ILANG minuto na ba siya nakatayo sa harap ng matayog na hotel ng Destiny Hotel-Resort? Hindi niya alam. Sobrang nakamamangha ang disenyo nito. Pakiramdam niya'y nakaharap siya sa isang sinaunang palasyo.
Well, ang hotel ay dating kastilyo. Ang isla ay pribadong pag-aari ng pamilya Fuentevilla. Sa paglipas ng mga taon, ito'y inayos at ginawang isang hotel-resort.
Destiny Island is one of the best places in Asia to spend an awesome vacation full of adventure. From majestic jungle waterfalls to world-renowned diving and snorkeling, this island should not be missed.
There is a rumor. Destiny Island has something to do with the married life of the Fuentevilla men. The women who captured their hearts, landed on the island by fate-either on a boat, stranded ship or washed away by the waves.
Hanggang ngayo'y patuloy pa rin itong pinaniniwalaan ng bagong henerasyon ng pamilya Fuentevilla.
Taray! sa isip niya.
Siya kaya? Baka matagpuan niya sa islang ito ang lalaking nakaguhit sa palad niya.
Umiling siya. Nandito siya para ipagdiwang ang kanyang solo honeymoon at hindi para humanap ng lalaki. Gusto niyang ipamukha sa kanyang ex-fiancé, na hindi siya masyadong apektado sa pang-iiwan nito sa kanya. Na masaya siya kahit ang totoo'y wasak siya, hindi lang ang puso niya kundi ang buong pagkatao niya.
Lumapit sa kanya ang isang bellboy at tinulungan siyang buhatin ang kanyang bagahe. Pagpasok niya sa lobby, may nakita siyang babae sa front desk.
"Kumusta, maligayang pagdating sa Destiny Island, paboritong destinasyon para sa honeymoon. Maaari ba akong tumulong sa iyo na makapag-check in, ma'am?"
Her name was Vivi, nabasa niya mula sa name tag na naka-pin sa hotel uniform nito.
"Actually maaga ako ng isang araw. Tumawag ako sa reservation desk para subukang mag-book ng dagdag na isang araw." Dapat bukas pa ang flight niya. Umiiwas lang siya sa pangungulit ng kanyang ina.
Matamis na ngumiti ang babae. "Okay. Let me check, ma'am."
Nakuha ang kanyang atensiyon sa isang basket na puno ng iba't ibang disenyo ng mga kuwintas at pulseras na gawa sa mga kabibi o kapis, atbp. Shellcraft.
Dinampot niya ang cowrie shell bracelets set. Nagkakahalaga ito ng dalawang libong piso. "This is nice. I will buy it."
"Hindi mo na kailangan bilhin 'yan, ma'am. Libre ang mga 'yan para sa mga guest dito sa hotel-resort."
"Oh, talaga? Hindi na ako magtataka kung gaano kayaman ang may-ari ng Destiny Island." Natuwa siya. Hindi biro ang halaga ng bracelet set.
"Destiny Island, favorite honeymoon destination. Bakit pakiramdam ko may maaaring sumalungat sa tema ng resort?" natatawang wika ng babae habang ang mga mata'y nasa monitor ng computer.
Natigilan siya saglit. Ganito ba kalakas ang pakiramdam ng babae para sabihin iyon?
"Can I have your name, ma'am?"
"Yes. Veronica-it's Remulla. Iyon ang nakalagay sa reserbasyon, pero 'Aragon' talaga. Veronica Aragon." May pakumpas-kumpas pa siya ng mga kamay. Dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kausap ang tungkol sa kanila ni Greg. Napahawak siya sa sariling noo. "Pangalan ko na lang ang hanapin mo, miss."
Muling itinuon nito ang mga mata sa monitor ng computer. "Veronica and Greg Remulla."
Itinirik ni Veronica ang mga mata. Iniiwasan na niyang marinig ang buong pangalan ng lalaking 'yon.
"You have changed your reservation, and your suite is ready, ma'am."
"Good. Perfect. The only thing is Greg isn't going to be here. He didn't make it." Hindi niya alam kung malungkot ba ang ekspresiyon ng mukha niya habang nagsasalita. Nakita niya kung paano nanlaki ang mga mata ng kausap.
"Oh, my..." malungkot na sabi nito. "I'm so sorry to hear about the passing of your-"
"No! Hell, no!" sansala niya bago pa nito matapos ang sasabihin. "Hindi siya patay. Pero nandito ako. Ako si Veronica Aragon."
Nahihiyang tumango ito. Nakuha siguro nito ang ibig niyang sabihin. "We will take good care of you, Miss Aragon. At huwag kang mag-alala, magtiwala ka kay Vivi," tukoy nito sa sarili at ibinigay sa kanya ang kulay itim na card.
"Thank you, Vivi." Nagpaalam na siya rito. Hinayaan niyang bitbitin ng dalawang bellboy ang bagahe niya sa kanyang suite.
Napakaganda ng hotel. Pakiramdam tuloy niya kabilang siya sa mga disney princess na naliligaw. Mala-palasyo ang loob nito. There are chandelier everywhere. The paintings are absolutely stunning. The long staircase leading to the second floor of the hotel was carpeted in red and gold. Tinalo pa ang luxury hotels sa Manila na mga napuntahan niya-'pag kasama siya sa mga importanteng meeting ng boss niya, libre siya.
Natigilan siya sa pagmamasid nang biglang kumalam ang sikmura niya. Naghanap siya ng restaurant sa loob lang ng hotel. Agad siyang nakakita ng Chinese Restaurant.
Naglalakad siya patungo sa restaurant nang malanghap niya ang mabangong aroma ng kape. Nag-eeny meeny miny moe siya kung papasok siya sa Chinese Restaurant o sa Lover's Café.
Nagulat si Veronica nang may bumangga sa balikat niya.
"Miss, I'm terribly sorry-Veronica?"
"Ikaw na naman?" Lumapad ang ngiti ng dalaga nang makilala ang taong nakabangga sa kanya. "You have got to be kidding me."
"What are the chances?" Maging si Arthur ay nagulat nang makita muli ang babae.
"Paano ka napunta rito?"
Nagkibit-balikat ito at namulsa. "I thought I was going to a resort specializing in adventure, but I wasn't."
"Ano ba'ng nangyari?"
"I got into the wrong van. The driver introduced himself. He was Dos, and he was going to take me to the island. My fault. I didn't mention to him that my destination was Serpent Island."
"Dos? 'Yong drayber na mukhang hinete ang outfit?"
Tumango ito. Sinuklay nito ang buhok gamit ang kamay. "Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa drayber na 'yon."
Napahagikgik siya.
Si Dos-kung hindi mamatay ang pasahero sa aksidente, bibigyan naman ng nerbiyos.
Nalaman ni Veronica na naka-check in na si Arthur sa hotel at lumabas lang para mag-coffee. At dahil pareho silang mahilig sa kape, sabay silang pumasok sa 'Lover's Cafe'.