Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 44 - MAY PAGMAMAHAL PA DIN SIYA SA IYO

Chapter 44 - MAY PAGMAMAHAL PA DIN SIYA SA IYO

Bumaba ang bintana ng sasakyan at nalantad ang guwapong mukha ni Mubai; ang mukha na nakakapagpatibok ng puso ng mga babae na nakakakita dito.

Pero hindi man lang apektado si Xinghe.

Ang tingin na ibinigay niya dito ay ibang-iba sa dati.

Hindi na ito iyong natatakot at dumedependeng tingin na ibinibigay nito sa kanya tulad noong sila ay kasal pa, at hindi rin ito anng tingin na may pagod at pagkabalisa tulad noong una nilang pagkikita tatlong taon matapos ang kanilang diborsyo.

Nakalipas lamang ang 10 araw, tila ibang tao na nagbago si Xinghe.

Naramdaman niya ang walang pakialam na titig nito, masayang sinabi sa kanya ni Mubai, "Sakay na, ihahatid na kita."

"…" Ihahatid siya?

Sumimangot ng bahagya si Xinghe, inaakalang ginagawa siyang katatawanan ni Mubai. Ibinaling niya ang kanyang ulo at naglakad ng diretso, ni hindi na siya tinapunan pa ng tingin.

Hinindian ba siya nito?

Natawa si Mubai sa kanyang sarili.

Ni minsan ay hindi pa niya naranasan na hinindian siya ng mga babae sa tanang buhay niya ngunit makailang beses na siyang tinanggihan ni Xinghe.

Ang sabi nila ay hindi magiging magkaibigan ang dating mag-asawa pagkatapos ng diborsyo, so tama pala iyon?

Pero sa kanyang paniniwala na kahit nagdiborsyo pa din sila, walang rason para ituring nilang kaaway ang bawat isa sa tanang buhay nila.

At kung tatapatin man, medyo naiirita na din siya sa mga pagtanggi sa kanya ni Xinghe.

Mabagal na sumunod sa kanya ang kotse at sa nakabukas na bintana, sinabi ni Mubai sa kanya, "Huwag mo akong masamain, gusto lang kitang makausap tungkol kay Lin Lin."

Gaya ng inaasahan, tumigil sa paglalakad si Xinghe ng marinig ang pangalan ni Lin Lin.

"Ano ang gusto mong pag-usapan natin?" nanunubok niyang tanong.

"Sumakay ka na," ulit ni Mubai. Halata naman na hindi na siya magsasalita pa kung hindi siya sasakay sa kotse.

Agad na tumawid sa harap ng kotse si Xinghe at sumakay sa passenger seat.

Nagulantang ng bahagya si Mubai dahil akala niya ay magtutuluy-tuloy sa paglalakad si Xinghe.

Tiningnan niya ang magandang hitsura ni Xinghe at lumalim ang kanyang mga mata, kanyang napagtanto na talagang nagbago na ito.

Ang pagbabagong naganap ay hindi lamang sa kanyang panlabas na kaanyuan, kundi ang kaibuturan nito ang tuluyang nagbago.

Kahit na mumurahin lamang ang suot nitong mga damit, walang kolorete sa mukha at walang mamahaling aksesorya, tila hindi siya nagmumukhang wala sa lugar sa kanyang million-dollar car.

Tila ba na hindi niya karangalan na makasakay sa kotse kung hindi karangalan ng kotse na maisakay siya.

Medyo nakakalito ito, saan kaya nanggaling ang tiwala nito sa sarili?

Pansamantalang gumuhit ang pag-uusisa sa mga mata ni Mubai. Mas naging interesante ang babaeng naririto sa kanyang tabi.

"Saan paroroon?" tanong ni Mubai habang pinaaandar ang makina ng kotse.

"Ospital."

Sa nabanggit, gusto din ipagtanong ni Mubai kung ano ang ginawa nila para mabayaran ang medical bill.

Pagkatapos ng huli nilang pagtatalo, may inutusan siya para magtanong sa ospital. Nalaman niya na binayaran nila ang ospital ng 300000 RMB ng buo; kaya pala ayaw nitong tanggapin ang cheke ng alimony na inialok niya ng araw na iyon.

Pero ayon sa kaalaman niya, mahirap lamang ang mga ito kaya saan nila nakuha ang pera?

Kinimkim ni Mubai ang kanyang mga tanong dahil alam niyang hindi din siya sasagutin ni Xinghe sakaling magtanong siya.

"Talk," biglang sinabi ni Xinghe. Nawala siya sa kanyang pagmumuni-muni, kinailangan pa niya ng ilang sandali para maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin.

"Ibinigay na naming kay Lin Lin ang pinakamainam na pag-aaruga sa kanya sa mga nakalipas na taon, at ni minsan ay hindi ka niya nababanggit." Sabi nito.

Yumuko si Xinghe, itinago ang kanyang mukha sa paningin nito.

Tao lamang siya na gawa sa dugo't laman, nasasaktan pa din ang puso niya sa narinig. Pero hindi naman niya masisisi ang anak kung hindi man lang siya nito hanapin, dahil desisyon naman niya ang diborsyo…

Siya ang kusang sumuko sa kanilang kasal at sa kanilang anak.

Sumulyap sa kanya si Mubai bago nagpatuloy, "Mabait na bata siya, akala ko ay hindi na niya iindahin pa na wala ang iyong presensiya, pero sa totoo pala ay mahal ka pa din pala niya."

Bahagyang nanginig ang katawan ni Xinghe. "Siya nga?" tugon niya.