Chereads / Release That Witch (Tagalog) / Chapter 16 - Ang daan na tatahakin

Chapter 16 - Ang daan na tatahakin

Maliwanag na nagliliyab ang apoy sa fireplace, inaalis ang lamig na nanggagaling sa siwang ng pintuan at mga bintana. May malaking ulo ng huge horned deer sa taas nito, at sa ilalim ng mga anino, nagmukhang mga malalaking claw ang mga sungay.

Sa kabila nito ay isang dark red wooden table na puno ng parchment rolls at mga libro, karamihan ay mga executive orders na kailangang pirmahan. Madalas pumupunta dito si Roland upang harapin ang mga opisyal na mga usapin. Matapos baguhin ang ikatlong palapag ng kastilyo bilang isa opisina, unti-unti niyang nagustuhan ang lugar na ito.

Sa pamamagitan ng French window sa likod niya, nakikita niya ang buong lungsod hanggang sa walang katapusang kabundukan. Dumadaan ang bundok sa mga kontinente ng Impassable Mountain Range, hinahati ang Kaharian ng Graycastle at Wild Places sa silangan at kanluran. At ang isang parte lamang ang North Slope Mountain ng Impassable Mountain Range.

Sa paanan nito, maaaring makita ang hardin na napapalibutan ng kahoy na bakod. Inalis na ang wooden shed na itinayo para sa pageensayo ni Anna, at ang brick pool ay ginawang isang mahabang lamesa para sa afternoon tea. Tuwing maganda ang panahon, bumababa din siya para mag-suntan, o di kaya naman ay nakaupo sa isang espesyal na pinasadyang rocking chair para matulog.

Kahit na hindi malaki ang kastilyo, maituturing parin itong isang villa na may sariling hardin. Sa dati niyang buhay, halos imposible magkaroon ng isang tunay na stone castle. Kailangan niya pa magbayad para sa mga tiket para lang makabisita. Ngunit ngayon, hindi lang kastilyo ang meron siya, pati na ang lungsod.

"Kamahalan, kamakailan lang nagkaroon ka ng maraming gastusin dahil sa pag-recruit ng mga craftsmen at ng mga manual laborers. Kung magpapatuloy tayo sa ganitong gastusin, hindi tayo magtatagal hanggang sa susunod na spring." Iniulat ni Barov kay Roland ang sitwastong pinansyal habang may hawak na isang tumpol ng parchment.

Simple lang ang orihinal na kita at paggasta ng Border Town. Isang linya ay ang ore sa mahalagang kalakalan ng bato. Ang linyang ito ay monopolized ng Longsong Stronghold at ginagawang tinapat o wheat ang output ng North Slope Mine, ng walang buwis sa gitna, at nagpapadala ng mga tao ang Stronghold para sa palitan ng mga resources. Sabi nga nila, maaring tignan bilang mga regulators ng mga shareholders ang mga nobles na naka istasyon sa Border Town, at ang kanilang mga fiefs ay nasa silangan ng Stronghold, kung saan sila ay pansamantala lamang at iba't-ibang tao ang pinapadala bawat taon.

Sa katunayan, wala pa sa tatlong dekada ang kasaysayan ng Border Town. Kumpara sa halos dalawang daan taong kasaysayan ng Longsong Stronghold, nagmistulan ito isang bagong silang na sanggol. Dapat magtatayo lang si Duke Ryan ng outpost dito bilang early warning para sa pagsalakay ng mga demonic, ngunit hindi niya inaasan na makadiskubre ng mayamang mapagkukunan ng mga mineral resources sa North Slope Mountain pagkatapos ng land reclamation. Kaya nagpasya siya na magtayo ng isang bayan dito, at pinangalanan itong Border Town. Sa isang dako, masasabing ang North Slope Mine ang lumikha ng bayan.

Upang maiwasan ang pagnanakaw at cover-ups, hindi kinuha ng duke ang mga noblemen, kundi nag-employ ng mga lokal na residente, refugees at kahit mga kriminal na maglingkod bilang mga minero. Pantay na pinamamahagi ang output ng mga ore alinsunod sa mga resources na inilaan ng mga namuhunan. Kailangan lang magbigay ang Longsong Stronghold ng pang-isang taong mga butil at isang maliit na komisyon, na may eksaktong halaga anuman ang output ng mina. May higit sa dalawang libong residente ang Border Town at kalahati sa mga ito ay nagtratrabaho para sa minahan.

Ang iba pa ay nasa ibang industriya ng bayan, tulad ng blacksmith shops, pubs, telahan, at iba pa. Dito nangagaling ang maliit na buwis ng Border Town, at wala na gaanong natitira pagdating ng katapusan ng taon. Hindi sineryoso ng lumang panginoon ang lupa na ito. Matapos ipadala si Roland dito ng Kaharian ng Graycastle, nanatili lamang siya sa Longsong Stronghold at hindi na bumalik kailanman.

Kaya kinailangan ni Roland bayaran ang mga tao upang ayusin ang mga pader gamit ang kanyang sariling pera. Kung ito ay ang dating Prinsepe Roland, hindi niya ito gagawin. Ngunit para kay Roland, hangga't maari niyang i-stabilize ang Border Town, hindi siya magdadalawang isip na i-invest ang lahat ng kanyang ari-arian. Dahil sa mga susunod na panahon, ang kalakalan ng ore ay hindi na babayaran ng pagkain. Kung pera ang ipapalit dito, ang kanyang puhunan ay isang napakaliit na presyo lamang.

Ang tanging problema lamang ay hindi handang isuko ng Longsong Stronghold ang monopoly nito, at patuloy ang normal na kalakalan sa Border Town—para itong pag-agaw ng pagkain mula sa bunganga ng tigre, ngunit ang ipinapakita ng data ni Barov ay kakulangan sa manpower at hadlang sa transportasyon. Ang taunang output ng mga more ay hindi hihigit sa isang daang libong piraso ng gold royals. Kumpara sa buong kita ng Longsong Stronghold, para lang ito isang patak sa karagatan. Ang tanging pagkalugi ay yun lamang sa mga nobles.

Para sa pangmatagalang pag-unlad ng Border Town, kailangan mabawi ang linyang ito. Alam ni Roland na kapag nakuhang muli ang kanilang pinuhunan sapung taon na ang nakalipas, hindi agad ito bibitawan ng mga nobles. Kahit na napakaliit na parte nito, isa parin itong kita ng walang ginagawa. Handa siyang magbigay ng maliit na halaga ng kabayaran at mga konsesyon sa mga dati ng namuhunan, katulad ng half-price purchase at iba pa. Ngunit hindi na maaring maulit pa pagpapalit ang isang barko ng ore para lang sa kalahating bangka ng pagkain.

Habang tinitignan ni Roland ang listahan, tinitignan din siya ni Barov.

Sa loob ng tatlong buwan, sa katunayan, itong huling buwan lang, sumailalim si Prinsepe Roland sa napakatinding pagbabago. Hindi ito mapapansin ng mga hindi kakilala, ngunit kasama niya ang prinsepe araw-araw, at hindi makakatakas sa paningin niya ang pagbabago na ito.

Sa Kaharian ng Graycastle, narinig na niya ang kantayagan ni Prinsepe Roland. Ginagawa niya anumang gustuhin niya, ng walang pake sa pag-uugali ng isang noble. Sa madaling salita, hindi siya gumagawa ng malubhang pagkakamali, ngunit gumagawa naman siya ng napakaraming pagkakamali at di hamak na mas malala kaysa sa kanyang dalawang kapatid.

Nang ipadala ng Hari si Barov upang pumunta dito, sobrang disappointed siya. Kung hindi dahil ipinangako ng Hari na siya ay itatalaga bilang ang opisyal na Treasurer pagkatapos ang labanan para sa trono, matagal na siyang sumuko.

Sa unang dalawang buwan niya sa Border Town, ipinakita ni Prinsepe Roland ang kanyang karaniwang matinding pag-uugali na parang bata, at ginalit ma amg halos lahat ng mga lokal na noble. Sa kabutihang palad, napakaliit ng bayan at kahit na umalis lahat ng administrative staff, madali niyang mapupunan ito ng mga civilian staff na dinala niya dito.

At pagkatapos, simulang nagbago ang mga bagay-bagay.

Kailan nagsimula ang pagbabago? Inisip niya, sa malamang… matapos niya iligtas ang witch.

Kinunsidera ni Barov na baka si Roland ay kontrolado ng demonyo, o baka naman kontrolado ng iba pang witch. Ngunit isa itong napakaliit na posibilidad. Kung may ganitong kakayahan ang mga demonyo at witches, bakit nila hahanapin si Prinsepe Roland? Hindi ba't mas mainam kung kokontrolin nila ang Hari o ang Pope? Lalo pang naalis ito sa isipan nia ng makita niya na may hawak ang prinsepe ng God's Locket of Retribution.

Ito ang sandata ng simbahan laban sa mga witches. Manghihina ang anumang demonyo sa harap ng God's Locket of Retribution. Ngunit hawak ito ni Roland. Sa madaling salita, kung hindi siya si Prinsepe Roland kundi isang diablo na hindi natatakot sa divine power, kinakailangan ba na ilantad siya? Mas importante ang pagligtas sa sariling buhay.

Nagpatuloy ang Prinsepe sa kanyang pag-uugali, ngunit nag-iwan siya ng ibang impresyon kay Barov. Hindi, inisip ni Barov na malinaw na ibang-iba at salungat ang ugali ng dalawa.

Ang pinakamalaking pagkakaiba ay sa motibo. Ramdam niya na may pinaplano si Roland. Upang makamit ang kanyang layunin, kinakailangan niya gumamit ng hindi maipaliwanag na paraan. Katulad ng pagpilit sa kanya ni Roland upang magligtas ng isang witch, hindi man mature ang plano at marami itong loopholes, ngunit tiyak na umuunlad ang prinsepe sa kanyang plano, at kampante siya sa magiging resulta nito.

Ito ang pinaka-puzzling na bagay. Maaring makuha ang trono ng sinuman sa mga kapatid ni Roland, ngunit tiyak na hindi ang prinsepe mismo. Malinaw sa kanya ang katotohanang ito. Pag-unlad sa lugar na napakaliit na lugar na ito, Border Town? Kahit ang mga diyos hindi kayang gawin yun! Anong kakaibang plano ang ginagawa ni Roland, subukan na mapaunlad ang Border Town at gawin itong mas matagumpay kaysa sa Valencia? At kinukumbinsi ang kanyang sarili na gagana ito?

Kung isa lang itong kabaliwan na pantasya, siguro okay lang, ngunit pinatunayan ito ng konstruksiyon ng mga pader ni Roland. Talagang layunin niya na maistasyon dito, umaasa sa isang produkto ng alchemy na tinatawag na--"semento", upang magtayo ng isang pader na imposibleng makumpleto.

May alchemist ang pamilya ni Barov, ngunit hindi pa siya nakakarinig na nakagawa ng ganito ang mga alchemists. Upang bumuo ng isang pader base sa bagay na wala pang nakakarinig o nakakakita, ito ba ay kumpyansa sa sarili o imahinasyon lang? Ano pa ang itinatago ng Prinsepe Roland? Nakita niya ang kanyang sarili na nagkaroon ng konting interes para sa hinaharap.