Matapos makitang umalis ang knight sa kanyang utos, bumalik si Roland sa lamesa. "Kung mapapagaling mo ang maliliit na hayop, bakit mo parin iniisip na masasama ang mga witches?"
"Sinabi ng guro na nagagawa ng mga witch ang mga bagay na hindi kaya gawin ng ordinaryong tao. Minsan hindi ito mukhang masama, ngunit ito ang ginagamit pangtukso ng diyablo para makakuha pa ng ibang tao…" Bumaba ang boses ng batang babae, "Hindi… Hindi ko pa nakikita ang diyablo, I swear."
"Siyempre hindi. Isa lang yung kasinungalingan ng simbahan, at nalilang lang din ang iyong guro." Konsuwelo ni Roland.
"Nagsisinungaling ang simbahan?" Gulat ni Nana, "Bakit?"
Umiling si Roland ngunit hindi na nagpaliwanag. Kahit na subukan niyang ipaliwanag, hindi parin nila ito maiintindihan. Kapag ang kabihasnan ay hindi pa umuunlad sa isang punto, laging mangyayari ang ganitong uri ng kakaibang mga bagay. Kahit na wala itong personal na pakinabang, agad isisisi ng mga tao ang man-made, natural na kalamidad at kahit anong hindi maipaliwanag na kababalaghan sa mga inimbentong salarin—ayon sa kasaysayan, laging sinisisi ang mga kababaihan.
At sa mundong ito, kung ang mga witch ay mayroong kapangyarihan na hindi alam ang pinagmulan, mas madaling maging target ng simbahan. Maari pahintulutan ng simbahan ang mga witches na itakda bilang isang saint sa pamamagitan ng pagsasabi na sila ay bigay ng Diyos, o maari silang hulihin sa pagpapahayag na sila ay isang advocate ng demonyo. Ngunit kapag napili ang una, lubos na mawawalan ng kapangyarihan ang monoteismo—dahil walang kinalaman sa simbahan ang mga witches. Kung paniniwalaan ng ibang mga simbahan na saints ang mga witch, at ang lahat ay ang 'chosen one', sino sa mga Diyos ng mga simbahan ang tunay na Diyos?
Ang unang kailangan para sa coexistence ng polytheism ay ang mga Diyos ay tunay at kaya nila pigilan ang bawat isa. Dahil walang mga Diyos at tanging sabi-sabi laman, bakit dapat ihati sa iba ang mundo? Kaya sasabihin ng lahat ng pananampalataya na naniniwala sila sa True God, at ang mga infidel ay kailangang patayin. Kaya maari lang nilang piliin ang pangalawang opsyon, na gawin ang lahat upang hulihin at patayin ang mga witches.
Hindi ito dahil sa kagustuhan nila, dahil ito sa magiging pakinabang.
Mayrong buhay na manok sa kusina ng kastilyo. Sumisipa at sinusubukan lumipad ng dalhin ito ni Carter.
Ang mga sumunod na pangyayari ay ikinagulat ni Nana. Kumuha si Roland ng isang silver na kutsilyo, at sinaksak ang manok ng isang beses, hinawakan ito ni Carter ng maigi, at hinayaan si Nana na gamutin ito bago siya sumubok ng iba pang paraan… At paulit-ulit niya itong ginawa.
Nang namatay na ang manok, naintindihan na ni Roland ang abilidad ni Nana.
Maari niyang gamutin ang mga nasirang bahagi, bali at mga pasa. Ngunit kung ang bahagi ng katawan ay tuluyang nawala, halimbawa, matapos putulin ang paa ng manok, hindi niya kaya patubuin ulit ito. Ngunit maaring ibalik ang mga claw kung gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan para magdikit ang fracture. Sa madaling sabi, hindi niya kaya bawiin ang buhay at kamatayan. Kapag namatay na ang manok, wala ng silbi ang kanyang paggagamot.
Sa kubuuan ng paggagamot, hindi nakita ni Roland ang 'sticky water' na inilarawan ni Nana. Inilagay lamang niya ang kanyang kamay sa sugat ng manok, at pagkatapos ay gumaling ito sa bilis na nakikita ng mata. Matapos ang ilang eksperimento, hindi masyadong nawalan ng enerhiya si Nana, di tulad ng matinding pagpapawis ni Anna.
Tanging si Nana lang ang di kuntento, sa tingin niya masyado na ang ganitong pagtrato sa manok, kaya nanatili siyang nakatitig kay Roland kahit tapos na ang mga eksperimento.
"Tama na yan, tigilan na ang pagtitig at kumain ka na," kinailangan ni Roland ang "summon afternoon tea" para lang mabaling ang pansin ni Nana. Gumana ito ng ilang beses kay Anna, kaya inisip niya na hindi kayang pigilan ang tukso ng masasarap na dessert ang karamihan sa mga babaeng kaedad nila. Sa katotohanan ay hindi nga naiiba si Nana kay Anna.
Pagkatapos kainin ang mga pastries, pinaalis ni Roland si Nana. Tinanong ni Anna dahil sa pagkalito, "Bakit hindi mo siya pinaiwan? Magkatulad naman kami, parehas kaming witches, diba?"
"May pamilya pa siya, at hindi pa nila alam na isa siyang witch."
Bumulong si Anna, "Di magtatagal, malalaman din nila."
"Oo, sa lalong madaling panahon," buntong-hininga ni Roland. "So anyway, mas mabuti kung mas matagal. Namimiss… mo ba ang ama mo?"
Umiling siya, at kalmado ang kanyang mga mata ay parang isang kalmadong lawa na walang alon. Tila iniwan siyang bigong-bigo sa pagtataksil ng kanyang ama. Kahit na wala na siyang kamag-anak, mayroon parin siyang mga kaibigan.
"Palaging pupunta dito si Nana, sa katunayan, balak kong papuntahin siya kada-dalawang araw upang praktisin ang kayang kapangyarihan."
Matapos marinig ito, pumikit siya at mabilis na tumango.
"Gusto mo ba bumalik sa kolehiyo ni Karl kasama siya, at matuto kasama ang ibang mga bata?"
Hindi sumagot si Anna, ngunit tila naramdaman niya ang iniisip ni Anna.
"Hindi magtatagal ang ganitong sitwasyon… Hangga't narito ako, mamumuhay ka na parang isang ordinaryong tao sa kalaunan, at hindi hinuhuli kung nasaan ka man o ipadala sa bitayan. Darating ang araw na ito, "Pangako," sabi ni Roland.
*******************
********************************************************************************************************
Simula ng kinuha ni Karl Van Bate ang proyekto, agad nawalan ng ginagawa si Prinsepe Roland.
Nanatili siya sa hardin ng kastilyo tuwing hapon, nagsasanay kasama si Anna o si Nana. Hindi na ngayon kailangan ng extrang damit ni Anna kapag nageensayo, kahit na nagliliyab ang bawat daliri niya, at maayos niya na ito nagagamit ng hindi nasusunog ang kanyang witch hat.
Nagsuot din si Nana ng isang set ng witch uniform. Kahit na nagaalinlangan siya magpraktis, alang-alang sa afternoon tea, pinilit niya parin magpraktis ng nakasimangot. Habang pinapanuod ang dalawang witch na nageensayo sa bakuran, tuluyang nakuntento ang wicked humour ni Roland.
Paminsan-minsan ay pumupunta siya sa paanan ng North Slope Mountain upang tignan ang progreso ng proyekto. Makalipas ang dalawang linggo ng konstruksiyon, halos isang-daang metro na ng city wall ang nakatayo. Sa kawalan ng theodolite distance measurement, inutusan ni Karl ang mga craftsmen na gumamit ng isang piraso ng kahoy sa eksaktong oras araw-araw, at ayon sa anino ng araw, matukoy ang distansya at kapatagan nito. Bawat sampung-metrong layo, naglalagay ng viewing tower upang i-stabilize ang city wall.
Natural na nakuha ang pansin ng mga nobility ng bayan ang ganitong malawakang trabaho. Ngunit maliban sa pagkuha ng ilang impormasyon kay Barov, hindi na sila gumawa ng iba pang hakbang, na para bang wala kinalaman sa ang sitwasyon na ito. Hindi ito binigyan ng tuon ni Roland. Ang mga negosyo ng mga taong ito ay nasa Longsong Stronghold at tiyak na hindi sila mananatili dito upang tulungan siyang depensahan ang Border Town. Naiisip niya pa na ang mga ito ay pinagtatawanan siya ng palihim.
Hindi lang ang mga nobility, ngunit pati na ang mga negosyante. Sa mga nakaraang taon ng Border Town, matapos mapagtanto ng mga mangangalakal ng fur ng mga hayop na wala ng mabibili, bumabalik nadin sila sa Stronghold. Natural na pinapakita nila ang kanilang pagmamaktol dahil babalik sila ng walang nabili, kay Roland. Ang balita tungkol sa konstruksiyon ng Prinsepe Roland ng Kaharian ng Graycastle bago ang pagdating ng Months of Demons ay itinuturing na isang katangahan at walang-saysay. Kumalat ang balitong ito sa buong Redwater River.
Sa puntong ito, walang nakaisip na kaya niyang protektahan ang bayan, at sa katunayan, karamihan sa mga tao ay hindi inisip na posible ito. After all, hindi mukhang isang courageous fighter si Prinsepe Roland. Anuman ang kanyang pinagiisipan, kailangan niya parin bumalik sa Stronghold sa huli.
At patuloy nito, sa gitna ng diskusyon ng masa, sinimulan ni Roland ang unang taglamig.