Chereads / Whirlwind Romance... / Chapter 19 - Chapter 19

Chapter 19 - Chapter 19

NANG makarating sila sa Emerald Falls, her jaw dropped. Sulit ang paghihirap ni Veronica dahil napakaganda ng Emerald Falls–proves to be one of the most breathtaking waterfalls in the Philippines. It is not too high or too powerful, but it is gorgeous with a very relaxing ambiance. 

This waterfall features water flowing to several layers of limestone terraces. These terraces appear like water basins filled with clean and refreshing water.

Arthur snapped his finger to get her attention.

"Napakaganda ng Emerald Falls. Huge rock formations, tall trees, and thick vegetation serve as its background!" Ibinagsak niya ang kanyang backpack sa isang malapad na bato at kinuha ang kanyang cell phone mula sa loob nito. Hinila niya ang kamay ni Arthur. "Come on, let's take a picture."

Pinaunlakan naman siya ng binata. Kung hindi namatay ang cell phone niya, hindi siya titigil sa pagkuha ng litrato. Kahit pagod si Veronica, masasabi niya sa sarili na sobrang saya niya.

"You can use my cell phone to take pictures," sabi ni Arthur.

Umiling si Veronica. Itinago niya sa backpack ang aparato. "Sa palagay ko'y sapat na ang larawang na-save ko sa aking phone gallery."

Nagkibit-balikat ang binata. "Gusto mo bang maligo?"

Humalukipkip siya at nagkunwaring nag-iisip. Tinitigan siya sa mukha ni Arthur na parang naghihintay ng sagot niya.

"Turn around," natatawang sabi ng dalaga. "So I can undress and jump into the water!"

Tumalikod si Arthur at hinintay na marinig ang splash ng tubig bago humarap muli. Nakita nitong nasa tubig na si Veronica. She was like a mermaid happily splashing water. Hindi nito napigil ang paghanga sa ganda ng dalaga.

"Aren't you going to swim?" sigaw ni Veronica. Nakita niya kasing hindi pa rin kumikilos sa kinatatayuan nito ang binata.

"I'm coming in now!" sagot nito, sabay hubad ng damit.

Sumisid ito at kiniliti siya sa talampakan. Tumili siya dahil sa pagkagulat at pagkakiliti. Sinabuyan niya ito ng tubig sa mukha. Kaagad siyang lumangoy palayo, pero mabilis siyang naabutan nito. Matagal din silang naglaro sa tubig. Hindi nila napansin na kalahating oras na pala ang lumipas.

Ngunit ang pagsinta na pilit nilang binabalewala ay parang apoy na nagsisimula nang nagliyab sa loob ng kanilang katawan. At nang makita ni Arthur si Veronica na nakapikit, nakaupo sa bato habang lumalagaslas ang tubig sa kanyang kabuuan, hindi nito napigilan ang sariling lapitan siya.

"Arthur!" Nagulat siya nang pagmulat ng mga mata'y nakita ito na nakatayo sa harapan niya. Sobrang lapit nila sa isa't isa.

Nahigit niya ang hininga nang haplusin nito ang kanyang pisngi. At sa mga mata nito na nakatitig sa kanya ay dalawa lang ang nababasa niya.

Pag-ibig.

Pagnanasa.

"Akala ko hindi na ako makakaramdam ng kaligayahan. Pero hindi, nararamdaman ko na masaya ako dahil sa iyo," seryosong sabi ni Arthur habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Kumakabog ang dibdib ni Veronica. Halos mapanganga siya sa narinig. Tama ba ang narinig niya? O baka naman ilusyon niya lang?

"A-ano bang sinasabi mo?" aniya sa kawalan ng sasabihin. Gusto niyang sawayin ang kamay nitong patuloy na humahaplos sa kanyang pisngi, ngunit tumututol ang kalooban niya.

"I like you, Veronica. And I adore you."

"A-Arthur, baka nabibigla ka lang sa sinasabi mo."

Umiling ito at inilapit ang bibig sa punong tainga niya. "Would it be okay if I kissed you on the lips?"

Nanlaki ang mga mata ni Veronica nang bigla na lang sakupin ng mga labi ni Arthur ang mga labi niya. Ramdam na ramdam niya ang mainit na sensasyon na dumaloy sa kanyang katawan nang maglapat ang kanilang mga labi. Saglit na saglit lang ang halik na iginawad sa kanya ng binata. Para ngang mas tamang sabihin na dumampi lang na parang hangin ang mga labi nito sa mga labi niya.

Napakawalan na ang mga labi niya'y tulala pa rin siya. Pakiramdam niya'y nanigas ang buong katawan niya at hindi alam kung ano ang ire-react pagkatapos ng ginawa ni Arthur.

Ilang beses muna siyang napalunok bago nakuhang makapagsalita. "Arthur, baka naguguluhan ka lang–"

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil muli nitong inangkin ang mga labi niya. At sa pagkakataon na iyo'y mas marubdob ang halik na iginawad nito. Her heart was beating so wildly, she could only take little sips of breath.

"Sandali lang–"

"Ssh…" pigil nito sa anumang sasabihin niya. "Look, Veronica, alam kong nag-e-enjoy ka rin kasama ako. We're happy together, aren't we? Isn't that enough?"

Isang madamdaming bulong iyon at tinugon ito nang mabilis na tibok ng kanyang puso. Ramdam na ramdam niya ang hininga nito sa tungki ng ilong niya, ang init ng katawan nito na dumampi sa kanyang balat at tila sinusuri ng mga mata nito ang mismong kaluluwa niya.

Nang hindi siya sumagot ay niyakap siya nito. "Alam kong nabigla ka sa outburst ko. Pero hindi ko mapigilan. Parang sasabog ang dibdib ko kapag hindi ko inamin ang tunay kong nararamdaman para sa 'yo. We will take it one step at a time, Veronica. Liligawan kita at gagawa tayo ng bagong masasayang alaala. Panahon na para gumawa ako ng bagong pahina sa buhay ko kasama ka."

Ibinuka ni Veronica ang bibig. Pero walang katagang lumabas sa bibig niya. Parang na-freeze ang utak niya at hindi siya makapag-isip nang maayos.

Hindi niya inaasahan na iyong mga pagkakataon na nakakaramdam siya ng kakaiba, senyales na pala ng unti-unting pagkahulog kay Arthur. Sa sandaling panahon lang ay naramdaman niya sa binata ang mahiwagang pakiramdam na tinatawag na 'pag-ibig'. At masarap iyon sa pakiramdam dahil pareho sila ng nararamdaman.

Bumaba ang ulo ni Arthur at muling inangkin ang mga labi niya. Pakiramdam niya'y nawala sa lugar ang kanyang puso. Pagkatapos, parang huminto na ang tibok niyon nang mas lumalim pa ang halik nito.

Without thinking, her hands slid up his chest and felt his heart hammering against her fingertips.

Click!

Kapwa sila natigilan at sabay kumalas sa isa't isa, kasabay ang paglingon nila sa kaliwa. Isang babaeng may hawak na camera ang nakita nila. Pamilyar kay Veronica ang mukha nito. Ito ang nakita niyang kumukuha ng video ng couple flyboarding na nilahukan nila–isa sa water activities ng isla.

"Whoops!" bulalas nito.

Bago umalis ang babae sa kinatatayuan ay nag-sign language ang mga kamay nito na parang sinasabing ipagpatuloy ang naudlot na halik.

Nag-aalalang napatingin si Veronica sa mukha ni Arthur. Akmang hahalikan uli siya ng binata pero pinigilan na niya ito. "Stop it. Hindi ka pa man nagsisimulang manligaw sa akin pero hinahalikan mo na ako," sabi niya kasabay ng panlalaki ng mga mata.

Malamlam ang mga matang tinitigan siya nito. "I can't stop thinking about your lips on mine."

Kinikilig siya pero hindi niya pinahalata. Marahan niyang tinapik ang dibdib nito. "Someone took a picture of us. Aren't you worried?"

Marahang hinaplos ni Arthur ang pisngi ni Veronica bago binigyan ng mabilis na halik sa labi ang dalaga. "Instead of worrying, I should be proud."