TATLONG oras na ang nakalipas mula nang ihatid siya ni Arthur sa kanyang suite. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya.
Nagsalin siya ng wine sa kopita. Inalog-alog, inamoy, at saka diretsong ininom. Muli siyang nagsalin ng wine at tinungo ang terrace. At mula sa kanyang kinatatayuan, malaya niyang pinagmamasdan ang maliwanag na buwan at ang mga bituin sa langit. Parang kumikindat ang mga 'yon sa kanya.
Itinaas niya sa ere ang tangan na kopita habang hindi inaalis ang tingin sa buwan. Muntik niya nang makalimutang batiin ang sarili. Kung noo'y may pait pa sa kanyang ngiti, ngayo'y maluwag na 'yon. Marahil, malaki ang naitulong ni Arthur sa kanya para madaling makalimutan ang mapait na kinahantungan ng relasyon nila ni Greg.
"Happy honeymoon, Veronica!" bati niya sa sarili. Mabini siyang ngumiti sa buwan at saka sumimsim ng alak.
Umalis siya sa terrace. Matapos inumin ang ikatlong kopita ng alak, nagpasya siyang humiga sa kama.
Hindi pa naman siya nakakaramdam ng antok. Pinindot niya ang cell phone. Bumungad sa kanya ang picture nila ni Arthur noong nag-buggy car racing sila. May larawan din sila na kasama sina Franki at Argel.
Bago bumalik sa hotel, nag-whale sharks viewing sila. It was a fun experience though at first, medyo natatakot at kinakabahan siya. Arthur was by her side, encouraging her.
At nang lumusong na siya sa dagat at makasama ang mga whale shark, unti-unting nawala ang takot at kaba niya. Marami rin siyang pictures at videos sa ilalim ng dagat kasama si Arthur.
May kakaibang kislap sa mga mata ni Veronica nang makita ang larawan nila ni Arthur, kuha ito noong nasa Top lookout sila–isa sa mga sikat na tourist spot sa isla. Ang background nila sa larawan ay ang magandang tanawin ng isla at ang papalubog na araw.
"Naughty..." mahinang usal niya. Para silang teenagers na bagong sibol. Sa picture ang sweet nilang pagmasdan. Nasa tuktok ng ulo niya ang baba ni Arthur habang nakahawak naman siya sa isang braso nito. Parehong may matamis na ngiti sa mga labi.
Muli siyang nagpadala ng mga larawan nila ni Arthur sa social media account ng kanyang kapatid.
Camille,
"Hmm... Mom asks, if there is something special between you and Mr. Stalker?"
Pretty Me,
Oh, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ko siya stalker?
Camille,
Fine... (Smiley emoji) So what is his real score to you?
Pretty Me,
Arthur and I are just friends. Huwag kang tsismosa, ha? Baka mamaya kung ano na naman ang ikuwento mo sa mga kaibigan ko. I swear! Hindi lang kita tutuktukan sa noo, makukurot pa kita sa singit!
Camille,
Oopsy, I posted the pictures on my fizbook. I have also sent them to your friends. Oh, sissy, you look good together. (Peace sign hand emoji)
Nanlaki ang mga mata ni Veronica sa huling mensahe ng kapatid. Alam niyang magkaibigan sina Greg at Camille sa fizbook. Ano na lang kaya iisipin ng ex-fiancé niya kung makita ang mga larawan niya na may kasamang ibang lalaki?
Well, bakit siya mag-aalala kung makita iyon ni Greg? Wala rin siyang pakialam sa maaaring isipin nito. Simula nang talikuran siya nito'y hindi na nagparamdam pa sa kanya.
She took a deep breath. Tinawagan niya ang kapatid at sandaling nakipag-usap sa kanyang ina. Lihim siyang natutuwa dahil hindi na nito bukambibig si Greg. Hindi na siya kinukulit na makipag-ayos sa lalaki.
***
HUMIHIKAB na hinawi ni Veronica ang kurtina na tumatabing sa sliding window.
"Hello, sunshine!" ani Veronica habang nakatingin sa pag-akyat ng araw.
Magaan ang pakiramdam niya nang umagang iyon. Pagkatapos ligpitin ang higaan, nagpadala siya ng mensahe sa kanyang ina, kapatid at mga kaibigan. Good morning!
Tulad ng nakagawian, sampung minuto siyang nag-ehersisyo bago naligo. May libreng breakfast sa hotel pero mas gusto niyang uminom ng kape sa 'Lover's Cafe'.
She wore a romper with a green leafy print which looked amazing and perfectly matched the background of the island.
Pinagmasdan niya ang sariling repleksyon sa salamin. Hindi sa pagmamayabang, isa siya sa mga babaeng biniyayaan ng magandang mukha, perpektong hubog ng katawan at magandang kutis.
Gamit ang blower, pinatuyo niya ang buhok at ipinusod iyon. Naglagay rin siya ng pulbo sa mukha at lip balm sa mga labi. Pagkatapos mag-spray ng pabango, nagpasya siyang lumabas ng kanyang silid.
"Good morning!"
Napatalon siya sa gulat nang bumulaga sa paningin niya si Arthur. Tulad niya'y bagong ligo rin ang lalaki. Fresh na fresh ang hitsura nito. Bumagay rito ang suot na plain T-shirt at cargo shorts.
"Arthur!" bulalas ni Veronica na nakahawak pa rin sa sariling dibdib. Nagulat talaga siya. Hindi niya inaasahan na ganito kagandang tanawin ang bumungad sa kanya. Shame!
"I'm sorry, Veronica. Nagulat pa yata kita," anito at pinong ngumiti sa kanya.
"Medyo," pag-amin ng dalaga. Isinara niya ang pinto ng kanyang suite. Muli niyang hinarap si Arthur. "Kanina ka pa rito?"
Ngumiti at nagkibit-balikat ang lalaki. "I was going to invite you to have breakfast at Lover's Cafe," sa halip ito ang sinabi.
"Sure," mabilis niyang sagot. Wala siyang naramdamang pagtutol sa kalooban niya. Hindi niya sinabi rito na papunta rin siya sa Lover's Cafe.
Habang naglalakad sila sa pasilyo, pinag-usapan nila kung ano ang kanilang gagawin para sa araw na iyon. Kinuha ni Veronica ang cell phone sa kanyang purse.
"Gusto kong mag-snorkeling."
"Let me see this list," paalam sa kanya ni Arthur. Walang atubiling ibinigay niya rito ang kanyang cell phone. "Thank you."
Nakangiting tumango lang siya.
"Whoa. Jetski at sunrise." Sumulyap ito sa kanya.
"Yes." Dumukwang siya sa cell phone na hawak nito. "It seems fun, right?"
"Yeah." Masuyong pinisil ni Arthur ang tungki ng ilong niya. "Flyboard?"
"Isa iyan sa paboritong water sports activity ng ex-fiancé ko, tuwing pupunta sila ng mga kaibigan niya sa Isla Azul. Hindi ko pala nabura 'yan."
"Well, would you maybe go with me?"
"W-what?"
"Well, yeah, sure why not?"
Tinapik niya ito sa dibdib. "You and me... together?"
Nakangiti itong tumango.
Napatitig si Veronica sa mga mata ni Arthur. Ipinangako sa kanya ni Greg na gagawin nila ang couple flyboarding sa araw ng kanilang honeymoon. Sana… pero walang kasal na nangyari.
"N-no. Okay lang ako. Hindi mo kailangang maawa sa akin, Arthur. I can do the things on my to-do list by myself."
"Veronica, this trip hasn't exactly been easy in both of our lives. Look, as much as I've been filling my time, it would be nice to spend some time with somebody who gets it. What do you say?"