Chereads / Release That Witch (Tagalog) / Chapter 9 - Kabanata 9: Buwan ng mga Demonyo(Ikalawang bahagi)

Chapter 9 - Kabanata 9: Buwan ng mga Demonyo(Ikalawang bahagi)

"Hindi ganoon karami, Kamahalan," sagot ng mangangaso."Tuwing Buwan ng mga Demonyo, mayroon lang dalawa o tatlong Demonic Hybrids, kung hihigit dito, hindi madedepensahan ang Longsong Stronghold."

"Taimtim ka magmasid." Sabi ni Roland. Inutusan niyang tumayo ang lalaki at itinanong, "Anong pangalan mo? Halatang hindi ka nagmula dito sa Kaharian ng Graycastle.

"Kalahati ng aking lahi ay mula sa Mojin Clan, at kilala ako ng mga taong bayan bilang Iron Axe."

Ang Mojin, ang mga Ironsand People ay sinasabing nanggaling sa Ironsand Giant na dating nakatira sa timog-kanluran ng barren lands. Hinanap ni Roland ang anumang memorya na nauugnay niya sa Mojin Clan at napagtanto na hindi ginamit ni Iron Axe ang pangalan na ibinigay sa kanya ng kanyang pamilya, ngunit sa halip ay ginamit ang pangalan na binigay sa kanya ng mga mamamayan ng Border Town. Tila ayaw niyang magkaroon ng relasyon sa mga Ironsand People. Dahil maliwanag na nanggaling siya sa timog-kanlurang border ng desolate lands, napagtanto ni Roland na may mga serye ng malungkot na pangyayari ang dahilan nito.

Sa ngayon, hindi importante ang mga kwentong iyon; tinatanggap ang lahat sa Border Town anuman ang kanilang pinagmulan.

Hinawakan ng mahigpit ni Roland ang kanyang mga kamay. "Hindi 'yon ang dahilan kung bakit ko kayo ipinatawag dito. Carter, bigyan mo sila ng sampung silver royals bawat isa, at maari na silang makaalis."

"Maraming salamat sa gantimpala, Kamahalan," sabay-sabay na sabi ng tatlo.

Pagkatapos ay dinala paalis ni Carter ang tatlong lalalaki. Nagbalik si Carter at nagtanong, "Kamahalan, bakit mo sila tinanong ng mga ganoong mga bagay? Gusto mo bang manatili rito?"

Hindi nagpahayag ng anumang opinyon si Roland, ngunit sa halip ay nagtanong, "Ano sa palagay mo?"

"Hindi ito maari Kamahalan!" malakas na sagot ni Carter.

"Ayon sa mangangaso, kahit na ang mga demonic boars ay mahirap talunin. Kapag lumagpas na ng limampung metro, wala ng silbi ang pana; kakailanganin nating lumapit ito sa loob ng apatnapung metro, o mga tatlumpung metro bago tumira. Tanging ang mga pinakamagagaling na sundalo lamang ang makakagawa nito. At masyadong maraming demonic beasts, at wala tayong matibay na pader. Maari lang tayo makipagtulungan kasama ang mga lokal na guwardiya para pigilan sila. Ikinakatakot ko na mawawalan ng saysay ang accomplishment dahil sa rami ng casualty, at tiyak na ang ating pagkatalo."

"Nakita mo na kung ano ang kayang gawin ng mga witch, bakit hindi mo kaya magisip ng positive?" Buntong-hininga ni Roland.

"Ang mga witch ay… masama, ngunit si Anna… mukhang hindi masama si Miss Anna. Bilang iyong Chief Knight, gumagamit ako ng mga facts upang hanapin ang katotohanan."

"Kung mabibigyan kita ng city wall, sa palagay mo posibleng depensahan ang Border Town?"

"Ano?" Naghinala si Carter na hindi niya narinig ng tama ang sinabi ni Roland.

"Kung bibigyan kita ng pader sa pagitan ng North Slope Mountain at ng Redwater River, madedepensahan mo ba ang Border Town?" Binigyan diin ni Roland ang bawat salita na kanyang sinabi. "Bagama't hindi sila magiging kasing laki ng pader sa Graycastle at itinayo lamang para mapigilan ang mga hayop, magiging sapat na ito."

"Kamahalan, naiintindihan niyo ba ang sinasabi niyo?" Hindi alam ng kabalyero kung magagalit ba siya o matatawa. "Kahit na ang kahibangan mo ay may limitasyon. Kung hindi ka titigil, pagpasensyahan mo ang aking ugali."

"Mayroon pa tayong tatlong buwan hindi ba? Tinignan ko ang mga rekord ng Border Town, at doon karaniwang unang bumabagsak ang niyebe."

"Kahit na magkaroon pa tayo ng tatlong taon hindi iyon magiging sapat! Kakailanganin ng maraming tao ang pagtatayo ng isang pader. Kailangan i-compress ang lupa upang makapagtayo ng pundasyon at kada isa o dalawang talampakan ay kailangan ma-reinforce; kung hindi, may malaking tsansa na ito'y magiba. Ito ay para lamang sa pinakasimpleng earthen walls." Paulit-ulit na iling ni Carter. "Ang mga pader na tisa at bato ay mas mahirap itayo at kakailanganin ng daan-daang stonemasons na unang putulin ang mga bato o mag-bake ng mga clay para maging tisa o bricks. Pagkatapos ay kailangan nilang buuin ito ng pira-piraso. Iyong Kamahalan, ganito itinatayo ang lahat ng pader, walang exception. Ang pagtatayo ng isang lungsod sa loob ng isang araw at gabi ay bagay lang ng mga alamat."

Sumenyas si Roland na sapat na ang kanyang narinig. "I see. Hindi mo kailangan malungkot. Kung walang maasahang pader pagdating ng Buwan ng mga Demonyo, lilisan ako kasama mo papuntang Longsong Stronghold. Hindi ako handa mamatay sa lugar na ito."

Lumuhod ang kabalyero, at nanumpang, "Proprotektahan kita!" Pagkatapos, sa magandang hardin ng kastilyo, ininom ni Roland ang kanyang mapait na ale. Gumaan ang kanyang pakiramdam habang tinitignan si Anna kumain ng cream cakes.

Nagdesisyon sia na pigilan ang mga demonic beasts sa Border Town sa papamagitan ng pagsasanib pwersa ng mga magagaling na sundalo at ang mga lokal na guwardiya. Dadamihan niya din ang bilang ng maaring pagsakahan sa pamamagitan ng pagpapalawak ng lugar na pinagpapatnubayan ng mga guwardiya. Kung nais niyang magtayo ng pader na kumokonekta sa North Slope Mountain at Redwater River sa loob ng tatlong buwan, kakailanganin niyang gumamit ng teknolohiya galing sa modernong panahon.

Hindi 'yon bigla-bigla nalang naisip na gawin ni Roland. Sinuri niya ang hangganan ng Border Town(kahit na hindi siya personal na nagpunta). Mayroon siyang malinaw na plano sa kanyang isip—ang North Slope Mountain at Redwater River ay pinaghiwalay lang ng anim na daang metro sa kanilang closest point; isa itang natural na bottleneck. Dahil sa pagmimina buong-taon, napapalibutan ang lugar ng rock gravel na namina mula sa kuweba.

Ang mga gravel cast offs ay kulay abo, na naglalaman ng maraming calcium carbonate, na maaring gamitin bilang limestone pagkatapos ito'y madurog. Sa pamamagitan ng limestone, meron na siyang solusyon. Magiging katulad ito ng semento. Ang pagtatayo gamit ang water hardening material, kasama ang mga raw na materyales na madaling makuha at simple ihanda; mababago nito ang kasaysayan ng sangkatauhan. Mabibilang ito sa isa sa mga dakilang tagumpay ng sangkatauhan, kabilang sa mga pinaka-efficient na kagamitan para sa pag-till ng fields.

Tinanya ni Roland ang panahon na kakailanganin niya. Kahit na maipatupad niya ang bagong teknolohiya, kahit na may semento, hindi parin siya sigurado kung posible ito. Dahil sobrang daming semento ang kakailanganin nila at hindi siya sigurado kung makakapag-calcine sila ng napakaraming cement powder sa loob ng tatlong buwan. Magiging subpar ang tibay ng semento at kakailangan nilang patibayin ito gamit ng bakal. Kaya ang hindi maganda ang posibilidad ng matagumpay na pagtatayo ng sementong siyudad.

Kailangan nila i-maximize ang paggamit ng mga materyales na meron sila upang makaipon ng semento, kaya ang pagtatayo ng fieldstone wall ang pinaka-angkop sa pagpipilian.

Ang tinatawag na fieldstone ay isang bato na hindi sumailalim sa kahit anong grinding; ito ay isang natural na produkto ng pagmimina. Ang bato na ito ay walang direktang gamit sa pagtatayo dahil sa mga iregular na gilid at sulok nito, sa halip ay kailangan muna itong i-process ng mga stonemason para maging usable bricks. Gayunpaman, posible ang pagtatayo ng fieldstone wall at paggamit ng cement bilang binder. Anuman ang hugis ng bato, maari itong magamit, at ang mga pagitan ng bato ay maaring punuin ng semento. Nakakapag-save ng semento ang process na ito at gumagamit ng mga tirang materyales.

Sa papamagitan nito, nakatakda na ang gagawin, ngunit kakailanganin personal na gawin ni Roland ang aktwal na pagpapatupad nito. Hindi alintana kung ito'y calcined cement o fieldstone wall, parehas itong bagong ideya. Maliban sa kanya, wala pang nakakakita ng ganitong mga bagay, at walang ibang nakakaalam paano ito gawin. Nag-aalala siyang magiging busy siya sa susunod na tatlong buwan.

"Tumingin ka dito" Nangaling sa kanyang likod ang tunog ng malinaw na tinig ni Anna.

Habang umikot si Roland, nakita niya ang isang maliit na kumpol ng apoy sa kanyang palad na tahimik na nagliliyab. Walang hangin, ngunit ang dulo ng apoy ay umaangat at bumababa, na para bang tumatango sa kanya. Ginalaw niya ang kanyang daliri at mabagal na gumalaw ang apoy papunta sa dulo ng kanyang daliri. Sa wakas, napunta ito sa pinaka-dulo ng kanyang hintuturo.

"Nagawa mo din." Ito'y isang hindi kapani-paniwalang tanawin. Nadama ni Roland ang taimtim na paghanga sa nakita niya. Hindi ito isang magical illusion, o isang chemical trick, kundi isang tunay na supernatural na kapangyarihan. Gayunpaman, hindi sa bagay na ito naakit si Roland—mas kahanga-hanga kaysa sa apoy ang expresyon ni Anna.

Habang siya ay nakatitig sa kanyang mga daliri, nagrereflect ang apoy sa kanyang lake water limpid na mga mata, na para bang my naka-seal na elf sa loob ng sapphire sa kanyang mga mata. Naglaho na ang mga natitirang bakas mula sa pag-torture sa bilangguan, at kahit na minsan lang siya ngumiti, hindi na walang buhay ay mukha niya. Sa dulo ng kanyang ilong ay may maliit na patak ng pawis at tila masigla dahit sa kanyang mapulang pisngi. Gagaang ang loob ng sinumang titingin sa kanya.

"Anong nangyari sayo?"

"Ah… wala." Napansi ni Roland na masyado na siyang matagal nakatitig kay Anna, at agad inalis ang kanyang tingin at bilang umubo. "Subukan mong gamitin yan upang tunawin ang bakal."

Sa mga nakahuling araw, maliban sa pagkain at pagtulog, patuloy na nag-eensayo si Anna. Sa harap ng hardworking enthusiast, nahihiya nalang si Roland, kahit sa kanyang college entrance exam hindi siya nagtrabaho ng husto.

"Tila hindi niya na kakailanganin ng mahabang panahon bago niya lubos maintindihan ang kapanyarihang ito. Naisip ni Roland. "Kapag nagawa na niya, maari ng ilagay sa agenda ang mga ideya ko para sa mga bagong proyekto."