Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 42 - PAGTATAPOS NG XIA MANSION ARC – SIYA ANG NAPALAYAS

Chapter 42 - PAGTATAPOS NG XIA MANSION ARC – SIYA ANG NAPALAYAS

 Hindi lamang ang pangalan niya ang masisira, madadamay din si Wushuang.

Bakit ba hindi pa niya bayaan ang maliit na vila na ito eh ilang daang milyones naman ang pamana na nakuha niya kay Chengwu?

Tinuya ni Wu Rong si Xinghe sa kanyang isipan.

Eh ano ngayon kung kinuha ng haliparot na ito ang villa? Lahat naman ng mana ay nakapangalan sa kanya.

Hanggang may natitira pa siyang hininga, ang bastardong babae na ito ay hindi kailanman makukuha ang kayamanan ng Xia Family!

Ang villa na ito ay ituturing na lamang niyang kawanggawa sa mga pulubi!

Gumuhit ang isang matagumpay na ngiti sa labi ni Wu Rong. Sinadya niya na tuyain si Xinghe na pulubi at basura ng harapan, halatang gusto niya itong mabuwisit.

Hindi naman pinansin ni Xinghe ang kanyang mga patutsada.

"Nariyan ang pintuan kung tapos ka na. Huwag ka na magpatagal pa ng pananatili dito, nagkakalat ka ng mikrobyo dito sa pamamahay ko," pagbalik ni Xinghe kay Wu Rong ng mga nauna nitong salita.

Ilang mahahalagang bagay lamang ang inempake, at iniwanan na ang lahat. Ikinunsidera na lamang niya itong abuloy kay Xinghe na pulubi.

Pero kahit na anong pakunsuwelo ang gawin niya, hindi pa din niya maiwasang hindi makaramdam ng pagkapahiya.

Ang bahay ay dapat na pag-aari niya, siya dapat ang nagpapalayas kay Xinghe pero ngayon nag-iba na ang may-ari ng bahay at siya ang napaalis.

Matagal na niyang alam na ang villa ay nakapangalan kay Xinghe pero dahil hindi niya makita ang mga papeles at nawala ang memorya ni Xinghe, inakala niyang makakalusot siya dito.

Sino ang mag-aakala na ang punyetang babae na ito ay magbabalik para guluhin siya oras na makuha nitong muli ang alaala nito.

Mabuti na lamang at biglaan ang pagkamatay ni Chengwu kaya wala siyang naiwanang valid will. Sa pamamagitan ng pagmamanipula at ilan pang panloloko, nagawa niyang makuha ang mga pamana nito na maipangalan sa kanya.

Inis na hinaltak ni Wu Ron gang kanyang maleta pababa ng hagdanan. Nang makita niya ang gulat na ekspresyon ni Mrs. Chan, nakaramdam na naman siya ng pagkapahiya.

Pagalit na ibinato ni Wu Rong ang kanyang maleta kay Mrs. Chan at nag-utos, "Sumunod ka sa akin at alagaan mong maigi ang maleta ko!"

"Saan tayo pupunta?" nalilitong tanong ni Mrs. Chan.

"Ano ba ang pakialam mo? Pero isinusumpa ko na mas maganda kaysa sa basurahang ito," matigas na sambit ni Wu Rong. Gusto niyang ipaalam kay Xinghe na nasa kanya ang kayamanan ng ama nito, maaaring sinuwerte siya na manalo sa labanang ito pero ang pagkapanalo sa digmaan ay sa kanya.

Naintidihan agad ni Mrs. Chan ang sitwasyon. Alanganing tumingin siya kay Xinghe na nakatitig sa kanila mula sa ikalawang palapag. Malamig at pormal ang mukha ng dati niyang young mistress.

Mahihinuha na sa ekspresyon nito, wala siyang pakialam kung umalis man o mananatili si Mrs. Chan.

Nagdesisyon si Mrs. Chan.

Kahit na sinasabi ng munting tinig sa kanyang puso na huwag siyang pumunta at sumama kay Wu Rong mas pinili niya ang taong makapagbibigay sa kanya ng mas maraming benepisyo.

"Madame, hintayin po ninyo ako, i-eempake ko lamang po ang mga gamit ko. Mabilis lang po ito." Agad na pumasok si Mrs. Chan sa silid nito at hindi nagtagal ay dala na din nito ang sarili nitong maleta.

Nauubos na ang pasensiya ni Wu Rong. Lalo siyang napapahiya kapag lalo siyang nagtatagal sa lugar na iyon.

Nang makita niyang muli si Mrs. Chan, pabulyaw niya itong ginalitan, "Bilisan mo!"

Dumerecho siya sa labasan. Hindi magkandaugaga si Mrs. Chan na sumunod sa kanya habang hila-hila ang dalawang maleta.

"Wu Rong…" tawag ni Xinghe mula sa ikalawang palapag ng nahawakan na ni Wu Rong ang seradura ng pintuan.

Paismid na lumingon si Wu Rong, "Ano pa ba ang gusto mo? Wala ka nang makukuha pa sa akin, ikaw na punyetang babae ka!"

Bumaba ng hagdanan si Xinghe at tumigil sa harapan niya. Tinitigan niya si Wu Rong sa mga mata habang sinasabi niya, "Gusto ko lang sabihin sa iyo, mula ngayon, huwag ka nang tutuntong pa sa pamamahay ko. Isa pa, babawiin ko ang lahat ng kinuha mo, lahat ng pag-aari na iyon, na dapat ay sa akin ng may interes."

Tumawa si Wu Rong sa harap niya. "In your dreams! Binabalaan kita, hindi ko kalilimutan ang pamamahiyang ginawa mo sa akin ngayon!"