BUSTAMANTE AIRLINES.
NAKAUPO si Veronica sa setting area, at abala sa pagbuklat ng Destiny Island voucher.
Welcome To Destiny Island-gives you more ways to spend time together, with unlimited gourmet dining at up to 20 specialty restaurants, endless land, water sports, and the most romantic suites on the island. No other resorts in the world are so completely dedicated to couples in love.
May you 'HONEYMOONERS' enjoy your vacation on Destiny Island. We wish your love to last forever!
Tsk! Kailangan ba talagang naka-capitalize ang 'honeymooners' sa mga bold na letra at kulay pula?
Paano naman ang solo honeymoon na tulad niya?
Sampung buwan na ang nakakaraan, pinlano nila ang isang romantikong honeymoon sa Destiny Island. At tutuparin niya iyon kahit hindi natuloy ang kasal nila ni Greg.
Naningkit ang kanyang mga mata sa inis. Pinunit niya ang pahinang may nakasulat na 'honeymooners' at itinapon sa basurahan malapit sa kinauupuan niya. Awtomatikong napatingin siya sa babaeng nasa katabing upuan. Kinalma niya ang sarili at pinasigla ang awra ng kanyang mukha.
"It's wedding ads, you know? It's like, what does 'happily ever after' mean?" nahanap na lang niya ang sarili na nagpapaliwanag.
Nag-alinlangan siyang ngumiti nang makita ang masungit na mukha ng babae. Sa tingin niya'y kasing edad lang ito ng kanyang ina. Ang brown eyebrow tattoo nito'y parang uod na nagpakiwal-kiwal.
"Keber?" Tumayo ang babae at lumipat sa ibang upuan.
Sungit! sa loob niya. Broken-hearted din siguro kagaya niya kaya beast mode. Kinuha niya ang cell phone sa bag at tinignan ang 'to do list' niya. Gagawin niyang memorable ang kanyang solo honeymoon.
'I✓list'–number 1. Screaming orgasm.
What the heck? Uminit ang magkabilang pisngi niya sa nabasa. Iyon pa talaga ang nangunguna sa listahan niya. Bakit hindi niya iyon napansin agad?
"Delete!" gigil pa niyang sabi.
"Well, well, well, fancy meeting you here." Isang baritonong boses ang pumukaw sa atensiyon ni Veronica.
Nag-angat siya ng mukha. Gano'n na lamang ang gulat niya nang mabistahan ang pamilyar na mukha ng lalaking nakatayo sa harapan niya.
"Arthur!" bulalas niya.
"Hi, Veronica!"
"Hello, there! Sinusundan mo ba ako?" biro niya sa lalaki.
"Nope. Must be fate." Nanliit ang mata nito nang ngumiti.
Tumawa siya. "I'm old enough to believe in fate," kaswal niyang sabi.
"Kung gayon, paano tayo napunta sa parehong flight?" tila nananantiyang tanong nito.
Kahit saang anggulo niya tignan ang lalaki, walang tulak-kabigin. Naka-casual attire ito, simple yet elegant.
"Maybe just a coincidence."
Umupo si Arthur sa tabi ni Veronica. "One of my business associates gave me a VIP ticket to an island. It's a shame because it's free, so I'll grab it."
"Iyan lang ba ang bagahe mo?" Isang itim na hand luggage lang ang nakita niyang hawak nito.
"Yeah. I have everything I need."
"Wow!" nakangiting sambit niya. "Seryoso, gusto mo bang makita kung gaano kalaki ang maleta ko?" Napahagikgik siya.
Kulang na lang kasi pati ang kanyang dresser ay bitbitin niya. Hindi siya pinalayas ng kanyang ina, ngunit ang mga damit na dala niya'y sobra-sobra para sa isang buwan na bakasyon sa isla.
"Seriously, don't," he said while smiling, showing his cute bunny teeth. At saka niya lang napansin na may dimples pala ito sa magkabilang pisngi.
"Hindi ako makapaniwala na pareho tayong pupunta sa probinsiya ng Amaya."
Amaya–place where the three famous islands of the Philippines are located. Nangunguna sa listahan ang Destiny Island, sinundan ng Gilligan Island at pangatlo ang Serpent Island. Marami ang naengganyo na makita ang kagandahan ng tatlong isla. Parehong nakatanggap ng mga parangal mula sa mga ahensya ng gobyerno.
"I know, right?" Ngumiti ito. "Ano ang posibilidad na pareho tayong tinalikuran sa parehong araw ng ating kasal. Pumunta sa parehong airport at lumipad sa parehong destinasyon?"
"Actually, you know what, I can figure that out if you give me a minute, kasi kung i-factor mo kung ilang kasal na sa Pilipinas ang naghahanda-" Napatigil siya sa pagsasalita nang may dumaan na lalaki sa likuran niya at nasagi siya sa balikat.
"I'm sorry!" hinging paumanhin ng lalaki sa kanya. Hindi nito nakita ang pagngiti niya bilang tugon dahil tumalikod na ito.
"You sound super fun at parties," narinig niyang sabi ni Arthur.
"I am. I'm fun, pero hindi ako mahilig sa parties."
Attention! Bustamante Airline now boarding flight 815 to Amaya. Group A and B.
Tumayo si Arthur at isinuksok sa bulsa ng suot na jeans ang cell phone. "Well, now or never."
Tumayo rin si Veronica. Pinagpag niya ang laylayan ng sundress na suot.
"Hey, isipin mo ang pinakamasamang bagay na maaaring mangyari sa iyo ay nangyari na," anito. Marahil ay may nakita itong kaunting pag-aalinlangan sa kanyang mga kilos.
"Thanks, Arthur."
"Paano kung ika'y malungkot sa loob ng ilang araw sa isla, uuwi ka na ba agad?"
Nagkibit-balikat lang siya. Nagulat siya nang hawakan nito ang kanyang baba at bahagyang inangat ang mukha niya. Napalunok siya. Ngayon lang niya ito natitigan nang husto. Matangos ang ilong, malalim ang mga mata–na alam niyang kulay-kape. Medyo pangahan at mangasul-ngasul ang paligid niyon na dinaanan ng pang-ahit.
Bumaba ang tingin niya sa mga labi nito. He had sensual lips. Nanumbalik lamang ang kanyang huwisyo nang marinig ang tikhim nito. Nahihiyang nagbawi siya ng tingin.
"Veronica, sa sandaling ika'y nasa iyong destinasyon, subukan mong maging masaya. Kapag nalulungkot ka, isipin mo ako. Dahil tulad mo, iniwan din ako. Hindi ka nag-iisa." Ang mga mata nitong nakatitig sa mga mata niya'y bumaba sa kanyang mga labi. "There's nothing wrong with a solo honeymoon."
Napakurap siya at napalunok. Kahit hindi tumitingin sa salamin, alam niyang pulang-pula ang mukha niya. Naramdaman niya ang kanyang puso na tumibok nang mabilis.
OMG! What does this mean? hiyaw ng isang bahagi ng utak niya. Bumibilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba at wala nang ibang dahilan. Tama!
Nakahinga lang siya nang maayos nang bitiwan ng lalaki ang baba niya.
"O-okay. Y-you know what, s-sure. Solo honeymoon." Jeez! Hindi naman pilipit ang dulo ng dila niya pero nautal siya.
"There you go."
"Well, Arthur, it was very nice to meet you, again. Thank you for your encouragement again. Enjoy your honeymoon."
Nakipagsabayan sila sa kapwa pasahero na naglalakad sa airport.
"Sinusundan mo ba ako?" biro niya nang malingunan si Arthur sa kanyang likuran.
"Same flight," natatawang sagot nito.
"It's weird." Lihim siyang napangiti. Paglingon niya'y wala na ang lalaki. Ibang mukha na ang nakita niya.