Chereads / Whirlwind Romance... / Chapter 16 - Chapter 15

Chapter 16 - Chapter 15

LAHAT ng kalahok sa couple flyboarding ay nakaharap sa babaeng may hawak ng mikropono.

"Listen, everyone! The winning couple is Mr. & Mrs. Frankie Avilla. They won a romantic dinner at the Best View Seafood House. Yay!"

Masaya ang lahat. Lalo na si Veronica. Hindi man sila ang nanalo sa couple flyboarding, nagkaroon siya ng masayang sandali kasama si Arthur.

"Congrats!" Niyakap ni Veronica si Franki.

Si Arthur nama'y kinamayan si Argel.

Napagkasunduan nilang apat na mag-island hopping with lunch at scuba diving. Kanya-kanyang pili sila ng diver wetsuit, scuba mask, snorkel, fins, dive regulator, buoyancy control device at tank.

Nilibot nila ang isla upang masaksihan ang magagandang tanawin sa ibabaw ng dagat. Napakaganda ng isla. Napakasariwa ng hangin. Walang bahid ng polusyon.

The instructor was very informative. Their guide is very caring. Matapos sabihin sa kanila ang mga alituntunin at hakbang ng kaligtasan na kailangan sundin sa pagsisid, pumunta sila sa laot o sa medyo malalim na parte ng dagat para mag-scuba diving.

Upon reaching the spot, everything is already prepared for the snorkelers and scuba divers.

"Game?"

Bumaling siya kay Arthur nang hawakan nito ang kanyang kamay. Nakangiting tumango siya. Sabay silang tumalon sa tubig.

Gamit ang kanyang camera, kinuhanan niya ng larawan ang kagandahan ng ilalim ng tubig. Kinuhanan din niya ng larawan ang binata na naka-wacky pose.

For Veronica, as a first-time snorkeler, it was just overwhelming. Mahirap ilarawan kung ano ang pakiramdam na makita kung ano ang nangyayari sa ilalim ng tubig–ito'y tulad ng pagpasok at paggalugad sa isang hindi kilalang mundo.

She enjoyed watching all the different fish, the colors, the reefs, and the whole marine life. Tuwang-tuwa siya habang lumalangoy kasama ang mga magagandang isda at korales.

Pagkatapos ng apatnapu't limang minuto ay bumalik sila sa dalampasigan at kumain ng tanghalian.

"Anyways, we realized that we already have dinner reservations on a boat, so we wanted to see if you two would like the dinner at the Best View Seafood House that we won?" sabi ni Franki habang kumakain sila.

Napatingin si Veronica kay Arthur. "Oh, I don't know."

"I think it sounds really nice. Thanks, guys." Ngumiti si Arthur sa kanya.

Napa-yes na rin ang dalaga. Naisip na lang niya na nakakahiyang tumanggi sa mag-asawang itinuturing na niyang mabuting kaibigan.

"Great!" si Argel. "It's 7 o'clock. I'll let Vivi know."

Franki looked at her meaningfully. Alam na nito ang totoo tungkol sa kanila ni Arthur. "You guys, enjoy tonight."

***

BEST VIEW SEAFOOD HOUSE.

A seafood restaurant inside an eco park was not her idea of a romantic dinner.

Romantic dinner?

Bakit siya nag-iisip ng romantic dinner? Hindi naman sila magde-date. Iwinaksi niya ang nasa isip. She ordered lobster. Arthur also ordered other seafood dishes.

"Mm, this was delicious!"

Lahat ng kinain nila ay libre ng tinutuluyan nilang hotel. Maging ang alak na ngayo'y inilagay ng server sa table nila. Inabot niya ang kopita at sumimsim ng alak.

"Well, thank you for sharing it with me. Even though it wasn't on your list."

Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. Pero bigla siyang naging seryoso. "Alam mo, napagtanto ko habang lumilipas ang araw, hindi ko na iniisip si Greg."

Sumimsim muna ng alak si Arthur bago nagsalita. "Well, it makes sense that you think of him. You were supposed to get married months ago. I think, Dianna. I think it's okay to remember that there's good stuff in our memories of them."

"That's true," sang-ayon niya rito.

Lumabas sila ng restaurant. Niyaya siya ni Arthur na mamasyal sa greenfield sa eco park sandali bago bumalik sa hotel. Pumayag siya dahil gusto niyang sulitin ang mga nalalabing araw niya sa isla. Gusto rin niyang makasama pa si Arthur. Nag-e-enjoy kasi siyang kausap ito at parang ayaw niyang matapos ang kuwentuhan nila.

"Tell me something you loved about, Greg."

Sandaling natahimik si Veronica. Napabuga siya ng hangin. "I loved that he always kept the plans. He's always on time, very dependable."

"Good qualities." Lumingon ito sa kanya. "Anything you didn't like?"

"Probably that everything was so planned out. That I always knew how the day was going to end before it began. But that wasn't entirely his fault." Tumingala siya para masilip ang mukha nito. "What about you with Dianna?"

Bumuntong hininga ito. "She was attentive and thoughtful. Dianna always made sure to say good morning and good night, even if it was just a text message. No matter where I was, I could always count on that."

"And the thing you didn't like?"

"Probably if I didn't answer those text messages right away, she would get really suspicious. Always bothered me." Tumigil ito sa paglalakad. Sinalubong nito ang mga mata niya. "Did Greg ever have any complaints about you?"

"Oh, I'm sure he had plenty." Mahina siyang tumawa.

"D-do you still love him?"

"Huh?"

Hindi nagsalita si Arthur. Tinanaw nito ang malawak na pond.

"Night fishing?" tanong niya nang makita ang ilang nangingisda sa water bridge.

"Do you want to try night fishing?"

Humagikgik siya. "I haven't tried kahit day fishing."

Tinapik siya nito sa balikat at ngumiti. "I'll teach you how."

Ilang saglit pa'y nasa water bridge na sila at may hawak na fishing rod.

Pinagmasdan ni Veronica ang bilog na bilog na buwan habang mahigpit na hawak ang fishing rod. May kaunting liwanag sa paligid dahil sa buwan. Kumikislap din ang dagat dahil sa liwanag na nagmumula roon.

"I'm weak," mahinang sabi ni Arthur.

Mabilis na nabaling ang tingin niya sa binata. "Bakit mo naman nasabi?"

"Dahil hindi ko siya nagawang ipaglaban," tukoy nito kay Dianna.

Veronica bit her lower lip. She's curious about what happened in his relationship with Dianna. Pareho silang nabigo sa pag-ibig. Pero may pakiramdam siya na gusto niya itong damayan.

"When I met Dianna, she was broken-hearted. We both work in the same company. Naging magkaibigan kami, hanggang sa pareho naming naramdaman na nahuhulog na kami sa isa't isa. Niligawan ko siya. Unti-unti, minahal ko siya. Alam ko na noon pa man na magiging karibal ko sa buhay niya si Brix."

"Brix?" tanong niya kahit may ideya na siya kung sino ito.

"Dianna's ex-boyfriend."

Hindi na inamin ni Arthur sa dalaga na pinaiimbestigahan niya ang dating nobya. Pangalawang araw pa lang niya sa Destiny Island, nang makatanggap siya kaagad ng balita mula sa binayaran niyang private detective.

Dianna got back into a relationship with her ex-boyfriend. After she sold the condo he gave her, she moved to Brix's house.

"Kahit na sinasabi niyang wala na siyang nararamdaman para sa kanyang dating nobyo, nandoon ang takot. Para sa akin, si Brix ay isang banta sa pagitan namin ni Dianna. Then I realized, ako ang banta sa pagitan nilang dalawa. Mahal pa rin ni Dianna si Brix. She was happy with him. I can't take that away from her. Kaya kahit masakit, ipinauubaya ko na siya sa lalaking totoong mahal niya."

Hindi nakapagsalita si Veronica. Ang hirap naman nito.

Madaling magbigay ng payo at magsabi na tama si Arthur. Pero hindi gano'n kadali. Oo, pareho silang heartbroken, pero sa magkaibang dahilan.