Chereads / Whirlwind Romance... / Chapter 21 - Chapter 21

Chapter 21 - Chapter 21

NALAMAN ni Greg mula kay Camille na nasa Destiny Island si Veronica. Pagkatapos mag-check in sa hotel, naghanap ito ng restaurant at aksidenteng nakita na magkasama sina Veronica at Arthur. Dala ng bugso ng damdamin, sinugod nito ang lalaking kasama ng dalaga.

Hindi matukoy ni Veronica kung bumilis ba ang pintig ng kanyang puso o kinakabahan siya? May kinalaman kaya roon ang presensiya ni Greg, o natatakot lang siya sa magiging resulta ng kanilang pag-uusap?

Kasalukuyan silang nasa 'Lovers Cafe' at napili nilang kumuha ng table sa labas. Magkatapat ang mga silya na kanilang inuupuan. Hinihintay niya ang gagawin nitong paglalahad ng mga bagay na gusto niyang malaman. Sinalubong niya ang paningin nito. Siyempre kagaya nang dati, guwapo pa rin ito. Ni wala siyang maramdamang galit kay Greg. Tanggap na rin naman kasi niyang hindi sila magkakatuluyan.

Subalit tila naghihintay ang dalaga sa wala. Wari ba'y hindi alam ng lalaki kung saan magsisimula. Lalong tumindi ang kaba na nararamdaman niya. At kung hindi magsasalita si Greg, paano mabibigyang linaw ang totoong dahilan kung bakit ito missing in action sa araw ng kanilang kasal?

"Handa akong makinig sa mga sasabihin mo." Siya na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila.

"Veronica, I have to tell you something." Tila humihingi ng pang-unawa ang mga mata nito. "It all started when I slept with someone at the conference. And I'm so sorry."

She quickly picked up her Iced Dark Chocolate Mocha and drank it. "You know... I knew something was off with you. But I wasn't expecting that."

Nagkakilala sila through a common friend. Agad itong nagpakita ng interes sa kanya-na 'di naglaon ay niligawan siya. And he was sweet, thoughtful, caring.

Greg Remulla was her first love and first boyfriend. They're physical relationship had not even gone beyond kissing and holding hands.

Being engaged still didn't make her want to be in that level of intimacy with him. Honeymoon is supposed to happen after the wedding at madalas nila iyong pag-awayan. Ayaw niyang gawin ang isang bagay nang hindi pa siya handa.

"Who was it?"

"Anikka Laureta."

Nag-inhale and exhale siya. "Work colleague?"

"Yes. Anikka Laureta, Founder and CEO of Laureta Construction and Development Corporation. Nag-alok siya ng champagne sa isang partikular na matagumpay na deal, at para batiin din ako sa pagiging bagong Project Director sa kanilang kompanya." Sinubukan nitong hawakan ang kamay niya pero umiwas siya. "We were just talking for a while and... yes, something happened at the conference. I'm a man and have physical intimacy needs, Veronica."

Nanigas ang kanyang kalamnan sa tinuran nito. "Bakit parang kasalanan ko... na natukso ka sa ibang babae?"

"No! I'm sorry you took that the wrong way," mukhang sincere naman ito sa sinabi at sunod-sunod na nagpakawala ng buntong-hininga. "One slip... one mistake. I was tempted to have s*x with my employer. My mind was my own living hell. I cheated and I regret it."

"She's a good catch," sarkastiko na sabi niya.

Hindi pinansin ni Greg ang pasaring niya. Nanatiling malungkot ang awra ng mukha nito. "Mahal ako ni Anikka. To the point na masyado na siyang obsessed na maangkin ako nang lubusan. Handa siyang iwanan ang lahat. Ililipat niya sa akin ang pamamahala ng mga negosyo kapag pinili ko siya at pakasalan. Si Anikka ang susi para matupad ang pangarap kong maging CEO ng 'Laureta Construction and Development Corporation."

Bumuhos na sa kanya ang katotohanan. Napakagat-labi siya. Masakit tanggapin ang rason ni Greg. He dumped her because of his ambition.

"Tinalikuran mo ako dahil sa mga pangarap mo. Anong klaseng ambisyon mayro'n ka, Greg? Kasuwapangan nang matatawag iyon!"

Nagkaroon ng lambong ang mga mata nito. "Alam kong nasaktan kita. I'm so sorry for breaking your heart-"

"Why did you do it?"

"I was blinded by my own selfish needs. I hope you can forgive me. Sometimes, I find myself rehearsing all the things that I want to say to you."

Sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila na para bang may dumaan na mga Anghel dela Guardia.

Huminga siya nang malalim at hinamig ang sarili. Tinalikuran siya ni Greg sa araw ng kanilang kasal, walang sinabi o ipinaliwanag. And without closure, she couldn't understand what had happened.

"I guess, this will be our closure. Our journey together is over. It's time for us to find our own paths and discover something even more wonderful."

"I messed up."

"You didn't. You did exactly the right thing. Do you know why? I realized just now, you didn't break my heart; you freed it." Kahit paano, gumaan ang pakiramdam niya. Tumayo siya. "I have to say goodbye now."

Mabilis na tumayo si Greg at napigilan sa isang braso si Veronica. "Iniwan ko si Anikka dahil ikaw ang mahal ko. Please give me a second chance. I really, really want you back in my life. I'm beggin' you, please come back to me..."

Saglit niyang tinitigan ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. Dahan-dahan niyang inangat ang mukha at sinalubong ang paningin nito. Hinanap niya sa kaibuturan ang 'pagmamahal' na dati niyang nararamdaman para kay Greg. At nabigo siyang mahanap 'yon. Wala na ang lalaki sa dati nitong lugar sa puso niya.

Umiiling ang ulo na pinalis niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya. "I can't..."

For a moment, he looked disappointed. Para ring may naaninag siyang lungkot sa mga mata nito na dagli ring nawala. Walang buhay na ngumiti ito. "Dahil ba sa lalaking kasama mo kanina. Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mo na akong balikan?"

Napakurap siya at saka nag-iwas ng tingin. "He got dumped the same day I did," tukoy niya kay Arthur. "At wala siyang kinalaman kung hindi ko maibigay ang pangalawang pagkakataon na hinihingi mo. Cheaters are very good with words, I've kept that in mind all the time."

Sandaling hindi nakakibo ang lalaki. Pero nagulat ang dalaga nang bigla nitong yakapin. "Veronica, mahal na mahal kita. Ako lang ang lalaking puwedeng magmahal sa 'yo nang ganito."

"G-Greg..." Kahit paano'y nakaramdam siya ng habag sa dating katipan.

"Mahal kita," anas nito na humigpit ang yakap sa kanya. Hanggang sa marahil ay hindi na nito nakaya pang kontrolin ang sarili. Bumaba ang mukha nito para angkinin ang kanyang mga labi.

Nagulat siya sa ginawang kapangahasan nito. Bahagya niyang itinulak ito upang tumigil sa paghalik sa kanya. Napaatras siya. Lumayo siya rito. He called her name.

"Please don't follow me. Just let me walk away," pakiusap niya rito at patakbong nilisan ang lugar.