VERONICA swallowed and looked at the bamboo hanging bridge.
The bridge is made of bamboo and steel cables. Mukhang ligtas ito pero natatakot pa rin siya na baka mapigtas iyon kapag dumaan siya.
"Akala ko ba gusto mong maranasan 'to?" tanong sa kanya ni Arthur. Ang mga mata nito'y na kina Argel at Franki. Hawak-kamay na naglalakad sa tulay ang mag-asawa.
"O-oo nga," nginig ang boses na sagot ni Veronica. Ang tindi ng kapit niya sa poste.
Ang ibang mga turista na napadaan sa kinaroroonan nila'y napangiti nang makita siya.
"Veronica!" nakataas ang isang kamay na sigaw ni Franki sa kanya. "You can do it! Go!"
"Ayoko! Natatakot ako. Baka mamaya pagtapak ko, sa ilog ako pulutin!" ganting sigaw niya. Umarko ang kilay niya nang mapansin na nakangiti si Arthur habang nakatingin sa kanyang mukha. "Ano'ng binabalak mo?"
"Hindi masisira ang tulay dahil hindi ka mataba." Sinipat ng lalaki ang kabuuan niya. Tapos biglang huminto ang mga mata nito sa dibdib niya.
"Huwag ka ngang kung saan-saan nakatingin," nag-iinit ang mukhang saway niya. Itinakip niya ang magkabilang braso sa tapat ng dibdib.
Umiwas naman ito ng tingin. Pero bago gawin iyon, nakita pa niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito.
Kainis! Ang gwapo niya kapag naka-smirk! bulong niya sa sarili.
Inilahad ni Arthur ang isang kamay sa harap ni Veronica. "Hold my hand."
"No!" Umiling-iling siya.
Nagkibit balikat ito at nag-isip bago tumango. "Okay. I will hold your hand."
"Even better-" Nanlaki ang kanyang mata. "Niloloko mo 'ko, eh. Ano'ng ipinagkaiba no'n?"
Kumamot ito sa panga. "Natatakot ka 'di ba? Sa takot mo, baka mabitiwan mo ang kamay ko. Pero kapag hawak ko ang kamay mo, kahit anong takot mo at kahit anong mangyari, hindi kita bibitiwan."
Napangiti ang dalaga. Ang sarap pakinggan ng binitiwan nitong salita. May karapatan ba siyang kiligin?
"Don't be afraid," sabi nito at mahinang pinisil ang tungki ng ilong niya.
Tinanggap niya ang kamay nito. "Just don't let go of my hand."
Nakangiting tumango ito. Hinawakan nito nang mahigpit ang kamay niya at dahan-dahan silang naglakad patungo sa bamboo hanging bridge. Breathe in and out. Dalawang beses niya itong ginawa. Sinubukan niyang ikalma ang sarili at alisin ang takot sa dibdib.
Sinasabayan ni Arthur ang paglakad niya. Hindi siya nito minamadali. Nang nasa kalagitnaan na sila'y lumakas ang pag-ugoy ng tulay. Muling bumalot sa kanya ang takot at nagsimulang manginig ang mga binti niya. Mariin siyang napapikit.
"It's okay. I'm here," bulong ng binata sa kanya na nagpalakas ng loob niya. Masuyo nitong pinisil ang kamay niya. "Open your eyes, Veronica."
Sinunod naman niya ang sinabi nito. Nagtama ang kanilang mga mata. Bumaba ang tingin niya sa magkahugpong nilang mga kamay. It was rough, big, and strong yet it made her feel safe and warm.
"Just hold on to me," anito at nginitian siya. "Just think of me and nothing else."
Tumango siya. Nakikita niya sina Franki at Argel na masayang naghihintay sa kanila. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Nakatuon ang atensyon niya sa mainit na palad ni Arthur.
"See? You made it."
Dahan-dahang nag-angat siya ng tingin hanggang sa magtama ang mga mata nila. Narinig niya ang nakabibinging dagundong ng kanyang dibdib. At parang may mga paruparo na lumilipad sa loob ng sikmura niya. Paano nito nagawang alisin ang takot niya? Paano nito nagawang iparamdam sa kanya na safe siya?
"T-thank you, Arthur," nautal niyang sabi at pasimpleng sinapo ang sariling dibdib. Magkakaroon yata siya ng sakit sa puso kung lagi niya itong kasama. Akala niya'y bibitiwan na nito ang kanyang kamay, ngunit masuyong pinisil lang iyon bilang tugon sa kanyang pasasalamat.
Napangiti si Veronica. Somehow, she realized something when they started their solo honeymoon, magaling magtago si Arthur ng totoong damdamin. Broken-hearted ito pero ni minsa'y hindi niya nakita ang lungkot at sakit sa mga mata nito
Pareho silang itinapon na parang basura sa parehong araw. At ang nakapagtataka pa'y nagkita sila sa iisang memorial park matapos silang iwan ng mga ex nila. Hindi lang iyon, pareho silang napadpad sa Destiny Island.
Parang gusto na rin niyang maniwalang pinaglalaruan sila ng tadhana.
"Mr. and Mrs. Veronica Morri!" Isang masiglang boses ang nagpabalik sa kanyang huwisyo. Hindi niya namalayan na lumapit sa kanila sina Franki at Argel. Muling nagsalita ang babae sa nanunudyong boses. "Kanina pa kayo nakatayo rito at naka-holding hands."
Lihim siyang nakaramdam ng panghihinayang nang bitiwan ni Arthur ang kanyang kamay. Hinihintay niyang itama ng lalaki ang maling paniniwala sa kanila ng mga bago nilang kaibigan. Ngunit hindi nito ginawa iyon.
"Maraming water sports activity ang Destiny Island. Subukan natin ang buggy car para sa kakaibang karanasan," suhestiyon ni Argel.
Tumingin sa kanya si Arthur. Tila ba nakasalalay sa kanya ang sagot. Hinimas niya ang tiyan. "Sure. Pero mag-lunch muna tayo. Nagugutom na kasi ako."
Naglalakad-lakad muna sila at bumili ng coconut drink bago naghanap ng makakainan. Mabait sina Franki at Argel. Iyon agad ang napansin niya sa mag-asawa. Halos hindi nalalayo ang edad nilang apat kaya siguro madali silang nagkapalagayan ng loob.
Sumakay sila sa bangkang de sagwan. Napili nilang kumain sa isang floating restaurant. Bukod sa kakaibang karanasan iyon para kay Veronica, ayaw din niyang palampasin ang pagkakataon na matikman ang iba't ibang seafood dishes ng nasabing restaurant.