Chereads / Whirlwind Romance... / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

NASA harap ng full-length mirror si Veronica. May ngiti sa mga labi niyang pinagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin.

"It's finally your special day, honey. I am so honored that you're wearing my dress." Lumapit si Romina sa anak na may ngiti sa labi.

"Hindi ko akalain na isusuot ko ang wedding dress mo, Mom." Humarap siya sa ina at hinalikan ito sa pisngi.

"Veronica!"

Isang masayang boses ang narinig niya. Si Monica ang nakita niyang sumilip sa pintuan.

"God! You look so beautiful in white!" si Hannah. Masaya ang mukha nito habang nakatingin sa kanyang trahe de boda. "Last year, I got married. Ikaw naman ngayon ang maglalakad sa aisle."

Kitang-kita niya ang dalawang kaibigan sa harap ng salamin, nakangiti ang mga ito habang pinagmamasdan siya.

"Nasaan si Setti?" tanong niya. Ang sasakyan ni Hannah ang gagamitin ng mga kaibigan niya. Napag-usapan nila ang pagpunta sa simbahan nang magkasama.

***

NANGUNOT ang noo ni Setti nang makita si Greg. She slowed down the car and rolled down the window.

"Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Setti kay Greg matapos ihinto ang sasakyan sa tabi ng lalaki. "Teka, bakit hindi ka nakasuot ng barong?"

"Oh, God!" usal ni Greg. Yumuko ito at sinilip sa loob ng sasakyan ang babae. "Setti, can I talk to you?"

"Is everything okay?"

Huminga nang malalim ang lalaki. Mula sa bulsa ng pants, inilabas nito ang maliit na kahon. "Ito ang wedding ring namin ni Veronica."

"What?" bulalas ni Settie. Namilog ang singkit na mga mata ng dalaga. "Anong ibig sabihin nito?"

Tumingala si Greg sa langit. Nagtaas-baba ang dibdib at hindi makatingin sa mga mata ng babae. "Kagabi, nagpadala ako ng mensahe sa mga imbitado sa kasal. I-I told them the wedding is off. My parents, they had no idea about it. Mahal ko si Veronica. Pero na-realize kong hindi pa ako handang mag-settle down."

Galit na bumaba ng sasakyan si Setti. Ibinato ng dalaga sa dibdib ni Greg ang kahon na naglalaman ng wedding ring. "Anim na buwan ninyong pinaghandaan ito. Kung kailan dumating na ang araw ng kasal n'yo, saka mo napagtantong hindi ka pa handang mag-asawa?"

"I-I'm sorry..."

"Sabihin mo 'yan kay Veronica!" Tumalikod si Setti ngunit hinarap muli si Greg at binigyan ng mag-asawang sampal. "You deserve that, idiot!"

Tigagal na hinaplos ng lalaki ang nasaktang mukha. Hindi nagawang magsalita dahil tinalikuran na ito ng babae. Dinampot nito ang maliit na kahon at bagsak ang balikat na tinungo ang sariling sasakyan.

Samantala, halos magkasunod na pumasok sa dressing room sina Setti at Camille. Ang huli ay nag-iisang kapatid ni Veronica.

"Hi!" Sinubukan ni Setti na pasiglahin ang boses.

"I brought your shoes!" kinikilig na sabi naman ni Camille.

"Thanks!" Hinarap niya ang kapatid. "Kumusta ang flower arrangement sa simbahan?"

"About that..." singit ni Setti sa usapan ng magkapatid. Kinagat ang labi at tumingin kay Veronica.

"What?" Kinabahan si Veronica nang makita ang pag-aalala sa mukha ng kaibigan. Dumako ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa isang braso ni Monica.

***

VICTORIA CITY HALL.

Nais ni Arthur bigyan ng engrandeng kasal ang personal assistant–girlfriend, at ngayo'y magiging kanyang asawa. Sa isang judge lang sila magpapakasal dito sa Pilipinas. Dahil gaganapin ang church wedding nila sa bansang Amerika.

Malaki ang naging pagkukulang niya kay Dianna. Alam niyang nasaktan ito nang mag-propose siya ng kasal sa ibang babae. Na kalauna'y naunawaan din nito at sinuportahan siya.

Marriage for convenience lang ang kasunduan nila ni Raquel Vargas. Walang anumang sekswal na maaaring maganap sa pagitan nila dahil wala silang pisikal na relasyon. Matutupad niya ang pangarap ng kanyang nasirang ina na gawing flower farm ang malawak nilang lupain sa Baguio. At si Raquel, maliligtas naman ang buhay ng kapatid nito. Ngunit hindi natuloy ang kasal.

Raquel Vargas is now happily married to his older brother, Zeus Del Prado–a business tycoon. Magkapatid sila sa ina.

"Arthur!" tawag sa kanya ng nakatatandang kapatid. Karga nito ang isang taong gulang na anak. "Wala pa ba si Dianna?"

Magsasalita na sana si Arthur nang maagaw ang atensyon sa cell phone na nasa kamay niya. Agad niyang binasa ang natanggap na mensahe galing sa nobya.

Love,

I'm so sorry, Arthur. Mahal kita. Patawad kung hindi ako tumupad sa pangako. Natatakot ako na ang dahilan kung bakit gusto mo akong pakasalan ay dahil sa malaking halaga ng pera na makukuha mo sa iyong yumaong ina. Nakikita ko na hanggang ngayo'y nananatili ka pa rin sa anino ng kuya mo.

Binundol ng kaba ang dibdib niya sa nabasa. Nanginginig ang kamay na tinawagan niya ito.

"Dianna, we've been planning our wedding for a year. Anong nangyari at bakit naman ganito?" Tumingala siya sa langit para pigilan ang mga luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata. "Puwede ba nating pag-usapan ito?"

"Give me some time." Nawala na si Dianna sa kabilang linya.

Nang ibulsa ni Arthur ang cell phone ay niyakap siya nang mahigpit ng kuya niya.

"Ayos lang 'yan, bro," bulong nito sa kanya kahit wala pa man siyang sinasabi. Tinapik-tapik nito ang likod niya. "Ako na ang bahalang magsabi sa kanila."