Chereads / The Legends of the Constellar Kings / Chapter 19 - Chapter 19

Chapter 19 - Chapter 19

At doon na nga nagsimula ang kwento nina Harthur at Azonia. Nagmahalan silang dalawa. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaraoon ng anak si Azonia, ngunit gumimbal ito sa buong lupain ng Moonatoria. Ngunit dahil sa pangyayaring yon, kumalat ang mga sabi-sabi na baka hindi anak ng hari ang ipinanganak ni Azonia, dahil napaka imposibleng mangyari ang makapagbigay ng anak si Harthur gayong, maraming nagpapatunay na talagang baog ang hari dahil sa mga naasawa nito dati.

"Mahal na hari, nabalitaan namin na naisilang na ang magmamana ng iyong trono. Pinatunayan mo sa amin na ang angkan ni Hedromus ay magpapatuloy pa.

"Ngunit maraming kwento kaming narinig tungkol sa sanggol... Marahil ba, hindi mo sinasadya na bigyang anak ang dati mong mga asawa?"

"Wala akong pakialam sa mga babae ko noon, sila ang may deperensya hindi ako." Ganti niya na may pagyayabang.

Ngunit gayunpaman, hindi nakinig ang hari sa mga tsismis at mga paniniwala ng mga tao dahil alam niya sinisipingan niya ang kanyang asawa palagi. Kaya para sa kanya hindi totoo ang mga sinasabi ng mga tao. At walang ibang lalaki na pinagdududahan niya na kinakasama ni Azonia. Kaya nang isilang ang sanggol agad na hinirang ni Harthur si Azonia bilang isang reyna. Napakasaya ni Azonia sa mga sandaling ito dahil sa wakas unti-unti nang natutupad ang mga plano niya. Ngunit kailangan niya mag-ingat lalo't marami ang nagdududa sa kanya kahit noong nagbubuntis pa lang si Azonia may mga tsismis na nagsasabing hindi anak ng hari ang batang binubuntis niya.

Napakasaya ni Harthur ng makita niya ang babaing anak ni Azonia at tinuring niya itong anak na tunay.

Isang gabi nanaginip si Azonia ng isang misteryosong bagay na hindi niya maunawaan. Isang nilalang na nagpakilala na isang reyna ng mga taga-Ursanian ng kalawakan, mga mapuputi at animo'y mga diyosa ang kagandahan.

"Darating ang panahon na kailangan naming pumarito sa mundong ito dahil sa matinding kapangyarihan na babagsak sa mundo nyo, at ito'y nalalapit na!" malamig ang tinig ng nagsalita. Tila ba kasin lamig ng yebe sa karagatang Orcasian. "Napili ko ang anak mo dahil siya ay anak ng lalaking may busilak ang puso at nananalaytay sa kanyang dugo ang unang hinirang, dahil hindi ka na karapatdapat hirangin ko bilang hinirang dahil nagtaksil ka sa anak ng unang hinirang ng mga Ursa." Doon na nagising si Azonia.

"Anong klasing panaginip yon, sa dami na pwede ko mapanaginipan, yon pa talaga!" Iritang sabi niya sa kanyang sarili. "at tika, bakit alam niya ang bagay na yon?" At doon na siya kinabahan at napagtanto na hindi lang pala iyon isang panaginip, kundi isang babala.

"Delikado ito!" Sabi niya. "Kung masisira ang mga plano ko dahil lang sa isang lalaki... Mabuti siguro'y....."

Naging malungkot ang araw ni Azonia. Kapag nag-iisip siya ng problema, madalas nandoon siya sa mataas na siesta veranda ng palasyo. Bumubuhos doon ang sariwang hangin na may halong malamig na simoy. May pinoproblema siya na isang tao, at alam niya na mahirap niya ito masolusyonan. At nagkataon din na nakita siya ng mga tauhan ni Harthur.

Alam ni Azonia na mga gahaman at mga magnanakaw ang mga ito kahit na may mga trabaho na sila sa palasyo. Pumupuslit ito ng mga pera papalabas para sa kanilang mga bisyo. Tanging si Azonia lang ang nautakan sila, nalaman niya kung ano ang mga baho nito sa loob at labas ng palasyo.

Nalaman ni Azonia ang tungkol sa mga dating buhay nila Lancaster. Nalaman niya na bago pa sila ginawang mga pinuno sa Moonatoria ay dati pala silang mga suwail sa lipunan. Si Lancaster na dati ay tumatanggap ng suhol para pumatay ng tao. Ngunit ang katutuhanang iyon ay ipinalihim ng dating hari sa kasunduang magtratrabaho ito bilang isang pinuno sa mga kawal. Dahil sa digmaan dati laban sa Thallerion ay maraming nasawi na mga importanteng tauhan ng hari.

Si Harrison na mahilig sa babae, isa din siyang pinaniniwalaang nanggahasa ng isang babae. Ngunit ngayon, mas naglalage siya sa bahay-aliwan, doon niya inuubos ang kanyang mga pera sa babae, kung nauubusan siya ng pera ay palihim siyang pumupuslit ng salapi sa kaban ng Moonatoria. Sila kasi ang madalas na ginagawang gwardya sa paghatid ng kayaman kaya madalas, nakakakuha siya ng mga salapi at mga alahas.

At si Woeffelon naman na kilala bilang isang lasinggero at minsan naman napasama ito sa mga taong gumagawa ng kilosang pagtraydor sa dating hari. Ngunit dahil binayaran sila ng hari para umalis sa grupo nang saganun ay humina ang kilosang iyon. At nung napaslang ang tinuturing nilang pinuno ay biglang naglaho ang mga tauhan nito. Si Woeffelon naman ay kinuha ni Haroothhor para gawing isang tauhan.

Sinabihan ni Azonia na susuhulan niya sina Lancaster at ipo-promot ang kanilang posisyon kapag nagawa nila ang isang bagay.

"Ano yon?" sabi ni Lancaster.

"alam naming may pinuproblema ang reyna, hindi ba mga kasama?" sabi ni Harrison. "sa kilos mo palang reyna Azonia, alam na naming may iniisip ka."

"Kung tutuparin mo ang mga sinabi mo… gagawin ko yon!" sabi naman ni Woeffelon. " pagtratraydor ba sa hari ang nais mong mangyari?"

"Baliw ka parin, Woeffelon, bakit mo pa sasabihin sa harap ng reyna ang bagay na yan…" pagpigil ni Harrison kay Woeffelon

"Alam ko ang mga baho nyo… kaya wag nyo na ilihim sa akin ang mga bagay na yan."

"kaya nga hindi kami naging marahas sayo… at alam naming iniligtas mo kami nang minsan ng isinakdal na kami sa hari. Sa puntong yon, marahil nasa piitan na kami. Nakakulong… pero nagbago ang lahat nang pinawalang sala mo kami sa harap ng hari. Sigurado akong may kapalit yon!" sabi ni Lancaster.

"May ipagagawa ako sa inyo…" sabi ni Azonia.

"sabihin mo na sa amin upang kami naman ang makatulong sayo.

Ginamit ni azonia ang pagkakataon upang gamitin ang mga tao na nagkaroon ng utang na loob sa kanya. Sinabi niya ang kanyang plano sa mga ito at laking gulat nila ng malaman nila kung sino ang taong tinutukoy ng reyna.

"Hindi ako makapaniwala!!!" Sabi ni Harrizon.

"Seryoso ka ba sa gusto mong mangyari?!" Sagot naman ni Lancaster.

"Ngayong nasabi ko na... balak nyo pa ba akong tulungan at gawin ang plano?"

"Sa totoo lang, walang kasalanan ang taong yon sa amin, naiirita lang kami dahil siya lang palaging pinapaboran ng hari. Pero, kung yon naman ang magiging daan para kami ay mapansin ng hari at gawin kaming tunay na mga pinuno, hindi lang sa mga kawal kundi sa buong lungsod ng Moonatoria at bigyan kami ng masaganang biyaya!!!" Sabi ni Harrison.

"Hahaha, kahit kailan talaga, hangal ka parin, pero nagustuhan ko ang iyong maawain!" Ingay ni Woeffelon. "Para sa tulad nating mga hindi pinapalad, tama lang na gawin natin ang plano ng reyna, hindi ba mga kasama?!!"

"Hindi lang tungkulin ang ibibigay ko sa inyo, kundi kayamanan, at kung ano man ang inyong gugustuhin, ibibigay ko!!!"

Kitang-kita sa mga mukha nila ang pananabik dahil sa mga ipinangako ng reyna. Ngunit sabi ni Lancaster, "ngunit kung bibiguin mo kami, lahat ng ito'y malalantad at kung hindi mo tutuparin ang kasunduang ito, alam muna ang kahihinatnan ng wakas nito."

Kumilos nga ang tatlo ayon sa napagplanuhan nila, at ang pakay nila ay si Moldovar dahil yon ang plano na iniutos ng reyna sa kanila. Sila na ang bahala kung paano nila ito mahuhulog sa isang patibong.

At dumating ang isang gabi, pumunta si Moldovar sa bahay ng kanyang kaibigan na si Jethrov, kinikilala din itong isang tapat at magaling na pinuno. Kaarawan ito ng kanyang kaibigan kaya't pinaunlakan niya ang araw na ito bilang pagpapakita ng mabuting pakikisama. Sa kasiyahang iyon nagdiwang ang mga bisita at mga kakilala ng kanyang kaibigan. Kapag bumibisita siya sa bahay ng kanyang kaibigan ay alam na niya kung saan niya ito hihintayin, kaya bilang paghahanda, nagdala siya ng isang special na maiinom na alak. Naghintay siya ng matagal doon ngunit hindi ito sumipot, at naiintindihan niyang baka ito ay abala pa sa mga bisita nito kaya't minabuti pa niyang maghintay, ngunit paglipas ng isa pang oras may taong biglang lumapit sa likod niya, hindi niya ito agad nakilala dahil dumaan ito sa isang madilim na lugar ngunit naramdaman niya na may tao. Niyakap siya ng isang babae kaya laking gulat niya ng makita ito at napataranta nang nakilala na niya kung sino ito, ang babaing yon ay asawa pala ni Jethrov.

"Iophinea, h-hindi ako ang asawa mo? Lasing ka ba?!!" Tarantang Sabi ni Moldovar habang sinusubukang alisin ang mga nakakulupot na braso sa kanyang katawan.

"Hayy... Moldovar, Hindi ako lasing!!!" Sabi ni Iophinea pero sa tuno't pananalita'y lasing na ito.

"Nasaan ba si Jethrov??" Tanong niya.

"Ang lalaking yon!!!" Ngumisi ito na parang baliw at sabay sabing. "Hindi ko kailangan ang lalaking yon!" Sigaw pa nito. "Ikaw! Ikaw, ikaw Moldovar ang kailangan ko ngayon!!!" Naging agresibo ang kilos ng babae nahalos halikan siya sa labi ngunit dahil malakas si Moldovar kaya napigilan niya ito.

"Iophinea, tumigil ka nga! Wala ka na sa iyong katinuan!!!" Pinagalitan ni Moldovar ang babae.

"Mahal na mahal kita Moldovar."

Sa mga sandaling yon, kinausap nila Lancaster si Jethrov na samahan sila sa loob upang mag-inoman. Sinadya nilang papuntahin si Jethrov para makita nito si Moldovar.

At sa pagpasok nila doon sa pangatlong palapag, nadatnan ni Jethrov na may nangyayaring kakaiba. Nakita niyang nakahubad si iophinea kasama si Moldovar. Ngunit ang buong akala ni Jethrov ginagahasa ni Moldovar ang asawa niya. Ngunit ang totoo pinipigilan lamang ni Moldovar ang asawa nito dahil pwersahan nitong sinira ang damit para malantad ang kanyang hubad na katawan.

Dahil sa sobrang pagkadismaya ni Jethrov agad niya ito sinugod. At habang si iophinea ay nagkunwaring umiiyak at napatili.

"Pinagsamantalahan niya ako!!" Tili nito. "Sapilitan niyang pinunit ang damit ko. At gusto niya ako gahasain!"

"Moldovar!!" Hiyaw ni Jethrov. "Walang hiya ka!!! Pinagkatiwalaan kita!!

"Jethrov, wala akong masamang intensyon sa asawa mo, siya ang pwersahan na gumawa ng bagay na yan!"

"Mahal ko, wag ka maniwala sa kanya!" Iyak pa nito.

"Nagsinungaling ang asawa mo Jethrov." Sabi ni Moldovar. "Kilala mo ako, Jethrov... Kahit kailan hindi ko magagawa ang pagsamantalahan ang asawa mo... Kaibigan kita Alam mo yan."

"Jethrov.. kitang-kita mo na man diba hinawakan niya ang asawa mo ng pwersahan sa kamay." Sabi pa ni Harrrizon.

"Wala kayong alam kaya wag kayong makialam."

"Maganda ang asawa mo Jethrov... Kahit sino pwede pagnasaan siya. Lasing si Moldovar kaya wala siya sa kanyang pag-iisip." Diin pa ni Lancaster.

"Hindi ako lasing!"

"EY ano ang bagay na yan.. amoy alak dito... Heto ang basag na nalalagan ng alak. Lasing nga si Moldovar."

"Pinagsamantalahan niya ang asawa mo. Hindi ka man lang ba gagante... Heto ang punyal mo."

"Anong kabaliwan ang pinagsasabi nyo sa kanya, Lancaster?"

"Patayin mo siya!!!" Sabi ni Woeffelon.

"Tumigil kayo ng pag-uudyok sa kanya!" Sigaw ni Moldovar.

"Pinagkatiwalaan kita Moldovar." Sabi ni Jethrov. Nagngingitngit na paningin nito. "Wala kang pinagkaiba sa mga hayop!" Agad na tumakbo si Jethrov papunta Kay Moldovar upang saksakin. Ngunit dahil hindi lasing si Moldovar, alam niya ang kanyang ginagawa. Pilit niya pinapakalma si Jethrov ngunit hindi talaga ito nagpapaawat. Nagsusuntukan sila ngunit tuloy parin ang paliwanag ni Moldovar. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog si Jethrov mula sa pangalawang palapag at nahimatay.

"Pinatay mo ang asawa ko!!!" Tili ni iophinea.

"Hindi ko siya pinatay —" biglang may pumukpok sa ulo niya at doon na siya na walan ng malay.

"Humingi ka ng saklolo sa mga tao, kami na ang bahala dito." Sabi ni Lancaster.

Kinuha nila ang punyal ni Moldovar at pinuntahan ang kinalalagyan ni Jethrov at sinaksak ito. "Tapos na ang maliligayang araw mo, Moldovar." Pagkatapos niya saksakin si Jethrov.

"Tayo na..." Tinali nila si Moldovar bago sila umalis.