Chereads / The Legends of the Constellar Kings / Chapter 24 - Chapter 24

Chapter 24 - Chapter 24

Sa doon sa sumpa, nakita nila ang kanilang sarili. Nandoon sila sa Isang lugar na kung tingnan ay magulo naparang katapusan na ng mundo. Ang mga tao doon ay masasabing naalipin na ng mga masasamang constellar kings. Naghahari doon ang dragon ang halimaw na maraming sungay at nakakatakot ang buong wangis nito, tapos sinasamba siya ng mga tao, may tinutukoy sa propesiya ng mga matatanda na may darating na hari, ngunit kasamaan ang hatid nito, siya ang napili ng Draco at ang dragon na nag hahari ay ibibigay sa kanya ang kapangyarihan upang wasakin ang mundo. Nagtayo ng kaharian ang Hari ng Draco at lahat ng tao na kanyang nasakop ay yuyuko sa isang halimaw na dragon na si Eltanin. Ang mga taong yon ay nakita nila na may mga marka ng dragon na si Eltanin. At mula sa karagatan ang Hydra na merong maraming ulo ay lumabas at nilapa ang mga taong ayaw sumamba sa dragon at sa hari nito.

At ang karagatan ay lumuwa ng Isang halimaw na tinatawag na Hydra na maraming ulo. At ang bawat ayaw sumamba sa kanya ay kakainin ang ulo, at ang mga ayaw na man Sumunod ay pupugutan ng Ulo at ihahandog sa Hydra. At ito'y naghahasik ng lagim sa buong bansa.

Matapos makita nila ang nangyayari sa hinaharap, lumitaw Kay Pyramus ang isang umaapoy na ibon na lumilipad sa loob ng dimension. Isang parang araw na kalupaan at ang paligid ay nababalot ng bumabagang putik. Ngunit sa pagtataka niya'y hindi siya nakaramdam ng kahit anong init o pagkapaso. Lumipad paitaas ang ibon at bumulusong papunta sa kanya ngunit laking gulat niya ng mag-anyo itong parang magandang dilag.

"Wag Kang matakot bata. Sapagkat sa mga oras na ito wawakas na ang sumpa na bumabalot sa iyo." Malambot na pagkasabi ng dilag. "Mula ng isinilang ka, hinirang ka na bilang hari ng Phoenix." Hindi na malamagma na kapaligiran ang Dimensyon kundi Isa ng mala-paraisong lugar.

"Ang alam ko, Isa yong alamat ng Peronica na ikwenento ni lola Pyramia ngunit sa tingin ko Isa lang itong panaginip." Wala ding alam si Pyramus kung ilang buwan na siya nakatulog, dahil sa loob ng sumpa para siyang naglalakbay sa kanyang panaginip.

"Bumangon ka na mula sa iyong pagkatulog, dahil oras na para wakasan mo na itong sumpa. Sapagkat, nalalapit na ang digmaan ng iyong ama laban sa kanilang kaaway, at labis itong makakapahamak sa buong alyansa ng Thallerion at sa iba pang nasasakupan nito."

"Alam ko na taga ossibian ang kaaway ng ama ko. Ngunit ano namang nakakakilabot sa kanila, ang alam ko din hindi sila gaanong mayamang bansa at higit sa lahat, hindi nila matatalo si ama!"

"Kung ganyan ka mag-isip tungkol sa digmaan, marahil madali ka lang magapi ng mga kaaway mo."

"Ang Thallerion at si ama, ay masasabi kong kaya nito pagtagumpayan ang anumang kaaway na makikituos sa kanya. Isa itong kilala bilang Orion!"

"Oo. Ngunit alalahanin mong kilala din sa tawag na Corvus ang bansang Ossibus."

Lumitaw sa dimension niya ang umaapoy na Phoenix. At umikot ito sa kanyang paligid. "Oo, at kailangan mo na gumusing sa iyong pagkatulog."

Mula doon bigla siyang parang hinigop sa kanyang pakiramdam at huminga siya ng malalim at nagising. Nakita niya ang kanyang sarili na nasa kama katabi si Maximus. Ngunit wala siyang ideya kung ano ang dahilan. Ang huling naaalala niya ay, noong minsang may nangyaring kababalaghan sa kanila na para silang intake ng di matukoy na salamangka.

Nakita siya ng isang nars at laking gulat nito nang makita siyang nakaupo na sa kama at midyo nagtataka. Napasigaw ito sa sobrang pagkabigla na parang di niya alam kung ano ang dapat isipin, kung mabibigla ba siya dahil sa himala itong nagising o matakot dahil baka guni-guni niya lang ito. Napasigaw ito at dagling tumakbo papunta sa maraming tao upang isumbong ang kanyang nasaksihan."Ano ba ang nakita ng babaing yon? Eh parang nakakita ng multo."

Nang makita niya si Maximus sinubukan niya itong gisingin ngunit hindi niya ito na gising kaya bumaba siya sa kama nahalos kamuntikan pa siya madapa dahil parang naninibago ang kanyang tuhod sa mga oras na yon.

Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa pinto upang puntahan ang kanyang ama. At pagbukas niya ng pinto laking gulat niya ng dumaragsa ang mga tao papunta sa kanyang kinaruruunan. Dinig na dinig din niya ang paliwanag ng babae sa kanyang ama.

"Anak!" Takbo ni Xerxez nahalos tumakbo siya na parang nasa kareka at nais niyang siya ang una na makarating. "Salamat at gising kana." Bigla niya itong niyakap.

"Ama, ano ba ang nangyayari?" Pagtataka din ni Pyramus.

"Oh Pyramus, apo ko!" Lumapit din si Pyramia upang yakapin din siya nang may pananabik.

"Totoo ngang gising na ang apo mo Pyramia." Pagdating ni Driother. "Si Maximus?" Hanap din nito.

"Anak, natutuwa ako at gising kana... Alam mo bang napasailalim kayo ng isang mahika ng kadiliman kaya... Kayo ay— Nakatulog ng isang buwan."

"Ano?!"

"Hindi na yon mahalaga, ngayong gising ka na apo. Mabuti siguro'y pumunta ka muna sa Peronica kasama ko." Sabi ni Pyramia. "Makakabuti yon sa kanya." Mungkahi nito sa lahat ngunit ang pinupunto niya ay si Xerxez.

"Si Maximus, nasaan ba si Maximus? Nagising na din ba siya?" Paulit ni Driother. Lumingon-lingon si Driother ngunit hindi niya nakita si Maximus.

"Anak, pareho kayong nakatulog ng iyong kapatid, kaya sabihin mo sa akin. Gising na rin ba si Maximus?" Sabi ni Xerxez.

"Ginising ko siya ngunit hindi siya nagising."

"Ano!!?" Gitla ni Driother. "Impossible!" Sabi pa nito. "Maximus! Alam kong gising ka na din." Binuksan niya ng pinto at pagbukas niya, nawala ang masiglang mukha niya. "Anong biro ito?"

"Paanong siya lang ang nagising sa gayong sabay sila napasailalim ng sumpa." Bulungan ng ibang tao doon.

"Hindi." Iyak ni Driother. "Siya na lang nga ang natitirang alaala ng anak kong si Maviel, ganito pa ang sasapitin ng apo ko?" Si Maximus ng pinakapaboritong apo ni Driother dahil ang ibang apo niya ay halos babae.

"Wag Kang mag-alala, Haring Driother, magigising din ang apo mo.

"Si Maximus ang magiging hari ng Thartherus." Sabi ni Driother. Mungkahi niya. Nagulat ang mga tao doon at pati si Xerxez ay hindi makapaniwala.

"Ngunit siya ay Thallerian. At alam ng lahat na si Pyramus ang susunod na hari sa Peronica dahil walang iba na magpapatuloy sa dugo ng Phoenix." Paliwanag ni Harios. "At balita ko, nagpakita na muli ang Phoenix at ang abo ang patunay no'n. Hindi ba?"

"Oo, kaya isasama ko si Pyramus papunta sa lugar kung saan siya nararapat — Ang Peronica!" Sabi ni Pyramia.

"Sabi ni Perlend, kapag siya ay nasa Tamang edad saka ko lang siya hihintulutang kunin mo." Sagot naman ni Xerxez.

"Mapapahamak lamang ang dugong Phoenix sa bansang ito."

"Nakita ko ang Phoenix!" Usal ni Pyramus. "Kinausap niya ako."

"Talaga?" Sabi ni Pyramia.

"Kung ganun totoo nga ang panaginip ko. Sa Phoenix na yon kaya ka nagising." Sabi ni Xerxez. "Kaya naniniwala akong sa symbolong Thartherus ang makakagising Kay Maximus. Kung anong nilalang iyon, tanging ikaw lang Driother ang nakakaalam no'n."

Natahimik si Driother dahil minsan din siyang nanaginip at merong doseng nilalang ang nakatayo.

"Tingnan nyo ang bansang Ossibus, iyon ang lupain ng uwak. Kaya malamang si Matar o sa magiging anak nito ang hihiranging hari ng Corvus." Sabi ni Harios.

"Sabihin mo Xerxez kung ang Orion ay nananatili parin sa lahi ng Thallerion. " Sabi ni Vhalthimoos. "Kinausap ka na ba?"

"Ang alam ko, kapag hinirang ka ng Orion, magiging mahusay ka sa digmaan. Ayon yon sa kwentong narinig ko." Dagdag naman ni Harios.

"Sa bansa namin maraming bihasa sa kagamitan, Armas, at paglalakbay. Kaya nga bantog ang vhorlandrus sa tawag na tools specialist o Warrior's tools. " Sabi ni Vhalthimoos.

Habang nag-uusap sila, si Pyramia naman ay palihim na nakipag-usap Kay Pyramus, at nagtanong ng mga iilang bagay tungkol sa Phoenix.

"Kung ganun, kailangan mong umuwi sa bansang Peronica upang matulungan ka ng mga pantas at mga dalubhasa, upang makontrol mo ang kapangyarihan ng Phoenix."

"Kapangyarihan?"

"Oo apo, Pero wag na wag mo itong ipagsasabi. Lihim ito ng Peronica. Ang sinumang maging hinirang nito ay magiging hari. Daragsa ang mga taong parang anghel upang paglingkuran ka."

"Hindi ba't mga kwentong alamat lamang yan ng Peronica?"

"Sa dugo natin nagmula ang alamat na yan. Kaya mahalaga para sa amin ang panatilihin ang dugong Phoenix sa Peronica. Ikaw Pyramus ang susunod na hinirang ng Phoenix."

"Hindi ako ang Orion, kaya hindi ako ang magiging hari ng Thallerion." Sabi ni Pyramus.

"Wag Kang mag-alala, dahil sa Peronica ay itinuturing ka na nila bilang susunod na hari." Sabi ni Pyramia. "Ang alam ko, matagal na rin hindi nagkaroon ng panibagong Orion dito sa Thallerion, baka nga ang kapatid mong si Maximus ang susunod na Orion king— ngunit apo alam mo bang mas makapangyarihan ang Phoenix, kaya bakit ka pa mangangarap ng iba kung hindi naman nakalaan sayo."

"Lola, ano ba ang dahilan nang pagiging hinirang?" Taka ni Pyramus.

"Ang totoo, malawak ang kahulugan ni'yon, pero para mas maintindihan mo, ito'y palatandaan ng paparating na malaking digmaan... Hindi digmaang tao kundi, digmaang—" lumapit si Xerxez kaya nahinto si Pyramia.

"Anak nagugutom ka na ba?"

"Ama, sa tingin ko—" Medyo naging malungkot ang mukha ni Pyramus nang tumingin siya Kay Xerxez. "Sasama po ako Kay lola papunta sa Peronica."

"Anak, alam mo kung ano ang sagot ko, ngunit kung gusto mo, hindi kita pipigilan." Sabi ni Xerxez . "Pero kung pinipilit ka lang ng lola mo—"

"Masama ba kung sumama si Pyramus sa akin?" Taray ni Pyramia.

Nakaramdam si Xerxez na merong binabalak si Pyramia. Abilidad na ngayon lang niya nararamdaman. "Nais mo hasain ang kapangyarihan ng Phoenix sa pamamagitan ng mga mahuhusay na pantas sa bansa mo?"

"Anong?!!" Nagulat si Pyramia. Ngunit kumalma siya. "Ngunit alam mo ang dahilan kung bakit gusto ko din iuwi si Pyramus sa Peronica, para narin sa kaligtasan niya."

"Bakit mo minamadali ang lahat?"

"Dahil yon ang nararapat, matagal ng naghintay ang bansa na muling bumalik ang Phoenix, at ngayong nagising na ang Phoenix sa katawan ni Pyramus. Bakit pa namin aaksayahin ang oras?"

"Ngunit may paparating na digmaan tayo, kailangan masiguro na hindi tayo masalisihan ng ibang hari. Kung magkataong malaman nila ang tungkol sa Phoenix maaaring tatargetin nila iyon ng una."

"Kaya nga mabuting nandoon siya sa Peronica, dahil ang digmaang paparating ay nakatuon dito sa Thallerion."

"Wala ka bang tiwala sa pamumuno ko dito sa Thallerion? Kung tinatanong mo ang sekyuridad ng anak ko, kailan ma'y hindi ko binabalewala iyon."

"Sasama si Pyramus bukas sa ayaw sa gusto mo. At yon din naman ang gusto ni Pyramus. Gusto niya pumunta sa Peronica, kaya wala ka ng magagawa."

"Yon na ba talaga ang pasya mo Pyramus?" Masuyong Sabi ni Xerxez.

"Ama, naikwento sa akin ni lola Pyramia ang tungkol sa Phoenix, sa tingin ko, kailangan ko muna umalis para..." Pakiwari ni Pyramus.

"Anak, kung labag ito sa kalooban mo, marahil e,

pwede ka muna tumanggi sa lola mo."

"Iniisip mo ba na pinipilit ko ang anak mo para lang sumama sa akin?" Giit pa ni Pyramia.

"Alam mong kagigising pa lang niya....kaya bilang ama, nais ko din ranasin ang mga oras noon na kapiling ko sila palagi."

"Ama, buo na ang pasya ko... sasama ako Kay lola." Buod ni Pyramus upang matigil na ang pagtatalo ng dalawa.

Tumahimik nalamang si Xerxez, at umalis ito sa silid na medyo naging marubdob ngunit nakasalubong niya si Driother at malungkot ang mukha.

"Driother, wag mo muna isipin ang nangyayari ngayon, manalig kang magigising din si Maximus."

***