DALAWANG buwan nang nakalipas at wala pa rin siyang mukhang ihaharap sa opisina. Hindi lingid sa mga empleyado ng Healthy Meat Company ang tungkol sa relasyon nila ni Dianna. Nakarating na rin sa kaalaman ng kanyang mga business associate na tinalikuran siya ng kanyang bride.
Kabilang ang magkapatid na sina Arthur Morri at Zeus Del Prado sa Top 100 youngest and richest bachelor in the world sa 'Gold Magazine'-sikat sa American Business Magazine na kumikilala sa mga natatanging personalidad sa iba't ibang sektor saan man panig ng mundo.
But on that day, as CEO and President of the company, he was required to attend the conference meeting with the board of directors. Their meeting was about the expansion of Healthy Meat Sausage Production & Meat Machine Manufacturer.
Napatingin siya sa nakatatandang kapatid. Naroon ito upang suportahan siya. Kailangan din nitong makinig sa pagpupulong lalo na't mawawala siya sa kompanya nang ilang araw. Well, balak niyang ituloy ang solo honeymoon sa isang malayong isla.
"Good afternoon, ladies and gentlemen of the board. If there's no question, let's begin." Ini-on niya ang laptop. "We found a hacienda just outside Amaya Province, that we feel is ideally suited to this new venture-a beautiful 3000 acre spread. The CEO, Mr. Ephraem Collins of our new partner, Collins Construction & Development Corporation, will fly to that place and convince the owner of the hacienda to sell it to us so hopefully we can convince him."
Ang Hacienda Beltran-isa lamang sa tatlong asyenda na pagpipilian kung saan itatayo ang ikaapat na Healthy Meat Sausage Production & Meat Machine Manufacturer. Ang anak mismo ni Don Lucio Beltran, ang lumapit sa Collins Developer, ngunit hindi pumayag ang nag-iisang apo ng nasirang matanda.
Si Trevor Beltran-nag-iisang apo ni Don Lucio Beltran. Ito ang nais nilang kumbinsihin na ibenta ang hacienda sa kanila.
Halos dalawang oras din ang itinagal ng meeting.
"Ladies and gentlemen, I thank you for your time and your attention, but that's enough shoptalk, let's go home."
Arthur loosened his tie as he waited for the CEO's elevators to open. It has limited access to all floors.
Napataas ang kilay niya nang makita ang kapatid sa loob ng opisina niya. Tinitingnan nito ang mga regalo sa leather office sofa. Hindi niya napansin na nakalabas na pala ito ng conference room.
Yes! Nakakatawang isipin, patuloy pa rin siyang nakatatanggap ng mga wedding gift kahit hindi natuloy ang nasabing kasal. Hindi na siya nag-abalang alamin kung kanino galing ang mga iyon.
"Wala ka bang balak buksan ang mga ito?" Kinuha ni Zeus ang isang regalo at inalog-alog. "Sounds expensive, huh?"
Nagkibit-balikat si Arthur. Umikot siya sa kanyang executive table at umupo sa swivel chair. "I'm not interested. Why don't you just take them home and my nephew will be happy?"
Matunog na tumawa ito. "It would be nice if they were toys." Ibinalik nito sa sofa ang regalo. "Totoo bang nag-resign na si Dianna sa kumpanya?"
"Yes. Inaasahan ko nang gagawin niya iyon pero hindi ko pa rin maiwasang magulat." Nilaro niya sa daliri ang hawak na ballpen. "Huwag na natin siyang pag-usapan, hindi makatutulong para pagaanin ang nararamdaman ko."
Umupo si Zeus sa sofa. "Paano, tuloy na talaga ang alis mo bukas?"
Tumango siya. "Alam kong hindi mo pababayaan ang kumpanya habang wala ako."
"Of course. I'm just worried about you. Are you sure you're okay? You're the only groom I know who's going on a solo honeymoon."
Napangiti siya nang biglang lumitaw sa alaala ang babaeng nakilala sa Stairway To Heaven Memorial Park.
Si Veronica Aragon-ang bride na tinakbuhan ng groom. Kumusta na kaya ang babae? Naging maayos ba ang solo honeymoon nito?
"Anong ibig sabihin ng pilyong ngiti na 'yan?"
Napaangat ng ulo si Arthur nang marinig ang tanong ng kapatid. Nakataas ang isang kilay na nakatingin ito sa kanya. Tumikhim siya at pilit inalis ang ngiti sa labi.
"We'd better talk about the important documents I'm entrusting you with," pag-iiba niya ng usapan.
***
QUEZON VILLAGE.
"I've been looking for this the most. It's a shame to waste all the sunshine, not to mention all that money." Nakatutok ang mga mata ni Veronica sa hawak na cell phone. Scroll down, scroll up. Kasalukuyan siyang nasa kalagitnaan ng hagdan. Sumandal siya sa handrail nito.
Nasapo ni Romina ang sariling noo. Kagabi pa nito pinipigil ang anak na huwag umalis. Balak kasi ni Veronica na lumipad patungong Destiny Island.
Matapos ma-save ang 'to do list' niya sa 'I✓list'-an app for every need. Nagpatuloy siya sa pagbaba ng hagdan.
"Ate, some more presents just arrived!"
Nagulat si Veronica nang biglang sumulpot sa harapan niya ang kapatid. Yakap-yakap nito ang isang malaking box.
"Hi, Veronica!" sabay na bati ng tatlong kaibigan sa kanya. Bawat isa'y may bitbit na regalo. Tingin niya'y galing sa opisina ang mga iyon.
Huminga siya nang malalim sabay paikot ng mga mata. Nagdadabog na nilapitan niya ang kapatid at kinuha ang regalo mula rito. "Dapat sa mga ito'y tinatago sa bodega."
"Uh-" Nakagat ni Camille ang dulo ng hintuturo. "Ate, huwag kang mag-imbak ng mga regalo sa bodega at maaari silang pamugaran ng mga daga at iba pang mga insekto."
"You're right, Camille," segunda ni Hannah.
"Sayang naman kung pakikinabangan lang ng mga insekto ang mga regalo," komento naman ni Monica. Karga nito ang bunsong anak na babae ni Hannah.
"You're not in the right mind, Veronica." Si Setti, umiling-iling pa ito. Ang kaibigan niyang ito-no boyfriend since birth. Pinagtutulakan na nga nilang pumasok sa kumbento at magmamadre na lang.
"Wala ako sa tamang pag-iisip? I'm totally in my right mind. Ito ang pinaka nasa tamang pag-iisip na naramdaman ko sa mahabang panahon. Ang mga regalong ito'y lalo lamang nagpatunay na itinuring ako ni Greg na isang basura!" Wala sa loob na hinagis niya sa kung saan ang regalo na kinuha niya mula sa kapatid.
May nabasag sa loob ng kahon.
"Whoa!" Namimilog ang mga mata habang pumapalakpak ang apat na taong gulang na anak ni Hannah. Lahat ng anak nito'y ninang sila. "Hala! Nabasag ang toy ni Ninang Velonica!" bulol nitong sambit sa pangalan niya.
"That sounded expensive," sabi ni Veronica na nakakagat sa ibabang labi.
"Yeah, it was," maang na sang-ayon ni Camille. Bumaling ang tingin nito sa kanilang ina.
Nilapitan ni Veronica si Monica. Hinalikan niya sa pisngi ang bata na karga nito. "You little creature, huwag mong tularan ang ginawa ni Ninang Veronica, okay?"
Tumawa lang ang bata. Bumubula ng laway ang bibig nito. Pinisil niya ang matambok na pisngi ng inaanak bago lumapit sa kanyang travel luggage.
"Hija, I'm worried that you're going to get there and realize you made a mistake," anang kanyang ina.
"Oh, a mistake?" aniya sabay harap dito. "Like Greg, agreeing to marry me?"
"Don't say things like that, hija."
Pumikit siya para pigilan umalpas ang galit na kinikimkim sa dibdib. Kinalma niya ang sarili. "Mom, Greg doesn't love me. At least not enough to marry me."
"Ate, baka kailangan mo siyang kausapin," singit ni Camille. "Maybe it really is cold feet. I-I think?"
"'Yan ang hinding-hindi ko gagawin! Ayokong isipin niyang naghahabol ako sa kanya. Ang katotohanan na iniwan niya ako sa mismong araw ng aming kasal ay sapat na dahilan para isipin ko na hindi niya ako mahal!" Inis na hinawakan ni Veronica ang trolley handle ng travel luggage. "I'm going to an island. I'll be back in a week or a month."
Isa-isa niyang niyakap ang mga kaibigan. Hinalikan naman niya sa pisngi ang kanyang ina at kapatid. Tiniyak niya sa mga ito na magiging maayos siya sa isla na kanyang pupuntahan.
Planado ang lahat.
Itutuloy niya ang kanyang solo honeymoon.