"Kaya mo bang ipaliwanag ng maliwanag kung ano ang nangyari nang maguho ang mina?" Tanong ni Roland.
Tumango si Anna at nagsimulang magsalita.
Nagulat si Roland dahil inaasahan niyang mananatiling tahimik ang batang babae o isusumpa siya sa galit, ngunit tumugon ito sa lahat ng kanyang katanungan.
Ito ay hindi isang komplikadong kwento. Ang ama ni Anna ay isang minero at nagtatrabaho nang gumuho ang mina. Kaagad matapos nila marining ang aksidente, si Anna at ibang mga pamilya ng mga minero ay nagtungo sa mina upang iligtas ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang North Slope Mine ay sabi-sabing isang abandonandong monster lair na maraming daana at lagusan sa lahat ng direksyon. Dahil ang mga boluntaryo ay kumikilos sa kanilang sariling layunin, naghiwa-hiwalay sila sa bukana ng minahan, at tanging ang kapitbahay lamang ni Anna na si Susan at Ansgar ang nasa tabi niya nang makita niya ang kanyang ama.
Nadurog ang paa ng kanyang ama sa ilalim ng isang kariton na puno ng mineral, at dahil dito hindi siya makagalaw, ngunit sa kanyang tabi ay isang minero na kinukulit siya para sa pera. Nang makita sila ng looter, sumugod siya kay Ansgar na may hawak na pick at itinumba siya sa lupa, ngunit nang malapit na siyang sakta, una siyang pinatay ni Anna.
Nanumpa ang mga kapitbahay ni Anna na ililihim ang sikreto niya at tinulungan si Anna sa pagligtas ng kanyang ama. Gayunpaman, kinabukasan ng umaga, lumabas ang ama niya sa kanyang saklay at iniulat sa mga nagpapatrol na guwardiya na ang anak niya ay isang witch.
"Bakit?" Hindi matanggihang itanong ni Roland.
Nagbuntong-hininga si Barov at sumagot, "Marahil ay dahil sa may matatanggap siyang pabuya. Ang pagkatuklas at paguulat ng isang witch ay may pabuya na 25 gold royals. Para sa isang lalaking may isang lumpong binti, sapat na ang 25 gold royals para sa kanyang buong buhay.
Matapos nag sandaliang katahimikan, nagtanong si Roland, "Ang kalaban mo ay isang malakas na matandang lalaki, paano mo siya napatay?"
Tumawa si Anna, at ang mga apoy sa sulo ay nagsimulang nanginig na tulad ng alon sa ibabaw ng lawa.
"Katulad ng iyong iniisip, ginamit ko ang kapangyarihan ng diyablo" ang sabi ni Anna.
"Tumahimik ka! Isang hamak na mangkukulam!" sigaw ng tagapagbantay ng bilangguan, ngunit narinig ng lahat na nanginginig ang kaniyang boses.
"Totoo ba iyon? Gusto ko iyon makita." Walang takot na sagot ni Roland.
"Kamahalan, hindi ito isang biro!" Singit ng Chief Knight habang kumulot ang kanyang noo.
Lumabas si Roland sa likod ng kabalyero at lumakad patungo sa selda. "Kung may natatakot sa kanya, hindi ko hihilingin na manatili kayo dito."
"Wag kayo matakot, meron siyang 'God's Locket of Retribution' sa kanyang leeg!" Sigaw ni Barov upang mawala ang takot ng lahat, ngunit mas lalo na ng sarili niya. "Kahit gaan mo kalakas ang diyablo, hindi ni kayang higitan ang proteksyon ng Diyos.
Tumayo si Roland sa harap ng selda, isang braso ang layo kay Anna, at nakikita ng malinaw ang maalikabok at may pasang mukha. Ang kanyang malambot na tampok ng kanyang mukha ay nagpapakita na isa pa siyang menor de edad, ngunit ang ekspresyon ay walang bahid ng pagkainosente ng kabataan. Wala man lang galit sa kanyang mukha, na nagbigay ng di mapalagay na pakiramam na nakita lamang ni Roland sa telebisyon. Ito ang mukha ng pagala-galang ulila na na dumanas sa matinding kahirapan at gutom, ngunit hindi. Ang ganong mga bata ay laging nakatayo na nakabaluktot at nanghihinang katawan at ibinababang ulo sa harap ng kamera, ngunit hindi si Anna.
Hanggang sa ngayon, sinubukan niyang tumayo ng tuwid at ang kanyang paningin ay naktaas habang mahinon na tumingin sa mata ng prinsepe. "Hindi siya takot sa kamatayan," Napagtanto ni Roland, "hinihintay niya ang kamatayan."
"Ito ba ang unang beses na nakakita ka ng isang witch, aking panginoon? Maaring ikamatay mo ang pagkausisa mo." Sabi ni Anna.
"Kung talagang may kapangyarihan ka ng diyablo, maari kang pumatay gamit lang ang isang sulyap," sagot sa kanya ni Roland. "Kasi kung totoo yun, hindi ako ang dapat matakot sa kamatayan, kundi ang iyong ama."
Biglang dumilim ang mga sulo, at tiyak na hindi ito isang ilusyon, dahil ang mga apoy ay tila naging maliliit na sparks. Narinig ni Roland ang naghahabol-hininga at mga panalangin ng kalalakihang nasa likod niya, pati na ang mga pagtalisod ng mga taong sinubukang tumakbo paalis.
Bumilis ang tibok ng puso ni Roland at naramdaman niyang parang nasa pagitan siya ng dalawang daigdig. Sa isang panig ay ang mundo ng sentido kumon, na kung saan ay eksaktong alinsunod sa batas at constants na alam niya. At sa kabilang panig ay di kapani-paniwalang bagong mundo, na puno ng misteryo at kababalaghan. Naka tayo siya sa harap ng mundong ito.
"Ang bagay ba na nakapalibot sa leeg niya ay ang God's Locket of Retribution? Isang simple at krudong locket," isip ni Roland. Ito ay isang pulang bakal na may kumikintab at palawit, na tila madaling masira kung hindi nakaposas ang witch.
Tumingin si Roland sa taong mga nasa likod niya, na nagdadasal padin dahil sa takot. Mabilis siyang nakarating sa selda, inabot ang palawit, at hinila ang locket, kung saan napigtal ang kadena—bagay na ikinagulat ni Anna.
"Halika." Bulong ni Roland.
"Isa ka bang sinungaling, isa uri ng alchemist, o isang tunay na witch? Kapag naglabas ka ng mga bote at garapon at nagsimulang maghalo ng mga asido, ako'y mabibigo," isip ni Roland.
Matapos ay nakarinig ng pagkaluskos, ang tunog ng singaw ng tubig habang paglapad sa init. Madaling uminit ang kanilang paligid, at ang tunig sa lupa ay nagiging singaw.
Nakita ni Roland ang nagliliyab na apoy umakyat galing sa ilalim ni Anna, at ang lupang kanyang kinatatayuan ay agad din nagliyab. Sumabog ang mga sulo sa likod nila, tila nakatanggap ng purong oxygen, na nagbigay ng nakakabulag na liwanag. Sa sandaling iyon, ay buong selda ay kasing liwanag ng araw, na naging sanhi ng sigawan ng mga namanunuod. Habang lumalakad paharap ang witch, gumalaw ang mga apoy sa paligid niya kasabay ng pagalaw niya. Nang dumating siya gilid ng kayang selda, ang mga bakal na harang na bumubuo sa dingding ay naging isang poste ng apoy.
Kusang humakbang palikodo si Roland dahil sa parang nangangagat at masakit na init. Sa loob ng ilang segundo, pakiramdam niya bumalik siya sa panahon ng summer, ngunit ito ay ibang klase ng init, na nagtatanging nagaling laman sa apoy. Ang isang parte ng katawan ay nakakaramdam ng init ng apoy at and kabila ay malamig padin. Nakaramdam pa si Roland ng malamig na pawis sa kanyang likod.
"Hindi talaga siya natatakot sa apoy." Isip ni Roland.
Naalala ni Roland ang mga salita ng Assistant Miniter, at ngayon lamang niya naintindihan ang ibig nitong sabihin.
Kung siya ay isang aktwal na apoy, paano siya matatakot sa kanyang sarili.
Di nagtagal, ang mga bakal na bar ay naging pula hanggang sa naging dilaw at nagsimulang matunaw. Nangangahulugan ito na ito'y pinaiinit sa higit sa 1,500 degrees Celsius, isang temperatura na imposibleng makamit ni Roland ng walang insulating measures . Katulad ng iba, lumayo siya sa sekda, hawak ang sarili ng maigi sa pinakamalayong pader.
Kung hindi niya ito ginawa, ang init ng natutunaw na bakal ay magdudulot ng pagkasunog ng kanyang mga damit kahit na walang direktang pisikal ugnayan—kahit ang damit ni Anna ay naging abo at napalitan ng bola ng apoy.
Matapos ang tila parang walang katapusan, naglaho ang mga apoy.
Ang tanging natira ay ilang pares ng sulo na tahimik na nasusunog sa dingding na parang walang nangyari, ngunit ang nasunog na damit ni Anna, ang mainit na hangin, at ang baluktot na bakal ng bilangguan ay nagpatunay na hindi ito isang ilusyon.
Maliban kay Roland at sa Chief Knight, lahat ng kalalakihan ay natumba sa sahig, at ang tagapagbantay ng bilangguan ay sobrang natakot na naihi siya sa kaniyang pantalon. Ngayon ay nakahubad na nakatayo si Anna sa labas ng selda, at wala na ang posas sa kanyang mga kamay. Hindi niya tinago ang kanyang hubad na katawan, ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang tagiliran at ang kanyang mga asul na mata ay tahimik at mapayapa gaya ng dati.
"Ngayong nasagot ko na ang inyong pag-usisa, aking panginoon," sabi niya, " Pwede mo na ba akong patayin ngayon?"
"Hindi." Humakbang paharap si Roland, binalot ang kanyang amerikana sa batang babae, at sinabi na may pilit na malambing na tono, "Miss Anna, gusto kong magtrabaho ka para sa akin."