Chereads / The Legends of the Constellar Kings / Chapter 23 - Chapter 23

Chapter 23 - Chapter 23

"Ipinagbabawal man ang bagay na ito sa bayan namin. Ngunit kung sinasabi ni Sargav na hindi na dapat ito matuloy, bilang hari ng Latheruz... Rerespituhin ko ang desisyon niya."

"Ikinalulungkot kong sabihin sa inyo na ang ritwal ay hindi ito madali. Kung sa kalagayan ngayon na may paparating na digmaan... Marahil kung may Isa man na maglalakbay sa dimension...asahan nyong hindi siya makakasali sa digmaan." Sabi ni Fiopso.

"Itigil na ang kahibangang ito!" Sabi ni Driother. "Hangga't natutulog lang ang mga prinsipe at buhay, makakaisip pa tayo ng lunas."

"Umalis na kayo." Sabi ni Pyramia kina Sargav ."Xerxez, hindi natin kailangan ang ganitong paraan." Ang buong akala kasi ni Pyramia ang hindi pagtulong ni Sargav ay sa dahilang ayaw nito, ay dahil pala sa isang nakakatakot na ritwal.

"Mahal na hari ng Thallerion. Ikinalulungkot kong aminin na hindi ko magagawa na tulungan ka para sa gusto mong mangyari, kahit hindi mo sabihin... Ramdam Kong handa ka magbuhis ng buhay alang-alang sa mga anak mo." Sabi ni Sargav.

"Nasasabi nyo lang ang bagay na ito dahil hindi kayo ang nakakaranas ng matinding pag-aalala. Anak ko ang nasa panganib!" Pag-aalpas ni Xerxez.

"Wala tayong magagawa sa kalagayan ng mga anak mo. Kung nais mong ituloy ang binabalak mo, hindi kami papayag na maisakatuparan iyon. Isa Kang Hari ng Thallerion. Tandaan mo yan." Sabi ni Driother.

"Bakit kayo nababahala sa akin. Nandito si Matheros... Anomang oras, siya ang papalit sa akin bilang bagong hari ng Thallerion." Sabi ni Xerxez.

"Xerxez." Nalungkot si Matheros sa pagkakarinig niya. "Ngunit hindi ko matatanggap ang bagay na yon, kung kapalit naman ang buhay mo, Xerxez."

"Hindi na ito tungkol sa isang Hari." Sabi ni Harios. "Kundi tungkol na ito sa isang ama na naghahanap ng lunas para sa kanyang mga anak."

"Kalimutan na ang bagay na ito." Sabi ni Driother. "Sa ngayon, mas mabuti na pagtutuunan natin ng pansin ang napipintong digmaan."

"Hindi maaari!" Umiyak si Xerxez at nagsusumamo na kahit sa puntong ito na pagbigyan siya sa kanyang gustong mangyari ang sumubok sa isang nakakamatay na dimension. Nahilo siya at nang hina.

"Bunga lang ito ng kanyang lubhang pag-aalala sa kanyang anak." Sabi ni Matheros. "Mga kawal dalhin siya pabalik sa kanyang silid.

"Maski man kami ay nababahala sa sitwasyon ngunit sana isipin nya rin ang pwedeng idulot ng ritwal sa buong lupain ng Thallerion, maging sa paparating na digmaan." Sabi ni Pyramia. "Apo ko si Pyramus subalit hindi ako naging panatag sa ritwal na makakabigay ng lunas para magising ang mga anak ni Xerxez."

"Ako ang nag-alok sa Inyo ng ganitong paraan." Sabi ni Harios na nalungkot dahil hindi niya naisip na pwede maging sanhi ito ng matinding pagkasawi. Ngunit ang tanging layunin lamang ni Haring Harios ay para malaman ang lunas o ang sakit ng mga anak ni Xerxez. "Sa dahilang gusto ko makatulong kung ano ang magiging lunas o sagot sa mga kababalaghang nangyayari sa mga anak ni Xerxez."

"Naiintindihan namin, ngunit naging malaki ang epekto nito sa pag-iisip ni Xerxez kaya kahit magbuhis buhay man siya gagawin niya iyon." Sagot ni Driother.

"Kung ganun, ano na ang plano... Malaki ang kabawasan nito sa ating mga dating nabuong plano. " Sabi ni Harios. "Kung magpapatuloy ang pagiging mahina ni Xerxez, hindi malabong pati tayo maaapektuhan niya."

"Si haring Vhalthimoos ay pansamantalang namumuno sa mga hukbong sandatahan. Siya na rin ang pangunahing namumuno sa bawat pinuno ng mga kawal."

Natahimik na rin ang mga kalooban nina Pyramia. Ngunit malungkot pa din si Xerxez. Pinatulog siya ng kanyang mga Nars sa kanyang kwarto pagkatapos siya alalayan at pinakain. At mula ng ipikit niya ang kanyang mga mata. May tinig siyang narinig. Isang lalaki. Makisig at buo ang boses nito para itong Isang kawal na mandirigma. Hindi niya ito nakikita ngunit ramdam niya sa boses ang makisig na pagkatao nito.

"Oras na para wakasan mo ang mga kalungkutang ito." Sabi ng Isang tinig.

"Ikaw ang karapatdapat maging Orion." Sabi ng tinig na ang ibig sabihin ay pinili niya si Xerxez na maging mandirigma at tagahuli ng mga kaaway.

"Sino ka?" Sabi ni Xerxez.

"Ako si Rigel. Hari ng Orion... Ngunit sa mundong ito kailangan ko ang tulad mo na maging aking mga mata, bibig, at mga tainga, at mga Kamay at paa. Dahil isa Kang matapang na tao, at na sa iyo ang katangian na hinahanap ko. Ang hindi pagsuko sa anumang pagsubok na iyong naranasan."

Biglang nalipat si Xerxez sa ibang Dimensyon puno ito ng mga dambuhalang statwa na parang mga chess. At ang mga inaapakan niya ay checkered board. Ngunit biglang nagbago ulit at napadpad naman siya sa gitna ng digmaan. At nakita niya ang mga asong katulong ng mga mandirigma. Mga kabayo na sinasakyan din ng mga mandirigma.

Nakita niya kung paano makipaglaban ang mga tao, madugo ang laban at may mga sumasabog pa. Kinabahan din si Xerxez dahil akala niya nasa totoo siyang digmaan. Ngunit isa lamang yon mga palabas o mga pangyayari na nangyari na.

"At ngayong araw na ito, hinirang kita bilang hari ng Orion. Ngunit kailangan mo muna patunayan sa akin kung karapatdapat Kang pagkatiwalaan ko ng kapangyarihan, sa iyong paparating na digmaan bibigyan kita ng Talento at karunungan na magagamit mo sa inyong digmaan."

May biglang lumitaw na biswal sa harapan niya. Nakita ni Xerxez ang Isang maladyamanting bagay na lumiliwanag. "Isa itong bagay na nakapaloob sa mga tao mula ng sila ay isilang. Kayong mga tao ay taglay nyo na ito, ngunit nais Kong ikaw ang maging tagabantay at tagapagtanggol laban sa mga masasamang nilalang na lilitaw sa nalalapit na panahon. At yon ang pinagsasamantala ng mga kampon ng Draco."

"Ano ba ang mga bagay na pinagsasabi mo?"

"Tandaan mo, hindi lahat ng mga constellar ay nagsasabi ng totoo. Lahat sila ay may kanya-kanyang layunin kung bakit gusto nila makakunekta sa mga tao."

"Maraming digmaan ang darating, kailangan mo ng sapat na karunungan sa pakikipaglaban, pakikituos , at sa paggamit ng mga sandata. Magkakaroon ka din ng kakayahan sa pananalita na kayang buksan ang kasinungalingan ng ibang Tao at mga sekreto nito."

"Kung ganun, tinutulungan mo ako sa paparating na digmaan namin?"

"May Punto ka ngunit mas may digmaan pa na dapat paghandaan ng mga hinirang. At ang tinutukoy ko ay digmaan ng mga tao laban sa mga masasamang constellar souls, at ang Draco na hari ng kasamaan."

"At ang tungkol sa mga anak mo, huwag kang mag-alala... Magigising din sila sa takdang panahon."

"Ipaliwanag mo sa akin ang tungkol sa nangyayari sa mga anak ko!"

"Sila ay nasailalim ng sumpa ni Eltanin, Hari ng Draco. Sa mga oras na ito na doon sila sa isang dimensions na akala nila totoo na meron silang kapangyarihan at abilidad. Ngunit isa lamang yon bangungot."

"Hindi iyon sakit!?" Sabi ni Xerxez na nanggilalas. "Nakakita ako ng dragon!" Sabi ni Xerxez nahalos ibuhos niya ang kanyang sarili maipaliwanag lang ang matagal na niyang saloobin tungkol sa dragon ngunit dahil walang naniniwala sa Kanya kaya para siyang baliw sa paningin ng ibang tao.

"Ang totoo, hindi pa yun ang totoong anyo ng dragon. Yon ang anyo ni Eltanin sa anyong laman ng hayop. Nakagawa siya ng paraan upang hindi siya maging constellar soul na sa panaginip lang makakakonekta sa tao.

"Ano?!"

"Gaya ng nakita mo na lumilipad , ngunit pinakahalimaw ito sa lahat ng halimaw na nabubuhay sa buong kalawakan. Ngunit kung nakita mo ang anyo niya sa ganoong wangis, ibig sabihin mahina siya at walang kapangyarihan na kunin ang anak mo na si Pyramus. Patunay lang iyon na spesyal ang mga anak mo na magkakaroon ng kakaibang kapangyarihan."

"Ngunit huwag Kang matakot, dahil hindi tatagal matatapos din ang kanyang paghahari at pagpapahirap sa mga tao."

At doon na nagising si Xerxez. At laking gulat niya nang makaramdam siya ng pagbabago sa kanyang katawan.