Kabanata 2
Unexpected PartnerMae's POVKinabukasan, may bagong chika si Trina habang naghihintay kami ng bell para sa unang klase."Mae, nakita mo 'yung post ni Fiona kagabi? May group project daw sa science class!" excited niyang sabi habang sinusubukan akong ipakita ang screen ng phone niya.Napakunot-noo ako. "Wait, what? Wala namang sinasabi si Ma'am kahapon, ah.""Surprise daw," sagot ni Trina, sabay irap. "At ang mas shocking, magpapartner daw si Ma'am ng random. Isa-isa daw tatawagin mamaya para i-announce. Sana magkapartner tayo!"Napabuntong-hininga ako. "Oh, great. Ang hilig-hilig pa naman ni Ma'am sa mga random pairing. Last time, napunta ako sa walang ginawa kundi kumain ng chichirya habang ako lahat ng gumawa!""Sana hindi ka mapunta kay JK," sabay tawa ni Trina, pero halatang iniintriga niya ako.Napataas ang kilay ko. "At bakit naman?""Eh di ba, may unfinished business kayo? Malay mo, 'yan na ang paraan ng universe para magka-closure kayo!"I rolled my eyes. "Closure agad? Eh wala ngang opening!"Pagdating ng science class, nag-start na si Ma'am Magbanua sa random pairing. Isa-isang tinatawag ang mga pangalan habang lahat kami ay nagdarasal na hindi mapunta sa kagrupo na kilala nang walang ambag."Okay, next pair, Ms. Aragon... at..." tumigil saglit si Ma'am, tinitingnan ang papel niya.Halos huminto ang mundo ko sa kaba. Please, huwag si JK. Kahit sino, huwag lang siya."...Mr. Montemayor, Justine Kiefer."Napatingin ako kay JK sa dulo ng classroom. As expected, wala siyang reaksyon. Parang walang narinig."Good luck, Mae!" bulong ni Trina, obvious na natatawa habang tinatapik ang balikat ko.Napa-facepalm ako. Of course, si JK. Kung sinong pinaka-ayaw kong makatrabaho, siya pang napili ng kapalaran.Matapos ang klase, nagpaalam si Ma'am na maaari na raw mag-usap ang mga pairs para simulan ang plano ng project.Lumapit ako kay JK, dala ang notebook ko. "Hi, partner," bati ko, pilit nagpapaka-lighthearted.Nag-angat siya ng tingin mula sa phone niya at tumango. "Hmm.""Okay, so ano plano natin?" tanong ko habang sinusubukang basagin ang awkwardness."Ikaw bahala," sabi niya, deadpan na naman.Napairap ako. "Wow. Galing mo rin, no? Alam mo bang group project 'to, hindi 'to solo mission?"Napabuntong-hininga siya at tumingin ulit sa akin. "Fine. Mag-meeting tayo mamaya sa library, 4 PM. Ayos?"Hindi ko na rin kinontra. Kaysa magtagal pa ang awkwardness, umalis na lang ako para makapag-focus siya sa pagiging misteryosong tao niya.Nasa tamang oras akong dumating, dala ang lahat ng kailangan. Notebook, ballpen, at laptop. Pagpasok ko, nakita ko si JK na naupo sa isang table sa likod. As usual, naka-black hoodie pa rin siya. Ano ba, walang ibang damit ang lalaking 'to?"Ready ka na ba?" tanong ko habang umupo sa harap niya.Tumango siya at binuksan ang notebook niya. Sa wakas, parang serious mode siya ngayon."So ang topic natin," sabi ko habang binubuksan ang laptop ko, "is about the periodic table and its importance in daily life.""Basic," sagot niya habang nagsusulat ng kung ano sa notebook niya.Napataas ang kilay ko. "Basic? Eh ano'ng gusto mo, 'Quantum Mechanics'?"Hindi siya sumagot pero nakita ko ang bahagyang ngiti sa gilid ng labi niya. Ah, kaya mo rin palang magbiro, ha?"Okay, sige. Since sabi mo, basic 'to, ikaw na bahala sa 'difficult' part. I'll handle the visuals and research," sabi ko, sinasabayan ng ngiti para ipakita na hindi ako magpapatalo.Tumingin siya sa akin nang diretso, and for the first time, seryoso ang boses niya nang magsalita. "Deal."Sa moment na 'yon, parang may nagbago. Ang cold aura niya, parang nabawasan. At kahit hindi ko pa siya masyadong kilala, alam kong magiging interesting ang project na 'to.+++++Trina's POVNakita ko sila mula sa malayo habang dumaan ako sa library. Si Mae at si JK, parehong seryoso sa ginagawa. Pero napansin ko rin, may kakaibang energy sa pagitan nila. Parang chemistry na hindi mo maipaliwanag."Hala, mukhang may progress na!" bulong ko habang kumukuha ulit ng photo evidence.Mukhang magiging exciting ang kwento nilang dalawa. At sure akong hindi lang periodic table ang mabubuo dito.+++++Mae's POVKahit seryoso ang vibe ni JK habang nagtatrabaho kami, hindi ko maiwasang makaramdam ng tension. Hindi yung tipong nakaka-stress, kundi yung tension na parang laging may nag-aabang na mangyayari.Habang nagta-type ako sa laptop ko ng summary para sa project, napansin kong nakatingin si JK sa akin. Hindi ko alam kung ini-imagine ko lang ba o totoong tinititigan niya ako."Ano?" tanong ko, hindi na nakatiis.Umiling siya at bumalik sa pagsusulat sa notebook niya. "Wala.""Wala? Eh kanina ka pa nakatingin," sabi ko, sinubukang gawing lighthearted ang tono para hindi awkward."Nag-iisip lang," sagot niya, pero hindi siya tumingin ulit sa akin.Nagkibit-balikat na lang ako at tinuloy ang ginagawa ko. Pero sa totoo lang, naiilang ako. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang iniisip niya.Habang abala kami sa paggawa, biglang bumukas ang bag ni JK. Tumalsik ang ilang gamit niya papunta sa sahig, kabilang na ang isang maliit na notebook."Oh," sabi ko, sabay yuko para pulutin ang nahulog na gamit. Kinuha ko ang maliit na notebook at iniabot sa kanya, pero bago pa niya ito maabot, napansin ko ang isang pangalan na nakasulat sa cover."Maria Eunice Aragon?" binasa ko nang malakas ang nakasulat sa notebook, sabay lingon sa kanya. Napakunot-noo ako. "Bakit nandito ang pangalan ko?"Agad niyang kinuha ang notebook mula sa kamay ko, at kung kanina malamig siya, ngayon biglang seryoso ang tingin niya. "It's nothing. Mind your own business."Pero syempre, hindi ako papayag na ganun lang. Tumayo ako, nakapamewang, habang nakatingin sa kanya. "Excuse me? Paano naging 'nothing' kung pangalan ko ang nandun? Ano 'to, JK? Stalker vibes na ba 'to?"Tiningnan niya ako nang diretso, pero imbes na magsalita agad, tumahimik siya saglit. "It's not what you think," sabi niya sa wakas."Then ano nga?" tanong ko, hindi pa rin bumibitaw.Hindi siya sumagot. Sa halip, isinara niya ang notebook at inilagay ulit sa bag niya. "Focus on the project."Pagkatapos ng ilang minutong awkward silence, naisipan kong gawing light ang mood. "Okay, fine. Hindi ko na tatanungin. Pero sana naman, JK, hindi ako lalabas sa isang true crime documentary ha?" biro ko, sabay tawa.Napangiti siya—ng konti lang, pero sapat na para mapansin ko. "You're dramatic," sabi niya, pero halatang pinipigil niyang matawa."Uy, may ngiti ka rin pala," tukso ko.Hindi na siya sumagot, pero nagpatuloy kami sa trabaho. Kahit na may tensyon pa rin, parang mas naging magaan ang pakiramdam ko.Habang nagta-type si JK sa phone niya, bigla akong nakaramdam ng gutom. Kinuha ko ang baon kong sandwich at kinagat ito nang wala sa oras."Mae," biglang sabi ni JK, na ikinagulat ko."Ano?" tanong ko, sabay lunok ng kinakain."Seryoso ka bang maghati tayo ng trabaho sa project na 'to?" tanong niya habang nakatitig sa akin."Oo naman," sagot ko agad. "Bakit, ayaw mo ba?""Depende," sabi niya, sabay smirk. "Mahilig ka bang mag-procrastinate?"Napatigil ako. "Hoy, hindi ah!"Tumawa siya nang mahina. "Sure ka? Kasi mukha kang someone na last minute magtrabaho.""Naku, hindi mo pa ako kilala," sagot ko, sabay pilit ng confident smile. "Kung gusto mo, tapusin natin lahat ngayon para walang problema.""Fine," sabi niya, pero bago siya bumalik sa ginagawa, tumingin ulit siya sa akin. "Pero kung may kalokohan kang gawin, ikaw ang bahala kay Ma'am Magbanua."Hindi ko alam kung matatawa o maiirita. "Wow, JK. Thank you sa tiwala."Tumawa ulit siya, pero mabilis niyang binalik ang focus sa ginagawa.At habang nakaupo kami sa library na parang walang ibang tao sa paligid, na-realize ko ang isang bagay: ang suplado, tahimik, at nerdy na si JK ay hindi lang basta-basta.Para siyang libro na hindi mo agad maintindihan, pero alam mong worth it basahin hanggang dulo.