Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 47 - KAILANGANG SIMULAN SA SARILI

Chapter 47 - KAILANGANG SIMULAN SA SARILI

Natural na optimista si Xia Zhi ngunit ang matagal na kahirapan ang unti-unting sumira sa pag-asa nito na magkaroon ng magandang kinabukasan.

Kaya ang biglaang paglipat nila sa villa, para sa kanya, ay hindi kapani-paniwalang karanasan.

"Zhi, ibabalik ko sa iyo ang payo na ibinigay mo noon sa akin, huwag ka na manatili sa nakaraan. Nangangako ako sa iyo, mula ngayon ay magbabago na at magiging maganda na ang ating kinabukasan. Huwag na tayong mag-aksaya pa ng oras, sumunod ka sa akin at ipakikita ko na sa iyo ang iyong silid."

"Okay!" sumunod si Xia Zhi ng may malaking ngiti sa kanyang mukha.

Ang kanyang silid ay nasa ikalawang palapag. Tulad ng kay Chengwu, isa itong malaki at malawak na silid. Mayroon itong malaking aparador at sa katapat nito ay isang matatag na study table. Nakalapag dito ay isang high-tech laptop, ang modelo na matagal na niyang gusto!

Masayang tumakbo palapit dito si Xia Zhi, at nagtanong, "Ate, para ba sa akin ito?"

Tumango ng nakangiti si Xia Zhi. "Nagustuhan mo ba?"

"Oo naman! Ate, ang buti mo sa akin, nagustuhan ko ito, gustung-gusto ko ang lahat na nandito."

"Mabuti naman kung ganoon."

"Ate, mahal siguro ang lahat ng ito ano?" kumalma na si Xia Zhi at nagtanong.

Maliban sa mamahaling laptop, napansin ni Xia Zhi na bumili si Xinghe ng ilang kagamitan para bigyan ng bagong anyo ang kanilang bahay, kaya sigurado siya na madami itong nagastos mula sa naipon nito.

"Kikita naman ako ulit ng pera," kibit balikat na sambit ni Xinghe.

Bumalik ang alaala ni Xia Zhi sa mahimalang gabi kung saan nagawa ni Xinghe na kumita ng ilang daang libong RMB at nawala ang kanyang pag-aalala. "Ate, magtatrabaho na ako makalipas ang ilang araw, tutulungan na kitang kumita ng pera para sa pamilya natin!"

"Huwag kang magmadali kasi kailangan ko ang tulong mo sa ilang bagay."

Nasorpresa si Xia Zhi. Nagtanong siya, "Tulong ko, saan mo kailangan ang tulong ko?"

"Sasabihin ko sa iyo makalipas ang ilang araw. Huwag ka muna magtrabaho, magpahinga ka muna dito sa bahay at tulungan mo akong alagaan si tiyo."

"Sige, makikinig ako sa iyo ate," pangako agad-agad ni Xia Zhi ng wala nang tanong pa sa detalye.

Palagi siyang papaya na gawin ang iniutos ng kapatid.

"Sige, magpahinga ka na. Hindi na kita aabalahin pa." tumalikod na si Xinghe para umalis pero tinawag siyang bigla ni Xia Zhi.

"Ate, bumili ka ba ng mga bagong damit at make-up para sa sarili mo?"

Napalingon si Xinghe na nagtatanong ang titig. Bakit siya tatanungin nito ng ganoon?

Lumapit si Xia Zhi sa kanya at alam nito agad na hindi na naman ito gumasta ng para sa sarili nito!

Ginalitan siya nito, "Ate, kailangan mo na magsimulang alagaan ang sarili mo. Bata ka pa at maganda kaya dapat na alagaan mo ang mukha mo or else may ibang tao na hahamak sa iyo!"

Agad na naintindihan ni Xinghe ang pahiwatig niya.

Hindi pa din ito nakakalimot sa sinabi ni Tianxin sa kanya ng araw na iyon.

Walang masyadong pakialam si Xinghe sa kanyang kaanyuan pero ngayon na kaya na niyang gumastos para maayos ang kanyang hitsura, wala ng rason para hindi niya ayusin ang kanyang pagod na kaanyuan. Isa pa, tama si Xia Zhi, ang pabayaan ang kanyang pisikal na anyo ay magbibigay ng tsansa sa iba na hamak-hamakin siya.

"Naiintidihan ko." At umalis na si Xinghe sa silid nito.

Nanatili si Xinghe sa dati niyang silid. Nang kamkamin ni Wu Rong ang villa, ginawa niyang bodega ang lumang silid ni Xinghe pero inayos na niya ito ngayon. Maaari siyang pumili ng iba pang silid sa villa pero mas gusto niya ang dati niyang silid.

Tumindig si Xinghe sa harap ng wall-length na salamin at tiningnang maigi ang kanyang sarili.

Hindi naman siya katangkaran, 165 centimeters lamang siya.

Tama lamang ang kanyang pangangatawan, at mayroon siyang pares ng magagandang hita. Natatago sa kaputlaan gawa ng maraming taong paghihirap ang isang mukha na may magandang kaanyuan.

Lahat ng ito dagdag pa ang kanyang pananamit na matagal ng wala sa uso ang nagtatago sa kanya sa grupo ng mga tao.

Mabuti na lamang at ang mga diyos ay biniyayaan siya ng lahat ng it. Kaunting oras at effort lamang ang kailangan para muling manumbalik ang dati niyang magandang hitsura. Noong kabataan niya ay nahumaling siya sa make-up at sa magandang imahe; naniniwala siya na kaya niyang ibalik ang dating hitsura niya kung kinakailangan.

Gayunpaman, tulad ng kasabihan: beauty doesn't come cheap.

Halos maubos niya ang kanyang ipong pera nitong mga nakaraang araw, at wala na siyang masyadong natitira para sa isang make-over. Ang pagkita ng pera ay napakadali lamang sa kanya.

Ngunit ngayong naitaas na niya ang kanyang layunin, hindi na siya papayag para sa iilang daang libong RMB na lamang!