Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 48 - ANG IP ADDRESS NG XI EMPIRE

Chapter 48 - ANG IP ADDRESS NG XI EMPIRE

Tapos na siyang mamuhay sa kahirapan!

Marami siyang magandang plano para sa kanyang kinabukasan kaya kailangan niya ng maraming pera para maisakatuparan iyon.

Noong kabataan niya, maluwag sap era si Xinghe dahil naniniwala siya sa kanyang kakayahan na medaling kumita ng pera. Gagastusin niya ang bawat sentimo na kanyang kinita, kaya ang kanyang account ay parating walang laman.

Masyado siyang mapagmataas at kanyang inuubos ang kanyang enerhiya para kumita ng pera.

Inisip niya na mabubuhay siya ng walang iniisip na problema dahil sa marami siyang pera.

Hindi siya palaimpok at inuubos ang kanyang oras sa pagdiskubre sa mundo ng mga computer.

Sa kanyang pananaw, ang pagkabihasa niya sa skill ay makatutulong para kumita siya ng sapat nap era kung kinakailangan niya.

Ngunit naging malupit ang kapalaran sa kanya at inalis nito ang kayamanan ng kanyang pamilya, doon lamang niya nalaman ang importansya ng pera.

Natutunan na niyang pahalagahan ang bawat sentimo.

Sa medaling salita, sa ngayon, kailangan niya ng pera!

Hindi mahirap kumita ng pera; ang mahirap ay kumita ng malaking halaga ng pera sa maikling panahon.

Darating na ang birthday party ni Lin Lin. Hindi siya maaaring dumating sa party na nakasuot ng basahan, hindi siya makakapayag na maliitin siya ng sinuman. Hindi siya papayag na mapahiya si Lin Lin!

At dahil dito kailangan niya ng pera para sa total make-over.

Pero saan siya makakakita ng sapat na pera?

Binuhay ni Xinghe ang bagong biling computer at naghanap sa net ng mga posibleng oportunidad.

Hindi na niya pwedeng ulitin ang kaparehang taktika tulad ng dati dahil magiging madali ito para sa iba na matunton ang kanyang identity at magdudulot ito sa kanya ng problema.

Isa pa, ang paraan na ito ay masyadong nakakaubos ng lakas at ang pinakamasama pa doon, mayroon itong limit kung gaano karaming pera ang pupwede niyang kitain. Hindi nito matutugunan ang kanyang mga pangangailangan.

Nagbabad siya ng ilang oras sa internet pero wala siyang nakitang bago. Inisip na tuloy niyang pumunta kay Wu Rong para ipagdiinan na kuhanin ang parte niya sa pamana ng kanyang ama.

Pero alam niyang hindi pa panahon at pangungunahan niya ang sarili!

Natalo na niya si Wu Rong pero nandoon pa din si Wushuang.

Kailangang mapatumba niya ang dalawa ng sabay bago niya mabawi ang kayamanan na iniwan ng kanyang ama.

Kaya hindi niya maaaring madaliin ang tungkol sa pamana ng ama pero saan nga niya kukuhanin ang pera ngayon?

Wala ng maisip pa si Xinghe kaya nagdesisyon siya na bisitahin ang hacking forum na nakatago sa mga mapagmatyag na mga mata.

Doon lang niya napagtanto na ang ginawa niya noong araw na iyon ay nakakuha ng atensyon mula sa hacking community.

Mayroon pa ngang mga thread na naghahanap sa kanya.

May mga tao ding nagbibigay ng pabuya para malaman ang kanyang katauhan.

Napakurap si Xinghe sa halaga ng mga pera na iniaalok at nag-isip kung pwede niyang iprisinta ang sarili niya…

Natawa siya sa naisip na kalokohan at naghanap pang muli.

Nakita niya na may nanghahamon sa kanya. Ang bet ay 1,000,000 RMB.

Napagdesisyunan niyang tanggapin dahil wala naman siyang ginagawa sa ngayon.

Gamit ang account ng original poster, hinack niya ito para matukoy ang IP address nito.

Pero sa oras na magkaroon siya ng access, nagsisi si Xinghe.

Ito pala ay ang IP address ng Xi Empire.

001? Halatang online ang kabilang party dahil agad itong nagbigay ng mensahe sa kanya noong madetect nito ang kanyang presensiya.

Sa kaparehong oras na iyon, napag-alaman din ni Xinghe na ang taong ito ay sinusubukang ihack ang kanyang computer.

Malumanay na itinaas ni Xinghe ang kanyang mga depensa at agad na sumagot. Curiosity kills the cat. Tumigil ka o gagawa ako ng paraan para magsisi ka.

Quite a big talker. Alam mo na kung sino ako, patas lamang para malaman ko kung sino ka, tama?

Ikaw si Xi Mubai?

Itinanong ito ni Xinghe, kahit na alam niyang ito iyon.

Yes, ako ito. 001, nakarinig ako ng mga nakakaimpress na bagay tungkol sa iyo, interesado ka ba na magtrabaho para sa aking kumpanya? Tanong ni Mubai.