"Lumalamig na ang simoy ng hangin." Naghihinagpis na sinabi ni Garcia Wimbledon, habang sinuksulay ang kanyang buhok na hinahangin sa pamamagitan ng kanyang mga daliri, habang nakatitig sa karagatan sa kabila ng baybayin.
"Dahil paparating na ang taglamig." sagot ng guwapong lalaki sa kanyang likod, "at kahit na nakatira tayo sa timog, wala tayo sa pinakatimog na lupain. Tanging ang mga tao lang ng Sand Nation ang ignorante at walang alam sa kahuluhan ng taglamig."
"Pipigilan ng ocean current ang lahat ng paggalaw ng ating mga fleets pagdating ng taglamig. Ito na ang huling pagkakataon upang maglayag." Sumagot ang kabataang babae, "Ryan, gaano na katagal wala ang Blacksail Fleet?"
"Dalawang buwan at apat na araw," walang alinlangang sagot ng lalaki, "Kung walang mangyayari, dadating sila sa Port of Clearwater sa loob ng tatlong araw."
Napatawa si Garcia. "Umaasa ako na magdadala sila ng sapat na sorpresa."
Tinignan ni Ryan Koban ang sikat na babaeng nasa kanyang harapan, at may mga damdaming nabubuo sa kanyang puso. Ang kanyang mahabang kulay-abo na buhok ay nagbibigay ng kaunting silver glow na aninag ng autumn sun, at kulay berde ang makitid niyang mga mata. Kapag tumititig siya sa isang tao, nagbibigay ng kakaibang sense of oppression ang kanyang mga mata. Umitim ang kanyang kutis dahil sa kakabilad sa dahat at hindi na maiihalintulad sa kutis ng ibang mga babae, ngunit hindi ito hadlang para kay Ryan. Sa kanyang mga mata, ang kakulangan sa kagandahan ay naibsan ng pag-uugali ni Garcia.
Hindi tulad ng kanyang malalapit na kamag-anak sa Graycastle, si Garcia Wimbledon ay isang tunay na henyo. Taglay niya ang karunungan at dangal ng isang maharlika, ngunit hindi siya nababalisa dahil sa paulit-ulit na gawain. Sa katunayan, nagpakita siya ng mga aspeto na katulad ng karaniwang tao, puno ng expektasyon at siya ay adventurous.
Siyempre, walang karaniwang tao ang maaring magkaroon ng kapangyarihan at pangitain tulad niya. Kahit na ang duke at ang mga prinsepe ay tila naging short-sighted kapag inihalintulad sa kaniya. Dahil ang lahat ng kita ng Port of Clearwater ay napupunta sa pagpapatayo ng kanyang fleet, walang natira ni isang tanso sa vault. Ang katangiang ito ay napakalayo sa mga miser na iyon.
"Walang kahulugan ang pagiipon ng gold royals sa coffer. Para lang itong isang bato kung hindi nagagamit, at kapag nagagamit lang ito maaring magkaroon ng halaga. Ang paggastos ng pera ay hindi nangangahulugang mawawalan ka nito, kundi, gumawa ka lang ng return value na mas malaki pa." Nag-echo sa alala ni Ryan ang tumatak sa isip niya na sinabi sa kanya ni Garcia, at isa itong sobering concept na nabuo sa kaibahan sa karaniwang nakikitang stereotype.
Kung ikukumpara sa mga pamilyang maharlika na ginugugol ang kanilang oras sa pag-iipon ng kayamanan, naniniwala si Ryan na ang pag-uugali ni Garcia ay ang demeanor ng isang pinuno.
Kaya sumailalim siya kay Garcia ng walang pag-aalinlangan, at sinundan siya sa Port of Clearwater.
Ngunit ng makarating dito, natutunan ni Ryan na ang prinsesa ay higit na mas kahanga-hanga pa. Hindi lang siya puro ideya kundi puno din ng gawa. Nilikha niya ang plano ng Blacksail Fleet at ipinatupad ito sa isang maayos na paraan. Simula pa noong limang taon ang nakakalipas, pinasok ng pwersa ni Garcia ang Port of Clearwater, naghahanda para sa pagbuo ng Blacksail Fleet, ng wala pang Royal Decree on the Selection of Crown Prince na inihayag ni Wimbledon III. Sa madaling salita, matagal na siyang nauuna sa kompetisyon para sa mga tagapagmana.
"Pumasok tayo sa loob, lumalakas na ang hangin." sabi ni Garcia. Ang kanyang palasyo ay matatagpuan sa Salmon Harbor sa southernmost tip ng Port of Clearwater. Ang gusali na tower-like ay nagmukhang isang watchtower sa baybayin. Meron itong pabilog na terrace sa tuktok, na nagbibigay ng bird's eye view sa daungan at lahat ng barko na pumapasok at lumalabas dito.
Limang tao na ang nakalipas mula ang simula ng operasyon nito, at ang kalakalan ng Port of Clearwater ay nagsimula ng humubog. May dumadating na isang three-masted ship sa daungan kada-anim na buwan, at dahil dito nabuo na ang isang pundasyon ng pagtitiwala. Sinasamantala ang magandang kalagayan ni Prinsesa Garcia, tinanong ni Ryan ang tanong na gumagambala sa kanya ng ilang buwan.
"Kamahalan, may isang bagay na hindi ko maintindihan." Isinara ni Ryan ang pinto para mawala ang ingay ng hangin.
"Ipagpatuloy mo." Ngumiti si Garcia at tumango.
"Paano mo nahulaan ang lahat ng ito, bago pa ihayag ng Hari ang Royal Decree on the Selection of Crown Prince?" Hinulaan niya na inalerto na siya ng Hari ng maaga, ngunit imposible na malaman ito ng tiyak. Alam na paborito ng Hari ang Second Prince, at ang kompetisyon na ito ay itinatag sa kanyang pabor. Matapos masabi ang lahat, binigyan siya ng malinaw na panalo matapos siya italaga ang Valencia para sa kanyang pamamahala.
Nahulaan niya ba ang lahat ng ito sa kanyang sarili, upang maari niyang ilatag ang framework simula pa noong limant taon? Diyos ko, siya ay dalawampung taon gulang pa lang!
"Nahulaan ko?" Tinitigan niya si Ryan ng may kakaibang tingin. "Ano akala mo sakin? Isang witch? Wala akong ganong kapangyarihan."
"Ngunit…"
"Wala akong ideya na gagamitin ng aking ama ang Royal Decree on the Selection of Crown Prince para ibigay ang lahat para sa kanyang pinakamamahal na anak. Sa katotohanan, anong kinalaman ng ginagawa ko sa Royal Decree?"
"Walang itong kinalaman?" May sumanggi sa isip ni Ryan, at hindi niya mapigilan tumanga.
Natawa si Garcia ng makita ang kakaibang ekspresyon ni Ryan. "Kailangan ko bang hintayin ang pahintulot ng aking ama, at pagkatapos lang maari akong lumaban sa kung anong itinapon? Hindi ba palaging ang pinakamagaling mamahalas ang magiging susunod na Hari ng Kaharian ng Graycastle?""Akala ko naintindihan mo ang plano sa likod ng Blacksail Fleet."
"Hindi niya pala ginawa ang fleet upang madagdagan lang ang kanyang ari-arian," pabulong na sabi ni Ryan. Pagkatapos maisagawa ang kalakalan, ang fleet ay maglalagay ng itim na mga layag malayo sa port at nanakawan ang mga merchant ships ng ibang mga lungsod o bansa. Hinihikayat ng prinsesa ang kanyang mga tagasunod na maglayag sa dagat at sumama sa Blacksail Fleet. Binigay niya ang kanyang salita na ang Port of Clearwater ay hindi magpapataw ng buwis sa kahit anumang kita na nakuha sa ganitong paraan, at mananatili itong pag-aari ng kapitan ng barko.
Ang plano na ito ay nagdulot ng malaking kayamanan sa kanya, kaya sa pagkakataong ito inutusan niya lang ang Blacksail Fleet na pumunta papuntang timog. Nanakawan nila ang lahat ng barko sa buong Endless Cape, pati na ang mga tao ng Sand Nation.
Ang mga hakbang na ito ay hindi lamang para sa kapakanan ng pera. Hindi ginamit ni Garcia ang mga kita ng fleet upang bumuo ng isang siyudad o palawakin ang kalakalan gamit ang kalsada, kundi ginamit niya ang pera sa kanyang mga barko para palakihin ang fleet.
Sa nakalipas na ilang mga taon, nakuha nya ang loob ng maraming tao—experience sailors, agresibong mandirigma, at sikaw na mga katauhan. Kung mawala sa kanya ang pamamahala ng lugar, lahat ng nakagawa ng pagnanakaw ay bibitayin.
'Ang taong namamahala sa pinakamahusay na lungsod ang mananalo sa trono ng Graycastle?!' Hindi, alam na ni Ryan ngayon na si Garcia Wimbledon ang maghahari sa trono, dahil nagmamay-ari siya ng napakalaking bilang ng mga barko at sundalo at maaring lumipat papuntang Sanwan River para salakayin ang Valencia.
"Alam mo ba na maitatalaga ka sa Port of Clearwater?"
"Maniwala ka o hindi, hindi ko inaasahan yon. Isa itong hakbang upang palawakin ang kalakalan ng lungsod na ito." Nagkibit balikat si Garcia. "Isa din itong ganti sa simbahan na sinubukan lokohin ako."
"May kinalaman ito sa simbahan?" Nang hindi na nagpatuloy sumagot si Garcia, hindi na sinubukan magtanong ni Ryan. Kung may isang bagay na natitiyak niya, iyon ay kahit hindi nagpunta si Garcia sa Port of Clearwater, sasakupin niya parin ito at magpapatuloy sa kanyang plano.
"Let's move on." Sabay sumipsip siya sa kanyang black tea. "Tila nabigo ang aking little plan."
"Ah, oo." Mabilis na nakabawi si Ryan at sumagot, "at ang tanging balitang natanggap natin galing Border Town ay ang nabigo ang plano. Wala na tayong natanggap na impormasyon simula non."
"Pinatay na siguro ng aking mga kapatid ang ating mga spies. Hindi ito nakakagulat. Ang mga taong ito ay nandun lamang para magbigay oras, at walang epekto sa tunay na sitwasyon. Gayunpaman…" Binago niya ang paksa ng pag-uusap. "Normal na mabigo ang ilang mga plano, ngunit hindi ko inaasahan na mananatiling ligtas ang Fourth Prince. Aaminin ko sayo, medyo disappointed ako."
"Inulat ni Kingfisher sa kanyang sulat na ininom ang mga pills, ngunit…"
"Ang kabiguan ay isang kabiguan, at hindi ko kailangan ng paliwanag." Singit ni Garcia. "Nalalapit na ang Months of Demons, pupunta sa Longsong Stronghold ang Fourth Prince upang magtago. Kapag sumalakay na ang mga demonic beasts sa Border Town, sasailalim sa kaguluhan ang Stronghold ng panandalian. Sumulat ka sa kanya at sabihin mo na kunin ang pagkakataong ito. Mananatili ba ang Goddess of Luck sa tabi ng aking kapatid?"
"Opo, kamahalan."
"Maari ka ng makaalis." Senyas ni Garcia, ngunit pinigilan niya si Ryan bago ito umalis. "Oo nga pala, kung tama ang pagkakatanda ko, ang mga pills ay nabili kay alchemist Enbis?"
Tumango si Ryan.
"Anong sabi niya? Iyon ay walang kulay at walang lasa, na parang tubig lang? Nagdudulot ito ng kamatayan at wala itong lunas? Ito ang kanyang bagong imbensyon?" Sabay hikab ni Garcia. "Bitayin siya."