Chereads / Release That Witch (Tagalog) / Chapter 5 - Dahilan

Chapter 5 - Dahilan

"The Second Law of Thermodynamics: Heat can never pass from a colder to a warmer body without causing other effects, or it is impossible to convert heat from a single source into work without causing other effects, or entropy always increases in an irreversible heat reaction."

Maingat na isinulat ito ni Roland gamit ang wika ng mundong ito. Sa isang sulyap, ang teksto ay hawig sa isang gumagalaw na uod, at hindi niya lubos na maintindihan kung paano natutunan ng mga local ang napakaraming kumplikadong karakter.

Kung itatanong kung ano sa mga pisikal na batas ang pinaka mahirap, tiyak na pipiliin ni Roland ang ikalawang batas ng termodinamika. Nasasaad dito na ang init ay laging dadaan mula mataas papuntang mababang temperatura. Sa gayon ay nagdaragdag ng kaguluhan sa ayos at pagtaas ng entropy. Sa kalaunan, ang lahat ay mawawala at ang sansinukob ay magiging tahimik.

Sa paanuman, ang mundong ito ay hindi saklaw sa isyu ng pagtaas ng entropy. Kaya nitong gumawa ng magic power na walang pinanggalingan, na mas kahanga-hanga kaysa sa isang perpetual motion na makina! "Ang pwersa ng kasamaan?" Tiniyaw ni Roland sa kanyang sarili. "Hindi nakikita ng mga tao dito ang likas na katangian ng kapangyarihang ito, na maaaring magbago ng buong sansinukob."

Siyempre, maaari niyang simulan ang pagbabago sa maliit na Border Town.

Sumipol si Roland ng isang tono, pinunit ang papel na kanyang sinulatan, at itinapon ito sa tsiminea o fireplace, kung saan ito ay naging abo, at nakaramdam ng biglaang kasayahan.

Nalito ang Assistant Minister sa mga aksyon ng Prinsepe Roland, ngunit sa kabutihang palad ang lumang Prinsipe Roland ay palaging kakaiba kumilos, at nakita ni Barov na ang prinsipe ay nasa mabuting kalagayan.

"Natapos na ang nangyari. Ibinitin na ang mangkukulam ng tanghali," iniulat ni Barov.

"Mabuti, maari bang matuklasan ito ng sinuman?" Tanong ni Roland habang nagsusulat, "Lahat naman ng nahatulan ay naka kaputsa o hood."

Upang maiwasan ang problema sa Banal na Simbahan at sa Witch Cooperation Association, iniutos ni Roland sa tagapagbantay ng bilangguan na humanap ng kriminal na hinatulan ng kamatayan na katulad ang pigura kay Anna at gamitin ito upang ipalit sa kanya sa bitayan. Maliban sa Chief Knight at Assistant Minister, lahat ng kasama niya sa piit ay binigyan ng 20 gold royals, na napakalaking halaga para sa kanila.

Iminungkahi pa ni Barov na patayin ang lahat ng mga saksi upang matiyak ang katahimikan, ngunit tinutulan ito ni Roland. Alam niyang hindi niya mapipiglan ang sikretong ito sa pagkalat, ngunit hindi ito mahalaga sapagkat talagang ginusto niyang ipakalat ito—hindi lang sa ngayon. Makakasalungat niya ang Simbahan sa lalong madaling panahon, at dahil hindi niya kayang tiisin ang mga tangang iyon, bakit siya magsasayang ng mahalagang kayamanan! Kapag ito'y narinig ng ibang mga mangkukulam na mayroong bayan kung saan maari silang manirahan at magkaroon ng espesyal na trato, ano ang maiisip nila?

Kahit anong panahon, talento at kayamanang tao ang pinakamahalaga.

"Mabuti," Sabi ni Roland, "at susunod kailangan mo bigyan ako ng buod ng nakaraang taong kalakal, buwis, at mga gastusin. Gugustuhin ko din na i-record mo ang bilang at laki ng mga bakal, tela, at mga pagawaan ng palayok sa lungsod.

"Kailangan ko ng tatlong araw para ihanda ang mga talaang ito, ngunit..." Tumango muna si Barov, ngunit pagkatapos ay wala ng masabi.

"Anong problema?" Tanong ni Roland, alam na ang kanyang kakayahan magsinungaling ay malpit ng suriin. Walang alinlangang may katanungan si Barov tungkol sa pangyayari kahapon, ngunit dahil ang isang taong talampasan ay mananatiling isang talampasan, ang pagkakaroon ng masamang karakter ay hindi rin nangangahulugang ng pagiging walang utak. Sa mga mata ng Assistant Minister, ang pagtago sa isang mangkukulam ay katulad ng pagdedeklara ng gyera sa buong mundo.

"Kamahalan, hindi ko maintindihan..." Hirap na sinabi ni Barov.

"Kahit na nagdulot ka ng mga problema sa nakaraan, ito ay palaging hindi nakakapinsala, pero ngayon... sumusugal ng sobra para lang mailigtas ang isang mangkukulam? Ang Simbahan ang nagpasa ng batas para hulihin sila, ngunit kahit na ang iyong ama, ang kanyang Kamahalan Wimbledon III, ay sinusuportahan ito."

Nagisip saglit si Roland at tinanong, "Naniniwala ka ba na magandang lugar na tirhan ang Border Town?"

"Ahh..." Hindi maintindihan ni Barov kung ano ang kinalaman ng tanong na ito sa problema, ngunit sa kalaunan ay sumagot din, "Hindi naman."

"Ito'y terible. Kumpara sa Valencia o sa Port of Clearwater, anong pakiramdam mo sa pagkakataon ko laban sa aking mga kapatid upang makamit ang trono?"

"..." Binuka ng Assistant Minister ang kanyang bibig ngunit hindi sumagot. "Halos wala. Kaya puwede lang ako pumili ng ibang paraan." Walang expresyon pinanuod ni Roland mahulog sa patibong niya si Barov. "Isang paraan na kahit ang ama ko ay mapapabilib."

Hindi siya nakipagtalo na ang mga mangkukulam ay hindi likas na masama, dahil ito ay walang silbi. Si Barov ay naging Assistang Minister of Finance sa loob ng dalawampung taon at isang magaling na pulutiko. Para sa mga pulitiko, ang personal na pakinabang ay mas importante kaysa sa moral na batas. Gayundin, kung maalala ni Roland ng tama ang gawain ng lumang prinsepe, ang pagamit ng emosyon ay hindi karaniwan sa kaniya dahil hindi siya maituturing na isang mabuting tao. Kaya pinili niyang gamitin ang walan hanggang paglalaban sa pagitan ng relihiyon at sekyular na awtoridad, habang ang lumalakas na kapangyarihan ng Banal na Simbahan ay isang palaging isyu para kay Wimbledon III.

Sinabi ng Simbahan na ang mundo ay gumagalaw sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos at ang Papa ay boses ng Diyos. Kapag nalaman ng mga tao na ang sinabi niya ay puno ng kasinungalingan, ang Banal na Simbahan ay lubhang manghihina.

Mahirap na kumbinsihin ang Assistant Minister sa pamamagitan ng, "Hindi masasama ang mga mangkukulam, kaya gusto ko sila iligtas," ngunit palitan ng "Hindi masasama ang mga mangkukulam, at magagamit ko sila upang atakihin ang simbahan," si Barov ay madaling mahihikayat.

"Kahit umunlad ang mga teritorya ng aking mga kapatid, ang lahat ay magiging pag-aari ng Simbahan. Ipinahayag na nila ang banal na karapatan ng mga hari, na nagsasad na karapat-dapat na pinuno ay dapat may basbas na Papa, kaya tayo ba talaga ang tunay na tagapamahala ng lupang ito?" Tumigil si Roland at sinabing, "Makikita ng ama ko ang bagong pag-asa sa akin: isang lider na hindi napipigilan ng Simbahan at may hawak ng lahat ng ekslusibong karapatan ng isang Maharlikang Hari, at ang kanyang pagpili ay magiging malinaw doon."

Ang pagbabago ng "kalaban ng buong mundo" sa "kaaway lang ng Simbahan" ay mas madaling matanggap, lalo na dahil si Barov ay nakatayo sa panig ng pamilya ng hari.

"Katulad nito, kapag napagtanto niyang ang mga mangkukulam ay may mga pambihirang kapangyarihan na maaring makatulong sa pakikipaglaban sa Simbahan, ang kautusan ng pagpatay ay mawawalang kwenta. Bagaman walang posibilidan na makakapag-garantiya ng tagumpay, hindi din ito imposible. Sa tingin mo sapat ito para sumugal?" Tumitig si Roland sa Assitant Minister habang sinabi na, "Wag kang mag-alinlangan sa akin Barov. Naging Assistant Minister ka ng dalawampung tao hindi ba? Kung ako'y magiging Wimbledon IV, maari kong alisin ang 'assistant' na parte, o gawin kang Kamay ng Hari?"

...

Habang pinapanuod umalis si Barov, naibsan ang loob ni Roland. Maliwanag na hindi niya masyadong pinagisipan ang pangakong ito, dahil kahit si Roland mismo ay hindi naniniwalang ang mabilis na hangarin na ito ay maaring makamit. Gayunpaman, mas importanteng mahikayat si Barov sa kanyang kaseryosohan. Ang simpleng plano na pinagisipan ng isang inalagaang maharlika ay nagpakita ng poot ng Prinsepe Roland sa Simbahan at naghanda ng daan para makaakit pa ng iba pang mangkukulam.

At para sa kanyang tunay na saloobin? Kahit malaman ni Barov, hindi niya ito maiintindihan.

Tinawag ni Roland ang tagapagsilbi. "Pakisabi kay Miss Anna na puntahan ako."

"At ngayon balik na sa gawain," Masayang isip ni Roland.