty. Ngunit mas gusto ko na hindi makinig sa kanila. Maaaring hindi tama na pumatay ng isang prinsepe para sa isang witch, pero nasa kapangyarihan ko parin na mag-iwan ng matinding impresyon sayo."
Ito ay isang lantarang pagbabanta ngunit agad nakuha ni Roland ang kanyang composure. "Buhay siya at maayos."
Alam ko din na may isa pang babae, si Nana." Tumango siya. "Bumisita ako sa lugar na ito isang linggo na ang nakakalipas, ngunit hindi kita nakita. Pinapanuod ko ang lahat ng ginagawa mo, at habang hindi ko maintindihan kung bakit wala ka nung tipikal na pagkagalit sa aming mga witches, nais kong magpasalamat sa ngalan ng Witches Cooperation Association."
"Isang linggo ka nang nandito." Pinunasan ni Roland ang kanyang noo. "Nakita niya ang lahat?" Isang linggo na ito at walang napansin na anuman si Roland. "Sabihin mo sakin. Pumunta ka ba dito para makipag-usap, o para lang pasalamatan ako?"
"Hindi ka ba napapagod sa kakatayo habang kinakausap ako?" Sabi niya habang binababa ang kanyang hood. "Halika rito at mag-usap tayo. Hindi naman ako pangit. Hindi mo ikakatakot ang aking itsura, Kamahalan."
Siya ay higit pa sa hindi pangit. Sa katunayan, maari pang sabihin na maganda siya. Dahil nakababa na ang kanyang hood, bumagsak ang golden wavy na buhok na parang isang cascade, na parang sumasayaw sa ilalim ng liwanag ng kandila. Mahaba ang kanyang ilong at kumikinang ang kanyang mga mata. Di tulad ng pagmumukha ni Nana at Anna, nagpapakita ng maturity ang mukha niya. Kahit na hindi makita ng buo ang kanyang mukha dahil sa dilim, ang delicate at well-proportioned na anino sa kanyang mukha ay sapat na patunay ng kanyang kagandahan.
Dahan-dahang naglakad patawid si Roland sa silid, at naupo sa tabi niya sa higaan. Ginawa niya ito hindi dahil nakalimutan na niya ang mga posibleng panganib dahil sa kanyang kagandahan, kundi ay dahil naniniwala siyang hindi siya malisyoso.
"Maari ka ng magsalita."
"Hindi ka nga talaga natatakot sa akin." Tila masayang tugon ng babae. "Nakikita ko na ngayon na naiiba ka sa mga tayong iyon. Galit sila sa amin dahil natatakot sila, at nakikita ko ang takot sa kanilang mga mata. Ngunit ikaw…" Hindi niya mapigilang haplusin ang pisngi ni Roland. "Curious ka lang."
Umubo ng mahina si Roland at tumingin palayo. Hindi siya sigurado kung ano ang iisipin niya tungkol sa pagbabago ng karakter. Isang saglit lang ang nakalipas, isa siyang mapanganib na assasin, ngunit ngayon isa na siyang overbearing master diplomat.
Sa kabutihang palad, agad pinigilan ng babae ang kanyang mga emosyon. "Nagpunta ako dito upang sabihin sa iyo na gusto kong dalhin si Anna at Nana."
"Hindi maaari!" Agad na sinabi no Roland ng hindi nag-iisip, at malakas ang tibok ng kanyang puso. Natatakot na baka mairita si Nightingale sa biglaang pagsagot niya, dinagdag niya, "Naaalagaan sila dito, at hindi sila masasaktan dito ng sinuman. Bukod dito, saan mo sila gustong dalhin? Ito ang pinakaligtas na lugar."
"Dadalhin ko sila sa Witches Cooperation Association at iyon ang kanilang destinasyon." Hindi pinanghinaan ng loob si Nightingale dahil sa pagtanggi at nanatiling kalmado ang tono. "Ang mga miyembro ng komunindad ay ang kanilang mga kasama, walang diskriminasyon, walang paghahatol. Hindi nila kailangan itago kung sino talaga sila."
"At saan eksakto ang Witches Cooperation Association? O wala kayong pirming lokasyon? Noong isang buwan, natagpuan ng mga guwardiya ko ang inyong kampo sa Misty Forest, at ngayon pinapakita ng mga senyas na naglalakbay kayo pahilaga. Anong nasa hilaga bukod sa walang katapusang bulubundukin!?"
"Tama ka. Sa kasalukuyan ay nagtatago kami sa bulubundukin kung saan maaring maging ligtas ang mga witches."
"At gaano naman kaligtas na mamuhay tulad ng isang savage sa bulubundukin sa taglamig? Mayron ba silang malinis na inuming tubig? Sapat na pagkain? Komportableng matitirhan? At sa nalalapit na Months of Demons, magiging delikado ang buong hilagang-kanluran. Ano ang iniisip niyo…" Biglang tigil ni Roland. Anong eksatong sinabi ni Barov? "Naglalakbay ang mga witches patungong Holy Mountain na may intensyong mahanap ang tunay na kapayapaan. Inilunsad ang Witches Cooperation Association upang sama-samang maglakbay ang mga witch patunging Holy Mountain." Hindi maari, sila ba ay…"Susubukan niyong pumunta sa Impassable Mountain Range upang subukan hanapin ang Holy Mountain?"
"Wala akong masasabi sa paksang ito." Ngumit si Nightingale, ngunit ang kanyang tingin ay malinaw na nagsasabi kay Roland kung ano ang dapat isipin tungkol sa kanyang spekulasyon.
"Dahil diyan, hindi ko maaring hayaan na sumama sila sayo," sabi ni Roland. "Sa loob ng dalawang buwan, mangingibabaw ang mga demonic beasts sa labas ng mga domain, at kahit na maari niyong iwasan ang mga tao sa kabundukan, hindi niyo magagawang iwasan ang mga demonic beasts. Maari niyong matagpuan ang Holy Mountain kahit kailan. Pumunta kayong Border Town para sa taglamig, at manatili dito hanggang sa lumipas ito."
Si Nightingale naman ang nabigla. "Manatili dito? Isa ka talagang palabirong lalaki." Nag-isip siya ng saglit, at matapos ay iniling ang kanyang ulo. "Kamahalan, hindi ka takot sa mga witches, ngunit hindi ibig-sabihin nito na ang parehas ito sa lahat. Sa sandaling malantad kami sa mga tao, agad kakatok sa pinto ang Simbahan."
"Hangga't maaaring matulungan ng mga witches na pagaangin ang pasanin ng Months of Demons, mapagtatanto ng aking mga mamamayan na hindi sila masama." Bago pa mabuksan ni Roland ang kanyang bibig upang magsalita, pinigilan siya ni Nightingale. "Bukod pa dito, may isang bagay pa tayong dapat bigyan pansin. Malapit ng maabot ni Anna ang adulthood."
"Adulthood?"
"Oo." Mahinahong pinaliwanag ni Nightingale na para bang nababasa niya ang pag-aalinlangan ni Roland, "Ang adulthood ang unang hurdle na dapat malampasan ng lahat ng witches. Kadalasan, kapag mas maaga naging isang witch, mas mahirap lagpasan ang hurdle. Kamahalan, alam mo ba kung bakit kami tinitignan bilang sagisag ng diyablo?"