Simula
(MAE's POV)Ang init ng araw, grabe. Parang lahat ng tao dito sa campus, naghahanap ng lilim o nagpapaka-effort magmukhang cool kahit parang ihaw na ang pakiramdam. Ako? Naglalakad lang naman papunta sa next class kasama si Trina, na walang ginawa kundi maghanap ng juicy chismis.Ang campus namin, napapaligiran ng malalaking puno, pero sa sobrang init ng tanghali, parang wala rin silang silbi. Mga estudyante, naka-tambay kung saan-saan—may nagbabasa, may kumakain, at may iba namang naglalakad nang parang hinahabol ng deadline."Uy, Mae, si JK oh!" bulong niya, sabay hampas sa braso ko.Napataas lang ang kilay ko. JK? Napatingin ako sa direksyon na tinuturo niya, at ayun nga, si Justin Keifer Montemayor—aka ang kuya ng crush kong si Markus Zein.Habang pinagmamasdan ko si JK, napansin kong lagi siyang may dala-dalang sketchpad. Nagtataka ako, ano kayang sinusulat o dinodrawing niya doon? Siguro, baka may ibang mundo siyang ginagalawan na hindi ko pa naiintindihan.Hindi ko napigilan ang reaksyon ko. "Okay... and? Bakit mo sinasabi sa'kin? Alam mo naman na si Markus ang gusto ko, hindi si JK.""Eh kasi..." ngumisi si Trina. "Paano kung si JK ang tulay mo papunta kay Markus?"Napatawa ako nang bahagya. "Girl, please. Ang suplado kaya nun. Mukhang walang pakialam sa mundo. Introvert, loner, at parang laging nasa sariling mundo."Sinulyapan ko ulit si JK habang naglalakad siya papunta sa kabilang building. Suot niya ang paborito niyang black hoodie kahit napaka-init ng panahon, at may headphones siyang nakapatong sa leeg niya. Napansin ko rin na parang laging seryoso ang itsura niya—sun-kissed skin, matalim ang panga, at yung mata niya? Parang laging may iniisip na kung ano. Pero kahit pa, hindi siya yung tipo kong approachable."Gwapo naman," sabi ni Trina, sabay nguso."Gwapo nga," sagot ko, sabay smirk. "Pero hindi siya Markus Zein."Markus. My ultimate crush. Siya ang dahilan kung bakit worth it mag-makeup tuwing umaga at magplano ng mga suot. Unlike his kuya, Markus is outgoing, charming, and everyone loves him. Paano ba naman, he is a varsity player, campus heartthrob, at walking dream boy. Hindi pa niya ako kilala, pero sa isip ko, kami na ang endgame. Ano pa bang hinihintay ko, diba? JK lang naman ang sagot sa problemang ito. JK? Well, opposite siya ng lahat ng iyon.Pero habang sinusundan ko si JK ng tingin, bigla akong napaisip."Pero... may point ka," sabi ko kay Trina.
"Point saan?" tanong niya, curious na curious."What if gamitin ko nga si JK para mapansin ako ni Markus?" Ngumiti ako, medyo napapangiti ng pilya. "Maganda 'to, Trina. He's the perfect bridge."Ngumisi siya, pero may halong duda ang boses niya. "Sigurado ka? Parang mahirap pa 'yan mapalapit kay Markus kaysa sumikat ng Bridge Over Troubled Water si JK."Napairap ako. "Ano bang sinasabi mo? Hindi naman ganun kahirap.""Sure ka?"I just rolled my eyes and smiled. This was going to be fun. Or so I thought.Simula sa araw na ito, parang bigla akong nagkaroon ng mission sa buhay.Operation: Tulay si JK.Simple lang ang plano: makipagkaibigan kay JK, gamitin siya para mapalapit ako kay Markus, and boom! Love story namin ni Markus activated. Easy, right?Pero habang pinagmamasdan ko si JK, naglalakad siyang parang nasa sarili niyang mundo. Walang effort mag-"hi" o ngumiti kahit sa mga babaeng halatang may crush sa kanya."Good luck sa'yo, Mae. Baka naman sa halip na maging tulay mo si JK, ikaw pa ang maging tulay niya sa sarili niyang mundo."Mae: "Hay naku, hindi ko papayagan 'yan. Ako ang bida rito, remember?""Good luck sa'yo, Mae. Baka naman sa halip na maging tulay mo si JK, ikaw pa ang maging tulay niya sa sarili niyang mundo," sabi ni Trina, tumatawa habang papasok kami sa classroom. Napatawa ako. ""Hay naku, hindi ko papayagan 'yan. Ako ang bida rito, remember?""Mukhang kailangan mong mag-hire ng excavator para mahukay ang puso ni JK." dagdag pa niya."Excavator agad? Hindi naman siguro ganun kahirap." natatawa kung sagot.Pero deep inside, kabado na ako. Kasi mukhang pader nga si JK—mataas, malamig, at walang makakapasok.Nasa Fourth Year na pala ako ngayon.Oo, graduating ako at kaklase ko si Trina, Katrina Suarez, ang madaldal kong best friend. If you ask me, anong section ba ako? I am in Section 2, at ang classroom namin ay nasa fourth floor.Nag-aaral kami sa isang private high school, at isa sa mga stakeholders dito ang pamilya ko. My mom is the President of the Secretariat ng school, kaya may privilege akong makapag-aral dito nang libre.Hindi naman sa hindi afford ng mga magulang ko na paaralin ako sa mas kilalang school, pero pinili ko ang MPS. Bakit?Dahil nandito si Markus!
Well, half-joke. Pero totoo.Pagpasok namin sa classroom, tumunog na ang bell—hudyat na magsisimula na ang unang subject. Maya-maya, dumating na si Mrs. Santos, ang teacher namin sa English."Good morning, class," bati niya na may tipid na ngiti.Sabay-sabay kaming sumagot. "Good morning, ma'am!"Habang nagsisimula na si Mrs. Santos, napansin kong nag-iba ang focus ni Trina. May kinikilig na namang tsismis itong gustong sabihin. Pero ako? Naka-focus sa bagong game plan ko.Simula pa lang ito ng mission ko.Operation: Tulay si JK is now officially in motion.Pagkatapos ng klase namin kay Mrs. Santos, sumunod ang Math—ang subject na pinakaayaw ko sa lahat. Ika nga nila, "Math is the worst subject," at para sa akin, totoo 'yun. Kaya nga palaging maliit lang ang grades ko dito. Ngunit sa wakas, may magandang balita!"Guys, walang klase kay Mr. Gonzales ngayon. Nasa meeting daw," sabi ni Trina, sabay pakpak ng kamay na parang nanalo ng lotto."Seryoso?" tanong ko, sabay ginhawa ng malalim na hininga. "Hay naku, salamat! so ano reak na tayo? Lunch time rin naman pagkatapos." pag-anyaya ko kay Trina.Habang naglalakad kami palabas ng classroom, niyaya ko si Trina. "Tara, sa canteen tayo! Maghanap tayo ng makakain."Pagdating namin sa canteen na nasa Arroyo Hall, agad kong naramdaman ang nakakaginhawang lamig ng hangin mula sa mga ceiling fan. May malaking signage sa harap ng canteen na may nakasulat na "Welcome to Arroyo Hall Cafeteria" na parang laging bago ang pintura.May tatlong malalaking serving counters ang canteen: ang una, para sa mga rice meals; ang pangalawa, para sa snacks tulad ng burgers, fries, at hotdogs; at ang pangatlo, para sa mga drinks at desserts. Punuan na ang mga tables sa gitna, karamihan sa mga estudyante ay nagsisiksikan para makaupo, habang ang iba naman ay naka-sandal sa mga dingding o nakatayo lang habang kumakain."Naku, ang daming tao," reklamo ni Trina habang pinagmamasdan ang mahabang pila sa rice meals. "Tingin ko snack na lang tayo. Wala akong balak tumayo sa init habang naghihintay.""Agree," sagot ko, sabay lakad papunta sa snack counter. Nagsimula akong maghanap ng something light pero nakakabusog. "Hmm... fries at iced tea na lang siguro ako."Ako naman, agad na kumuha ng hotdog sandwich at bottled water. "Trina, maupo na tayo doon sa gilid. May bakante pa." Tinuro ko ang isang maliit na mesa sa sulok malapit sa bintana kung saan kita ang garden sa labas.Umupo kami habang kinakain ang mga inorder namin. Sa gitna ng mga estudyanteng abala sa pagkain at tawanan, nagkaroon kami ni Trina ng maikling peace."Alam mo," biglang sabi ni Trina habang ngumunguya ng fries, "ang dami talagang gwapo dito sa campus pero iba si Markus." Ngumiti siya ng makahulugan."Oo na," sagot ko habang umiikot ang mata. "Alam mo naman kaya tayo nandito dahil sa mission ko, di ba?""Operation: Tulay si JK?" tanong niya habang tawa ng tawa."Exactly," sagot ko. Pero habang iniisip ko ang plano, napatingin ako sa paligid. Maraming estudyante ang dumadaan-daan sa canteen, at hindi maiwasang mapansin ang mga grupo ng varsity players na nasa kabilang dulo ng canteen.Habang nag-uusap kami, napansin kong naglalakad papasok si JK, suot pa rin ang paborito niyang black hoodie kahit nasa tindi ng tanghali. Hindi ko maiwasang mapansin kung paano tila automatic na umiiwas ang mga tao habang dumadaan siya. Kahit papaano, may presensya siyang hindi basta-basta pwedeng balewalain."Bingo," sabi ko kay Trina, sabay turo gamit ang nguso kay JK. "Perfect timing.""Good luck sa'yo," sagot niya. "Mukhang mas madaling makipag-usap sa pader kesa diyan."Ngumiti ako nang matamis, pilit pinapalakas ang loob ko. Alam kong hindi ito magiging madali, pero kung kailangan kong simulan ang "Operation: Tulay si JK," ngayon na ang pagkakataon.Lumabas kami ng canteen, pero bago pa kami makalayo, biglang tumigil si JK malapit sa drinks counter. Parang may biglang nag-flash sa isip ko. Ngayon ko pa lang siguro maiintindihan kung bakit ang init ng campus pero ang presensya niya ay parang malamig na hangin na dumaan. Parang challenge accepted ang dating.Ang init ng araw, ang dami nangyayari, at mukhang magiging mas mainit pa ang mga susunod na araw. Habang naglalakad kami pabalik ng classroom, hindi ko maiwasang mag-isip.Ang simpleng plano ko na Operation: Tulay si JK ay parang nagiging mas komplikado. Paano nga ba ako makikipag-usap sa isang tulad niya? Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Pero isa lang ang sigurado ko—hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang atensyon ni Markus Zein.Habang sinusundan ko ng tingin si JK, hindi ko napansin na tumingin siya pabalik. Saglit lang iyon—isang segundo ng koneksyon—pero sapat na para mahulog ang puso ko sa kaba. 'What the—' bulong ko sa sarili. Ang simula ng plano ko, mukhang mas magiging komplikado kaysa sa inaasahan."Mae," sabi ni Trina habang sinusundan niya ang direksyon ng tingin ko. "Huwag mong sabihin na si JK talaga ang magiging target mo?"Ngumiti ako. "Exactly."At sa araw na iyon, habang palapit na kami sa classroom, alam ko na ang mission ko!Hindi lang si Markus ang magiging goal ko. Si JK rin—hindi para mahalin, pero para gawing tulay.Kahit ano pa ang mangyari, hindi ako susuko.Simula pa lang ito.Nagsisimula nang maging komplikado. Sa isip ko, kaya ko 'to. Hindi naman siguro ganun kahirap makipagkaibigan sa isang tulad niya, di ba? Pero habang iniisip ko kung paano ko sisimulan ang plano, parang may maliit na boses sa likod ng utak ko na nagsasabing, "Mae, baka hindi mo alam kung ano ang pinapasok mo."Alam kong hindi magiging madali. Pero kung ang premyo sa dulo nito ay si Markus, worth it naman siguro. Right?