Chereads / The Legends of the Constellar Kings / Chapter 25 - Chapter 25: Peronica

Chapter 25 - Chapter 25: Peronica

Kinabukasan, maagang naglakbay sina Pyramia papunta sa Peronica. Nakasakay sila sa isang karwahe at meron pang mga gwardyang nakasakay sa kabayo. Hapon na sila nung makarating sa lugar ni Pyramia.

Pagdating nila bumungad sa kanila ang mga mahahalagang tao at konseho upang batiin si Pyramia at si Pyramus. Nakayuko silang lahat.

"Maligayang pagbabalik, Reyna Pyramia. At maging sa prinsipe ng Peronica, ang hinirang ng Phoenix." Sabi ng nangunguna sa pagsalubong sa kanila.

"Pakiutusan mo sila na ibigay Kay Pyramus ang pinakamagandang silid." Utos ni Pyramia.

"Masusunod mahal na Reyna."

"Pakisabihan din sila na sa gabing ito, magkakaroon ng pagtitipon ang buong konseho, lahat sila ay makikisabay sa pagkain ngayong gabi Kay Pyramus."

Naisip ni Pyramia na sa pamamagitan no'n mas madali niya maipakilala si Pyramus sa buong konseho, at pati si Pyramus ay mas mapapadali ang pagtanggap niya sa Peronica kung pati ang mga tao doon ay makikilala niya ng madali.

Kalmado lang si Pyramus ngunit nababaguhan siya na tila ba merong pagbabago sa Peronica, subalit ang buong akala niya na yong ikinekwento sa kanya ng kanyang lola ay kathang-isip lang. "Hindi ko inakalang totoo ang mga nakikita ko dito ngayon." Sa mga araw na yon, tagsibol at malamig ang Klima ng panahon, at sabay sa alindog ng dapit hapon ay nagkaroon ng nakakasiyang tanawin.

"Anu ka ba, sa mga oras na ito ay magtatakip silim na, kaya tiyak di mo pa nakikita ang totoong kagandahan ng Peronica." Tawa ni Pyramia.

"Halika... Ipakikita ko ang dating silid ng nanay mo."

Habang papunta sila sa silid, mariin na man niyang ikinekwento ang buhay na meron si Perlend noon. Si Perlend lang kasi ang nagsilbing nagpapasiya at nagbibigay ng lakas sa kanyang ama. Ngunit sinabi din niya, noong mga panahong nawala si Perlend para silang pinana sa likod at di alam kung saan sila huhugot ng lakas. Ngunit mas pinagtuunan ng pansin ni Pyramia ang mga magagandang alaala ni Perlend, kung paano ito naging matapang, at naging mabuting anak sa kanila.

"Gunita ko pa ang mga alaala ng nanay mo dito sa silid na ito."

"Gusto ko dito matulog." Sabi ni Pyramus. Nabigla tuloy si Pyramia.

"Pyramus, masyado na itong luma, palagay ko di bagay sayo ang lumang silid na ito, baka isipin pa ng iba masyado kitang tinitipid o baka isipin ni Xerxez, di kita binibigyan ng maganda pagtrato."

"Lola, sa silid na ito ako mas komportable."

"Naku, Pyramus simula nang mawala ang nanay mo, ni minsan hindi ko ito pinagalaw o kahit alisin ang lumang gamit niya, kaya marahil may mga alikabok o mga insekto."

"Wag mo ako alalahanin lola, mas gugustuhin kong tumira sa silid na merong bakas ng mga taong mahalaga o parte sa buhay ko."

"Kung ganun, hindi ka mapilit, hayaan mo akong ipalilinis ko—"

"Gusto kong hindi na galawin ang mga gamit dito ni ina." Dagling sagot ni Pyramus.

"Mabuti'y pareho din tayo ng gustong mangyari sa silid ng anak ko. Dahil ito na lang ang nag-iisang alaala niya."

Pagsapit ng gabi, agad na nagtipon-tipon sa hapag-kainan ang mga pinuno at ang mga konseho ng Peronica. Nasa sentro ng mahabang Mesa si Pyramus at lahat ng tao doon ay magalang na binabati siya.

"Isang karangalan para sa ating lahat ang muling pagbabalik ng Phoenix sa lupain ng Peronica." Sabi ng isang tao doon, at nagsitayo ang lahat at yumuko kay Pyramus.

"Ito ang nag-iisang apo ko, si Pyramus... Anak ni Perlend at sa basbas ng Phoenix siya ay hinirang." Sabi ni Pyramia.

"Hanggang kailan tayo aasa sa Thallerion? Ngayong bumalik na ang Phoenix marahil hindi na natin kailangan ang tulong ng mga taga Thallerion!" Suhesyon ng Isa doon.

"Hindi ba't anak siya ng hari ng Thallerion, baka sa huli'y piliin niyang paglingkuran ang Thallerion sa halip na Peronica, Reyna Pyramia." Mula sa kalmadong usapan nagkaroon ng mabibigat na agam-agam.

"Prinsipe, Pyramus!" May tumawag sa kanya. "Marahil narinig mo ang mga agam-agam nila at Isa ako doon sa gustong makarinig mula sa bibig mo kung kanino ka maglalaan ng pamumuno." Sabi ng lalaki na sa tingin ni Pyramus ay mas mataas ang antas sa konseho.

"Wala ba kayong konsederasyon sa kanyang magiging reaksiyon dahil masyado nyong pinupuna ang kanyang magiging pasya." Sabi ni Pyramia.

"Naiinitindihan ko kung bakit ganyan kayo magsalita, natatakot kayo na habang buhay na lang kayong aasa sa bansang pinagmulan ko. Ngunit, masyado pang Maaga para sa mga bagay na ito. " sagot ni Pyramus.

"Ang Thallerion ang nagwakas ng alamat ng Phoenix noon, kaya marahil Isa itong tadhana na sa Thallerion din ang magbabalik sa naglahong alamat ng Peronica. Kaya kahit papaano magpasalamat parin tayo sa mga taga Thallerion." Giit naman ng isa doon.

Habang nag-uusap ang mga tao doon may biglang dumating upang magbalita ng kakaibang pangyayari sa itaas ng kakawakan.

"Mga pinuno!!! Tingnan nyo sa labas meron—" na uutal na ito sa sobrang kaba. "Meron pong mga kakaibang nangyayari."

Agad naman nabahala ang mga nakarinig. Nagsilabasan sila at laking gulat nila nang may lumiliwanag na bagay na parang ibon mula sa malayo ang nagpakita. At dahil bilog na bilog ang buwan, nagsilbi itong liwanag na Apoy sa gitna ng buwan.

"Isa ba itong senyales na bababa na ang Phoenix sa Peronica? "

"Ang Phoenix!!!?" Nagulantang sila sa pagkakaunawa sa sinabi ng isang tao. "Yan na ba ang sinasabi sa alamat?"

"Magsitabi kayong lahat, kayong nasa bulwagan at sa malapad na spasyo!" Sigaw doon. "Nakakapaso ang kanyang presensya kaya huwag kayong magtangkang lumapit o tumingin sa kanyang buong wangis baka kayo'y ma-agnas at maging alikabok. Tanging ang hinirang lang maaaring makalapit at makatingin sa kanyang sikat at liwanag."

"Nararamdaman na natin ang tindi ng init niya, magsitago tayo!!!"

"Pyramus, magtiwala kang magagawa mo ang bagay na ito, nakasalalay sayong mga Kamay ang buhay ng Peronica." Sabi ni Pyramia.

"Anong gagawin ko?" Sabi ni Pyramus.

"Kausapin mo ang Phoenix upang magsanib-pwersa kayong dalawa, nang sa naganun hindi masunog ang buong lupain ng Peronica."

Pinaniniwalaan ng mga Peronica na ayon sa kwento kapag ito ay umapak na sa lupa sa loob ng sampong minuto para ng masunog ang buong paligid nito.

"Kailangan mong haraping mag-isa ang Phoenix, kundi magiging halimaw ito at mas lalo tayong manganganib."

"Paano kung hindi ko magawa ang bagay na ito?"

"Isipin mong nasa iyong mga Kamay nakasalalay ang Peronica."

Naglakas loob si Pyramus na gawin ang bagay na sinabi ni Pyramia. Pagdapo ng Phoenix agad niya hinarap ito.

Napansin nga ni Pyramus na hindi nga siya napapaso kahit sa paligid niya para ng bumabaga ang mga bakal. Tumingin siya sa mukha ng Phoenix at biglang pumasok sa kanyang isip ang salita ng ibon, ngunit kung ito ay madidinig ng mga tao, para lamang itong sumusigaw na ibon. Ngunit sa loob ng isip ni Pyramus, klaradong-klarado ang buses at salita ng Phoenix.

Nauunawaan niya ito, ngunit sinabi sa kanyang huwag ipagsabi ang tungkol sa kanilang pag-uusap. Kung ano iyon, tanging sila lang dalawa ang nakakaalam. Mabilis ang pangyayari, ang malaking ibon ay naging bolang lumiliwanag na kasin liwanag ng araw ay bigla itong umikot-ikot sa katawan ni Pyramus, at nagkarooon ng nakakamanghang pagbabago sa buong katawan niya. Nagkaroon siya ng kasuutang malaginto at kumikinang pa, sa sobrang ganda para itong damit ng dios. Halos di na nila makilala si Pyramus, ang buong akala nila, ang Phoenix ang nakita nilang nagpalit-anyo. Sa mga gabing iyon, tila ba nagmala-umaga ang mga sandali. Pumikit ang gabi ng magsanib pwersa ang Phoenix at si Pyramus.

Naglaho si Pyramus sa mundo dulot ng pagkakaroon ng kakaibang kapangyarihan, pumunta siya sa mundo ng Phoenix na tila isa itong araw. Nagkaroon siya ng marka sa dibdib symbolo ng Phoenix ngunit ito'y lumiliwanag sa mga sandaling ito kasabay sa pulso ng kanyang puso. Umaapoy ang mga mata niya, ngunit maging ang apoy kaya din niya hawakan at maging ang lava ay kaya niyang apakan ng hindi nalulubog. May apoy na kumausap sa kanya. Isa iyong buhay na apoy, na may wangis na hugis tao.

Napunta siya sa mundo ng impyerno kung saan maraming tao ang hinulog at nagdurusa sa apoy at lava.

"Ano ang nangyayari dito?"

"Ito ang kaparusahan sa mga tao na hindi sumusunod at nagbabaliwala sa banal na utos."

"Napakarami nila, tila ba isang buong daigdig ang hinulog dito."

"Dahil marami ng taon ang lumipas, sila na parepareho at paulit-ulit sa kanilang lahi ang mga kasalanan ng kanilang mga ninuno."

"Hanggang kailan sila magtitiis?"

"Walang nakakaalam."

Samantala, hindi na nila nakita si Pyramus, matapos ang matinding liwanag, naglahong kasama si Pyramus.

"Mahal na Reyna, ang prinsipe ay nawawala, hindi ito nauugnay sa kwento!"

"Paanong— hindi maaari! Pyramus, apo ko, nasaan ka?"

"Walang bakas ang makakapagsabi, mahal na Reyna, sapagkat maski man kami ay wala din ulirat sa mga sandaling iyon." Sabi ng sundalo doon.

"Hindi!" Nadismaya si Reyna Pyramia. Napaupo siya sa hagdan ng malapad na spasyo. Sa harap ng kaharian niya.

Kinabukasan din dumating ang balita na ipadala na ang mga sundalo patungo sa Thallerion para sa pangkalahatang paghahanay.

"Gawin nyo ang bagay ayon sa pagtatala nila, at wag nyo ipagsabi ang mga nangyayari dito sa Peronica!" Umalis siya at pumunta siya doon sa mga pantas at mga skolar na mga tao, mga kinikilalang matatalino sa bansang Peronica.

"Halughugin nyo ang buong silid aklatan at sabihin sa akin ang kahulugan sa biglang paglaho ni Pyramus." Utos ni Pyramia.

"Pinatawag ko kayo sapagkat, nais Kong sabihin nyo sa akin ang tungkol sa naganap kagabi, ang paglaho ni Pyramus!"

"Mahal na Reyna, kami rin nagulat sa nangyari. Hindi kami makapaniwala."

"Hindi rin yon nabanggit, ngunit meron kaming agam-agam..." Sabi ng lalaki. "Siya ba talaga ang totoong hinirang!?"

"Nagdududa kayo sa apo ko!" Matulis na sagot niya. "Si Pyramus ang totoong hinirang!"

"Kung ganun, bakit ito pasulong sa agos ng ilog. Kung totoong siya ang hinirang, dapat nangyari ang nangyari sa kwento ng unang hinirang."

"Isa lang naman ang tanong ko, yon ay alamin nyo ang dahilan ng pagbabago!" Inis ni Pyramia.

"Nakalimot ka na ba sa sinabi ng alamat, kapag ang taong hindi hinirang, maglalaho lang ito na parang alikabok!"

Kinabahan si Pyramia. "Ngunit ayon Kay Perlend, nakita nila ang Phoenix!" Pagdedepensa niya. "At ang abo ay patunay na nakita nila ang Phoenix."

"Hindi kaya gawa-gawa lang ni Perlend ang bagay nayan, isipin mo nga naman: umalis siya nang hindi mo man lang nalaman na siya ay mag-aasawa na, na ang buong akala ng lahat patay na siya." Siya si Garith.

"Sinasabi mo bang sinungaling ang anak ko?" Sabi ni Pyramia. "Na ang lahat ng ito ay imbento lang?"

"Kung totoo na siya ang hinirang, dapat hanggang ngayon—buhay ang prinsipe."

"Wag mo akong inisin, Garith!"

"Mahal na Reyna, ang bansang Thallerion ay nagpadala ng dalawang gwarda, sabi ni haring Xerxez, ito daw ang personal na gwarda ni Pyramus."

"Sabihin mong umuwi sila!!!" Sigaw ni Pyramia, uminit ang ulo niya. "At sabihin mo din sa dalawa na hindi kailangan ni Pyramus ang gwarda ng Thallerion!"

Nalilito na si Pyramia dahil sa buong maghapon walang makakapagsabi sa kanya kung ano ang dahilan. Maging ang mga mananaliksik ay wala silang mahanap.

"Mga walang silbe!!!"

"Mahal na Reyna, masyado tayong nabigla ngunit manalig na lang tayo sa prinsipe." Sabi naman ng lalaki na matanda na.

"Paano ako magiging kampante, ang apo ko ay nawawala, di ko malaman ang dahilan. Kaya sabihin mo sa akin, anong dapat Kong gawin, Golan."

"Masyado natayong nakatuon sa makalumang alamat, marahil oras na para buksan natin ang ating isipan sa bagong Kabanata nito." Sabi ni Golan. "Hindi maaaring maulit ang kasaysayan sa hinaharap sapagkat lipas na ito. Gaya ng ilog na hindi umaatras ang agos. Kaya, marahil parti lang ito ng bagong kabanata."