THEY did buggy car racing for over an hour. Nagpaalam sina Franki at Argel na babalik na sa kanilang hotel room. Samantala, pinili ni Veronica na mamasyal at sinamahan siya ni Arthur.
Walang salitang namutawi sa bibig ni Veronica habang nakatingin sa magandang tanawin. Napasinghap siya habang nakatingin sa unti-unting paglubog ng araw.
Destiny Island-it's one of the most remote, inhabited islands so if you're looking for some quality time, this is your place. The landscape is breathtaking.
"Ang ganda," bulong niya sa hangin. Hindi niya maalis ang paningin sa magandang tanawin. Hinawakan niya ang braso ni Arthur. "Ang ganda 'di ba?"
"Yes," simpleng tugon ng binata. Nasisiyahan siyang pagmasdan ang magandang mukha ng dalaga.
"Ang ganda ng sunset."
"Yes."
"Abutan man ako ng gabi rito, hinding-hindi ako magsasawang pagmasdan ang kaakit-akit na ganda ng isla."
"Yes. Hindi rin ako magsasawang panoorin ka-este, isla."
Nakangiting binalingan niya ito na nakatingin pala sa kanya. "Puro ka, yes. Inuuto mo lang yata ako."
Alanganin itong ngumiti. "It's beautiful," sabi nito na nakatingin pa rin sa kanya.
"Kailangan kong kunan ng litrato ang paglubog ng araw." Bago pa makunan ni Veronica ang sunset ay kinuha ni Arthur ang cell phone sa kamay niya.
"Okay. Let's take a picture," bulong nito sa tapat ng kanyang tainga.
Tumama sa leeg niya ang mainit na hininga nito. Nanayo ang balahibo niya sa braso. Hindi niya alam kung dahil ba sa malamig na simoy ng hangin, o dahil sa lalaki. He was close to her.
Napalunok siya. Kahit hindi tumitingin sa salamin, alam niyang namumula ang pisngi niya.
Nagulat si Veronica nang pinihit siya ni Arthur patalikod sa view, ipinatong ang braso sa balikat niya saka hinila palapit sa katawan nito. Parang gustong kumawala sa ribcage ang puso niya sa lakas ng tibok nito.
Bahagyang yumuko ito para magtapat ang kanilang mga ulo at idinikit ang pisngi nito sa pisngi niya.
"Smile," utos nito, nakataas ang braso sa harap nila para magkasya sila sa camera ng cell phone.
Ubod-tamis na ngumiti si Veronica kahit hindi siya mapakali. Nagkaroon ng pagkabalisa sa loob niya. Ramdam na ramdam niya ang mainit na singaw ng katawan nito.
"One more, gorgeous!" Ipinatong ang baba nito sa tuktok ng ulo niya. Wala sa loob na napangiti siya. Eksaktong pinindot nito ang camera. "We look good."
Matamis siyang ngumiti. "Is it okay if I send our picture to my friends? You know, I just want to show them that my solo honeymoon is going well."
"Of course."
Iniwan siya sandali ni Arthur para habulin ang nagtitinda ng buko juice. Nag-sign language ito sa kanya. She replied with a thumbs-up.
Nag-online siya sa fizbook. Ang ngiti sa labi niya'y unti-unting nabura. Sumikip ang kanyang dibdib nang una niyang makita ang mga larawan ni Greg. He looks happy. Mula nang takbuhan siya ng lalaki sa mismong araw ng kasal nila, hindi na ito nagparamdam sa kanya.
Kahit man lang sana sorry... sa isip niya.
Matapos ipadala ang larawan nila ni Arthur sa kanyang kapatid at mga kaibigan, itinago niya ang aparato sa bulsa ng kanyang jeans.
Pagbalik ni Arthur ay may dala itong dalawang buko. Iniabot nito sa kanya ang isa. Napamaang siya nang hawiin nito ang ilang hibla ng buhok niya na tumatabing sa kanyang mukha at inipit sa likod ng tainga niya.
"T-thanks." Hindi baluktot ang dulo ng dila niya pero nauutal siya.
Umupo sila sa wooden bench na nakaharap sa sunset.
"So what have you got planned for the rest of your day?"
Uminom muna siya ng buko juice bago kinuha sa bulsa ng jeans ang cell phone. "Gumawa ako ng isang listahan ng lahat ng mga bagay na gusto kong gawin habang ako'y nasa isla. It was everything I was supposed to do with him who shall not be named. I put so much planning into the list. I'm determined to tackle them all."
"Well, it's probably a good distraction and a way to help you feel, like you have some sort of power over the whole situation."
She showed him the 'I✓list app' installed on her cell phone.
Pinasadahan naman ng tingin nito ang cell phone niya. "I'm just curious. What is written on number one? If you haven't done it yet, I'll help you do it."
Naibuga niya ang iniinom na buko juice. Kumakabog ang dibdib niya sa labis na kaba at kahihiyan. Fortunately, she deleted number one from her to-do list. Paano kung hindi? Yikes!
"Parental guidance-you know," namumula ang mukha na tugon niya. Screaming orgasm ang nasa number one list niya.
Tingin niya'y nahulaan naman nito ang ibig niyang sabihin. His lips formed a circle. Pasimple itong sumipol bago sinabing-oh!
"Seriously though. How are you doing?"
"I'm okay. Um-you know, I think my confusion about the whole thing has kind of outweighed the misery. I just-I don't get it. I thought we were in love."
"Well, can't you still love someone but still know that they might not be a match?"
"You know, my sister said something interesting to me. She said, 'I need to figure out what love is, and then maybe I'll be able to figure out what went wrong."
"So what do you think love is?"
Sumikdo ang dibdib niya nang magsalubong ang kanilang mga mata.
"They said, love does not begin and end the way we seem to think it does. Love is a battle, love is a war; love is growing up. But I don't know either. For me, love is unexplainable." Ibinaling ni Veronica ang paningin sa sunset. "Ikaw, Arthur, ano para sa iyo ang pag-ibig?"
Napatingin siya rito nang marinig ang malalim nitong paghinga.
"Sabi nila nagmamahalan ang dalawang tao kapag parehong bumibilis ang tibok ng puso nila at masaya sila kapag magkasama. Malalaman mo lang na in love ka sa isang tao kapag iyong taong iyon ang pinaka-espesyal na tao para sa iyo at pinahahalagahan mo."
Wala sa sarili na dinama ng palad niya ang kanyang dibdib. Her heart is beating fast right now. Hindi niya alam kung bakit madalas niyang nararamdaman iyon kapag malapit sa kanya ang présensiyá ni Arthur.