DINALA siya ng kanyang mga paa sa memorial park. Linggo-linggo silang bumibisita sa puntod ng kanyang yumaong ama. Ngayo'y mag-isa siyang pumunta rito. Nais niyang isumbong ang kanyang pagkabigo sa pag-ibig.
"I'm sorry, Dad, I failed. Ang lalaking lagi kong pinagmamalaki sa 'yo, hindi pala totoo na minahal ako. Iniwan ako ni Greg sa mismong araw ng kasal namin."
The most painful goodbyes are the ones that are left unsaid and never explained. Lumuluhang hinaplos niya ang pangalan ng ama na nakaukit sa lapida.
"I thought he was my first and last. Akala ko siya na ang lalaking makakasama ko hanggang sa aking huling hininga. Ngunit ang lahat ng ito'y imahinasyon ko lamang. Oh... what a painful thing to taste forever in the eyes of someone who doesn't see the same," sa pagpapatuloy niya. "I'm a brave woman. That's what you always told me, when you were alive, Dad. And I'll prove it right at your grave. A woman doesn't need anyone who doesn't need her. I love you, Dad. You're always here in my heart."
Umalis na siya sa puntod ng kanyang ama. Nakayuko siya habang naglalakad nang may bagay na tumama sa kanyang dibdib. Nagulat siya pero nasalo niya ito. A bridal bouquet?
"I'm sorry," anang isang tinig na ikinalingon niya.
"Saan ka nanggaling?" Isang lalaki ang nakita niya. Nakasuot ng two button single breasted tuxedo na kulay ivory at black.
He stood tall, broad and indomitable, everything about him suggesting Prince Charming, fairy castles and happily-ever-afters all rolled into one.
"I've been here the whole time." His voice was low and above a whisper, but she could still hear his voice. Nakatingin ito sa kanya. Walang reaksiyon ang mukha nito pero may lungkot sa mga mata.
Napatitig siya sa suot nitong tuxedo. Ito ang disenyo at kulay na napili ni Greg para sa limang groomsmen sa kanilang kasal na hindi natuloy.
"Hindi kita kilala kaya ipagpalagay ko na nasa side ka ng groom. Mali. Umuwi ka na lang. The wedding is off." Inaakala niyang isa ito sa mga abay sana sa kasal nila ni Greg. Bumaba ang kanyang tingin sa bouquet na nasa kamay niya. Pinaglaruan niya ang mga talulot ng bulaklak ng peoni.
The peony is a Japanese flower that is used as a symbol of good fortune, bravery, and honor.
Nagtaas siya ng mukha. Noon lang niya napansin ang malungkot nitong mga mata na nakatingin sa bouquet na hawak niya. Niyaya siya nitong maupo sa bench wood malapit lang sa kinatatayuan nila.
"Dapat nakatayo ako sa altar ngayon," litanya ni Veronica. Hindi niya kilala ang lalaki pero magaan ang loob niya rito. Inalalayan siya nitong umupo.
"Dapat nakatayo rin ako ngayon sa harap ng judge." Pinasadahan nito ng tingin ang suot niyang wedding gown. Mayamaya'y nagtaas ito ng kilay. "Tinalikuran ka ng groom mo?" waring hindi makapaniwalang tanong nito.
"Mukhang ito na ba ang pinakamasayang araw sa buhay ko?" Hindi siya nahiya nang umiyak sa harap nito. Pero bigla siyang natigilan nang maalala ang sinabi nito. "Huwag mong sabihing tinalikuran ka rin ng bride mo?"
Ngumiti ito nang mapakla habang iniaabot ang panyo sa kanya. Nahihiya ma'y tinanggap niya iyon at pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Nakipagkita siya para ibalik sa akin ang singsing." Ipinakita nito sa kanya ang suot na singsing.
Her mouth formed an 'O'. "Dito kayo nagkita sa memorial park?"
"Hindi. Pagkatapos naming magkita, dumiretso na ako rito."
"Anong ginawa mo?"
Kumunot ang noo ng lalaki ngunit may pinong ngiti sa labi. "Bakit mo iniisip na ako ang may kasalanan sa nangyaring ito?"
"Sorry. Huwag mong intindihin ang sinabi ko," napapahiyang sagot niya.
Nagkibit-balikat ang lalaki. "Maybe it's my fault. Hindi ko alam. Sa totoo lang hindi ko maisip kung ano ang nangyari."
"This bouquet?"
"I'm sorry," sincere nitong sabi. "Nang hinagis ko ang bouquet, hindi ko napansin na nakatayo ka pala malapit sa trash can."
Napatango-tango siya. "Join the club," wala sa sariling sabi niya.
"So what now?"
Sinalubong nito ang tingin niya. Nahihiyang umiwas siya ng tingin. Pakiramdam niya kasi sinisilaban siya sa dalang init ng mga mata ng lalaki.
Huminga siya nang malalim. "Well, dapat nasa simbahan ako ngayon at sinasabi ang salitang 'I do'. Dapat sumasayaw at kumukuha ng mga larawan. Nakikita ang lahat ng aking mga kaibigan at pamilya. At ang honeymoon–" Tumikhim siya. Masyado yata siyang naging open sa lalaking kausap niya. "Inaasahan talaga ng lahat ng ikakasal ang tungkol sa pulot-gata."
"Go."
Namilog ang mga mata niya. "Honeymoon, mag-isa? Huh, nakakalungkot at nakakaawa."
"I don't think it's sad and pathetic." Hinubad nito ang suot na singsing at itinago sa bulsa ng pants. "Sa tingin ko, nabulag ka ng isang taong minahal at pinagkatiwalaan mo. Tuloy ang buhay kahit 'di ka sinipot ng groom."
Napaisip siya sandali. "Well, I still have a ticket. It was a gift from my boss."
Ngumiti ito. "There you go. What are you waiting for?"
Peke siyang tumawa. "Iisipin ng aking ina na hibang ako." Kinagat niya ang ibabang labi. "Isama na ang mga kaibigan ko."
"Tell your mom, maybe there's something better out there for you."
Pinagmasdan niya ito nang mabuti. Ang lungkot na nakita niya kanina sa mga mata nito'y waring napalitan ng sigla. Naka-move on na ito agad?
"Hold on a second. If I go on my honeymoon, alone. Then you gotta go on yours."
"Hindi tayo magha-honeymoon."
"Maybe that's why she gave back the ring," pasaring niya sa mahinang boses. Ngunit umabot pa rin 'yon sa pandinig nito.
Tumawa ito nang mahina. "Maraming magandang pasyalan dito sa Pilipinas. Siya ang may ayaw. Naisip ko, 'pag inalok ko siyang mag-honeymoon sa labas ng bansa, magugustuhan niya. Well, as expected, her answer was still no."
"Ikaw ang nakaisip tungkol sa honeymoon nang mag-isa. Makipagsabayan ka sa mga bagong kasal na nagdiriwang ng honeymoon."
"Hindi ko alam kung saan ako pupunta."
Kusang tumaas ang isang kilay niya sa narinig. "Sumakay ka ng bus na maghahatid sa iyo sa lugar na alam mong makagagaan sa kalooban mo. Alam ko ang pakiramdam ng iniwan. Masakit."
"That sound a little-"
"Crazy?" dugtong niya sa sasabihin sana nito. "What a laugh!"
"Yes."
"Tama. Ngunit gayon din ako. Pupunta sa isang destinasyon ng honeymoon na walang kasamang groom." Tumayo siya at ibinigay sa lalaki ang bouquet.
Kiming ngumiti ang lalaki. Tumayo rin ito at inilahad ang isang kamay sa harap niya. "Okay. Solo honeymoon. Ako nga pala si Arthur Morri."
"I'm Veronica Aragon. Enjoy your honeymoon, Arthur."
"Nice to meet you, Veronica. Enjoy yours."
"A-ang kamay ko, Arthur."
"I'm sorry." Binitiwan nito ang kamay niya.
Namula ang pisngi nito. Nahihiya siguro. Lihim siyang napangiti. May ganito pa palang lalaki sa mundo, nagba-blush sa harap ng isang babae.
Bago sila maghiwalay ng landas, ipinakilala muna siya ng lalaki sa yumaong ina nito. Hindi ito kalayuan sa puntod ng kanyang ama.
"Veronica!"
Kasalukuyang naglalakad ang dalaga patungo sa parking lot nang tawagin ni Arthur.
"Yes?"
Isang matamis na ngiti ang nakita niyang gumuhit sa mga labi nito.
"It's gonna be okay, Veronica!"